CHAPTER TWO

2627 Words
CHAPTER TWO *** Elsa: Hired to kill NANGINGINIG ang mga kamay ko habang nilalapag ang baril sa lababo. Hinubad ko ang itim na jacket at naghilamos, tinitigan ko ang sarili sa salamin at napaiyak. Pumasok ako sa shower room at hinubad ang mga damit. Nanginginig parin ang buo kong katawan sa takot. Laging ganun ang nararamdaman ko sa tuwing may pinapatumba akong tao. Oo, isa na ako ngayong membyro ng Black Dragonss, samahan ng mga private and professionals hired killers. Napahagulhol ako sa ilalim ng malamig na tubig. At doon sinariwa ang nakaraan na gustong gusto ko nang takasan at kalimutan. BANGIN na ang nasa harapan ko, malapit na rin ang mga goons na humahabol sa akin, napapikit ako. "Lord ikaw na po ang bahala sa akin...” at nagpalaglag ako sa bangin. Akala ko katapusan na ng buhay ko pero nagising ako sa isang kubo habang ginagamot ang mga sugat ko. "Oh Ineng, huwag ka munang gumalaw at sariwa pa iyang mga sugat mo," sabi sa akin ng may katandaang babae. "Nasaan po ako? sino po kayo?" "Andito ka sa bahay, nakita ka ng asawa ko sa gubat habang naghahanap siya ng makakain namin, buti nalang at humihinga ka pa," tumayo ito at may kinuha na dahon at pinalitan nito ang nakadikit sa tiyan ko. Napaigik ako sa sakit. "Malala ang tama mo sa tiyan, ano ba ang nangyari sayo at nahulog ka sa bangin? Mabuti nalang at hindi sa mabatong bahagi ka nalaglag kung hindi wala ka nang buhay ngayon." Napaiyak ako, muling sumidhi ang takot sa akin. Mula sa ‘di kalayuan humihingal na dumating ang isang batang babae. "Inay! Inay! Si Itay po!" Napatayo ang matandang babae ng makitang papalapit na sa amin ang asawa nitong nakagapos, habang maraming bugbog ang katawan, putok na putok din ang mukha nito. Nasa likuran nito ang mga nakangising mga kalalakihan. "Aling Simang, kumusta na po kayo?" nakangising sabi ng isa at tinadyakan ang walang kalaban laban na asawa nito. “S-simang… t-tumakas na kayo... tumakbo na kayo!" sa nanghihinang boses ng asawa nito. "Magbabayad naman kami, bakit niyo kailangang gawin sa amin ito?" “Simang, ilang buwan na at wala na kayong naiibigay?" sumilip ito at tiningnan ako, mas lalong napangisi ito. "Pare, parang matutuwa si bossing sa magiging pasalubong natin ngayon, ah! Sariwang-sariwa." Nagtawanan ang mga kasamahan nito. Unti-unti itong lumapit sa akin at hinaplos ang pisnge ko. Itinulak ito ni Aling Simang. "Mga walang hiya kayo! Umalis na kayo dito! 'Wag niyo idamay ang anak namin!" "Aba't ang tapang-tapang mong matanda ka ha!" sinuntok nito si Aling Simang. Napasigaw ang batang babae at kaagad na dinaluhan ang Inay nito. "T-tama na!" sigaw ko, hindi ko na kaya pang sikmurain ang mga nakikita ko. "Ako ang kailangan niyo diba? Tigilan niyo na sila, sasama ako sa inyo!" umiiyak na sabi ko, nakita ko si Aling Simang na umiiling. Ngumiti ako sa kanya, sa unang pagkakataon sa buhay ko may tumawag sa akin na anak. Napaigik ako ng hatakin ako bigla ng isa sa kasamahan nito. "Tangna! Pare, may tama ito!" Napatingin ang pinaka-lider sa sugat ko at sabay iling, dumura pa ito. Tumingin ito sa batang babae at nasa mga mata nito ang ka-demonyohan. Mabilis na hinila nito ang batang babae mula kay Aling Simang. "Kung gusto niyong makuha muli ang anak niyo, pwes magbayad kayo! Tara mga Pare, pwede na ‘to," nag-apiran ang mga kasamahan nito. "Risa…" ang ama nito. "Anak ko…" umiiyak na sabi ni Aling Simang. Pilit din itong tumayo pero hindi na kinaya ng katawan nito dahil tinamaan ito sa sikmura. "Tatay! Nanay! Ate!" sumisigaw ang bata habang karga karga palayo sa kubo. Pilit akong tumayo para agawin ang bata pero nawalan na ako ng malay. Nagising ako dahil sa sikat ng araw. Maayos na ang suot ko at hindi na rin kumikirot ang tiyan ko at may nakatali na benda. Kumalam ang sikmura ko ng may maamoy na lutong pagkain. Mula sa labas pumasok si Aling Simang. "Okay na ba pakiramdam mo Ineng?" "Ako po si Elsa, Aling Simang." Ngumiti siya sa akin at inayos ang magulo kong buhok. Umiyak siya at niyakap ako. "Wala na ang Itay Nardo mo, wala na siya," umiyak ito ng umiyak habang yakap-yakap ako. "Wala na rin si Risa." Doon ko naramdaman ang dahilan ko kung bakit hinayaan pa ako ng Diyos na mabuhay. Dahil doon ko naramdaman na may silbi ako, na may taong pahahalagahan ako, na may nangangailangan sa akin. Niyakap ko siya ng mahigpit. "H'wag po kayong mag alala. Pinapangako ko pong babawiin natin si Risa. Ibabalik ko siya sa inyo Aling Simang." Umiling siya. "Hindi mo sila kilala Elsa, hinding hindi sila titigil hangga't di nila nakukuha ang gusto nila. Mahirap na kalaban si Senyor Condrad, hawak niya ang lahat ng tao dito." "Ano po ba ang kailangan nila sa inyo?" "Gusto ni Senyor Condrad na bilhin ang lupain namin pero hindi kami pumayag, pero nang nangailangan kami ng pera para ipagamot si Risa, lumapit kami sa kanya para humingi ng tulong. Maliit lang na halaga kung tutuosin pero nagulat nalang kami at malaki na ang babayaran namin. Ginigipit niya kami para mapilitang ibenta ang lupa namin." "Pero ano pong mangyayari kay Risa? Paano na po siya? Hahayaan nalang po natin? Baka kung anong gawin na masama sa kanya." Umiyak ng umiyak si Aling Simang, hindi na siya nag komento basta umiyak lang siya nang umiyak habang yakap-yakap ako. Kinabukasan habang wala si Aling Simang, lakas loob kong pinuntahan ang sinasabi nitong Senyor Condrad. Kinalampag ko ang mataas na gate, maraming bantay sa gate nito. “Senyor Condrad! Lumabas ka diyan! Ibalik niyo sa amin si Risa! Mga hayop kayo!" nagsisigaw ako. Lumabas ang isang gwardiya at sinampal ako. Napasadsad ako sa kalsada. May bumusina sa likuran ko, tumayo ako at humarang sa gitna. Binitbit ako ng isang gwardiya. "Bitawan mo siya, hayaan mo siya," sabi ng isang ma owtiridad na boses. Mabilis na humarang muli ako sa gitna. "Ibalik niyo na sa amin si Risa!" Lumabas ito sa sasakyan, kaagad na may umalalay dito. "Ang tapang-tapang mo, gusto ko ang mga ganyang ugali," tumawa ito. "Ibalik niyo na sa amin si Risa!" muling sigaw ko dito. Nakita ko ang pagsilip ng isang binatilyo sa sasakyan. "Grandpa, what's going on?" "Nothing Kendry, this little girl just want to play with us," tumingin muli ito sa akin. Senenyasan nito ang gwardiya at muli akong binitbit, papasok sa gate at kaagad na binuksan ang pinto ng sasakyan ng Senyor para ipasok ako sa loob. "Mag-uusap tayo ng mahinahon," sabi ni Senyor Condrad. "Kendry be nice to her." Tiningnan ko ang katabi kong binatilyo, may hawak itong kutsilyo at pina ikot-ikot sa mga palad nito. Mula sa gate, malayo pa ang byenahe namin para makarating sa malaking bahay na iyon, kaagad na nakita ko si Risa. Pinagsisilbihan nito ang mga lalaking nanggulo sa bahay, inilapag ni Risa ang pulutan ng mga hayop. Nakita ko pa ang pagpisil ng isa sa pwet ni Risa sabay tawanan. Kaagad na lumabas ako ng sasakyan at sinugod ang grupo. Pinulot ko ang may kalakihang bato at pinukpok sa ulo ang taong pumisil sa pwet ni Risa. Umiyak si Risa at mahigpit akong niyakap. "Ate...” umiyak siya ng umiyak. Nakita ko ang paghugot ng baril ng lalaking napukpok ko, duguan ito. Niyakap ko si Risa at hinarang ang sarili ko at pumikit. "Enough!" saway ng binatilyo. Napadilat ako at nakita ko ang panlilisik ng mga mata nito habang nakatingin sa lalaki. Kaagad na sumunod ang lalaki dito. Lumapit ang binatilyo at hinawakan ang kamay ko, kinaladkad ako papasok sa malaking bahay, habang pinagbabayo ito ni Risa. "Bitiwan mo ang ate ko! Bitiwan mo siya!" "Risa...” tinawag niya akong Ate. Kaagad na iwinaksi ko ang braso at lumapit kay Risa. Sa loob nakaupo na si Senyor Condrad, senenyasan kami nitong umupo. "I like your attitude, brave and you have a pretty face," tumayo ito at kinuha ang isang papel. "Alam kong matalinong bata ka," inilapag nito ang isang papel. "Titigilan ko na ang pamilya niyo basta sumunod ka lang sa gusto ko. Basahin mo yan mabuti, tagalog yan para maintindihan mo. Bumalik ka dito bukas pag nakapag—" "Payag ako kahit ano pa yan, basta tigilan mo na ang pamilya ko." Malakas na pumalakpak si Senyor Condrad. "’Yan ang gusto ko, walang paligoy-ligoy," senenyasan nito ang binatilyo. "Read it para alam ni— ano ang pangalan mo, hija?" "Elsa," sagot ko, naramdaman ko ang paghigpit ng hawak ni Risa sa kamay ko. "Right, Elsa," senenyasan na nito ang binatilyo para magbasa. "Kailangan mong magbayad sa halagang dapat bayaran ng pamilya mo at para makapag bayad ka kailangan mong sumunod sa lahat ng ipapagawa dito sa ayaw at gusto mo. Kailangan mong mag aral sa paghawak ng kutsilyo, karate, baril—" "Teka lang muna, bakit kailangan kong humawak ng mga ganyan?" “Sa oras na pirmahan mo na ang papel na iyan, kabilang kana sa Black Dragonss. Babayaran ka para pumatay at pag nabayaran mo na ang halagang utang ng pamilya mo. Malaya ka nang gawin ang gusto mo. Pero sa oras na magkamali ka, sa oras na may pagsabihan ka sa operasyon, lahat ng mahahalagang tao sa buhay mo, mamamatay." "Pero bago ka magsimula, lahat ng kailangan mo makukuha mo, pag-aaral, damit, pagkain, bahay, at allowance. Pero ang pinaka mahalaga sa lahat, pinagbabawal ang muli mong paglapit sa pamilya mo. Walang contacts, walang kita, walang usap." "Ate...” niyakap ako ni Risa. Pinahid ko ang luha niya at ngumiti sa kanya. "Ingatan mo ang Inay ha?" "Ate paano ka? Sumama kana sa akin, umuwi na tayo." "Enough of the drama!" sigaw ng binatilyo, kasabay nun ang paghablot ng isang tauhan kay Risa. "Ate!" pilit na iniaabot ni Risa ang kamay ko. "H'wag kang mag-alala, makakauwi siya ng ligtas at sinisigurado ko na wala ng manggugulo sa kanila, so it's a deal?" Napakuyom ako. "Deal." At sa huling pagkakataon niyakap ko ng mahigpit si Risa, ang aking kapatid. HINABLOT ko ang roba at ibinalot iyon sa basa kong katawan. Malaki ang ibabayad sa akin ni Mr. Marte kaya unti-unti ko ng mababayaran ang pagkaka-utang kay Senyor Condrad. Tumunog ang cellphone ko sa itaas ng kama. Napaikot ang mata ko, si Kendry ang tumatawag. "Bakit?" "Get ready, anytime ipapasundo ka ni Mr. Marte. Wear a sexy hot dress, lady." Inihagis ko muli ang cellphone sa ibabaw ng kama. Inayos ko na ang aking sarili. Konting tiis nalang at makakalaya na rin ako, makakasama ko na rin sina Inay Simang at Risa. Magpapakalayo-layo kami at doon mag babagong buhay. Binayaran ako para isa sa umeskort kay Mr. Marte sa bar kung saan sila nag di- deal ng mga illegal na transactions here and abroad. Hindi ko alam na may mga parak pala sa loob ng bar kaya napilitan akong barilin ang isa sa mga iyon ng akmang bubunot na ito ng baril. Muling nanginig ang mga kamay ko ng maalala kung paano ito natumba habang nakatitig sa akin. Mariin akong pumikit para kalmahin ang aking sarili. “PLEASE, have a seat," titig na titig na sabi ni Mr. Marte sa akin, may mga babaeng nakalambitin dito. "I don't want to be rude, but these girls are destructing us," sabi ko at nakita ko ang pagtaasan ng mga kilay ng mga babae. Tumawa si Mr. Marte. "Girls, pagbigyan na natin siya, okay?" at isa-isang hinalikan ang mga ito sa labi bago pakendeng na nagsi-alisan sa harapan ko. "I trust Kendry so much, and I admit magaling talaga siya," kinuha nito ang basong may brandy at inamoy-amoy iyon habang nakatitig sa dibdib ko. Ilang segundo ding huminto doon ang mga mata niya. "I will pay you good enough, sapat para mabayaran mo lahat ng utang mo kay Senyor Condrad," anito. "How did you know about it?" bakit alam nito ang naging kasunduan ko kay Senyor Condrad? “Senyor Condrad and I are very close friends. I know everything about him but he doesn't know mine. I'll help you para makalaya ka kay Senyor Condrad. Is that all you want right?" "Why you are doing this? What for exchange?" I asked. He chuckled. "You’re a smart one. I need your ability to find Black Angel and bring her to me—dead or alive. Ako mismo ang magbabayad kay Senyor para makalaya kana. How about it?" Napangisi ako. "I won't buy that," tumayo na ako. "Maghanap nalang kayo ng iba." "How about your little Risa?” Napahinto ako sa paghakbang, nakita ko ang pagguhit ng asong ngiti sa mga labi ni Mr. Marte ng lumingon ako dito, at mula sa kung saan lumitaw ang isang teenager na babae... with her two piece undies. Nawala na ang ka-inosentehan sa hitsura nito. Napaiyak ako at nanghina ang katawan ko nang makilala kung sino ang teenager na nasa aking harapan ngayon. "Risa..." sambit ko sa pangalan niya. Hindi siya tumingin sa akin, lumapit siya kay Mr. Marte at kaagad na kumandong dito. Mabilis na nilapitan ko si Risa, pero may humarang sa akin. Kaagad na kinuha ko ang baril sa tagiliran ng isa sa humarang at tinutukan si Mr. Marte, pero mas marami ang nakatutok na baril sa akin. "Risa, bakit?!" Hindi siya umiimik pero hindi din siya umiiyak. Walang emosyon ang mukha niya, para siyang puppet na sunod sunuran sa lahat ng sasabihin ng amo niya. Tumayo si Mr. Marte at hinaplos ang baril na hawak ko. Umikot-ikot siya sa akin habang pinapalandas ang mga daliri niya sa braso ko. "You have a body and your face…" inamoy niya ang gilid ng tainga ko, habang nakatitig parin ako kay Risa. Nasaan na ang inosenteng bata noon? Anong nangyari dito? She is just teenager... bakit? Bakit? Puno ng katanungan sa isipan ko. "You can have her and the same time makakalaya kana kay Senyor Condrad," huminto si Mr. Marte sa harapan ko at ibinaba ang baril gamit ang daliri niya. "Let me guess… hindi mo alam na ibenenta niya sa akin ang kapatid mo?" humalakhak ito. At muling umikot-ikot sa akin. "That cruel old man, but Risa is not bad, she's young and fresh!" "Mga hayop kayo!" kaagad na pinatid ko si Mr. Marte at pinaputok ang baril. Hindi ko siya natamaan dahil kaagad itong nakailag, nabasag ang malaking vase sa likod. Napatigil ako nang si Risa na ang tumutok sa akin ng baril. Blanko ang mukha niya, hindi mo ito makikitaan ng ano mang emosyon. "Risa..." parang pinupunit ang dibdib ko. Inayos ni Mr. Marte ang nagusot na damit niya at malakas akong sinampal. Hindi ako natinag sa kinatatayuan, manhid na ako sa mga sampal-sampal na iyan. At sa harapan ko mabilis na hinapit ni Mr. Marte ang baywang ni Risa at mariing hinalikan sa mga labi. "Tama na! Pumapayag na ako!" I cried. "Just stop!" Nakita ko ang pagyugyog ng balikat ni Mr. Marte at ang malakas niyang pagtawa. "Good, good, good," may ibinulong siya kay Risa at kaagad namang umalis si Risa. "Risa san—" "Hep! Hep!" harang kaagad ng mga tauhan ni Mr. Marte ng akmang susundan ko si Risa. "Bring Black Angel here, and you can have your little-dirty-Risa." Itinulak ko ang mga nakaharang na tauhan niya at lumabas sa bahay. Hindi ko na nakita pa sa loob ng bahay si Risa. Sa labas nakaabang na sa akin si Kendry, nakasandal siya sa motorbike habang humihithit ng sigarilyo. Isang suntok ang ginawa ko sa sikmura niya at mabilis na kinuha ang baril sa loob ng jacket at itinutok iyon sa kanya. "Hey, cool lady! Just cool down..." itinaas niya ang dalawang kamay. Kinuha ko ang susi sa nakataas niyang mga kamay at sumakay sa motor. "Magtutuos pa tayo, Kendry!" sabi ko at mabilis na pinaharurot ang motor.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD