CHAPTER ONE
***
Alice: Black Angel
SUMUSUNOD ang mga balakang ko sa maharot na musika sa loob ng bar na iyon. My mission ay makuha ang atensiyon ni Mr. Marte na noo’y malalagkit na ang mga tingin sa akin. Sa isang sulok ng bar nakamasid si Andrew at sinusundan ang bawat kilos ng mga tauhan ni Mr. Marte. Palihim niyang kinukuhanan ng litrato ang mga nagaganap na transactions sa loob habang nakikipag deal sa mga foreigner nilang mga kliyente.
Hinubad ko ang suot na damit at inikot-ikot iyon, dahan-dahan akong lumapit sa harapan ni Mr. Marte. Mas ginalingan ko pa ang pag kembot sa harapan niya. Mula sa pagkakasandal ay napaayos ng upo si Mr. Marte.
“Very good,” napangisi ito. Senenyasan niya ako para lumapit. “C’mon baby, come closer to me.”
Umikot-ikot ako at palihim na kinindatan si Andrew. Tumango naman ito at tumayo. Pagkalapit kay Mr. Marte ay kaagad kong hinaplos ang mukha niya.
“Hi!” malambing na sabi ko sa kanya. Umupo ako sa mga hita niya at inayos ayos ang damit. Nagsilapitan kaagad ang mga tauhan niya. Kaagad na senenyasan niya ang mga tauhan kaya nagsi balikan ang mga ito sa pwesto.
“Wanna go out with me tonight? Hmmm?” napapikit ako ng haplosin niya ang hita ko pababa sa mga binte ko. Nalintikan na malapit na ang mga kamay niya kung saan nakasuksok ang kutsilyo sa boots na suot ko. Kaagad akong tumayo pagkatapos palihim na inilagay ang tracker sa barong niya at matamis na ngumiti sa kanya.
“Sure… just wait me here, okay?” kumindat ako sa kanya. At mabilis na pumunta sa restroom. Kaagad na nagdamit ako at mula sa ilalim ng sink kinuha ko ang nakatagong baril na inilagay ni Andrew.
“Black Angel, are you in your position?” napapikit ako dahil sa ingay sa tainga ko, inayos ko iyon.
“Yes,” sumilip ako sa labas at nakita ko si Andrew na hawak na ng mga tauhan ni Mr. Marte. Kaagad na nagkubli ako ng tumingin sa gawi ko ang isa sa kanyang tauhan.
“We are in danger! Hello? Hello? s**t!” tinanggal ko ang earphone at muling sumilip.
“Black Angel lumabas kana, hawak na namin ang iyong precious partner o gusto mo na siyang mamatay? Labas na Black Angel,” humalakhak si Mr. Marte.
Lumikot ang mga mata ko sa loob ng restroom, mabilis na umakyat ako at pumasok sa kisame sa itaas. Gumapang ako doon. Narinig ko ang pagputok ng baril.
“No… Andrew!”
Mula sa siwang sa taas ay sumilip ako at nakita ko ang pagbaril ng isa kay Andrew.
“Boss! Nakatakas na si Black Angel!” sabi ng isa na nagmula sa banyo.
“Ano? Mga bobo! Hanapin niyo! Hindi pa iyon nakakalayo dito mga inutil!” nakita ko ang pagbagsak ni Andrew kaya napatakip ako sa bibig.
“Bullshit! Pasabogin niyo ang lugar!” nagmadali na itong lumabas kasunod ang ibang mga tauhan nito. Naiwan ang isa na bumaril kay Andrew. Itinutok ko sa kanya ang baril mula sa itaas. Kakalabitin ko na sana ang gatilyo ng lumuhod ito at nag-iiyak sa harapan ni Andrew.
“I’m sorry! I’m sorry!” sabi nito at pinindot ang timer nang bomba bago patakbong umalis. Kaagad na bumaba ako at dinaluhan si Andrew na may tama sa dibdib.
“Andrew, please lumaban ka!” inalalayan ko siya patayo at dumaan kami sa likod. Bago pa sumabog ang buong bar ay naisakay ko na si Andrew sa kotse niya at mabilis na pinatakbo ang sasakyan.
“ANDREW? Thanks God!” niyakap ko siya ng magising.
“Where am I?” nagpumilit siyang bumangon.
“Teka mahiga ka muna,” tumayo ako at tinawag si Dra. Veronica. “Mommy, nagising na po si Andrew!”
Pumasok sa silid si Dra. Veronica. “You are lucky dahil hindi sa puso tumama ang bala, pag nagkataon nasa lamay kana ngayon.”
“Mommy….” saway ko sa kanya.
Hinarap niya ako. “Kaya nga ayaw ko ng ganito, eh! Pero pinagpatuloy mo parin. For what? To put yourself into danger again?”
“Mommy akala ko ba okay na sa inyo? Akala ko hindi na issue sa atin ang pagiging undercover agent ko?”
Napailing si Dra. Veronica at masamang tiningnan si Andrew.
“Thank you, Tita—for saving my life,” ani Andrew.
Itinaas ni Dra. Veronica ang mga kamay at lumabas na ito ng silid.
“I’m sorry….” hinawakan ko ang kamay ni Andrew.
Yumuko siya. “No, this is my fault, hindi ako nag-ingat. I messed the whole operation at muntikan ka ng mapahamak dahil sa kapalpakan ko.”
“Wait, where is Kendry? Hindi ko siya nakita sa loob ng bar. ‘Di ba dapat dalawa kayong look out?”
“Kendry is one of them. He is a spy kaya nakatiktik si Mr. Marte and not just that, alam na rin ng grupo na ikaw si Black Angel, so it’s dangerous for you to go outside now.”
“s**t!” napamura ako. I am an undercover agent for almost two years now, and I have never failed in every mission na hawak ko. Ngayon pa kung kailan malapit ko nang mahanap ang taong gusto kong pagbayarin sa lahat ng kahayopan niya.
“Magpahinga kana muna Andrew, may pupuntahan lang ako.”
“But Alice, kakasabi ko lang na delikado sayong lumabas!” nagpumilit itong tumayo. Itinulak ko siya pabalik sa higaan at mabilis na hinalikan sa labi.
“Ang sabi ko magpahinga kana muna.” Lumabas na ako sa silid.
Nadatnan ko si Dra. Veronica sa sofa habang umiiyak. Napabuntong-hininga ako at kaagad na nilapitan siya at niyakap.
Utang na loob ko sa kanya ang buhay ko, siya ang tumulong sa akin noon ng muntikan na akong mamatay sa loob ng bus dahil sa tama ng bala.
“Mommy….”
“Bakit ba ang tigas ng ulo mo? What if ikaw ang tinamaan ng bala? Hindi mo ba iniisip ang nararamdaman ko sa tuwing humahawak ka ng baril? At alam kong nasa panganib ang buhay mo? Alice, please stop…. hindi ganito ang buhay na gusto ko para sayo. You can be a Doctor, a Teacher and whatsoever, just not this!”
“Mommy ito ang gusto kong gawin, promise hindi ako mapapahamak. Sinabi ko na sayo Mommy, gusto kong hanapin ang mga kaibigan ko at pagbayarin ang mga taong gumawa sa amin noon. Marami pa silang mabi-biktimang mga batang inosente,” nakapa ko ang suot kong kwentas. Pakiramdam ko iyon ang nagpo-protekta sa akin tuwing nasa panganib ang buhay ko.
“Pero anak, ayaw kong mapahamak kana naman. We can hire a detective para hanapin ang mga kaibigan mo. Pwede tayong magpatulong sa mga kapulisan tungkol sa mga sindi-sindikato na ‘yan.”
“But I wanted to do it for myself Mom, gusto kong ako mismo ang humuli sa kanila. Please stop crying, Mommy. I’m fine. I love you, Mom.”
Sumuko na ito at hinaplos ang mukha ko. “I just don’t want to lose you. I love you too, baby!” mahigpit niya akong niyakap.
Hiwalay na siya sa asawa pero hindi sila nagkaroon ng anak. Kaya pala ito napadpad sa Isabela noon, para hanapin at harapin ang asawa nitong walang utang na loob na nangabit at nagtanan pa sa Isabela.
Tuluyan niya na akong kinupkop, pinag-aral, binihisan, pinakain at minahal.
DINALA ako ng mga paa ko sa makitid at lubak lubak na eskinita—kung saan dati akong nakatira. Siniguro ko na walang makakilala ng kung sino man na nandoroon sa akin.
Nagtago ako ng makitang lumabas sa tagpi-tagping bahay na iyon ang aking Inay, kasunod nito ang kinakasamang si Ponce, ang aking amain. Nanumbalik ang galit sa puso ko.
“Pera? Wala na nga tayong pera, tapos nagsu-sugal ka pa!” sabi ng Inay ko.
“Alam ko may pera ka pa! Diba binigyan ka ni Cheche kagabi?” pangungulit nito.
“Ubos na, kaya pwede ba? Tigilan mo na ako? Wala ka na ngang naaabot sa akin, dumadagdag ka pa sa problema natin!”
Napaiyak ako habang pinagmamasdan ang Inay ko. Bakit hindi niya ako pinaniwalaan noon? Bakit mas pinili niya ang amain ko kaysa sa akin na sariling anak niya? Kay daming katanungan sa isip ko at sama ng loob na kinimkim ko sa loob ng mahabang panahon.
Gustong-gusto ko nang lapitan ang Inay ko nang bigla siyang sampalin ng walang hiyang kinakasama nito. May narinig akong humihikbi sa gilid ko.
“Cheche….” nakita ko siyang may hila-hilang sako na ang laman puro bote. Madungis din siya at naka-paa lang.
Napaiyak ako habang pinagmamasdan ang kapatid ko. Aabutin ko na sana siya ng mabilis siyang tumakbo at niyakap ang Inay namin.
“Tama na po, Itay! Huwag niyo na pong saktan si Inay, may pera po ako,” mula sa bulsa kinuha ni Cheche ang isang daan. Mabilis na hinablot ni Ponce ang pera sa kamay ni Cheche.
“Mabuti pa ang anak mo, may silbi!” asik nito sabay talikod, pupunta na naman ito sa sabong o di kaya makikipag lamay para makapag laro ng baraha.
Nagtagis ang mga bagang ko. Nakita ko ang pag-iyak ng Inay habang yakap-yakap si Cheche. Dose anyos ako noon ng lumayas sa bahay, habang sanggol pa noon si Cheche. Kapatid ko ito sa ina, dahil matagal ng patay ang Itay ko.
Akala ko mabubuo na ang aming pamilya ng mag asawa muli ang Inay kay Ponce. Mabait lang ito sa umpisa pero hindi nagtagal ay ginagawan na ako ng masama habang wala ang Inay ko.
Muntikan niya na akong magahasa noon. Mabuti nalang at nakatakas ako at kaagad kong pinuntahan ang Inay sa palengke kung saan siya nagtitinda ng isda. Akala ko kakampihan ako ng Inay pero hindi niya ako pinaniwalaan. Mas pinaniwalaan niya ang walang hiyang asawa niya, kaya naglayas ako at nagpalaboy laboy sa kalsada sa loob ng isang taon. Doon natuto akong mag bisyo, mag adik, mag barkada at napasama din ako sa mga riot-riot sa lansangan.
At dumating na ako sa puntong ayaw ko na ng ganoong buhay—na nagsawa na rin ako sa pakikibaka sa masasamang gawain sa buhay lansangan. Kaya embes na sumama sa mga barkada ay namalimos ako para kumita ng pera, hanggang sa may isang matanda na nag magandang loob sa akin. Pinakain niya ako at binihisan.
Akala ko unti-unti ng mababago ang buhay ko, pero nalaman ko na kaya pala niya ako kinupkop para ibenta, para pagkakitaan! At doon napilitan ako na mag trabaho sa mga beer house sa murang edad, ang maghubad sa harapan ng mga uhaw sa laman na mga kalalakihan.
Hanggang sa mabili ako ng sindikato, para ibenta at gawing p********e sa Malaysia. At doon ko na nga nakilala sina Belle, Celen, Delly, at Elsa.
Pinahid ko ang luha sa pisnge ko. Nakita ko ang pagtakbo muli ni Cheche pabalik sa akin para kunin ang sakong naiwan niya.
Tumingin siya sa akin at yumuko para damputin ang sako. Sampung taon na ang lumipas kaya labing isang taon na ito ngayon.
“Hello...” umupo ako at kinuha ang sako mula sa kamay niya. Tiningnan niya ako, mula sa bag kinuha ko ang wallet at kumuha ng ilang libo at ibinigay iyon kay Cheche.
“Bakit niyo po ako binibigyan ng pera?” tanong niya sa akin, nasa maamong mukha nito ang pagtataka.
Wala akong makuhang dahilan, dahil naiiyak na ako. Mabilis na niyakap ko si Cheche. “Patawarin mo ako Cheche, patawad.”
“Bakit niyo po ako kilala? At bakit rin po kayo umiiyak at humihingi ng tawad?”
Umiling ako.
“Cheche bilisan mo na diyan at kakain na tayo!” sigaw ng Inay sa loob.
“Opo Inay!” ganting sigaw ni Cheche at muling hinarap ako. “Salamat po dito, Ate,” tukoy nito sa pera. "Bye po, Ate," tumakbo na siya pabalik sa bahay.
Napasandal ako sa pader, sobrang awa ang naramdaman ko para sa kapatid at matinding galit para kay Ponce at kay Inay.
Mabigat ang loob na nilisan ko ang lugar na iyon.