"yey!.. Chicken curry!". Mukhang batang sambit ko sa ulam na nakalapag sa harapan ko ngayon. Na Miss ko na din to, nung bata pa kasi ako magmula nang nakain ko to. Yum yum! .
"ok class!.. Pagkatapos nating kumain, magpapahinga muna kayo saglit at maggagames na tayo!".malakas na paalala nya sa ming lahat para ma dinig namin.
Na saya han naman kami agad at tinapos na ang pagkain. Kuwentuhan, tawanan , sigawan at iba iba pa ang ginagawa ng karamihan habang kumakain.
Napatingin naman ako sa katapat kong view. Nasa may silong kami kumakain habang nasa tapat naman namin ang Beach na kumikinang pa dahil sa liwanag.
10:08am palang kaya may araw na. So... One, two— 2 hours Lang byinahe namin papunta dito, kasi sakto ng 8 kami umalis.
Di naman masyadong mainit dahil madaming puno na maaaring pag silungan. Ang ganda ng pagka gawa sa dagat upang mas dayuhan ito ng mga turista. Kahit tignan mo lang, matatanggal na agad pagod mo. Ung parang kapag may problema ka, Punta ka lng dito mawawala na agad. Pero parang lng naman. Di na naman Literal na matatanggal.
Pagkatapos kumain nagpahinga muna kaming lahat saglit. Naglakad lakad sa may buhanginan tas nag-usap usap lng ang mga karamihan, pa pagtanggal na din ng busog dahil sa sarap ng kinain namin. Madami namang nakahain kaso ung chicken curry lng talaga ung nila takpan ko—eh sa masarap eh.
"pumunta na po tayo sa beach side!". Sigaw ni President kaya pumunta na kami. Ung iba napatigil na sa ginagawa nila at pumunta na din. Oras na para mag Gamesss!!. Yey!
"group yourself into four!". Sigaw ni ma'am at nag grupo naman kami sa apat. Si Rainne, ako, Marc at Jiaz.
Naglalaro kami ng group yourself ba tawag dun, ay ewan ang alam ko kasi un ang tawag dun tama ba?.
"out!". Sigaw ni ma'am sa tatlo na kulang ng isa kaya umalis na sila at tumabi na lng sa gilid para maghintay ng susunod pang laro. Wala na kong pake elam sa bilang namin, ang mahalaga may ka grupo pa din ako.
"group yourself into one!". Matatapos na ang laro at kinakabahan na ko. Naout na si Jiaz at kami nalang tatlo ni Marc at Rainne ang natira. Mabuti na lang at one pa. Nakakakaba namannkasi tlga.
"OK layo layo!". Sigaw no ma'am .at naglayo nga kami sa pagitan.
"Group yourself into three!". Naeengganyong sigaw ni ma'am pati nadin ung mga kaklase namin.
Nagkatinginan naman kaming tatlo at naglapitan at maggroupo sa tatlo. Napapatawa nalang kami kasi nakakaenjoy na nakakaba ung larong ito.
" OK layo layo!". Sigaw ulit in ma'am . na ma's nagpapakaba saming tatlo. Naglayo na kami habang nakangiti. Tila walang sertosohan sa nilalaro namin.
"Group yourself into ........ ". Nangbibitin na wika no ma'am na nagpatindi sa kaba namin. Habang naghihintay ng bilang , napatingin ako sa dalawa at nagtitingin kaming tatlo. Tila may namumuong libag— char.. Tensyon I mean.
" two!!!".sigaw na sigaw no ma'am na Padang mapuputol na yung ugat . may patalon talon pa habang nasisiyahan saming tatlo na nagkakaroon na ng tensyon.
Nagtakbuhan kami mula sa malayong pagitan na pwinesto samin. Saktong lalapit na sana ko kay Marc nang biglang hilain ni Rainne si Marc para mapunta sa kanya, dahilan para sila ang manalo.... At sila nga tlga ang nanalo.
"out!". Wika ni maam sa akin. Isang salita, pero masakit kung direkta. Masakit matalo, lalo na't kung wala kang nagawa para manalo. Pero ayos lang yan, laro lang naman toh eh. Ung laro na kaya kang saktan kahit na alam mong di ka naman sineryoso.
Habang nagsasaya silang lahat umalis na ko ng palihim sa gitna ng kasiyahan para di na ko maging etsosera sa gitna at gumilid na lng. Baka kasi kapag nakihalo pako, baka mas lalo lang s umakit ung pagkatalo ko.
Andramaaa!!!.. Haiisst parang timang naman kasi kakahugot na yan. Hay ewan. Oras to ng pagsasaya hindi paglulumbay. Wag kasi bigyan ng meaning para di ka masaktan!
Pagkatapos ng larong group yourself, sinunod namin ang bring me. Kahit Laos at halagang bata lang talaga ang lumalayo nun, ni laro pa din namin kasi masaya syang laro lalo na kapag maguunahan sila na makakuha ng pinapadala sayo.
Madaming pinakuha at pinadala sakin katulad na lang ng mga pera na binalik din samin ——natural. Mga sea shells na nakakalat lang sa buhangin pinakuha din. May nag unahan Panga sa seashell na nasa paanan ko lang eh, kaso dahil malapit nga ko, nakuha ko at nagbigay ko kay ma'am.
Naglaro pa kami ng iba pang laro katulad ng mga laro sa tubig Like, volleyball, ung wisikan kasali syempre parang bata lng. A sarap bumalik sa pagkabata, ung may patintero, tum ba preso, chinese garter, ung agawan base at iba pa.
Natapos ang lahat sa kasiyahan at tawa nan, wala na kaming ibang ginawa kundi mag enjoy lang dahil araw namin to at rest day. Hanggang sa mag gabi na at natutulog na ang lahat.
Dahil sa di ako mapakali sa hinihigaan ko, umupo ako sandali at nagiisip ng kung ano ano. Nang wala na kong maisip.. Wala naman tlga. Lumabas na ko ng kwarto para magpahangin. Hindi pa sapat ang terrace sa kwarto para ma feel ko ang gabi, gusto ko yung yumayakap sakin ung lamig ng hangin.
Pagkalabas ko, wala na masyadong mga tao dahil malapit na mag madaling araw. Kaya umopo ako sa may punong putol na basta lng nalagay sa kung saan at napadpad dito sa tapat ko.
Nakita ko na to kanina, dito na din ako umupo kanina nung napapagod ako kaka laro at tawa nan namin. Halos mang iyak na nga ko sa sobrang saya namin eh.
Na pati gin naman ako sa tubig ng dagat na kumikislap dahil sa liwanag. Kaninang umaga ang linaw nito na tila maaari mong pagmasdan ang bawat galaw ng mga isda sa ilalim ng tubig.
Habang nagmumuni, na Palingon ako sa likod ko dahil may nadirig akong kaluskos. Masyado ng tahimik para di ko marinig ang ingay na yun. Maliban na lang sa ganda ng tunog ng tubig na humahampas sa buhangin.
Napag-alaman kong si Marc pala un na papalapit sa inuupuan ko. Para has lng din ata kaming di maka tulog.
Tatayo na sana ako para kamusta in sya nang makita kong biglang lumitaw si Rainne at biglaang yumakap dito.
Napatakip na lng ako sa aking bibig. Ayaw kong tanggapin ang lahat ng dumi na pumapasok sa king isipan baka nagkakamali lang tlga ko.
Napagitla na lng ako nang umalis na sila at lumiko papunta sa mapuno g lugar. Dun mas lalong dumumi ang isipan ko.
Maglalakad na sana ko para sundan sila kung saan man pupunta nang biglang lumingon si Rainne sa direksyon ko at ngumise.
Kaya mas kinabahan ako at mas naging intiresado ako para mas sundin sila. Bigla namang nag init ung ulo ko ng beri beri Light dahil wala pa naman akong nakikitang ebidensya para magalit.
Habang sinusundan ko sila, pagdami ng padami ang mga punong nakikita ko. Balak nya sigurong pumunta pa sa mas liblib pa para walang maka rig kung may mangyari mang iba, maski na kinakabahan ay tumuloy ako.
Napatigil naman ako sa pagsunod malayo sa kanila kung saan pwede kong ma dinig ang pinag uusapan nila ng bigla silang tumigil at yumakap ulit si Rainne na tila naglalambing.
"babe".
Sambit ni Rainne na nagpa gimbal sa akin at nagpatigil sa t***k ng nasa paligid ko. Ma's lalo along napatakip sa bibigko at pinipigilang umiyak.
Ayaw Kong umiyak...Hindi....Hindi ako iiyak... Kelantan ko munang malaman ang to too bago ako umiyak at tumakbo. .. Please magpakatatagka sarili ko...
Lahat ng parte ng katawan ko nag iinit, maski mata ko naluluha na. Madaming pumapasok sa isipan ko dahil lang sa isang salita lang nayon. At ayawa Kong mamisinterpret ang lahat ng un.
"mm..". Tugon ni Marc sa tanong ni Rainne.
"mahal mo ko diba?"
"oo naman.. Ano bang klaseng tanong yan." bawat wikang sinasambit nya ay nagpapatindi ng pag init ng mata ko.
"o sige nga. Magisip ka pa ng plano para mapa ibig mo pa ng todo yang Girlfriend Girlfrienan mo na yan". Sambit ni Rainne na may paglalambing.
Alam nya...
Alam nya na nandito ako at nakikinig sa kanila.
Tama na please.... Tama na.. Ayaw kong paniwalaan lahat ng naririnig ko.... Sana nabibingi lng ako... Sana nga...
Sana.