“Atee! Musta?”
Napangiti ako ng makita ang maligayang mukha ng kapatid kong si Tania habang nag-video call.
“Okay naman, kayo? Musta kayo dyan…si Kuya Maru mo?” Napanguso siya saglit bago sumagot.
“Nahihiya raw po siya sa inyo, Ate. Pero nung nabasa niya ang lsm mo, ayun, maliwanag na ulit ang mukha niya.” Natawa naman ako bigla sa sinabi ni Tania, salamat kung ganun.
“Oo nga pala, Ate. Nabigla po talaga kami nung una sa mga bodyguard. Hindi ko naman inakala na ganun ang bodyguard na ipapadala ng katrabaho mo.” Dagdag niya.
“Bakit? Normal na guard. Yung mga nasa mall o mga building, ganun. Yun kasi ang sabi ng katrabaho ko sa akin e.” Kumunot ang noo ko dahil dun.
“Hindi, Ate! Promise, kung makita mo lang. Parang mga pang-mayaman, ganun.” Pinanliitan ko lang si Tania ng mata bago bumuntong hininga.
“Basta ang importante, safe kayo dyan.”
Ilang oras pa kami nag-usap ni Tania bago niya binaba ang tawag dahil may pasok na raw siya. Malaya na akong makagalaw kasi tapos na ako sa daily trabaho ko na hindi ko naman nagagawa dahil si Kvein ang umaako. Wala namang problema sa akin dahil parehas naman kami dito nagtatrabaho.
“Really? Katrabaho is the term you used for me.” Inirapan ko lang siya at tumayo sa kama ko. Ewan ko ba sa lalaking ito.
Napapadalas na ang pagsulpot dito sa kwarto kapag wala nang ginagawa. Palibhasa kasi ilang araw nang walang halik. Ganun talaga lalo na anim na buwan na. Ilang buwan na lang, kakaway na sa akin ang anak ko. Kaya wala rin talaga ako sa mood makipaglandian.
“Eh ano, gusto mong pakilala ko?”
“Boyfriend?” bulong pa niya na parang kinikilig. Abno.
“Ewan ko sa'yo, ikaw ba ay nakinig sa sinabi ni Sir Kez kanina?”
Habang naghuhugas ako ng pinagkainan kanina, tinawag siya ni Sir Kez dahil may papabili ata. Tapos ngayon, mukhang nalimutan na niya na may kailangan siyang gawin. Tinaasan lang niya ako ng kilay.
“He said I should buy groceries.”
“Oh, edi mamili ka na. Baka napansin ni Sir Kez na wala nang stock, kaya ganun.” “Come with me?” bulong niya na parang di pa siya sigurado.
Napaisip din ako. Simula nang mapunta ako dito, hindi na ako masyado nakakapunta sa kung saan-saan. Dahil palaki na rin ng palaki ang tiyan ko. Pero ngayon, parang gusto kong makalabas. Hindi naman kami siguro magtatagal. Tuwang-tuwa naman ang lalaki habang inaalalayan niya ako papasok sa grocery. Nagdadalawang-isip din kasi siya kung isasama niya ako o hindi. Kasi for sure raw na nahihirapan ako maglakad. Wala e, gusto ng buntis makalibot-libot.
“Get what you want, okay?” Hindi ko siya pinansin habang nakakapit sa braso niya at habang tinutulak niya ang push cart. Binuksan niya ang cellphone niya na iPhone, wow naman.
Pinanood ko lang siya habang kinukuha ang mga nakalista doon. Pagdating sa sweet section, bigla akong nag-crave sa chocolates. Ano ba 'yan, mukhang mamahalin pa naman ang grocery na 'to. Pero nagulat ako nang tumigil kami doon at hinarap ako ni Kvein.
"Which one?"
Umiling ako at nag-iwas ng tingin. Narinig ko ang mahinang tawa niya bago hawakan ang baba ko at dahan-dahan na hinarap sa kanya. At para bang walang taong nakapalibot sa amin, na para bang may sarili kaming mundo kung halikan niya ako kahit saglit lang.
"Choose," bulong niya sa labi ko.
Minsan lang naman at ipapaalam ko rin 'to kay Sir Kez. Kumuha ako ng ilan, at paglagpas halos mapaubo ako nang makitang dumoble ang mga kinuha kong chocolates. Talaga tong lalaki na 'to. Nakailang tanong na rin siya kung kaya ko pa raw maglakad. Tumatango lang ako. Hindi pa naman ako nakakaramdam ng pagod at nag-e-enjoy kasi first time kong makapunta sa ganitong grocery na mukhang mamahalin.
Hindi rin nakalagpas sa akin ang ilang babae na nakakasalubong namin na may kaya ang datingan, na grabe makatingin kay Kvein. Hindi ko naman sila masisisi; abnormal lang talaga 'to, pero grabe pa sa grabe.
Habang nasa isang section kami, may isang lalaking lumapit sa amin at magalang na yumuko, na ikinakunot ng noo ko.
"Sir---."
"Musta pare!" Parehas kaming nabigla ng lalaking lumapit sa biglang aksyon ni Kvein. So… kilala niya ang lalaking 'to?
"Katrabaho ko pala dati," pakilala ni Kvein, kaya agad akong humarap sa lalaki na parang nag-aalangan na tumango.
"Nice to meet you," nakangiti kong sabi.
"Mauna na kami ng misis ko, pare ah, bye!" Nagtataka akong napatingin sa kanya nang dahan-dahan akong nilayo sa lalaki.
"Eh, hindi ba dapat magkwentuhan muna kayo kasi katrabaho mo 'yun?"
"Oh, we're not close." Napailing na lang ako sa sinabi niya.
Bigla naman akong natawa nang maalala kung paano siya magtagalog kanina. Bagay naman sa kanya, kaso may accent talaga. Ang arte kasi. Pero nakakahanga lang kasi iba't ibang trabaho na pala ang napasukan niya noon. Hindi lang halata pero mukhang masipag naman pala talaga siya.
Saglit akong napahiwalay sa kanya at tinitigan ko siyang seryosong nakatingin sa hawak. Hindi ko man siya ganun katagal kakilala, pero parang mas matagal ko na siyang nakasama kay Benedict. Kahit kadalasang samahan naming ay pikunan, parang patagal ng patagal mas nagiging komportable na ako sa kanya.
Abnormal lang talaga siya minsan, pero grabe kung mag-alaga. Sana kung ano man ang pinapakita niya sa akin ay talagang totoo. Hindi ko na alam ang gagawin ko kung hinayaan ko na namang magtiwala sa taong nagpaparamdam sa akin na may halaga ako.