CHAPTER 10

775 Words
“Why am I not allowed to go home early?” Nakangisi sabi ni Sir Kez. Yumuko naman ako bilang paggalang. Samantalang ang lalake na ‘to ay nakasimangot. Kung makaasta, akala mo anak siya ni Sir Kez. “Mabuti naman po at nakauwi kayo ng ligtas,” magalang na sabi ko. Sinilip ko naman ang katabi ko na nakasimangot pa rin. “Ikaw, Kvein. Hindi mo ba ako babatiin?” umirap muna ito bago pekeng ngumiti. “You should enjoy your stay there.” Pagkasabi niya nito, umalis na siya. Siraulo talaga. “Anyways, ganyan talaga ang batang ‘yan. Okay naman kayo dito nang umalis ako?” Bigla akong nakaramdam ng hiya. “O-Opo,” tumango-tango naman ito. “I need to rest. Ikaw din, you should get some rest.” Dahil wala na ring gagawin, naisipan kong magpahinga na nga lang din sa kwarto ko. Sakto namang tumatawag si Ekang sa cellphone ko kaya agad ko itong sinagot. “Hello, Ekang. Musta?” “Ikaw, kamusta ka diyan? Hindi ka naman nila inaapi?” Natawa ako bigla. Kahit ilang beses kong sabihin sa kanya na mabait ang amo ko, parang ayaw na talaga niyang paniwalaan. “Oo nga, e ikaw? Musta naman dyan sa... kumpanya?” Hindi ko mapigilang hindi mapanghinaan nang banggitin ko ang dulong sinabi ko. “Eto, as usual, ganun pa rin. Hindi ko makausap ‘yan si Benedict; demonyo siya.” Naiinis na sagot niya sa akin na ikinatawa ko. “Paano papakausap e alam na may kasalanan siya?” Biro ko. “Sabi ko naman kasi sa’yo, gago si Benedict.” Napabuntong hininga na lang ako. Hindi ko maiiwasang hindi siya mainis sa nangyayari. Dahil noon pa lang, inis na inis na siya kay Benedict. “Oo nga pala. Isa pa sa nakakalungkot na ibabalita ko, hindi na dumadaloy dito yung apo ng boss natin; nakakainis! Simula nang mawala ka dito? Parang sinundan ka ang peg.” Natawa naman ako sa sinabi niya. “Wag na kasi ‘yan! Masyadong mataas naman kasi.” “At least deserve naman iyakan. Basta ikaw na bahala mag-move on.” Napailing na lang ako; siraulo talaga tong babae na ‘to. “Kamusta naman sila Maru at Tania?” “Nako, wag ka mag-alala sa kanila. Under control naming ‘yan ni Lola. Pero medyo nakakakutob na si Maru about sa inyo ni Benedict.” Napasapo ako sa noo ko. Dahil noon pa lang, ayaw na nila kay Benedict. Hindi naman sa iniingatan ko si Benedict sa kanila, pero kasi natatakot ako baka ano ang magawa nila kay Benedict, lalo na't siraulo pa naman yung ex ko na yun at kung anong iganti sa kanila. "Wag mo nalang banggitin. Oo nga pala, may tanong ako sa'yo." "Oy, baka lumalablayf ka na dyan ah. Siguraduhin mong papantay yan sa level ng apo ng boss natin." "Hindi ko pa nga nakikita mukha nun. Pero…diba sa buntis, normal lang naman maging horny?" alanganin na tanong ko. "Oo naman, bakit?" natahimik ako sa tanong niya. Oo nga naman, bakit kailangan kong magtanong? "Teka…may nagpaparamdam ba sa katawan mo ng init?" nakagat ko ang labi ko at nakaramdam na ng pagsisisi. "Natanong ko lang naman. Wag ka nga mag-assume." "Asuus, basta yummy ah." Puro asaran nalang ang nangyayari sa pag-uusap naming hanggang sa may tumawag sa kanya na gwapong boses at nagmamadali siyang nagpaalam bago ito ipatay. Mukhang may hindi naichichismis ang kaibigan kong yun ah. Niyakap ko ang cellphone sa dibdib at pinag-iisipan kung isesearch ko ba si Benedict sa isang account ko na hindi naka-block sa kanya. Masakit pa rin talaga, kahit akala ko okay na ako. Pero kapag naaalala ko lahat ng masasayang alaala naming, mas lalo akong nasasaktan. Tapos mauuwi lang sa pagta-traydor dahil lang sa posisyon sa kumpanya. Pero…kailan siya nagsimula makaramdam ng ganyan sa akin? Noon pa ba? Pinunasan ko ang mga luhang tumutulo mula sa aking mga mata. Ang sakit-sakit pa rin. Hindi biro ang ginawa niya sa akin. Dahan-dahan kong tinype ang pangalan niya sa f*******: at tinignan lahat ng mga pinopost niya doon. Karamihan, puro shared post tungkol sa pagiging successful niya at ilan naman ay mga gala kasama ng mga katrabaho naming. Pero mukhang wala pa siyang girlfriend ah. Binitawan ko ang cellphone at nagpatuloy sa pag-iyak. Gustong-gusto ko na kitang kalimutan, Benedict. Napaka-gago mo. Hindi ko deserve ang isang katulad mo. Kaya kahit kailan, wala kang karapatan sa anak natin. Ipaglalaban ko yan hanggang kamatayan. Hinding-hindi ako magpapakatanga sa'yo. Tama si Ekang; dapat sa mga lalaking katulad ng sinasabi niya ang patulan ko. Hindi katulad ni Benedict. Hay, sana makilala ko ang lalaking yun.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD