Hindi ko alam kung matutuwa ba ako na andito na si Sir Kez, lalo na tuwing nakikita ko ang busangot na mukha ni Kvein. Parang bata talaga. Katulad na lang ngayon, kumakain kami ng tanghalian habang nakaupo si Sir Kez sa gitna. Magkatapat naman kami ni Kvein. Kanina pa kami nag-uusap ni Sir Kez tungkol sa kung ano-ano, pero siya'y tahimik lang habang kumakain.
“We should visit an OB this week.” Napatigil ako sa pagsubo at napatingin kay Sir Kez.
“Po?”
“Malapit ka na mag-6 months. You should have check-up every month. Don’t worry, hindi ko ikakaltas sa sahod mo,” nakangiti niyang sabi sa akin. Napahaplos naman ako sa tiyan ko.
Sino ang hindi tatanggi sa ganyang offer? Para sa anak ko, sige.
“Maraming salamat po, sir. Kung busy po kayo—“
“No worries, there is always time for rescheduling—“ hindi na natapos ang sasabihin ni Sir Kez ng pinutol ito ni Kvein.
“I’ll come with her,” malamig niyang sabi na ikinangiti ng malaki ni Sir Kez.
“Much better.”
Hindi na nasundan pa ang usapan tungkol sa OB ng umalis na si Kvein at umakyat na papuntang 2nd floor.
“That kid,” umiiling na sabi ni Sir Kez na hindi ko na lang inimikan.
Gusto kong magtanong tungkol sa trabaho ni Kvein dito. Hindi ko maiwasan na hindi magtaka talaga. Parang chill-chill lang talaga siya dito, lalo na kay Sir Kez. Kahit sabihin natin na matagal na silang magkakilala, pero hindi pa rin ako makakuha ng ideya. Pero nahihiya naman ako magtanong. Baka kung saan-saan pa mapunta at malagyan pa ng malisya.
“You wanna ask something?” napalingon ako agad kay Sir Kez na nakangiti.
Ganun ba kahalata ang mukha ko?
“Ah…wag niyo po sana masamain, pero…nagtataka lang po kasi ako sa trabaho ni Kvein. Una…di na po siya masyado nagpapasok bilang janitor sa kumpanya. Tapos lately, sabi niya sa akin ditto na rin daw po siya magtatrabaho kasi natanggal na raw po siya sa pagiging janitor.”
Napalunok bigla si Sir Kez bago tumango.
“Honestly, matagal ko nang kilala yang si Kvein. Tintrato ko na rin siya bilang anak. Alam mo naman, minsan may pagka-abnormal ang isang yan kaya siguro natanggal siya bilang janitor. Kaya nag-offer na rin ako sa kanya dito.” Hindi man nasagot ang tanong ko ng buong-buo, tumango na lang ako. Ayoko na magtanong pa ng napakarami.
Pagkatapos, nagligpit na ako sa lamesa at naghugas ng mga kinainan. Napaigtad naman ako ng may biglang yumakap mula sa likuran ko at hinalik-halikan ang batok ko.
“I’ll wash the dishes,” bulong niya na parang naglalambing.
“Ako na, akala ko di ka na bababa.”
“I’m just pissed. Let me do the dishes.” Tumango na lang ako at binigyan siya ng espasyo. Sabagay, kaming dalawa naman ang nagtatrabaho dito kaya okay lang ito.
“Andito na si Sir Kez, kaya wag ka nang malandi,” sabi ko ng halikan niya ako saglit sa labi.
Umirap naman siya at nakasimangot na naghuhugas ng plato. Kahit kailan talaga, ang pagiging moody nito, everywhere.
“We didn’t kiss earlier.” Bulong niya na malungkot.
“Oh tapos?” bigla naman siyang napalingon sa akin na parang nakakagulat ang sinabi ko. OA talaga.
“You feel nothing? While I…”
“OA ka lang. Magtigil ka nga.” Inis na sabi ko sa kanya.
Iniwan ko siya at pumunta na sa kwarto dahil wala namang gagawin pa. Mamayang hapon pa naman ako magdidilig at hindi ko pa alam kung anong kakainin mamayang gabi. Dahan-dahan akong nahiga sa kama at tinignan ang cellphone. Napakunot-noo ako ng makita ang ilang missed call ni Ekang. Nakaramdam ako ng kaba kaya dali-dali ko siyang tinawagan.
At nang sagutin niya ito, para siyang hinihingal.
“Jusko, Kiara.” Mas lalo akong kinabahan sa tono ng boses niya.
“A-Ano nangyari?”
“Nalaman ni Maru anong ginawa sa'yo ni Benedict. Hindi ko alam kung paano niya nalaman o kung sino ang nagsabi sa kanya! Kasi alam mo naman na iniingatan natin na malaman niya.”
Napasapo ako sa bibig ko ng marinig iyon. Kilala ko ang kapatid ko. Simula nang mawala ang magulang namin, pinaramdam ni Maru sa amin ni Tania na parang siya ang tatay na poprotektahan palagi. At alam ko na ang maaaring niyang gawin o ginawa sa ngayon kaya hindi ko maiwasan na hindi kabahan lalo.
“H-Hindi ko alam kung ano ang pinakasimula, basta nakita ko na tinadtad niya ng suntok si Benedict sa labas ng opisina. Basta ang sabi-sabi… inantay daw talaga ni Maru si Benedict sa labas… at… ayun naa…”
Napapikit ako sa narinig. Inaasahan ko na 'yan, pero natatakot ako sa pwedeng magawa ni Benedict bilang ganti.
“A-Asan si Maru ngayon? Okay naman siya? Wala naman ginawa sa kanya si Benedict pabalik?”
“Walang galos o kahit anong sugat si Maru. Nakakapagtaka lang, hindi nanlaban si Benedict. E diba yang ex mo palapatol? This time, teh, hinayaan lang niya si Maru na suntukin siya… kung iisipin mo, parang hinahayaan niya si Maru parusahan siya sa ginawa niya sa'yo… pero teh, hindi. Iba ang kutob ko… pakiramdam ko talagang hinayaan niya si Maru dahil nung inawat sila… kitang-kita ko ang pag-ngisi ni Benedict na parang nagtagumpay siya sa plano niya.”
Napasabunot ako sa sariling buhok at hindi alam kung saan ako lilingon nang napatigil ako ng makitang nakasandal si Kvein sa bukas na pintuan ko na parang narinig niya lahat ng pinagusapan naming ni Ekang. Nakatitig lang siya ng malamig pero hinayaan ko lang siya.
“Nasan si Maru ngayon?”
“Andito, hindi muna namin pinapalabas ni Lola.” Napatango-tango ako.
“Salamat sa pagbalita. Mag-iisip muna ako ngayon kung paano. Update-update mo ako, Ekang. Ikaw na muna bahala kay Maru.”
“Oo, huwag ka masyadong mag-stress. Gusto lang kita sabihan para aware ka.” Pagkatapos ay pinatay ko na ang tawag.
Naupo naman sa tabi ko si Kvein.
“I heard everything.” Bulong niya. Chismoso talaga.
Dinampian naman niya ang labi ko ng matamis na halik. Limang dampi bago niya pinalaliman na hinayaan ko naman. Pero hindi rin nagtagal, humiwalay din ako.
“Alam mo ba? Dapat na lamang nating patayin ang iyong minamahal na ex.” Ma-drama niyang sabi, siraulo.