CHAPTER FOUR

2278 Words
CHAPTER FOUR *** Celen: Lady in Red "Kumapit ka sa akin Belle!" sigaw ko ng maputol ang kahoy na nakaharang sa bato kung saan lulan si Belle. Napaiyak kami ng tangayin na ng rumaragasang tubig si Delly at ngayon naman pati si Belle ay nanganganib na ring matangay. Nanginginig narin kami sa lamig! Malapit ng mag umaga kaya mas delikado sa amin ang maabutan sa ilog dahil may maghahanap na sa amin pag sikat ng araw. Pilit akong tumayo sa bato at iniabot ang kamay ni Belle. Hinila ko siya at kaagad na niyakap. "H-hindi k-ko na k-kaya…" nanginginig na siya sa lamig. Hinubad ko ang damit namin at niyakap siya. "’Wag kang susuko, Belle!" kinuskos ko ang mga palad ko at idinampi iyon sa magkabilang pisnge ni Belle. "C-celen s-save your l-life...” anas niya. "No! Hindi kita iiwan dito Belle. Wake up!" tanapik tapik ko ang pisnge niya. "Wake up! Please! No Belle..." niyugyog ko siya, dahil nawalan na siya ng malay. "Tulooooooong!" sigaw ko. Wala akong pakialam kung marinig man kami ng mga goons, basta ang mahalaga mailigtas ko si Belle. "Tulongan niyo kami!" muling sigaw ko. "Belle gumising ka, pakiusap!" niyakap ko siya ng mahigpit. Napatakip ako sa mukha ng may nag ilaw sa amin. "Diyos kong mga bata kayo!" nawala ang ilaw at naramdaman ko ang ano mang bagay na iniabot nito sa amin. Kawayan iyon na pilit nitong inihaharang sa bato kung nasaan kami ni Belle, nasa gitna kasi kami ng ilog. "Bilisan niyo na mga Ineng!" sigaw nito sa amin. Pinahid ko ang luha at pilit na kinarga si Belle. Lumusong ako sa tubig papunta sa gilid habang kumakapit ako sa kawayan at inaalalayan si Belle. Hindi na masyadong malakas ang agos ng tubig dahil tumitila na ang ulan. Iniabot ng Ale si Belle na wala ng malay at hinila nito pataas. Ako naman ang hinila nito at tinulungan sa pag angat sa tubig. Kinarga ng Ale si Belle habang sumusunod ako dito. Hindi kami nito sa loob ng bahay dinala kundi sa kulungan ng mga alaga nitong baboy! Kumuha ito ng dahon ng saging para isapin at inihiga si Belle. Umiiyak din ito. May narinig kaming huminto na motor, nakita ko ang takot sa mukha ng Ale. “Shhh... wag kayong gagawa ng ingay, babalikan ko kayo dito." Nakita ko ang pagsalubong nito sa dumating. Napatakip ako sa bibig ng makilala ang taong sinalubong nito, ang lalaking isa sa humahabol sa amin. "Buweset na mga batang 'yun! Binibigyan pa kami ng problema!" nagwala ito. Tiningnan ako ng Ale at sumenyas ito para magtago ako. Napaupo ako at niyakap si Belle, inaapoy ito ng lagnat! "Kumain kana ba? Ipaghahain kita," narinig kong sabi ng Ale. "Gawin mo nalang! Marami pang satsat, tumabi ka nga!" asik ng goon at pumasok na ito sa loob, muli akong sumilip at kitang kita ko ang p*******t nito sa Ale. Pagkatapos nitong kumain ay muli itong sumakay sa motor at pinaharorot iyon. Binalikan kami ng Ale at nakita ko ang maraming pasa nito sa braso. "Ale..." "Okay lang ako, itong kaibigan mo ang isipin mo, halika tulungan mo akong ipasok siya sa loob para magamot natin, mamayang gabi pa ang balik ng asawa ko o di kaya bukas pa." Tinulungan ko siya sa pagbubuhat kay Belle. Kaagad na ginamot niya si Belle at binihisan, pati ako ay binigyan niya rin ng masusuot. Pinakain din ako nito habang pilit na sinusubuan ng lugaw si Belle. Tanghali ng humupa na ang lagnat ni Belle at nagkakaroon na rin ito ng malay. Napaiyak ako sa tuwa. “Salamat at gising kana, Belle." "Buweset na mga kabataan iyon mga pare! Malalagot tayo talaga kay boss!" Nagkatinginan kami ng mula sa labas narinig namin ang boses ng goon, habang may kausap ito sa cellphone. Mabilis na pinatayo ko si Belle mula sa pagkakahiga. Kinuha ng Ale ang nakatagong wallet niya at ibinigay sa amin. Senenyasan kami nitong dumaan sa likod. "Maraming salamat po!" sabi ko. Tumango ito at muling niyakap kami bago nilabas ang asawa nito. "Maaga ka yata ngayon nakauwi?" tanong niya sa goon. "Bakit may problema ba?!" at muli nitong sinampal ang Ale. Mabigat man sa loob ay lumabas kami ni Belle at iniwan ang Ale. Pagdating namin sa highway ay kaagad kaming nagpara ng bus. "Mga hija, papuntang Manila ang bus na ito. Saan ba kayo patutungo?" sabi ng konduktor sa amin. “Sa Manila po?" nabuhayan ako ng loob at mabilis na sumakay kami ni Belle. “Sa Manila po kami." Alanganin ang konduktor pero wala na itong nagawa. Umupo kami sa may bandang gitna at niyakap ng mahigpit si Belle. At pinangako ko sa sariling aalagaan at bibigyan ng magandang kinabukasan si Belle. "Thank you, Celen." anas niya at muling nakatulog sa balikat ko. NASA loob ako ng make-up room at inayos muli ang sarili, tuwing sumasayaw ako laging bumabalik sa alaala ko ang mga pangyayaring iyon, huminga ako ng malalim at kinapalan ang lipstick na pula. Nakasuot ako ng two piece red bikini at nakatakong din ako ng pula. Ang tawag sa akin sa loob ng beer house ay "lady in red". "Oy, Lady in Red, alam mo bang nandiyan na naman ang makulit mong manliligaw? Naku tinamaan talaga sa alindog mo mare!" inayos ni Fe ang buhok ko pagkapasok sa loob. Dancer din itong tulad ko pero hindi kami pwedeng dalhin sa labas pag on-duty pa kami. Binabayaran kami para sumayaw pero hindi kami nagbebenta ng laman. Pilit kong sinisikmura ang ganoong klase ng trabaho para kay Belle. Napabuntong hininga ako. Ang tinutukoy ni Fe ay si Enrique—ang binatang wala na yatang magawa sa buhay at laging nakabuntot sa akin. Part-time ko lang tuwing gabi ang pagsasayaw, isa naman akong cashier sa isang maliit lang na grocery store sa umaga at si Enrique lagi ang aking unang costumer. Galit ako sa mga lalaki at never pumasok sa isip ko ang pakipag relasyon. Tumayo ako at kinuha ang pula kong sumbrero. "Lady in Red, it's your turn now," sumilip si Madam Mama sa amin, isa itong bading na naging kaibigan ko na rin at ito din ang floor manager. "Okay," I answered. "Hooo! Lady in Red shake it and take it off baby!" sigawan ng mga lasing ng lumabas ako sa entablado. Pumunta ako sa gitna at humawak sa pole. "Yeah! Ang ganda mo talaga lady in red! Akin ka na lang!" sigaw naman ng isa, lahat nag hiyawan ng magsimula na akong sumayaw at pumaikot ikot sa pole. Pero sa isang tao lang nakatutok ang aking mga mata—kay Enrique na hindi maipinta ang mukha habang nakatingin sa akin. "Bakit mo ba ginagawa ang ganitong klaseng trabaho?" si Enrique. Inabangan niya ako isang gabi nang matapos na ang duty ko. Hindi ko siya pinansin at nilagpasan siya. "Celen!" sambit niya sa pangalan ko, napahinto ako at nilingon siya. "Ano bang problema mo? Wala kang pakialam sa buhay ko! Kaya pwede ba, tumigil kana? Tigilan mo na ang kakabuntot sa akin!" "May pakialam ako sayo, kasi mahal kita! Nasasaktan ako sa tuwing pinagpi-pyestahan ng mga lalaki ang katawan mo!" lumapit siya sa akin at hinawakan ako sa magkabilang balikat. "Tutulungan kita, umalis kana sa lugar na ito, hindi ka nababagay dito." Pinalis ko ang mga kamay niya. "Lalaki ka rin, kaya wala kang pinagkaiba sa kanila," hindi ko na siya nilingon at kaagad akong sumakay ng jeep. Umakyat ako sa pole at naglalambitin doon habang panay ang hiyawan ng mga kalalakihan sa loob. Napaiyak ako ng makitang lumuluha si Enrique habang nakatingin sa akin, mabilis na bumaba ako sa pool. Patawarin mo ako Enrique, pero hindi ang isang katulad ko ang nararapat para sa 'yo. May umakyat na isang lasing at kaagad na hinawakan ako sa braso. "Akin ka na Lady in Red. Matagal na kitang pinapantasyahan, eh!" para itong isang asong ulol na hayok na hayok sa laman ko. "Bitawan mo ako, ano ba!" itinulak ko ito kaya nalaglag ito sa baba, nabasag ang mga boteng nadaganan nito. Nagkagulo na sa loob, mabilis na umalis ako sa stage at kinuha ang damit ko sa make-up room. "Okay ka lang ba, Lady in Red?" si Madam Mama. "Pagpasensyahan mo na ha? Papasok kapa naman diba?" Binura ko ang make-up habang naka buntot parin si Madam Mama sa akin. "Papasok pa rin ako, hindi ito unang beses na may nagtangka sa akin." Nakahinga ito ng maluwag. "Inaayos na ng bouncer natin ang gulo sa loob, pwede ka ng makauwi, sa likod kana lang dumaan at baka abangan ka ng sira ulong lalaking iyon." Tumango ako at kinuha ang bag ko na nakalapag sa upuan. Paglabas ko sa likod ay may mga brasong humatak sa akin at pilit na tinakpan ang mga bibig ko kasabay nun ang paghila niya sa akin sa isang sulok na may kadiliman. "’Wag kang maingay," narinig kong bulong sa akin ng kung sino man. Biglang bumilis ang t***k ng puso ko, si Enrique. "Pare, oo alam ko, aabangan ko dito si Lady in Red. Matagal na niya akong pinapahirapan, eh! Gustong gusto ko na siyang mahawakan at matikman!" nagwala ito at pinatid ang basurahan sa gilid, may kausap ito sa cellphone. Hinubad ni Enrique ang jacket niya at isinuot sa akin. Pinahubad din niya ang suot kong takong na pula. Huminga siya ng malalim, nakita namin ang pagdami ng mga kalalakihan na nag a-abang sa paglabas ko. Senenyasan pa nito ang iba na sa front door mag abang. Mahigpit na hinawakan ni Enrique ang mga kamay ko. "Pagbilang ko ng tatlo, lalabas tayo. Huwag kang magpahalata, ‘wag na ‘wag kang bibitaw sa mga kamay ko," si Enrique. Kay bilis ng kabog ng dibdib ko, sa unang pagkakataon sa buhay ko may nag nais na protektahan ako. Humigpit ang hawak ko sa mga kamay niya, at dahan dahan kaming lumabas mula sa pagkukubli sa isang madilim na sulok. "Talasan niyo mga mata niyo!" sigaw ng lalaki sa mga tauhan. Malapit na kaming makalagpas sa mga ito, nang mapalingon ito sa amin ni Enrique, kaagad na inakbayan niya ako. Lumagpas ang tingin nito sa amin, akala namin ligtas na kami pero bumalik ang tingin nito sa akin pababa sa aking mga paa, wala akong suot na sandals, nakapaa lamang ako! "Takbo!!!" hinila ni Enrique ang mga kamay ko at mabilis kaming kumaripas ng takbo palayo sa mga ito. "Tangna! Naisahan tayo! Habolin niyo sila!" utos nito sa mga tauhan. Napatingin ako sa mga kamay namin ni Enrique na magkahawak-kamay parin habang tumatakbo, hindi ko napigilan ang mapangiti. Tumakbo kami sa mga pasikot-sikot na mga eskinita, hanggang sa tuluyan na naming mailigaw ang mga humahabol sa amin. Napahawak ako sa dibdib ng huminto na kami ni Enrique. Pareho kaming humihingal at napasandal sa pader. Nagkatinginan kami at sabay na napabunghalit ng tawa. "Ang bilis mo palang tumakbo!" si Enrique habang habol ang hininga niya. "Buong buhay ko tumatakbo na ako," sagot ko. Nagpalinga-linga ako, hindi ko alam ang lugar. Hala! Patay na! Baka hinahanap na ako ni Belle ngayon! "Where are you going?" si Enrique. Kaagad na pinigilan niya ako ng akmang lalabas na ako sa eskinitang iyon. "Baka nasa labas pa ang mga humahabol sa atin." "Kailangan ko ng umuwi!" Hinawakan ni Enrique ang mga kamay ko, dapat itulak ko na siya pero hindi ko magawa. Hinila niya ako at mariing hinalikan sa mga labi, dapat sinampal ko na siya pero kusang pumikit ang aking mga mata at tinugon ang halik niya. I am crying while kissing him back, kakaiba ang nararamdaman ko sa mga sandaling ito, masaya na masakit. "Let me help you Celen, please...” anas niya between our kisses. Dahan-dahan ko siyang itinulak at umiling. "I'm sorry, but you just can't...” "Celen...” "Walang nangyari ngayon, Enrique," umatras ako at tumakbo palayo sa kanya. NAKITA ko si Belle sa labas ng bahay at hinihintay ako. Kaagad na tumayo siya ng makita ako. “Sis, bakit nasa labas ka pa? Halika na pasok na tayo." Mataman niya akong tinitigan. “Saan ka galing at bakit ganyan ang hitsura mo?" napatingin siya sa mga paa ko. Bumaba din ang tingin ko sa mga paa ko, tumawa ako. "Naku, naputol kasi kaya hinubad ko na. Ano kaba wag mo na akong pansinin, tara na pasok na tayo sa loob." Kinuha ni Belle ang hawak ko na bag at inilagay niya iyon sa taas ng mesa, tahimik lang siya. “Sis, may problema ba?" tanong ko, hindi ako sanay na tahimik siya dahil sobrang daldal niya. "Magsabi ka sa akin ng totoo, saan ka ba talaga galing?" "Nag overtime sa trabaho kaya—" Umiyak siya. "Hindi ka nagsasabi ng totoo, eh! Pinuntahan kita kanina doon pero ang sabi nakapag out kana." Hindi kasi alam ni Belle na nagtratrabaho ako sa beer house. "May raket kasing ibinigay sa akin iyong katrabaho ko kaya pinatos ko na, sayang iyong kita," I lied. Nangako kasi kami na hindi na muling papasokan ang mga ganoong klase ng trabaho o lugar. Niyakap ako ni Belle. "I'm sorry Celen, dahil sa akin kaya ka nagtratrabaho ng ganyan, sorry...” Tinapik ko siya ang likod. "Thank you Belle, dahil tinutupad mo ang pangarap ko. Basta mag-aral ka lang ng mabuti ha?" inayos ko ang bangs niya. Twenty years old na si Belle at malapit na itong makapagtapos. Pero para parin siyang bata mag isip, at iyon ang kinaiinggitan ko sa kanya. Tumango siya at itinaas ang isang kamay. "Promise!" Sinundot ko siya sa tagiliran, mabilis na napahiyaw siya. “Sis tama na!" tumatawang ilag niya sa mga kamay ko. "Ang drama drama mo kasi!" hinabol ko si Belle at mabilis na pumasok siya sa silid.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD