Kinabukasan. Sabay kaming pumasok ni Jia, nagulat na nga lang ako dahil pinuntahan nya pala ko.
Pagka pasok namin sa Room na pating in ako sa upuan ni Marc at Rainne kung nauna na sila at nandoon na nga at nakaupo. Na pati gin din naman sila sakin. Nginitian ko lang silang dalawa sabay upo na.
Ka kamusta hin ko sana sila pagkaupo kaso, Saktong pag upo ko, dumating si ma'am.
"good morning class!". Masayang bati sakin ni ma'am... —ay ewan! Di ko alam pangalan basta ang alam ko lang adviser ko sya.
Bumati naman kami pabalik at pinaupo na. Pagkaupo ay naging ayan na ang lahat habang kami tahimik. May naririnig akong pinag uusapan nila ung about kagabi. Samin ni Marc.
"class, quiet !".. Sigaw ni ma'am. "ok.. Bago tayo mag start kamusta in muna natin ung nanalo sa bunutan kagabi!". Masayang panimula ni ma'am dahilan para magbalik sa ingay ang lahat.
"dahil nga sa bumuntot ng another Prom King and Queen., iba na ang na tawag pero dito parin naman sa Room natin... Ok Miss. Claudet and Mr. Paulo.. Please stand up." pagpapatayo ni ma'am sa dalawa naming kaklase. "palakpakan naman natin sila.. The Prom King and Queen!". Naghiyawan naman ang karamihan. Ang iba ay nagkakalampag pa ng mga upuan para mas umingay. Mga papansin.
"So sila pala ang nabunot... Yaan mo na nga—oh! Subukan mong sumumangot mapapatay ka tlga sakin!". Pag o comfort sakin ni Jiaz na parang di naman. Sisimangot na sana ko kaso bigla nya kong binantayan kaya ngumiti ako ng todo.
Nagtawanan naman kami at sumabak sa ingay ng mga baliw.
" class quiet!!! "
Lunch break na. Pagkatayo namin ni Jiaz upang kumain ay bigla ring tumayo sila ni Marc at Rainne. "halika na". Anyaya ni Marc kaya lumakad na kaming apat.
Napataka ako sandali kasi ang awkward. Parang naghahanap pa ko ng tanong dahil iniwan lang ako ni Marc doon sa gitna ng spotlight, tas ngayon nandito na sya at naka ngiti sa harapan ko.
"ahh.. Liz, sorry kagabi ah.." tawag pansin sakin ni Marc dahilan para mabuwag ang awkward atmosphere na nakapalibot saming apat habang kumakain.
Dinaman ako sumagot kasi may itutuloy pa sya. "sinundan ko kasi si Rainne at iniwan kita ng biglaan.... Ah—". Napatigil sya sa pagsasalita ng na kayo ko nang biglang sumingil si Rainne at sya na ang nagpatuloy.
"naipit kasi ung paa ko sa upuan nang biglang umatras si kuyang nobody kasama upuan nya, Saktong pagatras nya ay pagtaas ng paa ng upuan nito patapak sa paa ko kaya napasigaw ako dahilan upang makahakot ng pansin ng karamihan... So —sorry tlga." pagsusumamo ni Rainne habang nakayuko.
Sumubo muna ko sa kinakain ko pagkatapos ay nginuya sabay lunok. "Haha.. Ok lang yun, may iba na naman na tawag. Ano pa ba magagawa natin, tapos na eh". Ngumiti ako at kumain na ulit.
Lumipas ang mga araw, dalawang buwan at paulit ulit na routine. Gising, Kain, pasok, kain, uwi, kain, tulog.
Ngayon ay Retreat na namin. Tapos na ung recognition namin nung nakaraang buwan pa kaya magcecelebrate kami para sa huling araw na pasukan. Pagkatapos ay bakasyon na.
Nandito ako sa kwarto ko at nag aayos ng gamit dahil Retreat nga namin ang kulit. Maaga akong nagising, maligo at nag ayos. 6:06 na at tapos na ko sa lahat.
Ako na ang dadaan sa bahay ni Jiaz dahil un ang napag-usapan. Lagi nalang daw kasing sya ung pumupunta sa bahay ko, bakit di naman daw ako naman ang sumunod sa kanya.
"Ma!. Alis na po ko!". Sigaw ko kay mama na nasa kwarto kaya bumaba na sya para makapag paalam na ko.
"oh sige, mag-iingat ka ah". Paalala ni mama sabay halik ko sa pisngi nya at umalis na.
Bale, 2 days kami sa pupuntahan namin. Kaming buong section lng ang magreretreat at kanya kanya na ang iba pang section. Napag-usapan ng buong section namin na sa beach na lng kami mag Retreat, tutal magsusumer na.
Pagkasundo ko kay Jiaz, dumiretsyo na kami sa terminal kung saan exact place na sinabi ni ma'am sa amin. Doon daw kami magkita kita at maghihintay an para sabay sabay umalis.
Nagarkila si ma'am ng bus para sa buong section namin. Balikan u ng inarkila ni ma'am na bus para di na daw mahirap.
Pagka dating namin sa terminal, nakasalubong namin sila Marc at Rainne na naghihintay din. Sako lang naman dating namin at isa na lang hinihintay namin... Si ma'am. Sabi nila may nakalimutan daw syang bagay kaya may binalikan sya. Sana lahat ng nakalimutan na, binabalikan pa din... Sana lahat.
"ok my students, come inside the bus now!". Sigaw ni ma'am para marinig naming lahat.
Sumunod naman kami at pumili na ng upuan. Mag katabi kami ni Jiaz, sa kabila ko si Marc at sa iba nalang muna umupo si Rainne dahil tatlo han lng ang upuan ng bus pero sa kabila, dalawahan.
Pagkaandar ng bus. "ma'am!.. Saang Beach po tayo pupunta!?". Sigaw ng nasa dulo para ma dinig ni ma'am na nasa harapan.
Nagkaingayan naman ung iba dahil nagkaroon na sila ng sari saring komento. "class quiet muna!". Tumahimik naman ang iba pero may nagbubulungan pa din. "yan... Ok. Nag search ako sa Google kung saan mas maganda puntahan."
"ma'am!. Sa Bagayan Beach po ba?". Sigaw ng nasa dulo ulit. Isa sa mga pabibong lalaki.
"yes... Maganda dun guys!. May malaking mga Rock formation na pwedeng talunan. Para syang ilog style pero may iba't ibang parte ang Beach na un. Bale tatlo ung hiwa nya, ung unang part ng beach ay sa parang ilog ung pangalawa may swimming pool tas ung panghuli, totoong Beach na.. Malawak na Beach". Cheerful na wika ni ma'am na may pa was iwas pa ng kamay.
Magsaya na kaming lahat habang nasa biyahe. Ung iba may sari sariling mundo, meron din namang natutulog na.
"bes...bes.....gising na". Uga sakin ng mahina ni Jiaz.
"mmm...".
"sige ungol lng.. Iiwanan kama namin dito kasama mo si m anong driver.. Sige ungol lng". Takot sakin ni Jiaz kaya bumangon na ko at tumayo na sabay lakad dirediretso. Atsaka ako papa iwan?! .. No way!.at Anong ungol ungol pinagsasabi nun.
"ay tanga"
Sambit ni Jiaz. Eh di ko naman kasi alam na may hagdan pa palang dapat tapakan pababa, tuloy nahulog ako palabas. Arayyy a sakit ng pwet ko!!!
Sorry naman ina antok pa ko dahil sa haba ng biyahe tas idagdag mo pa ung sobrang lamig. Gggrrr..
"tingin tingin din kasi no?. Di ung bababa ka lng basta basta tas dirediretso pa." nagpipigil ng tawa ni Marc habang tinatayo ako. Umaalalay na din si Jiaz para makatayo na ko kahit pa ika ika.
Nakakahiya tuloy tas nagpipigil pa ng tawa si Marc, mas lalo tuloy akong namula.
"wag kasi tutulog tulog bes.. Yan tuloy natanga—nahulog".napabungis ngis na Singhal ni Jiaz. Napatingin naman ako sa paligid, buti nalang wala ng mga tao kami na lng apat ni Marc, Jiaz, ako at—oh sabi ko nga nandito parin pala si Rainne.
Pagkapunta namin sa Entrance ng Beach, dumiretsyo na kami sa may room. Sabi kasi ni ma'am na sya na daw bahala sa Room namin dahil free day namin ngayon. Wiiieeeee!!!
Pagkapasok sa room namin binagsak ko na ung bag ko dahil sa sobrang pagod. Tumalon agad ako sa higaan at nagidlip ng unti para mabawasan ung pagod ko. Ahhhgg... Ansakit ng likod ko...
Ung Room na binigay samin ay magkahiwalay sa babae at lalake. Limang babae sa bawat Room kaya apat kasama ko dito. Si Claudet ung Miss Prom namin, si Micah, Jiaz, me, and Rainne.
"hayyy.. Nakakapagod naman ung biyahe".
"kaya nga, ang haba haba.. Haauuurrrhh". Hikab yan wag ano.
Usap ng dalawang magkaibigan na si Claudet at Micah. Habang humiga na din sa sari sarili nilang higaan. Malawak naman ung kwarto, sakto naman at na katapat kami sa Beach. May malawak na bintana at may terrace pa pagbukas ng bintana. Nakakarelax tignan,hay buhay....
*tok tok !! *
"bukas!". Sigaw ni Micah sa kumakatok. Pagkabulag tumambad sa min si President na lalake.
"bumaba na po tayong lahat at kakain na bago simulan ang kasiyahan." pormal na wika nito at may nagreklamo naman kasi kakahiga palang nila tas bababa na agad.
"o sige wag na kayong bumaba, magpagutom kayo". Bawi nya at sakong isasara na ung pinto kaya nag sigawan kami na wag nagbibiro lng naman.