Episode 11: Liar!

1376 Words
Alam nya... Alam nya na nandito ako at nakikinig sa kanila. Tama na please.... Tama na.. Ayaw kong paniwalaan lahat ng naririnig ko.... Sana nabibingi lng ako... Sana nga... Sana. "di ka pa ba napapagod?.... Naawa na ko sa kanya". Matamlay na Saad ni Marc. Na pahiwalay naman si Rainne sa pagka yakap nya dito kanina. "bakit?!. Mahal mo na ba sya?!". Pasigaw na sabi ni Rainne kahit na malapit lang sya dito. Tila nagbago agad ang ugaling kanina ay malambing na ngayon ay nagagalit na. Napayuko naman si Marc sa di ko malaman na dahilan. "sumagot ka!". Nagagalit na wika ni Rainne dito at nadagdagan pa dahil sa pag Yuko ni Marc dito. Napaghahalataan sa mukha ni Rainne na may pumapasok ditong selos at galit. "itigil na natin to.." "a..a...anong it itigil". Kinakabahang wika ni Rainne na tila naging maamo na ang mukha. " itong ginagawa natin sa kanya... Itigil na natin to.... Baka masira pa lalo ang relasyon natin kung ipagpapatuloy pa natin toh.... Di ka pa ba napapagod?". Mahinay na sambit nito. "itigil?!.... Hinde!". Sigaw nito at nagbago agad ang emosyon na kani kani na lang ay natatakot sa ibig sabihin ni Marc. "maawa ka na sa kanya!" "maawa?!.... Gusto ko pa mag higante!". Maghiganti?... Bakit.. Pa.. Pa.. Para a saan?... "magisip ka pa nang paraan—!". "ayaw ko na!!". Pagpigil ni Marc sa pagsasalita ni Rainne. "itigil na natin to.. Naawa na ko kay Liz.." "naawa.... O baka naman napamahal ka na sa kanya!". "Babe... Wag mo naman sanang ma misinterpret un oh...". Malumanay na sambit nito. Mas lalo pang tumindi ang pagpatak ng luha ko sa mas na dinig ko sa kanya. Ngayon ko lang na dinig na sinabihan nya si Rainne ng babe... Na pahinga ng malalim si Rainne atsaka nagbanggit ng pangalan na mas nagpatibok sakin dahil sa kaba. " Lumabas ka na dyan!". Kaya mo to.. Hindi mo malalaman ang totoo kung tatakbo ka na lang at La layuan ang katotohanan. Pagkalabas ko sa punong pinagtataguan ko, nagulat naman si Marc dahil sa nakita nya ko. Namumula at, matamlay na matamlay ang mukha dahil sa patuloy na pag patak ng luha ko kanina pa. "anong masasabi mo sa narinig mo?". Nakangising wika ni Rainne sa akin. Nagbago ang pagkakakilala ko kay Rainne. Ibang iba sa pinapakita nya sa akin. "totoo *huk*.. ba..a..*huk*".nauutal na wika ko kay Marc na nakatingin lang sakin at gulat na gulat, pero makikita mo pa din ang awa sa kanyang mga mata. Magpahanggang ngayon, umiiyak pa din ako. "oo". Napalingon naman ako kay Rainne na biglang sumabat. " Rainne tama na..". Pagpapatigil ni Marc. "bahakit nyo toh gihinagawa sahakin? . *huk*". "kasi maiinis ako sayo!". "Rainne tama na!" sabat ni Marc. "tumigil ka!...". Lingon nya kay Marc at bumaling ulit sakin. "alam mo kum bakit?!...dahil nainis ako sayo!". Sigaw ni Rainne na galit na galit at parang may ginawa akong kasalanan na di ko alam. "mataba ka, feeling era, at higit sa lahat -—pinatay mo si papa!!!". "babe tama na!!" "shut up!!" "papa?... Ano namang ginawa ko sa kanya... Wala kong alam...". Sa totoo lang wala tlga akong alam kung pag-uusapan si papa, dahil bata pako nung laging binabanggit sakin ni mama na wala daw akong tatay. "wala ka naman tlga gang alam na pinatay mo si papa!" "di totoo yan!" "totoo... Totoong totoo!" Napalingon naman ako kay Marc na ngayon ay nakayuko na lang at tila nakikinig na lang sa amin. "Marc, totoo ba?". Nagmamakaawa ng sambit ko sa kanya. "sabihin mo saking nagjojoke lang sya". Turo ko kay Rainne. Napayuko naman ito. "patawad". Sambit nya na mas nagpakuha sakin. Sinusubukan kong pigilan umiyak pero ayaw pa din tlga mawala ng mga luha ko. "bat di mo sabihin sa kanya ang totoo!... Babe..". Pagdiin nya sa huling salita na nakangisi. Napatahimik sandali si Marc at na pati gin sakin ng may awa. "Rainne tama na—" "sabihin mo!". Nanggagalaiting sambit ni Rainne. "Marc". Sambit ko kay Marc na may pagkahawa saking mga mata na sabihin sakin ang totoo. "niloloko ka lang namin ni Rainne". Hindi... Hindi to totoo.. " girlfriend ko si Rainne, at gusto nyang makaganti sayo. Kaya tinulungan ko si Rainne para tumigil na sya sa kaka iyak dahil sa problema nya. Lagi lagi syang umiiyak simula nung sinabi ng mama nya ang totoo. Masakit sakin na malamang umiiyak ang taong mahal ko, kaya ginawa ko ang lahat para mapa tahan lang sya. At ito nga ang ginawa namin sayo. Kukunin ko ang loob mo para masaktan ka at makaganti sayo si Rainne... Patawarin mo kami". " ano namang ginawa ko... Wala kong alam sa nangyayari... Bakit mo nasabing pinatay ko ang tatay mo". Naiiyak na sambit ko sa kanilang dalawa na pinabalik balik ang tingin. "hindi mo talaga alam?!... Huh!.. Nakakatawa ka... Lumaki ka sa puro kasinungalingan... Tang*!". Sabat ni Rainne. Ano ba talaga ang totoo?..ang hirap mabuhay na ganito nalang. Walang alam. Naniwala na sana ako kay Jiaz sa una palang. Ang Bobo ko... Ang Bobo bobo ko!. " babe tama na please! ". Sigaw ni Marc na nagmamakaawa. " di ka lang tanga, bobo ka pa.. Kasi bruin mo?!.. Sarili mong kaibigan di mo pinaniwalaan. Haha!. Bobo ka na nga tanga ka pa.. Idagdag mo na pati ung kalandian!... Malande!.. Haliparot!". Sagaw sakin ni Rainne habang di na damdam ko lahat nang sinasabi nya. Mahina na ko.. Nandito ako sa tapat ng lumoko sakin.. Umiiyak... Napapahiya... " "Liz—". Hawak sakin ni Marc. "wag mo kong hawakan!". Sigaw ko dahil sa gulat at galit. Dahil sa pagkakagulo, at pagkagulat, napatakbo na ko sa kung saan. Habang umaagos ng kusa ang mga luha kong lumalabas sa pisngi ko, di ko na malayang nandito na ko nakatayo sa isang malaking bato kung saang makikita ang Ilog. Kahit madilim na, ay may refleksyon pa din ako sa baba kung saan malayo ang pagitan ko sa tubig dahil sa liwanag ng buwan. Bangin kung ihahalintulad ngunit hindi lupa ang babaksakan. Bakit lagi nalang ako niloloko, bakit kelan gan laging ako ung nasasaktan. Nakakasawa na.. Sobra sobra na ung pasakit... Hindi ko matanggap... Sobrang sakit. Humakbang ako ng isang beses... At isa pa... Hanggang sa umabot na ko sa dulo. "Lizzz!!!!". Huli na... Nahulog na ko... Hinayaan ko ang sarili kong malunod at dahan dahang nawalan ng malay. §§§§§§§§§§§§§§§§§§§§§§§§§§§ Na pabalik was ako sa hinihigaan ko. Napahawak ako sa pisngi ko at Hindi ko napansing may luhang lumandas sa mukha ko. Nagising ako.... Nagising ako sa isang panaginip na bangungot para sakin... Panaginip lang pala.... Di ko mapigil ang lumuha ng lumuha hanggang sa naiiyak na ko nang tuluyan sa di ko matukoy ang dahilan. Nang mahimasmasan na ko.. Napagdesisyunan kong magmumog, maghilamos at uminom ng tubig malapit sa lamesa ko. Lumabas na ko ng kwarto para kumain. Bumungad sakin si mom at dad. Kumakain silang dalawa at nagkwekwentuhan habang natatawa an. Till now, naku curious ako sa mga bagay bagay tungkol sakin. "oh..baby, gising kana pala.. Kain na". Nakangiti ng wika sakin ni Mom. "good morning mom, dad". Sabi ko sabay halik sa pisngi nilang dalawa. May platong nakalapag na sa harap ko pati mga utensils. Habang kumakain may pumasok sa isip ko na nagpakaba sa sarili ko. "mom, dad...." "yes baby". Si mommy na ang sumagot. "how old I am?" "seriously baby, you don't know your age?". Natatawa pang sambit ni Dad. "dad, I'm serious!". Naiiritang sabi ko kay Dad but, he's still laughing. "uumm. Nung nakaraang araw 18 ka palang but kahapon, 19 kana kasi nga that's your birthday. Kaya nga baby napagdesisyunan namin ng Daddy mo na magbobonding tayo today kasi kahapon busy kami.. So di ka muna papasok. That's why, your Yaya didn't wake you up". Masayang sambit ni mama at nageenjoy pasya. "yeah that's true baby, p inaasikaso ko muna sa mga clients namin ng mommy mo ang lahat. So no worries". Sabat ni Dad. So I'm 19 now.. 19... "mom, dad... Last question... What's my full name?". "baby, your getting weird, but for you that's OK. Haha". Napansin naman ni mama na seryoso ako at bigla syang nagpilit ng tawa. "OK I'm serious... Your full name is Lizley Mare Khan". Pagseseryoso na ni mom na nagpatulala sakin dahil sa nalaman. No this can't be serious.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD