bc

Dangerous Love

book_age18+
12
FOLLOW
1K
READ
gangster
addiction
like
intro-logo
Blurb

West Castillejo falls in love with his brother's fiancee, Tryia Salazar. He abducted her and forced her to marry him before the wedding. But what if he finds out her true identity? Can love conquer hatred?

chap-preview
Free preview
Prologue
Tinawagan ni Calli si Logan dahil hanggang ngayon ay wala pa rin si West. It's almost seven o'clock in the evening at ang klase niya ay hanggang alas tres lang. Pauwi na ang kanyang asawa at mga anak para sa dinner nila kasama si Tryia, ang kababata ni Duncan na anak nina Mark at Reese. Tryia is Duncan's fiancee. She called her son and West said that he was coming home. Pero inabot na ng gabi ay hindi pa rin ito umuuwi. Calli was worried. "Where are you?" an anxious tone from Calli's voice. Kanina pa siya hindi mapakali. Ang sabi pa naman sa kanya ni West ay tutulungan siyang magluto for dinner. Malapit sa kanya si West kaya kapag nasa bahay ito, siya ang kasama sa kusina ni Calli. "What's wrong, love?" "Please come home, Logan." Pagkatapos ng termino ni Logan bilang Mayor, tumakbo ulit siya bilang Governor. After his Dad had passed away, napilitan si Logan na tumakbo ulit sa politika. "Is there something wrong? Or do you just miss me?" Calli heard his chuckles on the other line. "Malapit na ako sa bahay. I can't wait to see you, babe. I miss you." Calli misses him too. Pero hindi ito ang oras na maglambingan silang dalawa na mag-asawa. "Nawawala si West." Balita niya kay Logan at hindi na pinansin ang paglalambing ng asawa. Araw-araw naman malambing sa kanya si Logan. And she loves it dahil hindi nagbago si Logan simula noon hanggang ngayon. He's the sweetest husband for her. "What?" naguguluhan na tanong ni Logan. He even let out a soft chuckle. "Kasama lang niya panigurado ang mga barkada niya. Uuwi din iyon." Callie let out a sigh. She was worried, even though she didn't know if West was missing or if his friends were with him. Her son told her he was on his way home when she called West earlier. They were having dinner together, and Tryia was joining them, so she had advised him to get home early. "Hanggang three lang ang klase ni West. Nakausap ko pa siya kaninang alas tres at ang sabi niya ay pauwi na raw siya. But that was four hours ago, Logan. I tried to call him again pero hindi na siya makontak. Nag-alala ako sa anak natin baka may nangyari na sa kanya. Kapag sinabi niyang pauwi na siya, he's heading his way home." Simula noong napahamak sila ni Duncan ay hindi na naalis kay Calli ang palaging nag-aalala sa kanyang mag-ama. "Hey, love. Calm down. Baka na low-bat lang ang phone ni West. Malamang kasama niya ang mga barkada niya at kung saan na naman sila nagpupunta. Pabayaan mo na ang anak mo. Malaki na si West. He can take care of himself. Masyado mo kasing bine-baby ang mga bata." "They will always be my babies. Kahit mag-asawa na sila, baby pa rin sila para sa akin." "Now look at them, masyadong spoiled sa iyo. Lalo na iyan si West, napakatigas ng ulo." "Ikaw din naman spoiled kina Mommy Dorcy. Nagmana lang sila sa iyo na matigas ang ulo." "Magkaiba kami ni West noong kabataan ko. Hindi ko binibigyan ng sakit sa ulo sina Mommy. West is such a pain in the ass. Matuto siyang umuwi kapag oras ng pagkain." "Ipahanap mo, Logan. Please." Logan sighed upon hearing Calli's sweet and soft-spoken pleading. "No, love. Kaya hindi iyan natuto dahil sinasalo mo agad. Pabayaan mo siya." "Logan, please. Just do it for me. Hindi ako makakain nito kapag hindi ko alam kung nasaan ang anak natin. Kahit sumagot lang siya sa tawag ko." "Calli." "Please." Logan breathed heavily. "Fine. Ipapahanap ko na si West." Mabigat sa loob ni Logan na pumayag dahil sa pakiusap ni Calli sa kanya ngunit hindi niya talaga matiis ang ganung pakiusap ng asawa sa kanya. Hindi niya matiis kapag naaapektuhan si Calli. "Thank you, Logan. Hihintayin kita dito sa bahay. I love you." "I love you more, baby," Logan replied before Calli ended the call. Pumasok si Fierre sa bahay kasunod si Duncan. Napatayo si Calli mula sa pagkakaupo sa sofa. "Hi, Mom." Duncan greeted her at humalik sa kanyang pisngi. "Hi, baby. Si Tryia? Bakit hindi mo siya kasama? Hindi ba siya makakapunta ngayon sa dinner natin?" "Kasama pa niya si Tita Reese, Mom. Nagpasama si Tita sa mall at may binili lang for Tito. Ihahatid na lang siya dito. Actually, papunta na sila dito. Na-traffic lang." Napatango si Calli at ngumiti. "Okay." Calli's gaze turns to Fierre dahil tinanguan lang ng anak. Wala sa mood or nag-away lang sila ni Reyne? Si Reyne nga lang ang nakakatagal sa ugali ni Fierre na tahimik at may pagkasuplado na moody. Kung hindi ka niya gustong kausapin or wala sa mood hindi ka niya papansinin. Ayaw niya rin ng maingay pero sila naman ang madalas magkasama ni Reyne. "Fierre, you kiss Mommy, baby." Pansin ni Calli sa anak dahil paakyat na ito ng hagdan ng hindi man lang bumati sa ina. "Mom, stop calling me baby. I am not a baby anymore." Reklamo ni Fierre. He doesn't like to call him baby. Samantalang si West, gustong-gusto lalo na kapag babae ang tumatawag sa kanya na baby. "Then you come back here." Napilitan na sumunod si Fierre kay Calli ng bahagyang nagtaas ng boses. Hinalikan ni Fierre sa pisngi ang ina. "Do you know where your brother is? Baka may alam kayo kung saan nagpunta si West." "I don't know where he is. You know him, Mom." May halong inis ang boses ni Fierre ng sumagot kay Calli. "Hayaan mo nga siya." "Fierre!" Dumagundong ang boses ni Logan na nagpalingon sa kanilang lahat. "Don't you dare talk to your mother like that!" Tiningnan ni Fiere si Calli na tila humihingi ng tulong. She sighed. Napalunok si Calli sa nakikitang inis sa mukha ni Logan. Kanina pa iyon naiinis kay West, dinagdagan pa ni Fierre. Calli gave his son a look to apologize to para hindi na magalit ang daddy niya. She even mouthed sige na. "Sorry, Mom." Logan kissed his wife on her lips as he approached her. "Napahanap mo na ba?" tanong ni Calli sa asawa. Logan frowned. "Yes. Tatawagan na lang ako ni Jim kapag may balita na kay West." "Seriously, Dad? Ipapahanap niyo si West?" Duncan asked. Sanay na kasi silang palaging umaalis ang kapatid nila. "Duncan, umaalis nga ang kapatid niyo pero kapag alam niyang kumpleto tayo sa dinner at kapag sinabi niyang pauwi na siya, pauwi na siya. Hindi nagsisinungaling sa akin si West. At alam niya rin na may dinner tayo kasama si Tryia." "Mom, malaki na si West kaya huwag na kayong mag-alala sa kanya. Baka nga pauwi na siya." "Duncan is right, love. Baka pauwi na nga si West. Let's just wait. Stop worrying." Umiling si Calli. Kilala niya si West. Kahit hindi magkasundo sina Logan at West, pagdating kay Calli ay nakikinig naman ito. "Mom, ang OA mo pagdating kay West." Sinamaan ng tingin ni Logan si Fierre dahil sa sinabi nito. "Isa pang salita mo ng ganyan sa Mommy mo, Fierre. I'm warning you." "That's the truth, Dad." Kukwelyuhan sana ni Logan si Fierre pero agad na inawat ni Calli. "Tama na. Alam niyo naman kung bakit, 'di ba?" sabi ni Calli kina Fierre. "Kaya nga hanapin na natin si West, Logan." Logan released a heavy sigh. "Damn." He murmured a curse. "Stay here. I think I know where he is." Nabuhayan agad ng loob si Calli nang marinig ang sinabi ng asawa. "Where? Sasama ako." "No. Ako na magsusundo sa anak mo. Duncan, look after your mother." Bilin niya sa anak. "I'll come with you, Logan." Calli insisted. Gusto niyang malaman kung saan nagpunta si West. Nagdadalawang isip si Logan na isama ang asawa lalo na't hindi magandang lugar ang naisip niyang kinarorooan ni West. But upon seeing the face of his wife, he can't say no. "Okay." He answered in a surrendered tone. Tiningnan muna ni Logan si Fierre. "And you, I am not done with you. We will talk when I come back." "But Dad..." Fierre protested. "No buts, Fierre." "Sige na, Logan. Puntahan muna natin si West." Tiningnan ni Logan si Calli na may pahiwatig sa mga mata kung bakit kasi na pumayag ito na wala ng bodyguard ang mga anak nila lalo na si West. Fierre is in third year college and Duncan is getting married to Angel. They are planning but have no specific date yet. Si West ay nasa first-year college at ayaw talaga ng may bodyguard ever since kaya naman nang tumuntong ng college sina Fierre at West ay pinagbigyan niya ang hiling ng anak. Logan heavily sighed and he held Calli's hands before they walked out the door. Kumunot ang noo ni Calli nang huminto ang sasakyan sa isang bar na pagmamay-ari ni Dev. "Stay here, Calli. Ako na ang papasok sa loob." Palabas na sana ng sasakyan si Logan nang pinigilan niya ito sa braso. "Sasama ako sa loob." "Dito ka na lang. Magulo sa loob." "It's okay." Sa huli, wala ulit nagawa si Logan at pumayag na sumama si Calli. Dumiretso sila sa VIP room sa itaas. Calli bites her lips when she realizes that her son is hanging out in this kind of place. Lalo lamang siya nag-aalala. She doesn't want to think about what he is doing here. Sa isang dulong room sila nagtungo. Mabilis ang bawat hakbang ni Logan pero hindi niya binitawan ang kamay ni Calli. "Logan, Calli." It's Dev's voice from behind. Nilingon ni Calli si Dev. Nakita sila ni nito na umakyat sa VIP room kaya sinundan sila. "Dev, si West ba nandito?" Huminto agad si Logan at lumingon. Binitawan ang kamay ni Calli at kinuwelyuhan si Dev. Agad naman na inawat ni Calli ang asawa. "f**k you, asshole! Kinukunsinti mo talaga si West." Gigil na saad ni Logan. "Tang ina, kaya nga ako nandito dahil sinabihan ako na nandito si West." "Tama na. Ngayon pa talaga kayo mag-aaway na dalawa?" May pagpo-protesta man, binitawan ni Logan si Dev. "Itong asawa mo, e. Ang init agad ng ulo." "Dahil kunsintidor ka kay West. Akala mo ba hindi ko alam na palaging nandito ang anak ko." "What?" nagulat si Calli dahil hindi niya alam na palaging nasa bar ni Dev si West. "Nasa opisina ko naman siya tumatambay kapay nandito siya, Calli. Hindi ko naman pinapabayaan ang anak mo." "Oh, God. Kahit na."Hindi niya akalain ang mga ginagawa ng anak. "Sorry, Calli. Alam mo naman matigas ang ulo ni West. Pero mas okay na dito siya sa bar ko tumambay para mabantayan ko siya kaysa sa ibang bar pa." Naunang lumakad si Dev papunta sa dulong room. He has the key. Hinawakan ulit ni Logan ang kamay ni Calli. When they opened the door, napatakip ng mata si Calli sa nakita. Niyakap din siya ni Logan upang takpan ang ginagawa ni West. May dalawang babaeng kasama si West na parehong nakahubad at hindi niya akalain na magagawa ito ng anak niya ng ganitong edad pa lang! Lumapit si Dev kay West at pinagbihis na si West. "Out!" sigaw ni Logan sa dalawang babaeng nakahubad. Nabangga pa si Calli ng dalawang babae na mabilis ang kilos na lumabas ng room dala-dala ang mga damit. Hindi niya ma-imagine ang anak. "f**k, West!" sinugod na ni Logan ang anak nila paglabas ng dalawang babae. "Wala ka talagang kadala-dala." May suot na ng pantalon si West pero wala pa ang pang-itaas na damit. Sinuntok ni Logan si West kaya bumagsak ito sa leather na couch. Inawat nina Dev si Logan. "Logan! Tama na baka masaktan si West." "Tama lang iyan para magtino!" "Tama na, Logan," pigil ni Dev. Niyakap ni Calli si Logan sa baywang. "Logan, tama na. Sa bahay mo kausapin nang maayos si West. Please, huwag mong sasaktan ang anak natin." She begged him. Ito ang kinakatakot niyang magalit si Logan dahil kapag galit siya, galit siya. Noong mga bata pa ang mga anak nila, nagagawa pa niyang magtimpi ngunit ngayon na malalaki na at matitigas ang ulo lalo na si West, hindi na niya minsan mapigilan si Logan kapag dinidisplina niya ang mga anak nila. Kaya naman takot si Fierre kay Logan. Ngumisi pa si West as if hindi nasaktan. "Is that all you can do? Ang saktan ako." Paghamon pa talaga ni West sa kanyang ama. Lalong nag-igting ang panga ni Logan. Pumagitna si Calli sa kanilang dalawa. Hinarap niya si West na nakatayo na pero ang dalawang kamay niya ay nasa dibdib ni Logan. "Hindi lang iyan ang gagawin ko sa iyo!" "West, suotin mo na ang damit mo. We will go home. Listen to mommy, okay?" Tinantya pa ni West ang sinabi ni Calli saka muling binalik ang tingin sa kanyang ama. Tumayo siya't dinampot ang t-shirt niya na nasa sahig. Halos mahimatay si Calli nang makita ang nagkalat na condoms at sigarilyo sa sahig. Gusto niyang maiyak pero pinipigilan ni Calli dahil lalo lamang magagalit si Logan. Kailan kaya titino at makikinig si West na ang pag-aaral muna niya ang pagtuunan niya ng pansin lalo na sa kalagayan niya? Barkada at babae ang lagi niyang inaatupag kaya naman lagi silang nag-aaway na dalawa ni Logan. Calli held Logan's hand and squeezed it. Bahagya rin siyang ngumiti sa kanya, telling him na magpigil muna. Hindi siya pwedeng gumawa ng scene sa bar dahil baka may makakita sa kanila at siguradong pagpiyestahan na agad sila sa balita at social media kinabukasan. "Calm down." "Sa likod na kayo dumaan. Baka may taga-media na ang nakakita sa inyo pagdating niyo dito." Dev informed them. "Tsk. So, what's new? Hindi pa ba kayo sanay sa mga news that they are spreading every day?" West said. "With just a snap of Dad's finger, the news will stop. He will just pay them to stop spreading issues with our family. So, why worry? Walang hindi kayang gawan ng paraan ng pera ni Dad." Mas lalong nanlumo si Calli dahil sa paraan ng pakipag-usap ni West sa ama. "Don't you f*****g answer like that!" Hinawakan ni Logan ang damit ni West at kulang na lang ay bubugbugin na naman niya. "Why? Totoo naman, 'di ba? Nadadaan lahat sa pera mo." "This is not about the money and media, West. It's about your mother! Kanina pa nag-aalala ang mommy mo sa iyo pero ikaw nagpapakasarap ka lang dito kasama ang mga babae mo! Ni hindi mo man lang nagawang sagutin ang tawag ng mommy mo bago ka gumawa ng katarantaduhan dito." Inaawat ulit ni Calli ang asawa. "Pwede ba, umuwi na tayo sa bahay. West, please lang, listen to us. Let's go home. Makinig ka kay Mommy." Pakiusap ni Calli sa anak. West rolled his eyes na lalong nagpa-init ng ulo ni Logan kaya naman kinaladkad siya nito at binalya sa pader. "Ulitin mo pang babastusin ang mommy mo lalo na sa harap ko, you will be grounded for one month!" Naningkit ang mata ni West. He smirked. "Do it." Napapikit si Calli sa sinagot ni West. May pumasok na bouncer at kinausap si Dev. "You need to go," Dev said. "May taga-media na sa labas. Umalis na kayo bago pa lumaki pa ang issue." Walang nagawa si West nang hinawakan siya sa kwelyo ni Logan at kinakaladkad palabas ng room. Hindi na mapigil ni Calli ang asawa dahil kanina pa ito nagpipigil. Natatakot lang siya dahil baka mapano si West. "Hindi ka talaga titino hangga't walang nangyayari sa iyo na masama! " "I am just like you!" Lalong hinila ni Logan ang kwelyo ni West hanggang sa makasakay sila sa loob ng sasakyan. Bago pumasok si Calli sa sasakyan, nagsabi si Dev na ipapahatid na lang ang motor ni West sa kanilang bahay. Nang makarating sila sa bahay, naroon na si Tryia. Magkatabing nakaupo sa sofa sina Duncan at Tryia. Tumayo sila nang makita sina Logan na magkasalubong ang kilay. "West!" A worried tone from Tryia lalo nang mapansin na gusot-gusot ang collar ng shirt na suot ni West. "What happened?" Tumingin si West kay Tryia. Nang bumaba ang kanyang tingin, dumilim ang kanyang mukha dahil sa kamay ni Duncan na nakahawak sa baywang ni Tryia. Nagtagis ang kanyang bagang. Nakakuyom ang kamao. "West, ano'ng nangyari?" Lumapit si Tryia kay West ng may pag-aalala. Sinagi naman ni West ang dalaga at nilagpasan. Dumiretso sa hagdan paakyat ng room. "West, bumalik ka dito! Mag-uusap pa tayo!" sigaw ni Logan ngunit hindi tumigil si West. Nagtuloy-tuloy ito sa paglalakad.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.5K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K
bc

His Obsession

read
104.4K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.6K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.3K
bc

The naive Secretary

read
69.8K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook