Hindi ako nakatulog ng maayos kakaisip sa balitang sinabi ni Ekang. Masyado talaga akong bulag sa pagmamahal ko kay Benedict at hindi ko nakikita ang tinatago niyang ugali. Sana hindi magmana ang anak namin sa kanya kahit isang piraso. Hindi deserving ng anak ko ang ganyang tatay.
“Wag ka mag-alala. Sa ngayon, umuuwi pa naman si Maru galing school na buong-buo.” Napahinga ako ng maluwag sa sinabi ni Ekang.
“Maraming salamat.”
Napatitig na lang ako sa patay na cellphone. Ilang beses kong sinubukan kausapin si Maru pero ayaw niya. Hindi niya sini-seen ang mga message ko, mga text ko, at pati mga tawag ko. Alam kong masama ang loob niya at naiinis siya sa mga pangyayari. Kaya hindi niya ako magawang makausap dahil alam ko na ang nangyari sa akin ay isang paalala sa kanya na hinayaan niya akong kay Benedict.
Pero wala naman talaga siyang kasalanan. Kasalanan ko ang lahat ng ito. Kung nakinig lang talaga ako sa kanila noon pa man, edi sana walang ganito na pangyayari.
“What did your friend say?” Umangat ang tingin ko kay Kvein na ngayon ay nakaupo sa tapat na sofa habang pinapaikot ang alak sa baso na hawak niya, habang seryoso ang tingin.
“Umuuwi naman ng ligtas ang kapatid ko.” Tumango-tango siya at uminom ng alak sa kanang kamay. Aga-aga naman ang pag-inom nito.
“Still, your relief for now, but who knows what your lil’ ex will do.” Seryoso niyang sabi.
Alam ko iyon. Lalo na sa nangyari sa akin, alam kong anytime ay gaganti si Benedict. Lalo na’t mataas ang sahod niya.
“Hindi ko pa alam,” bulong ko.
Lalo na’t buntis ako. Wala akong pera, eto ang mapanakit na realidad. Matapang man ako, kaya kong harapin si Benedict pero sa ibang paraan, hindi ko na alam. Dahil ang mundo ngayon ay umiikot na ang lahat sa pera. Pwedeng-pwede ni Benedict na baliktarin ang lahat. At kahit luha pa ako ng dugo, wala akong mailalaban. Pero kahit ganun, hindi ako susuko. Makapanganak lang ako ng ligtas, kahit mag-physicalan pa kami, wala akong pakialam.
“Calm down, stress is not good for the baby. Kisses are,” sinimangutan ko siya sa mga walang kakwenta-kwentang bagay na pinagsasabi.
“Paano ako kakalma? Anong laban ko sa ex ko? Malaki na ang sahod niya. Anytime, pwede niyang baliktarin o mas masahol pa ang pwedeng mangyari.” Umirap lang siya at inubos ang alak na iniinom bago nilagay ito sa sala table na nasa tapat namin.
“Stop thinking that your ex is the only one who can control things. You’re just boosting his ego more. Look down on him,”
“Edi sino? Sino sa tingin mo ang pwede kong maiharap? Sige nga, mahirap lang ako!” singhal ko sa kanya. Pero tinignan niya lang ako na parang mali na naman ang nasabi ko.
“Me.” Sabi niya at nagkibit balikat pa. Kahit kailan, never talaga itong nagseryoso.
“Anong ikaw?”
“I can help you with him.” Sabi niya at ngumisi.
Sige, baka sabihin naman kasi nitong masyado akong judger. Pagbigyan natin. Baka may mga pagkakataong nagseseryoso rin ito.
“In one condition.”
Binabawi ko na pala ang sinasabi ko na nagseseryoso ito.
“What? Hello, ikaw na mismo ang nagsabi na sa mundong ito, pera na ang umiikot sa mga palad.” Sabi niya ng makita kung paano ko siya simangutan.
“Wala nga akong pera.” Umirap siya na naiinis na. Aba, siya pa talaga ang may gana na mainis, ah.
“It’s not money, but soon. When I need it, I’ll tell you right away.” Wala akong choice.
“Sige, ano naman ang maitutulong mo sa akin?”
“Well, ever since I became a janitor, I’ve cleaned lots of different buildings. I’ve become friends with bodyguards.” Sabi niya habang winawasiwas ang kamay na akala mo nagtuturo sa klase.
“Tapos?”
“We can ask for help from them, like, you know, to guard your brother especially when he’s alone.” Nakangiti niyang sabi na proud na proud sa ideyang ibinigay niya.
“At ano naman ang ipambabayad natin sa kanila kung sakali? Kasi for sure, hindi yan libre.”
“Relax, I’ve cleaned a lot in their lives. They won’t ask for payment.” Sabi niya na parang may mas malalim pa na ibig sabihin.