PROLOGUE
***
“SIGE na, ipasok niyo na sila!" sigaw ng pinakalider ng grupo. Sunod-sunod na ipinasok ng mga armadong kalalakihan ang mga dalagita sa loob ng truck van, at nag byahe iyon patungong Isabela para illegal na itawid papuntang Malaysia para gawing p********e doon.
Nag-iyakan na ang ilang mga dalagita sa loob.
"Huwag kayong mawalan nang pag-asa, makakalaya rin tayo dito, makakatakas tayo kaya tatagan niyo ang inyong loob!" sabi ng trese anyos na si Alice.
"Pero… pero... ang dami nila," si Belle.
"Oo nga, imposible tayong makatakas dito," si Celen.
"Ako ang bahala sa inyo basta magtiwala lang kayo sa akin," matapang na sabi ni Alice sabay punas sa pisnge ni Belle.
"Pero baka patayin nila tayo pag nahuli tayo," si Delly.
"Mamamatay parin tayo pag hindi tayo gagawa ng paraan, maliwanag ba? Kaya wag kayong umiyak!" si Alice.
"Tama siya, makakalaya tayo dito!" si Elsa. Nagsi-tanguan ang iba. Nag-yakapan sila hanggang sa maramdaman nila ang paghinto ng truck van.
Tumayo si Alice at kinalampag ang pintuan ng truck van, lumingon siya. "Pagkalabas ko iharang mo ang tsinelas mo para hindi tuloyang magsara," sabi niya kay Belle.
"H-hindi ko kaya..." si Belle.
"Ako nalang!" presenta ni Elsa.
Tumango si Alice at muling kinalampag ang pinto. Isang lalaki na may hawak na baril ang nagbukas ng pinto.
"P-pwede po bang maka-ihi? Na-iihi na po talaga ako, eh!" si Alice.
"Oh, sige, pero 'wag lalayo, tas pakibilisan lang," nilakihan nito ang bukas ng pinto at muling bumalik sa mga kasamahan nito. Lumabas na si Alice at kaagad na hinarangan ni Elsa ang pintuan bago magsara iyon.
Sumilip si Elsa sa labas at nakita niya ang pagtatawanan ng grupo habang busy sa pag-iinom ng alak at may pinapanuod ang mga ito sa cellphone.
Senenyasan niya ang mga kasamahan.
"Natatakot ako," si Belle.
"H'wag kang matakot hindi ka namin pababayaan," si Elsa. "Pagbilang ko ng tatlo lumabas kana huwag kang iiyak isipin mo na naglalaro lang tayo," nilakihan niya ang bukas ng pinto. "Isa… dalawa... tatlo!"
Dahan-dahang lumabas si Belle. Pigil ang hininga nila hanggang sa makarating ito sa damuhan kung saan naghihintay si Alice, nakahinga sila ng maluwag.
"Isa, dalawa, tatlo!" si Celen naman ang lumabas.
"Isa, dalawa, tatlo!" si Delly naman. Nilingon ni Elsa ang ibang kasamahan sa likod. "Halina kayo!"
"Ayaw namin mas gaganda pa ang buhay namin sa Malaysia. Doon pwede kaming mangarap, doon pwede kaming mag ka-pera hindi tulad dito na wala na ngang pera wala pang pamilya," sabi ng isang bata. Sumang-ayon dito ang iba.
"Pero bababoyin nila ang pagkatao natin!" si Elsa.
"Matagal ng bina-baboy ang katawan ko," sagot nito.
Nakita ni Elsa si Alice na sumesenyas. "Mag-iingat kayo..." napilitan si Elsa na lumabas. Naiiyak na nag-yakapan silang lima, lakad takbo ang ginawa nila sa masukal at madilim na daan palayo sa impyernong lugar na iyon, pero may mataas na pader na nakaharang sa buong paligid nang lugar kung saan sila naroroon.
Umiyak ng umiyak si Belle sa sobrang takot. Lalo na at may narinig silang isang putok ng baril, mas lalong lumakas ang iyak ni Belle.
Tinakpan ni Celen ang bunganga ni Belle. “Shhh wag kang maingay..."
"Hanapin niyo kahit saang sulok! Hindi pa nakakalayo ang mga iyon! Malilintikan tayo kay boss!" narinig nilang sigaw ng isang goon at narinig nila ang pag andaran ng mga motor.
Huminga ng malalim si Alice. "Aakyat tayo, makakaligtas tayo pag naakyat natin ang pader na iyan."
"Pero ang taas!" si Delly.
"Wag niyong isipin na di niyo kaya, bilis na! Kung gusto niyo pang mabuhay, kayanin niyo. ‘Wag kayong tumingin sa ibaba, deretso lang," si Alice.
Nagsimula na silang umakyat sa pader, mabuti nalang at may butas-butas na pwede nilang mahawakan at maapakan. Nauna sa tuktok si Alice at iniabot niya ang kamay ni Delly, sumunod si Celen. Nagpahuli naman si Elsa para alalayan si Belle para hindi mahulog.
"Bilisan niyo, malapit na sila!" si Alice dahil nakikita na niya ang mga ilaw nang flash lights ng mga goons, palapit ng palapit sa kanila.
Itinali niya ang malong na dala sa nakausling bakal. “Sige na mauna kana Delly mababa nalang ang ta-talonin natin."
Pumadaosdos na pababa si Delly. Napahiyaw itong lumapag sa lupa dahil kapos ang tela nila.
"Okay kalang diyan, Delly?"
"Oo," tumayo na ito. Sumunod si Belle sinalo ito ni Delly kaya hindi ito masyadong nasaktan, sunod si Celen.
"Nandoon sila! Punyeta mga pare makakatakas na! Bilisan niyo!" sigaw ng isa.
"Bilisan niyo na!" umiiyak na sigaw ni Celen. Nagmamadaling bumaba si Elsa. Isang putok ang umalingawngaw, napatakip sa tainga si Belle kasunod nun ang pagbaba ni Alice.
"A-alice may dugo ka!" si Elsa, tinamaan sa kaliwang braso si Alice. Mabilis na pinunit ni Belle ang damit nito at itinali iyon sa tama ni Alice.
“Salamat Belle, ‘wag niyo na akong alalahanin ang mahalaga nagawa natin, bilisan na natin at baka maabutan pa tayo dito," magkahawak-kamay silang tumatakbo, hanggang sa makarating sila sa highway.
"Magkubli kayong apat, ako na ang mag-aabang dito." Alice.
"May tama ka, ako na," lumabas si Elsa at tyempo namang may paparating na bus, pumunta siya sa gitna at nagkaway-kaway, nang huminto ang bus kaagad na nagsilabasan sina Alice, Belle, Celen, at Delly.
"Maawa na po kayo sa amin, tulungan niyo po kami, may humahabol po sa aming masasamang lalaki, gusto po nila kaming patayin, pakiusap po tulungan niyo po kami," umiiyak na pakiusap nila.
Nag-ingay ang mga pasahero at pinagtitinginan sila. Nagkasundo ang mga ito na papasokin sila kaya ang laki ng pasasalamat nila. May nag magandang loob din at binigyan sila ng damit na pampalit. Pagliko ng bus ay may pumarang mga lalaking armado. Nanginig sila sa takot, mabilis na nag kubli sila sa likod ng bus, tinakpan naman sila ng ilang pasahero.
"Mga boss may problema ba?" tanong ng driver.
Sumilip ang isang armado sa bus. "May napansin ba kayong mga kabataan sa daan?"
"Kabataan po? Wala naman po, ah… tama! Mga kababaihan po ba?"
Nanginig sila sa sinabi ng driver.
"Oo tama sila nga hinahanap namin, nasaan sila?" pumasok ito sa loob ng bus kay nagsiksikan sila sa sulok.
"Pumara po sila kanina pero hindi po namin pinansin, baka po kasi pakawala ang mga iyon. Sinundan po nila ang highway pabalik, bakit boss mga ano po ba ang mga kabataang iyon?" usisa ng driver.
Malapit na malapit na ang goon sa kanila, kaagad na may umubo na pasahero sa unahan kaya napalingon ito. Nakahinga sila ng maluwag ng bumalik ito sa driver.
"Pare clear, suyurin niyo ang highway!" bumaba na ito ng bus at pinalagpas na sila.
Lahat sila nakahinga nang maluwag. “Salamat po, maraming salamat po talaga," labis ang pasasalamat nila sa taong nag kunwaring naubo para kunin ang atensiyon ng goon, lalo na sa driver ng bus.
"Heto limang daang piso, sana makatulong yan sa inyo, yan lang ang pera ko dito," sabi ng isang ginang.
“Salamat po," naiiyak na tinanggap iyon ni Delly.
At sunod-sunod na binigyan pa sila ng ibang pasahero. Habang nasa byahe ay ikwenento nila ang nangyari sa kanila, halos lahat sa mga ito ay napaluha at ang iba naman hindi naiwasan ang magkomento sa lugar na iyon na pugad pala talaga ng mga sindikato.
"Naku, delikado sa inyo na makarating sa bayan. Mukhang malaki ang sindikatong naghahanap sa inyo. Baka nga mga pulis dito hawak nila, baka abangan kayo sa bayan," sabi ng isang lalaki.
Nagkatinginan sila. Tama ito baka nga doon sila inaabangan. Namumutla na si Alice dahil sa tama nito sa braso.
"Diyos ko, Alice!" dinaluhan kaagad ni Elsa si Alice. "Alice huwag kang bibitaw ha? malapit na tayo," umiyak na rin sina Belle, Celen at Delly habang nakahawak sa kaibigan.
May tumayo at kinarga si Alice. "Ako na ang bahala sa kanya," sabi nito. "Huwag kayong mag-alala ililigtas ko ang kaibigan niyo, ang mga sarili ninyo ang intindihin ninyo."
“Sige po, ingatan niyo po ang kaibigan namin. Iligtas niyo po siya, pakiusap po," si Belle.
"Pangako hindi ko pababayaan ang kaibigan ninyo."
Hinawakan ni Alice ang kamay ni Elsa. "Ikaw na ang bahala sa kanila, maging matapang ka, wag kayong susuko…" umiyak si Alice. “Ipangako ninyo na magkikita parin tayo ha? Na mabubuhay tayo, ha?"
"Pangako magkikita parin tayo, kaya ikaw h’wag ka ring sumuko, ah? ‘Wag kang pipikit, ‘wag na ‘wag," niyakap siya ni Elsa. Nagsiyakapan narin sina Belle, Celen at Delly.
Hinubad ni Elsa ang kwentas niya at isinuot iyon kay Alice. "Pangako magkikita parin tayo," inihinto na ng driver ang bus. Kaya nagsibabaan na silang apat.
Umiyak sila habang pinagmamasdan ang palayong bus. Huminga sila nang malalim at pikit mata silang tumakbo kahit saan, basta ang nasa isip nila ang makalayo at makatakas sa lugar na iyon, at bigla pang lumakas ang ulan.
Sumilong sila sa isang waiting shed dahil nanginginig na sila sa lamig. May dumaan na naka motor at huminto ito sa unahan.
"Pare! Nakita ko na sila!" sabi nito.
Nanlaki ang mga mata ni Elsa at hinila ang mga kamay nila Belle at Celen sumunod naman si Delly, sumuot sila sa damuhan.
Bumitaw si Elsa at hinarap ang tatlo. "Bilisan ninyo ang takbo, kahit anong mangyari huwag kayong hihinto, huwag kayong lilingon," isa-isa niyang niyakap ang tatlo. “Sige na umalis na kayo!" taboy niya.
"Hindi ka namin iiwan Elsa! Sumama kana sa amin," si Delly.
Hinawakan ni Belle ang kamay niya. "Elsa tara na, sumama kana sa amin..." niyakap ito ng umiiyak na si Celen.
"Lahat tayo mamamatay pag magsama-sama tayo, sige na ako ng bahala sa sarili ko. Pangako magkikita parin tayo. Kaya bilisan niyo na, umalis na kayo!" pagtataboy niya sa tatlo.
Hinila na ni Celen ang kamay ni Belle. "Mag-iingat ka Elsa, pangako magkikita parin tayo," sabi ni Celen bago muling tumakbo habang hawak-hawak ang kamay ni Belle, kasunod si Delly.
Pinahid ni Elsa ang luha at pinunasan ang mukha dahil basing-basa na siya ng ulan. Tumakbo siya sa ibang dereksyon. Nag-ingay siya para maagaw ang atensiyon nang humahabol sa kanila.
Nagsisigaw siya.
"Pare ayon sila, bilisan niyo! Pag pumalag tirahin niyo na!" narinig niyang sabi ng isang goon.
Lakad takbo ang ginawa muli ni Elsa, napatigil siya dahil isang bangin na ang nasa unahan niya. "Lord, ikaw na po ang bahala sa akin!" pikit matang nagpalaglag siya doon.
Habang patuloy parin sa pagtakbo sina Belle, Celen, at Delly. Lahat ng puntahan nila pakiramdam nila may sumusunod o di kaya lahat ng tao doon ay myembro ng sindikato. At hindi nga sila nagkamali, dahil nakita nilang may naka-abang na sa kanila sa kabilang tulay at may humahabol din sa kanila sa likuran. Nasa gitna sila ng tulay at sa ibaba ang may rumaragasang tubig.
“Sumuko na kayo, hinding hindi kayo makakatakas dito!" sigaw ng isa na may hawak na baril.
Hinawakan ni Delly ang mga kamay nila Belle at Celen at pikit mata silang tumalon.