Dahil sa ingay ng cellphone ko, dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. Nang luminaw na ang paningin ko, nilibot ko ang lugar kung nasaan man ako ngayon. Babangon na sana ako nang maramdaman ang sakit sa aking katawan, lalo na sa p********e ko. Agad akong nakaramdam ng kaba. Nilibot ko ang aking paningin sa kama at hinanap ang cellphone.
Nasan ako? Ang huling alalaala ko nagiinuman lang kami ni Benedict. Bakit nasa kwarto nako? Pano ako napunta dito? At bakit wala si Benedict.
Ilang missed calls ni Ekang ang bumungad sa akin, pero nagtaka ako dahil wala man lang ni isang tawag mula kay Benedict. Binalewala ko na lang iyon at agad siyang tinawagan. Ilang segundo lang, sinagot na niya ang tawag at maganda ang tono ng boses niya.
“Sweetheart! Good morning,” masigla niyang bati.
Napakunot ang noo ko sa sinabi niya, pero nawala agad iyon nang mapaungol ako dahil sa sakit na nararamdaman ko.
“Nasan ka? Anong nangyari kagabi? Bakit ang sakit ng katawan ko at ng... p********e ko?” Naiinis kong tanong.
“Kalma ka lang. Tumama ka kasi sa metal kagabi dahil sa sobrang kalasingan. At nakipagbugbugan ka pa sa akin! Para kang UFC fighter,” paliwanag niya. Sa metal?
Napataas ang kilay ko sa sinabi niya. Napabuntong-hininga na lang ako at pinili nang maniwala dahil alam kong hindi magsisinungaling si Benedict. Sinundo niya ako sa hotel at sinabi niyang iniwan niya ako noong gabi na iyon dahil kailangan niyang umalis matapos masiguradong mahimbing na akong natutulog—dahil daw sa isang emergency.
Ilang linggo ang lumipas, pilit kong kinalimutan ang gabing iyon. Para sa akin, parang bigla akong nagka-amnesia dahil hindi ko matandaan ang nangyari. Hindi rin natapos ang sermon ni Ekang sa akin. Sabi niya, hickey raw ang nasa katawan ko at hindi kagat ng lamok tulad ng paliwanag ni Benedict. Pinupush ni Ekang yung lakad ko raw parang na bembang.
“Ginagawa kang tanga ng bobo na 'yun,” inis na sabi niya.
Marami man akong tanong, pinili kong alisin na lang sa sistema ko ang pagdududa. Paulit-ulit akong ina-assure ni Benedict na walang ibang nangyari noong gabing iyon. Kahit nakakapagtaka, mas pinili ko parin siyang pagkatiwalaan. Kahit mas kapani-paniwala ang mga sinasabi ni Ekang. Kahit anong alala ang gawin ko wala talaga akong maalala kahit isa.
Tumambay muna ako sa rooftop, tambayan namin ni Benedict palagi kapag break. Pero ngayon wala siya kasi may kailangan nanaman siyang ayusin na hindi ko alam kung ano nanaman yun. Nakakainis.
“f**k it,” narinig kong mura ng isang lalaki mula sa malapit.
Napalingon ako. Hindi ko sana papansinin dahil minsan talagang tumatambay din dito ang ibang empleyado. Pero nang muli kong marinig ang mura, napatayo ako, umirap sa hangin, at nagdesisyong umalis. Habang naglalakad, nakita ko ang isang naka-unipormeng janitor na nakaupo sa sahig at nakasimangot.
Nakaramdam ako ng awa, dahil minsan may mga janitor na masyadong kinakawawa ng mga empleyedo dito. Hmmp, lahat naman kami may nagtatrabaho para makaraos sa buhay. Akala mo talaga yung iba ulap yung hinihigaan kung makaasta, kaya dahan-dahan ko siyang nilapitan.
“Hi!” bati ko sa kanya nang masigla.
Tumingin siya sa akin at tinaasan ako ng kilay. Natigilan ako, hindi dahil sa inis kundi dahil sa kagwapuhan niya. Para akong nakakita ng Adonis na nahulog sa harapan ko—pwe, may boyfriend ako!
Umiling ako sa naisip.
“Okay ka lang ba?” tanong ko nang mahina. Mas lalo pa niyang itinaas ang kilay niya.
Kalma, self.
Napatingin ako sa burger na dapat ay kakainin ko na, pero naisip kong i-share. Inabot ko ito sa kanya.
“Sa’yo na lang.”
Bigla siyang natawa nang mahina, at namula ang mukha ko. Kahit pagtawa niya, ang gwapo pa rin? Tumigil self, masyadk ka ng maraming napapansin.
Tumayo siya, at halos lumuwa ang mata ko. Matangkad siya, at kahit naka-uniporme, halatang maganda ang katawan.
“You’re beautiful,” sabi niya at sumandal sa railings. Napansin ko ang sobrang ganda ng accent niya sa English, para bang sanay na sanay siya.
“Salamat,” sagot ko nang pormal, pero deep inside, grabe na ang t***k ng puso ko. First time masabihan ng maganda, Kiara?
Para mabago ang usapan, inabot ko ulit ang burger sa kanya. Tinitigan niya ito at ngumisi.
“That’s your food,” sabi niya nang malamig habang nakatingin sa akin.
“Busog pa naman ako,” pagsisinungaling ko sabay ngiti.
Tinaasan niya ako ng kilay bago ngumiti.
“I’m not hungry for food,” sabi niya na nakangisi at sinuri ang katawan ko na parang ulam. Bastos!
“Kadiri ka,” sagot ko, halatang naiinis.
“Really? Am I? Woman, you will regret what you said when you taste me,” tugon niya.
Napaawang ang labi ko sa sinabi niya. Bigla niya akong hinalikan, pero mabilis ko siyang itinulak nang buong lakas. Tumawa lang siya nang malakas habang dinilaan ang labi niya na para bang nananadya.
“Damn, those lips are heaven,” sabi niya.
Sasampalin ko na sana siya pero pinigilan ko ang sarili ko. Jusko, wala na bang matinong lalake sa mundo? Puro nalang ba kabastusan ang alam ng mga gwapo na toh?
“Gago ka ba?!” sigaw ko at humakbang palayo sa kanya, mahirap na.
Lumapit siya at ngumisi.
“Damn, why am I attracted to you?” nanliliit na mata ko siyang tinignan ng masama. Bastos na nga, malakas pang mangbola.
“Kvein,” pakilala niya.
“Wala akong pake, gago!” inis kong sagot, sabay talikod at alis.
“Thanks for your burger, but I do not eat low-class foods,” sigaw niya habang papalayo ako. Tinaas ko lang ang middle finger ko at naglakad nang mabilis.
Naiinis ako habang naglalakad, pero patuloy pa rin ang pagkabog ng puso ko. Bakit gano’n ang epekto niya sa akin? Tama, siguro na-stress lang ako. Pero... bakit pamilyar ang boses niya na parang nakausap ko na siya? Pati pangalan niya na parang ilang beses ko nababanggit na.
Ano ba yan, lahat nalang nakalimutan ko na. Sobrang ulyanin much, self. Na-promote lang lahat nalang nakalimutan.
Tama, nasa iisang kumpanya lang kami. Hindi Malabo na hindi ko siya nakausap noon. Sa sobrang dami ko nakakasalamuha na katrabaho for sure isa siya sa mga nakausap ko noon.