Lumipas ang mga araw, paulit ulit lng na gawain. Di ko na rin napanagipan pa si Mare. Mayroong ibang panaginip pero nawawala din kaagad.
Nasa school ako ngayon at nag aanounce ung teacher ko sa harapan. "so, ayun na nga.. Ang ibig kong sabihin dahil unting buwan na lang malapit na ung recognition at retreat. I pagdiriwang muna natin ung proooomm!".masayang anunsyo ni ma'am sa amin.
Nagsigawan naman ung iba, may ibang nagwawala, ung iba nagdadaldalan na kung ano susuotin ni la.
" wait class.. Shhhh!!!. ". Suway ni ma'am at nagpatuloy. "bukas gaganapin ang prom at kelan gan ang susuotin ay gown, kahit ano basta gown sa babae at sa lalake tuxedo. Ang oras ng Punta nyo mga 8:30 ng gabi. Dat nandito na kayo..... So un lng naman class dismissed pwede na kayong magsaya". At umalis na nga si maam.
Pagka uwi sa bahay p inaalam ko kay mama na may prom kami bukas. Na excite naman masyado si mama kaya nag renta agad sya ng plain dress. Maganda naman sya, malaki...kasya ng kasya sa katawan kong chubby.
Prom night. Nandito ako ngayon sa kwarto ko kasama si mama nang biglang tumawag sakin si Jiaz.
"uy!.. Pupunta ko jan ah. Waity waity!!". Sabay baba ng linya. Di man lang ako pinasagot.
"oh anong sabi?". Sabi ni mama
"ah, pupunta raw dito si Jiaz."
But wait alamin muna natin kum bat nandito Tong mudrakels ko. Inaatasan nya lang naman po ako. Sabi kasi nya kanina sya na daw mag-aayos sakin, pati paggising sya na rin dahil nakatulog ako nitong tanghali.
6:18 pm. palang at mga 5 ako ginising ni mama. Maya-maya lng narinig ko na ung sigaw ni Jiaz sa labas kaya lumabas na si mama sya na rin ang nag bukas —edi sya na!.
Tapos na naman nako sa dress ko at pati na rin sa makeup ko. Hinanda na lahat ni mama pati baon ko—yiee.
Itim na plain dress lng naman tas naka off shoulder. Sa baba sa may palda ay may patong patong na tela dahilan upang lumobo ito ng katamtaman
(isipin nyo nalang na chubby ung nasa pic. Lol) . (nasa taas/multimedia)
Narinig ko na ung pagbukas ng pintuan kaya nagpatayo na ko.
"bess!!!". Nagsisisigaw na bungad ni Jiaz sabay akap sakin. Anligalig porket ang ganda namin ngayon yiee.
Naka dress din sya kaso may pula sa baba at naka law law ung tela nito. Oh di ba parang ikakasal lng.
"ganda natin ngayon ah!?".sabay na banggit namin.
"I know right". Sabay ulit na wika namin at nagtawanan.
"oh anong oras na ba at baka mahuli kayo sa prom ninyo". Pagpapaalala ni mama kaya napatingin kami sa orasan.
"ang Aga Aga pa po tita. 6:53 pa lang po". Sagot ni Jiaz.
"oh sya, magsibaba na tayot kumain muna". Sabi ni mama. Di pa kac kami kumakain simula pa kanina dahil sa pagka excite ni mama.
Sumakay kami sa taxi pagkatapos kumain. Alam kong malapit lang dito ang paaralan namin ngunit nahihiya akong ibalandra ang kasuotan kong ito kahit gabi na.
"ingat kayo ah. Oh Ba (palayaw ni Liz —Taba) , ung tinuro kong sayaw sayo ah." bilin ni mama nama'y Page wang gewang pa na tila tinuturo pa sa harapan namin ang tinuro nyang sayaw sa akin.
Batid kasi ni mama na magsasayaw kami ni Marc kaya tinuruan nya ko kum paano. Naawa naman ako kay mama habang itinuturo nya sa akin ang sayaw, dahil tila gumagawa sya ng sarili nyang ka sayaw gamit ang hangin. Sabay halik sa dulo ng pagsayaw nya sa labi ng ka partner nyang hangin.
"opo ma . Paalam." natatawa ng wika ko sabay halik sa pisngi kay mama.
"bye din po tita". Nabubungisngis na wika ni Jiaz sabay kaaway ng kanyang kamay at pumasok na sa loob.
Napasabay na din ako sa pagpasok sa loob ng taxi at pinainit na ni manong ang makina. Maya mayay umalis na kami.
Malakas na tugtog, maingay na sigawan ng mga tao, mali ligalig na mga galaw ng karamihan at tilay maaari mo itong ihalintulad sa Bar. Ngunit hindi maaari sapagkat ito ay isang paaralan na pawang walang mga guwardiyang naka bantay sa paligid upang magkasya ang lahat.
Pagka pasok namin ay nakasalubong namin si Marc at Rainne na nakasabit ang braso sa braso ni Marc.
"ang ganda naman ng Girlfriend ko". Bati sakin ni Marc dahilan upang pagmulahan ako ng pisngi. Bolero.
"sus. Mambobola ". Wika ko sabay habas ng mahina sa braso nito dahilan para mapatawa kami.
"oh sya, tama na landian. A don na ung lamesa natin." masungit na singit ni Rainne sa in ni Marc. Kaya na tawa kaming tatlo kasama si Jiaz.
"Haha. Hali nanga kayo". Aya ko sabay paruri sa mga kasuotan nila. At bumalik na kami sa tawa nan.
Busy ako sa pagkain at panunood sa mga sumasayaw ng biglang ilahad ni Marc ang kamay nya sa akin. "May I?". Anyaya nya na tinanggap ko naman.
Mayamaya habang sumasayaw kami biglang nagsalita si Marc dahilan upang mabawasan ang kaba sa isa't isa.
"Liz,.... Sorry..". Wika nito sabay Yuko. Nagtaka naman ako sa inasal nya.
"huh?. Para saan."
"wala.. Hayaan mo lang akong magsorry sayo." wika nya. Ngumiti naman ako para malaman nyang tinatanggap ko ung sorry nya kahit d ko batid kung para saan.
"mic test, mic test!". Napatigil naman ang karamihan sa pagsasayaw ng bigla namin narinig ang tunog ng mikropono at lahat ay na Palingon sa mababaw na stage.
" Good night to all of us.. But before everything, let us welcome our Prom King ang Queen tonight. This decision comes from the raffle that we do earlier." wika ng babaeng nasa taas ng stage.
Bago kac kami makapasok ay pinalitan lahat ng mga pangalan ang bawat papasok sa gate. Di ko alam kung dahil ba un don pero malay natin.
" Again, let us all welcome our Prom King and Queen...... Miss. Lizley Khan and Mr. Marc Fillius. Give them a round of applause." patuloy ni to at nagalak pakain naman ang karamihan.
Di ako makapaniwala na ako ang nabunot dahil swertihan lang ang pagkakataon na yon. Akyat na sana kami ni Marc sa stage nang biglang.....
" arrggggghhh!!! "
Na Palingon naman kami sa sumigaw at napag-alamang si Rainne iyon. Nagulat naman ako sa pagtakbo ni Rainne kasabay ng biglaang pagtakbo ni Marc papunta sa kanya dahilan upang maiwan ako sa gitna kung saan na katapat sa akin ang spotlight.
Bigla namang tumakbo papalapit sakin si Jiaz. "magpabunot na lang tayo ng iba. Hayaan muna, may susunod pa naman.". Malungkot na Saad ni Jiaz sa akin kaya napagtanto nalang ako kahit labag sa akin.
Ok na sana eh. First time kong maranasan matawag bilang Prom Queen at Lucky dahil partner ko si Marc. Kaso parang malabo na ata.
Nakita ko namang umalis si Jiaz sa tabi ko at pumunta sa babaeng nag announce kanina. Di ko narinig ung sinabi nya pero bumaba din sya kaagad.
"bes... Tara na. Umalis na tayo para di ka na mapahiya pa". Naaa wang Saad sakin ni Jiaz sabay alalay sakin palabas ng school. Pero bago un, narinig kong nagsalita ulit ung nasa mic.
"ok.... Sorry to disappoint all of you but... We need to pick again because of bad happens lately.. So.. Ok!! Let's pick...." di ko na narinig pa ang kasunod dahil tuluyan na kaming nakaalis sa loob ng school.
OK na sana...
OK na sana....
"uy..bess... Kalimutan mo na un".sabay sang gi sakin ni Jiaz. "sige.. Ililibre nalang kita. Ano bang gusto mong kainin.". Masayang wika nya na tila binebaby ako.
Na pangit naman ako dahil sa Word na libre dahilan upang mawala ung kahihiyan ko kanina. "sa isaw an!!".. Sabay na wika namin. Masaya din pala ung ganitong kasama ko Tong Best Best friend ko, nililibre ako.. Haha.
Nandito kami sa isang fast food Kung saan madaming isaw. Omorder kami ng dalawang balot na naglalaman ng 15 na dosenang at 10 piso bawat isa. Ang isang balot ay para sa min ni Jiaz at ang isang balot naman ay kakainin namin mamaya sa bahay kasama si mama.
"mm... Dafat fala lagi na lng a hong malunghot fara i libre mo ulit ako ng Gano toh kahami". Bulok bulbol na wika ko dahil may laman pa ang bibig ko. Gutom na gutom eh.
"Haha.. Antakaw mo." na tawa na lang kami at sinimut na ang mga isaw. Napansin ko namang di na pinapaalala sa akin ni Jiaz ung nangyari kanina kaya pinabayaan ko nalang. Ang mahalaga.... May isawww!!
Nagpahinga kami saglit at sabay na umuwi kami ni Jiaz. Pagkauwi ay nila takpan din ni ama ang mga isaw. Sa kanya na lahat un.pasimple naman akong kumuha kahit alam ko nang busog na ako. Eh sa masarap eh.
Halos parehas kami ni mama na paborito ang isaw kaya di kami nagtatalo sa mga pagkain dahil kung anong gusto nya ay gusto ko rin.
Masaya naming iniwan ni Jiaz ang isa't isa na may ngiti sa labi. Nagpaalam na sya sa amin at nagpasalamat ako sa kanya dahil sa ginawa nyang pagpapasya sakin kaya na pagyakap naman ako sa kanya.
Sa gabing yon. Nakalimutan ko panandalian ang dapat sanang masayang gabi ko ngunit di na tuloy. Kaya't malaki ang pasasalamat ko kay Jiaz. Ang best best friend ko.