CHAPTER SIX
***
Enrique: Mysterious Guy
HINDI ko alam kung bakit hindi ko nagawang patayin ang target ko. Habang umiiyak kasi ito sa taxi biglang sumagi sa isipan ko si Celen. At ngayon kasama na ako sa listahan ng grupo, listahan para itumba! If you failed your mission, kabilang kana sa magiging target ng grupo.
Tumunog ang cellphone ko, si bossing.
Enrique: Boss.
Bossing: Nakaihi ka ba sa pantalon mo kanina? Mabuti naman at nagawa mo pang sagutin ang tawag ko ngayon?
Enrique: I'm sorry.
Bossing: Tsk. Tsk. Sorry is not the right word. How about a goodbye?
Enrique: Do whatever you want. Kill me if you can, but you know that I am better than you, Kendry.
Narinig ko ang pagmumura nito bago ibinaba ang cellphone. Nasa secret hide out ako, ang lugar na hindi alam ng Black Dragons, sinusunod namin ang pinapagawa ng grupo, at tinutumba namin ang mga target na sinasabi nila sa amin, at kapalit nun ay pera.
Member ako ng Black Dragons at ang lider namin ay si Kendry, ang apo ni Senyor Condrad na siyang pinuno ng Organisasyon.
"Bakit di mo pinatay ang target mo? Nasa listahan kana ng Black Dragons ngayon!" sabi sa akin ng kadarating lang na kasamahan.
Napaangat ang ulo ko, tumabi siya sa akin sa sa pag-upo. Nasa mukha din niya ang hindi okay.
"I feel sorry for her," sinindihan ko ang sigarilyo at humithit doon.
"Anong balak mo ngayon?" she asked habang hinihilot ang sentido niya.
"I dunno," ibinuga ko ang usok sa itaas.
Mariin siyang pumikit. "I wanted to get out of here, pero sa kapipilit kong umalis dito, mas lalo akong nababaon," inalis niya ang kutsilyo na nakadikit sa hita niya.
"Why are you dressed like that? Ibinugaw kana naman ba ni Kendry?" tiningnan ko ang suot niyang litaw na litaw ang dibdib.
"Ano pa bang bago?" tinanggal niya ang make up sa mukha.
"Teka... may pasa ka sa mukha! Sinaktan kaba ni Kendry?!"
"Hindi siya, ang kleyente ko," binuksan niya ang drawer at kumuha ng pampalit. Nagbihis siya sa harapan ko hindi ako pumikit habang pinagmamasdan siyang nagbibihis. But there is nothing between us, Elsa and I are just good friends, a partner in crime.
Nagkakilala kami noon sa isang mission na kami ang magkasama, we talked, we shared everything about us, kung bakit kami napunta sa ganoong klase ng trabaho.
"Your scar...”
Napatingin si Elsa sa tiyan niya. "The only reason why I still keep on breathing," hindi niya tinakpan ang tiyan na may malaking pilat. Mas marami ang pinagdaanan niyang hirap kaysa sa akin.
"Who is your client, Elsa?" tanong ko dito ng matapos na siyang magbihis. Muli siyang tumabi sa akin at sumandal.
"Mr. Marte."
Napatigil ako. "Mr. Marte…" napakuyom ako at nagtagis din ang mga bagang ko.
"Why, do you know him?"
"Very well."
Napabangon muli si Elsa. "Don’t tell me he is your—"
"Yes," itinapon ko ang sigarilyo.
"He has my sister," kinuha niya ang baril at nilagyan ng bala. "At may pinapagawa siya sa akin, pagkatapos kung gawin iyon, I can have back my sister at makakalaya na rin ako sa Black Dragons. Help me to find my target, and you can have Mr. Marte's head, at ako naman may sisingilin."
Kinuha ko ang baril sa kamay ni Elsa. "Partner again?"
"Partner again," ang kutsilyo naman niya ang nililinisan.
"Who is your target?"
"Black Angel," and she throws her knife sa dart na nakadikit sa dingding.
Bullseye!
"HI, MISS BEAUTIFUL!" inilapag ko sa counter ang mga pinamili. Nakita ko ang pag ikot ng mga mata niya. I smiled. "How much do I owe you?"
"You owe me your life." sagot niya, ipinasok niya ang aking pinamili sa paper bag bawal na kasi ang plastic, pero sobrang baha parin sa Pinas. "Nine hundred and fifty-two pesos."
Kinuha ko ang pera sa bulsa ko, naglabas ng isang libo at ibinigay iyon sa kanya. Nangunot ang noo niya, kinuha ko ang paper bag at lumabas na sa grocery store.
Meet me @ Delia's Restaurant
Iyon ang isinulat ko sa isang maliit na papel at isinama ko iyon sa pag bayad. Pumunta na ako sa Delia's Restaurant na nasa kabilang kalye lang ng grocery store na pinagta-trabahuan niya.
After twenty minutes of waiting nakita ko ang paglabas niya. May pagdadalawang isip siya pero mas pinili niya ang puntahan ako.
"Ano na naman ang kailangan mo sa akin?" asik kaagad niya sa akin. Napatingin ako sa paligid. Alanganin akong ngumiti sa mga kasamahan naming kumakain.
"Please have a seat," tinawag ko ang waiter.
"May trabaho pa ako kaya sabihin mo na ang gusto mong sabihin," umupo siya sa harapan ko.
Ang ganda talaga niya, bumalik sa isip ko ang una naming pagkikita.
Tumakbo ako at nagkubli sa isang sulok dahil may humahabol sa akin. Ang mga tauhan ng aking step father na si Mr. Marte.
Hilam ang mga mata ko sa luha, Mr. Marte killed my real father! Ito ang pumatay sa ama ko kaya nakuha niya ang Mama ko. Nalaman ko iyon dahil narinig ko ang pag uusap nila.
My Mama knows everything at napilitan lang siyang pakasalan si Mr. Marte para sa akin. Pero nahuli ako ng isa sa mga tauhan ni Mr. Marte habang nakikinig ako sa usapan ng dalawa. Kaya mabilis akong tumakbo at ngayon nga hinahabol na ako ng mga tauhan nito.
May humarang sa akin na isang babae, may dala itong mga paninda. Nakita ko ang paglagpas ng mga tauhan ni Mr. Marte kaya nakahinga ako ng maluwag.
"Wala na sila, pwede ka nang lumabas diyan." Nagpalinga-linga ang batang babae, lumabas na ako.
“S-Salamat..."
Kinuha nito ang mga kakanin na paninda at ibinigay sa akin. "Eto, oh! Baka nagugutom kana."
Kinuha ko iyon. “S-salamat."
Ngumiti siya sa akin. "Ako nga pala si Celen."
Bago pa ako makasagot ay may dumampot na sa akin. "Huli ka!" kinarga ako ng isa sa mga tauhan ni Mr. Marte. Nakita ko ang gulat sa mukha ni Celen at mabilis itong tumakbo palapit sa amin.
"Bitawan niyo siya! Tulong! Mga kidnapper!" nagsisigaw ito ngunit walang pumapansin sa kanya, napangiti ako.
"Patahimikin mo nga iyang batang iyan!" asik ng kumarga sa akin. Narinig ko ang pagkasa ng baril kaya nanlaki ang mga mata ko.
"Celen, takbo na!" sigaw ko dito. Nakita ko ang pagkalito sa mukha niya, hanggang sa maipasok na ako sa sa loob ng van, kung saan naghihintay sa loob si Mr. Marte. Nakita ko mula sa salamin ang paghawak ng mga tauhan sa pobreng dalagita.
"Tama na. ’Wag niyo na siyang idamay, susunod ako kahit anong gusto niyo!"
"Camrell, tara na," utos nito kaya binitawan na nito si Celen. Mula sa salamin nakita ko ang paghabol niya sa sasakyan hanggang sa unti-unti na itong nawawala sa paningin ko.
Celen…
I STARED at her, siya na lang ang nag-iisang rason kung bakit gusto kong baguhin ang buhay ko at hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may masamang mangyari dito ng dahil sa akin. Kilala ko si Kendry, pag malaman niya ang tungkol kay Celen manganganib ang buhay ng dalaga.
"Celen, can you stop working at the beerhouse, please?" tiningnan ko ang suot niyang puro pula.
“Sino ka ba sa akala mo? Boyfriend ba kita?" tumayo na siya sa upuan.
"Aalis na ako..." I mumbled. Napatigil siya at muling bumalik sa upuan. "Aalis na ako kaya wala ng magliligtas sayo Celen. Please, stop working there. Kalimutan mo na si Lady in Red," ibinigay ko dito ang hawak na bag na naglalaman ng pera. "Gamitin mo yan para mag bagong buhay. Please, nakikiusap ako sayo Celen."
"Pero bakit mo ba 'to ginagawa sa akin?" naglandas ang mga luha niya sa pisnge.
"Dahil mahal kita, pero sa ngayon kailangan kong umalis," inabot ko ang kamay niya. "Please…"
Pinahid niya ang luha at muling ibinalik ang bag sa akin. "Aalis ako doon pero hindi mo na ito kailangan gawin," tumayo siya at lumapit sa akin, hinalikan niya ako sa aking noo.
“Salamat Enrique… salamat," umalis na siya sa harapan ko. Napasandal ako.
Naglagay ako ng pera sa itaas ng mesa, mula sa loob nakita ko ang mga tauhan ni Kendry sa kabilang kanto. Napangisi ang mga ito habang nakatingin kay Celen.
"No..." mabilis na lumabas ako ng Restaurant.
"Celen!!!!" sigaw ko, may biglang humatak dito bago pa man ito makasakay sa tricycle at ipinasok sa sasakyan. Napatabi ako ng biglang may humarurot na mga motor sa kalsada.
"Alam mo kung saan ka pupunta, Enrique."
“s**t!"
"Mama!" napasugod ako kay Mama ng muling nakabalik sa bahay. Mahigpit na niyakap ako ng Mama Lanie ko. Galit na hinarap ko si Mr. Marte.
"Pinatay mo ang ama ko! Para mapakasalan ang Mama ko! Hayop ka, papatayin kita!"
Hinawakan ako ni Mama sa braso at umiling. "Mama…"
Umupo si Mr. Marte. "I killed your father, but not because I want to have your Mama." tumingin ito sa Mama ko, nasa mukha ni Mama ang pagmamakaawa.
"Your father wanted to kill you both. I have no choice but to kill him, to protect you and your Mama."
"Hindi totoo ‘yan!" sigaw ko. Nagkibit balikat si Mr. Marte. "I don't care if you believe me or not, but you can't go outside of this house." tumayo ito.
"Your father and I were business partners, I treat him like a brother to me. But he betrayed me by marrying your Mama."
"What do you mean?" napatingin ako kay Mama, umiyak ito ng umiyak.
"Inahas niya sa akin ang iyong Mama, Enrique." lumapit ito at hinaplos ang pisnge ng Mama ko. "Pero pinatawad ko parin sila," lumapit siya sa akin.
Senenyasan niya si Camrell ang kanang kamay niya. Tumango ito at ibinigay sa akin ang isang folder. "This is all about your father."
Nanginig ang mga kamay ko sa nabasa. Ang Papa ko member ng Black Dragons Organization, at hindi lang iyon, isa ito sa founder ng Organization. Napatingin ako kay Mama.
"Ma..."
Nakita ko ang pagtango niya, nanghihina akong napaupo. Tinitingala ko ang aking ama, he is a man with words, isa itong matagumpay na business man. And I want to be like him, may paninindigan ito at maprinsipyong tao! Kaya imposibleng masangkot sa sindikato ang aking ama!
"Hahayaan kitang gawin ang gusto mong gawin sa buhay mo, but if you dare to step out of this house, you will never ever see your Mama."
Tumayo ako. "Aalamin ko ang totoo, I still believe my father. Kung totoong member man siya ng Black Dragons, hindi niya parin maaatempt na gawan kami ng masama ni Mama."
Inawat nito si Camrell sa akmang pagpigil sa akin. "Let him go," utos ni Mr. Marte.
"Anak!" tawag ng Mama ko ng paalis na ako.
"I'm sorry Mama, pero kilala ko si Papa," umiyak ako at patakbong lumabas sa bahay na iyon dala ang folder na naglalaman ng buong detalye at connections nito sa Organization.
At iyon ang ginamit ko para makapasok sa Black Dragons at doon nga nakilala si Senyor Condrad, ang pinuno ng Organization.
Nalaman ko ang operasyon ng grupo. They trained teenagers to become a hired killers, kinukuha ng grupo ang mga lalaking kabataan na pagala-gala sa kalye ng Manila para gawing mga tauhan nito. Tuturuan para pumatay. Pero nagulat ako na may babae din palang membyro ang grupo, si Elsa.
At ang kanilang mga kleyente ay gaya ng aking step father na si Mr. Marte, mga malalaking pangalan here and abroad. Mga utak ng sindikato. Binabayaran sila para patayin ang sinumang makakasagabal sa mga illegal na mga gawain nito. At kabilang ang aking ama doon.
Pero bakit nagtatag ang aking ama ng ganoong klaseng Organisasyon? Bakit? Iyon ang gusto kong malaman at para mangyari iyon, kailangan kong kunin ang buong tiwala ni Senyor Condrad, pero sagabal sa aking mga plano ang apo nitong si Kendry.
"Elsa, I need your help!" mabilis na pinatakbo ko ang sasakyan, "Please help me save my girl," si Elsa lang tanging pinagkakatiwalaan ko sa loob ng grupo.
Ibinaba ko na ang cellphone at tinungo ang hideout ng Black Dragons na matatagpuan sa Mansiyon ni Senyor Condrad sa isang malawak na private lot nito sa Quezon City.
"Celen, hintayin mo ako."