CHAPTER THREE

1857 Words
CHAPTER THREE *** Delly: Butterfly Mask "HUWAG po! Maawa na po kayo sa akin!" umiiyak na pakiusap ng labing dalawang anyos na si Delly. Napasiksik siya sa sulok, habang yakap-yakap ang mga tuhod. "Pumayag kana Delly, sige na pagbigyan mo na ako, hmmm?" hinubad nito ang pantalon. Napatakip sa mata si Delly. "Kuya please, don't do this to me!" pag mamakaawa niya dito. Hinatak siya nito at itinulak sa kama. Kaagad na pinaghahalikan siya nito sa mukha at leeg, habang pilit na hinuhubad ang mga damit niya. "Kuya!" kinagat niya ang balikat nito at mabilis na tumakbo sa pinto pero nakasara iyon. Nanlisik ang mga mata nito habang dumadaing sa sakit. Nagdugo ang balikat nito, hinablot nito ang buhok niya at kinaladkad siya pabalik sa kama at doon siya pwenersa. “NO… No! Please no kuya, please...” napabalikwas ako ng bangon, naliligo na ako sa sariling pawis. Kaagad na niyakap ko ang tuhod, nanginginig parin ang katawan ko. Gabi-gabi nalang akong binabangongot, pilit na bumabalik ang pilat ng aking madilim nakaraan. Sa gilid ko, gumalaw si Winston nagmulat siya ng mata. "Babe?" bumangon siya at kaagad na niyakap ako. "You’re having a nightmare again?" he asked. I nodded at isinubsob ang mukha ko sa dibdib niya. Pagkatapos ng kahayupan ng Kuya ko sa akin ay tumakas ako ng magkaroon ng pagkakataon at doon ako napadpad sa mga sindikatong gusto kaming ibenta sa Malaysia. Doon nakilala ko sa loob ng truck van sina Alice, Belle, Celen, at Elsa. Sa kanila ako muling nabuhayan ng pag-asa, pero hindi pumanig sa amin ang pagkakataon dahil nagkahiwa-hiwalay din kami. Si Winston ang tumulong sa akin nang tangayin ako ng agos ng baha kasama sina Celen at Belle noon. Madilim at malakas ang agos ng ilog kung saan kami tumalon, pilit kaming kumampay at kumapit sa mga naaanod na kahoy. Hinawakan ako ni Celen nang wala na akong makapitan at pilit na akong tinatangay ng agos. "Delly! Kumapit ka!" sigaw ni Celen. Sumabit siya sa isang may kalakihang bato habang hawak-hawak niya ang mga kamay ko. Si Belle naman ay nakasakay sa malaking kahoy na nakaharang sa bato. Pilit din nitong inaabot ang kamay ko. "Delly, abotin mo ang kamay ko!" si Belle. "H-hindi ko na kaya!" sigaw ko sa kanila. "I'm sorry!" umiyak ako. "Iligtas niyo ang mga sarili niyo, pakiusap..." bumitaw ako kay Celen at narinig ko pa ang pagtawag nila hanggang sa lamonin na ako ng rumaragasang tubig. NAPAKURAP ako sa alaalang iyon. Kumusta na kaya sila ngayon? Ligtas din kayang katulad ko? Akala ko doon na ang katapusan ng buhay ko, pero mabait parin ang Diyos at iniligtas niya ang buhay ko sa pamamagitan ni Winston. Kung saan nagtatangka itong magpakalunod sa dagat noon, dahil tinakbuhan ito ng fiancee sa araw ng kasal nito. Ang ilog pala na tinalunan ko ay karugtong ng dagat, kaya doon ako naanod at doon ako nakita ni Winston na palutang-lutang habang nakasampa sa isang maliit daw na kahoy. Embes na kitilin daw niya ang buhay ay mas pinili niyang tulongan akong mabuhay at muling bumangon. Ten years ang gap ng age namin pero sa paglipas ng panahon natutunan ko na siyang mahalin at muli akong nagtiwala sa lalaki. Wala akong inilihim sa kanya, sinabi ko lahat ng nakaraan ko at tinanggap niya iyon ng buong buo, at sa pag-ibig ni Winston unti-unting naghilom ang sugat ng aking nakaraan. Pero ngayon unti-unti na namang bumabalik sa akin ang bangungot ng buhay ko. Hinalikan niya ako sa ulo at doon napanatag ang aking kalooban at muling pumikit. "Thank you, babe," I whispered. KUMAWAY ako habang pinagmamasdan ang palayong sasakyan ni Winston. Mayaman si Winston, he owns resorts and some hotels in Metro Manila. Pero mas pinili niyang mag stay dito sa Batangas kung saan tahimik at malaya akong maglakad na walang pangamba sa puso ko. Niyaya na ako ng kasal ni Winston at tinanggap ko iyon. Itinaas ko ang kaliwang kamay na nakasuot ng isang diamond ring. Napangiti ako at pumasok na sa loob ng resthouse. Nadatnan ko si Marie, ang kasama ko habang wala si Winston. "Ma'am, may package po na dumating kahapon, nakapangalan po sa inyo." si Marie. Nangunot ang noo ko, wala naman akong inaasahang package? Kinuha ko ang may kalakihang kahon na bitbit ni Marie. To my Delly, lots of love Iyon ang nakasulat sa box, napangiti ako, si Winston talaga puro surprise! "Naku Marie, galing lang ito kay Winston. Alam mo naman ang taong iyon." Ngumiti rin si Marie sa akin. "Mahal na mahal ka talaga ni Sir Winston, Ma'am Delly." Excited na binuksan ko ang kahon, pero namutla ako sa nakita dahil hindi galing kay Winston ang package. Nanginginig ang kamay ko habang kinukuha ang isang family picture namin noon, kasama ko ang Mommy at Daddy at ang kuya ko! Nabitawan ko iyon. "Ma'am Delly? Bakit po?" pinulot ni Marie ang frame. "Itapon mo yan Marie! Sunugin mo yan!" tumakbo ako sa silid at doon nagkulong. Napatakip ako sa mukha at doon umiyak ng umiyak. Naririnig ko ang pagkatok ni Marie sa pinto. "Ma'am Delly! Buksan niyo po ang pinto, pakiusap po!" "Marie iwanan mo muna ako, please..." may narinig akong kumalampag sa labas. “Marie? Nandiyan kapa ba?" Napakislot ako ng tumunog ang telepono sa side table ng kama namin ni Winston, nanginginig na sinagot ko iyon. "H-hello?" "Delly baby, miss me?" Nabitawan ko ang telepono, kaagad na sumiksik ako sa sulok, napatakip ako sa tainga. "Nooooo!" sigaw ko. May pilit na nagbubukas sa pinto, napatakip ako sa mukha at nagsumiksik pa sa sulok. "No! Don’t touch me!" pinagbabayo ko ang mga kamay na humahawak sa akin. "Babe! It’s me, Winston! C’mon it's okay!" pilit na hinahawakan niya ang mga kamay ko. "No! Please, don't do this to me!" umiiyak na pakiusap ko. Pilit niya akong niyakap, ikinulong niya ako sa mga bisig niya. "I'm sorry, I will never ever leave your side again, babe!" kumalma ako ng marinig ang boses ni Winston. Pahina ng pahina ang pagtulak ko hanggang sa gumanti na rin ako ng yakap kay Winston. "He's here, hindi niya ako titigilan..." inabutan ako ng tubig ni Marie. "Calm down babe, just calm down, here drink this," mahigpit akong niyakap ni Winston pagkatapos kong ubusin ang tubig. PAGKATAPOS ng insedente ay isinama niya ako sa Manila, hindi na siya pumayag na manatili ako sa Batangas, isinama namin si Marie para may makasama ako habang nasa meetings siya. Si Marie lang ang pinagkakatiwalaan ko. Pabagsak na inihiga ko ang sarili sa kama ng makarating kami ni Winston sa bahay. "Are you okay?" tinabihan niya ako sa paghiga. "Winston, I guess I have to face him, para mawala na ang takot dito sa puso ko. I need to see hi—" "No! It's a big no, babe. Don't dare to think about it again, I will not let you meet that bastard!" tumaas ang boses ni Winston kaya napabangon ako sa kama. "You know I love you, right? Pero how could I live my life kung may nanggugulo sa atin? Sa akin? I wanted to have a new life with you and you know that, right? But how could I live that way if he keeps on chasing me, chasing us?" Tumayo si Winston. "I'll take care of that. Kahit ubusin ko ang pera ko para lang makulong ang hayop na iyan gagawin ko!" "You don't know him! I came from a wealthy family too, Winston. He has money more than yours! Mas marami siyang connection, kaya nang bilhin ng pera ngayon ang hustisya and it happened a long time ago. Do you think paniniwalaan pa ako ng batas?" "Then, what you gonna do now, huh? Send yourself to him and what? Para gawan kana naman ng masama? No, I won't let that happen to you," hinawakan niya ang mga kamay ko. "Look at me Delly, minsan ng may nawala sa buhay ko at ayaw kong mangyari ulit iyon ngayon. Please hayaan mo akong hanapin ang walang hiyang iyon, at pinapangako ko, pagbabayaran niya lahat ng kayupan niya sayo noon, I'll find justice for you." Napaiyak ako. "I'm sorry Winston, ayaw ko ring mawala ka sa buhay ko pero ayaw ko ring madamay ka dito. I won't let that happen also," hinalikan ko siya sa mga labi. Hinubad ko ang suot-suot na singsing. "Babe…" Inilagay ko iyon sa mga kamay ni Winston. "Trust me, babalik ako sayo Winston. Trust me, I'll marry you. Trust me, I love you." Pikit mata akong lumabas sa silid namin. Kinuha ko ang bag mula kay Marie at niyakap siya. "Huwag mong pababayaan si Winston habang wala ako, ha?" “Sigurado kana ba talaga sa pasya mo, Ma'am Delly?" Marahan akong tumango at muli siyang niyakap. Napatingin ako sa silid namin ni Winston, nakita ko siyang malungkot na nakatayo doon habang nakasandal sa pinto. May inihagis siya at kaagad ko iyong sinalo. Susi iyon ng kotse at ang singsing. "Take that ring with you, just promise me one thing. Babalik ka pag handa ka nang kalimutan ang nakaraan mo at handa ka ng pakasalan ako, babe." Napaiyak ako at marahan tumango, muli kong isinuot ang singsing. "Thank you." Engagement Party @ Villonco Residence SA isang sulok ay sumisimsim ng wine ang babaeng nakasuot ng butterfly mask—si Delly. Mabilis na tinandaan niya ang bawat detalye sa loob ng bahay na iyon, she invited herself to that party alone. Isang kindat lang sa bantay ay pinapasok na siya kaagad nito. Kay tagal na ng panahon ang lumipas. Napahigpit ang hawak ko sa wine glass ng makita ang kuya Sebastian ko habang may naka-angkla ditong babae. Nanginig ang kamay ko, nakita ko ang pagtatawanan ng mga kaharap nito habang plastikang nag ngi-ngitian sa bawat isa. Mabilis na umikot ako sa pasilyo. "Ops, sorry!" hinging paumanhin ko ng may mabangga ako sa pasilyo. "Oh, damn! Watch your steps, hija!" kumabog ang dibdib ko ng marinig ang boses ng babaeng nabangga ko. Mommy… "Honey, are you alright?" dinaluhan ito ng may edad ng lalaki, pero nasa tindig parin ang pangangatawan nito. Daddy… “Dad? Mom? What’s going on?" Mabilis na tumalikod ako at tinungo ang restroom ng marinig ang boses ni Sebastian, napahawak ako sa dibdib. I am sorry Daddy, Mommy. Pinahid ko ang luha sa mga pisnge. "What's on her? Why she's wearing a mask? This is not a mask party right?" "Maybe she's crazy? C'mon, let's get out of here!" narinig kong bulungan ng dalawang bisita. Lumabas ako ng restroom at tinungo ang main switch ng kuryente. Ini-off ko iyon kaya nagdilim ang buong paligid ng bahay. Limang minuto ang kailangan ko para maisagawa ang unti-unting pagpapahirap kay Sebastian. Automatic kasing gagana ang generator after five minutes of shut down. At sa madilim, kitang kita ko si Sebastian. Kinuha ko ang kutsilyo sa mesa at sinaksak iyon sa kanyang hita. Napasigaw ito sa sakit. Nagkagulo na sa loob dahil sa sigaw niya at kitang kita ko ang mukha niya habang dumadaing sa sakit! Pagbukas ng ilaw, napatingin siya sa gawi ko kaya hinubad ko ang suot na maskara at nakipagtitigan dito hanggang sa natakpan na ako ng nagkakagulong mga bisita.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD