“Maya na lang ako tawag,” paalam ko kay Tania at nakangiti itong tumango bago pinatay ang tawag.
Labada day ngayon, pero dahil automatic naman ang washing machine ni Sir Kez, hindi na ako nahihirapan. Bago mag-seven ng umaga, nagluto na ako ng almusal at pinasabay na rin ni Sir Kez na kumain. Hindi ko pa nakikita si Kvein simula kagabi. At matapos maghugas ng pinagkainan, nag-ayos na ako ng mga labahin. Noon palang, gustong-gusto ko nang maglaba ng maaga para maaga itong matuyo at sa hapon ay makatupi na. Pero dahil automatic naman, hindi na siya ganun kabigat.
Nanibago pa nga ako nung una. Manonood na sana ako sa YouTube, pero nahuli ako ni Sir Kez, kaya siya na mismo ang nagturo sa akin. Ako lang ang mag-isa dahil papasok na raw si Sir Kez sa trabaho.
Habang inaantay ang naka-salang sa washing, nagwalis-walis muna ako sa loob ng bahay, hanggang 2nd floor. Maliban sa kwarto ni Sir Kez at ilang guest room, dahil ipapalinis naman daw ito ni Sir Kez kapag may papuntang bisita.
Saan kaya ang kwarto dito ni Kvein? At himala, late siya ngayon. Dati kasi, ilang minuto lang ang lumipas, bumababa na rin siya. Ano naman kaya ang pinagkaabalahan ng lalaking ito kagabi? Mukhang puyat na puyat siya.
Sinigurado kong malinis na ang 2nd floor at dahan-dahan na akong bumaba para silipin ang washing kung tapos na. Nang makitang tapos na, kinuha ko na ang mga ito at nilagay sa basket bago pumunta malapit sa garden dahil nandun ang sampayan. Hindi naman ako nahihirapan sa pagyuko at pagbubuhat dahil parang mga trolley ang ilang basket at pwede itong i-adjust pataas, kaya hindi na ako yuyuko.
Matapos kong magsampay, pumasok muna ako sa loob para uminom ng tubig. Habang umiinom, nakarinig ako na may pumasok sa harap ng pintuan ng bahay. Pero hindi ako kinabahan dahil hindi makakapasok ng basta-basta sa bahay na ito dahil sa mga bodyguard ni Sir Kez.
Hinugasan ko ang baso at binalik ito sa lagayan. Paglakad ko palabas ng kusina, hinanap ko agad kung sino iyong pumasok. Nagulat ako nang makita si Kvein sa sala, nakaupo sa sofa na parang pagod na pagod. Ano naman nangyari dito? Paglapit ko, nakita ko ang buong kasuotan niya.
Napataas ang dalawa kong kilay sa nakita. Nakatakip ang braso sa kanyang mata. Pinagmasdan ko naman ang suot niya na parang… suot ng mga pang-opisina o mataas na ranggo sa opisina base sa mga nakikita ko noon sa kumpanya. Ang tailored suit na kulay itim ay kapareho ng pants. Nakabukas na ang butones nito kaya kitang-kita ang crisp dress shirt na puti at nakabukas ang tatlong butones. Isa rin sa nag-uwi ng tingin ang Rolex na suot niya at ang makintab niyang black leather shoes.
Napalunok ako habang pinagmamasdan ko ang kasuotan niya. Para siyang Adonis na nakasampay sa sofa. Dahan-dahan akong naupo sa katapat niyang sofa. Ilang minuto ang nakalipas, bigla siyang gumalaw-galaw. Nag-unat-unat pa ito at tinitigan ang kisame—napakaguwapo niyang nilalang. Kakaiba nga lang ang ugali. Si Kvein ang tipong luluhuran talaga ng mga babae. Mukhang masungit pero hindi tatalab sa mga babae.
Paglingon niya sa paligid, at nang mapunta sa akin, nanlalaki ang mga mata niya at umayos ng upo. Di ba, ang normal na attitude niya. “You’re here,” nakasimangot niyang sabi sa malalim na boses. “Ano nanaman ang meron?” walang buhay na tanong ko dahil romantiko ko walang kwenta nanaman ang patutunguhan nito. “N-Nothing.”
“San ka galing at ganyan ang suot mo?”
Nanlaki bigla ang mata niya at napalunok. Ano naman ang nakakagulat dun? Di siya aware sa mga suot niya kaya siya nabibigla? Pero in fairness, ang ganda ng lahat ng suot niya. Parang pang-mayaman. “I tried to apply for some work,” walang emosyon na sabi niya na ikinataas ko ng kilay.
Pero ayoko nang magtanong, baka sabihin masyado naman akong tsismosa. Kaya tumango-tango na lang ako sa sinabi niya. “Don’t bother. I just bought everything I wear in Divisoria.” Pinanliitan ko lang siya ng mata bilang sagot. Anong "don’t bother"? Lakas talaga ng tama nito. Tumayo na lang ako at bumalik sa labas sa trabaho ko. Habang busy ako sa labas ng trabaho ko, maya’t maya lang ay nakita ko na lang si Kvein na lumabas at naglakad papunta sa pwesto ko. Nakapangbahay na siya at nakatingin lang sa akin.
“Where's my kiss?” nakanguso niyang sabi na inirapan ko lang.
Lumapit siya sa akin at parang naglalambing na niyakap ako.
“May trabaho ako oh.”
“I know, just a kiss. I’m tired from work.” Napatigil ako nang haplusin ng hinlalaki niya ang pang-ibaba ng labi ko. At wala na akong ibang makita sa mga mata niya kundi pagnanasa.
“Akala ko ba nag-apply ka ng trabaho?”
“Shh, I’m just tired that’s why my words are flying.” Sasagot pa sana ako nang halikan na niya ako. Naibuka ko ang labi ko nang panggigilan niya ang dibdib ko at nararamdaman kong tumitigas ang aking n*****s. Pinasok niya ang kanyang dila at nakipaghalikan na rin ako na parang uhaw na uhaw.
Sipsip...kagat...laban dila sa dila. Kinagat ko ang pang-ibabang labi niya habang ang dalawang kamay niya ay naglalaro sa magkabilang dibdib ko. Maliban sa init ng araw, mas lalo kong nararamdaman ang init ng katawan ko na parang uhaw na uhaw palagi sa kanyang mga halik. Mga halik niyang nagpapawala ng katinuan ko. Mga halik niyang nagpapabasa sa aking p********e. Bumitaw ako sa halikan namin at hinihingal na tumitig sa kanya at sa mapula niyang labi na nakabuka. Masuyo niya akong hinalikan sa labi ng saglit at pinaggigilan ang aking pwet.
“Rest, I’ll do the laundry,” sabi niya sa paos na boses dahilan kung bakit napakagat ako ng aking pang-ibabang labi.
“Ako na.”
“No, no preggy. I can do this.” Napabuntong hininga na lang ako at hinayaan na siya. Mukhang sanay na sanay naman siya sa gawaing bahay, kahit madalas lang talaga siyang nagrereklamo. Kaya sigurado na ang swerte ng mapapangasawa niya. Habang pinapanood siyang nagsasampay, napansin ko na nakabihis siya ng gray na sweatpants at namula ang aking pisngi nang makita kung gaano kahalata ang nagagalit niyang mundo.