Isang buwan na ang nakalipas simula nang ma-promote ako. Hindi ko inaasahan ang pangyayaring iyon, kaya sobra akong saya at thankful. Akala ko babalik na naman si Benedict sa pagiging walang reaction, pero hindi sobrang saya rin niya para sa akin.
Hindi ko na rin nakita ang janitor na nakausap ko sa rooftop. Hindi naman sa kung ano, pero ayoko muna siyang makita dahil sa nangyari. Pero wala pa ring katapusan si Ekang sa kaka-promote ng "walking ulam" niya na ‘yan. Kesyo minsan daw nakikita niya ito sa kumpanya. Hinahayaan ko na lang siya at pinapalabas pasok sa tenga ang sinasabi niya.
"Ang baho naman, Ekang," sabi ko sabay takip ng ilong nang buksan niya ang pagkain.
Agad naman siyang sumimangot sa ginawa ko.
"Hoy, babaita! Baka nakakalimutan mong paborito mo 'to? Sinigang ‘to, teh! Magic ulam natin ‘to! At saka ilang araw ka nang ganyan. Baka naman nasosobrahan ka na sa trabaho? Ilang araw ka nang nahihilo, moody, at nagsusuka," sabi niya habang ngumunguya.
Umirap lang ako at uminom ng tubig. Syempre, na-promote ako, ibig sabihin nag-level up din ang mga gawain ko. Pero hindi naman ako nagrereklamo, sadyang lahat na lang kasi napapansin ni Ekang.
Kinabukasan, hindi ko maiwasang hindi gawing big deal ang mga napapansin niya. Lalo na nang maalala kong hanggang ngayon, hindi pa rin ako dinadatnan. Hindi ko man maiwasan, pero bigla akong kinakabahan nang wala namang rason. Imposible, lalo na’t alam kong walang nangyari sa amin ni Benedict.
Pero habang lumilipas ang mga araw, hindi na ako tinigilan ni Ekang. Halata na rin ang pagbabago sa akin, kaya binilhan niya ako ng pregnancy test. Labag man sa loob ko, pero alam ko namang negative ang lalabas. Stress lang siguro ito kaya ako nagkakaganito.
Tumulo ang luha ko nang makita ang dalawang linya.
Paano? Ano’ng nangyari? Bakit?
Mahigit isang oras akong nanatili sa banyo, umiiyak habang nakatitig sa pregnancy test. Puro katanungan na hindi ko alam kung saan hahanapin ang sagot. Puro imposibleng what if’s.
"Sweetheart, okay ka lang ba?"
Napatigil ako nang marinig ang boses ni Benedict. Paano niya nalaman na nandito ako?
Sign na ba ito na dapat ko nang sabihin sa kanya? Sigurado akong sa tagal naming magkasama, alam kong hindi niya ako huhusgahan. Alam niya kung anong klase akong babae.
Pagkalabas ko sa CR, bumungad sa akin ang nagtatakang mga mata niya.
"Ano’ng nangyari?"
Nilibot ko ang paligid at siniguradong walang makakarinig sa amin.
"Puwede mamaya na lang sa kotse mo?" bulong ko.
"Huh? Hindi na. Dito na lang. Busy na ako mamaya."
Huminga ako nang malalim at dahan-dahang pinakita sa kanya ang pregnancy test. Hindi naman siguro masama ang naging desisyon kong sabihin sa kanya, lalo na’t si Benedict ito.
Pero nawala ang kampante kong naramdaman nang makita ko ang gulat at galit sa mga mata niya.
"C-Cheater!"
Napatigil ako nang bigla siyang sumigaw nang malakas, dahilan upang agawin ang atensyon ng mga kasamahan namin sa trabaho. Lumakas ang t***k ng puso ko at sinubukan siyang pakalmahin, pero lalo lang siyang nagsisigaw.
"Let me explain," pakiusap ko, pero malakas niya akong kinabig.
Kung anu-anong masasakit na salita ang pinagsisigawan niya, puro akusasyon. Napaluha ako at tila wala nang naririnig na bulungan sa paligid—maliban na lang sa mga masasakit niyang salita. Ang taong inaakala kong makakaintindi sa akin ang siya pang unang humusga.
Marami nang nanonood, at lalo pang dumami ang nakatingin nang lumapit ang head ng department namin.
"What is happening here?" seryosong tanong ng boss namin.
"Ma’am, niloloko po ako ng girlfriend ko!"
"Benedict naman..." Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang magsalita ang head namin.
"Labas ang personal matter—"
"Iba't ibang lalaki po ang kasama niya palagi! Inside and outside the company! Imagine that—ang ganda-ganda ng title niya sa kumpanya, pero puwede pang ikasira ng reputation natin dahil sa panglalandi niya! This will affect the company!"
Mas lalo akong napahagulgol habang umiiling.
Halos lahat ng tao ay nagulat—at mas lalo pa nang ipakita ni Benedict ang mga printed pictures ko kasama ang ilan sa mga katrabaho namin. Mga larawan ko kasama sila, pati mga candid shots na kuha sa labas ng kumpanya. Mga walang malisya, mga aksidenteng nakakatabi ko lang, pero ngayon… naging ebidensya ng kasinungalingang akusasyon laban sa akin.
Tatlong araw ang lumipas simula nang matanggal ako sa trabaho—kasabay ng pagkawala ng posisyon ko sa kumpanya. Sinubukan kong kausapin si Benedict, pero hindi niya ako hinayaang makalapit. Wala akong ibang malapitan kundi si Ekang, na hindi ako iniwan. Hindi ko rin pinahalata sa dalawa kong kapatid ang problema na dala ko. Ayoko mai-stress sila at pati pag-aaral nila madamay pa. Alam ko na kaya ko pa naman at pipilitin na kakayanin. Dahil hindi lang ang mga kapatid ko ang kailangan kong isipin, kundi ang anak na nasa sinapupunan ko.
Nagpa-check-up na rin kami sa OB, at doon ko tuluyang natanggap ang katotohanang buntis talaga ako. Pakiramdam ko, para akong nananaginip. Ang bilis ng mga pangyayari.
Dahil nasa trabaho si Ekang, naisipan kong magpahangin sa labas. Patuloy padin ang Lola ni Ekang sa pagbantay sa tindahan. Buti nalang maliban sa naipon kong sahod may nakukuha akong pera sa tindahan kahit papano.
Pumunta ako sa isang convenience store dahil bigla akong natakam sa chocolate. Pagkatapos magbayad, naupo muna ako at pinagmasdan ang paligid. Doon ko napansin ang isang pamilyar na lalaki—ang janitor na kinainisan ko sa rooftop.
Napairap ako at binalak siyang hindi pansinin, pero nagtagpo ang mga mata namin. Napatingin ako sa iniinom niya… Starbucks.
Pumasok siya sa convenience store at naupo sa tapat ko na para bang ininmbitahan kong maupo.
"I didn’t see you these past few days in my—the company." Tinaasan ko siya ng kilay.
"Ikaw din," sagot ko, pero iba ata ang naging interpretasyon niya at ngumisi.
"Well, I was busy outside the countr—company. Cleaning different buildings."
Tiningnan ko lang siya nang malamig. Umirap naman siya sa hangin at uminom muli ng kanyang Starbucks. Bigla siyang napatigil at napatingin sa iniinom niya.
"Ninakaw ko lang 'toh."