CHAPTER 2

2647 Words
Alexa Margarette Santiago MALAPIT na ang final exam at kailangan ko ng pandagdag para sa tuition ko. Ayokong umasa sa ibinibigay ng mga kamag-anak ko dahil baka isumbat din nila sa akin pagdating ng araw. Sila pa ba? Kung pagtaasan kami ng kilay na magkapatid, para bang kasalanan pa namin na napunta kami sa kalagayan namin ngayon. Kung hindi lang kasi namatay ang nanay at hindi nag-asawa ng iba ang tatay, eh, ‘di sana maayos-ayos naman ang buhay naming magkapatid ngayon? Minsan talaga ang unfair din ng buhay. Kung sino pa ang walang-wala, 'yon pa ang pilit na ibinababa. At kung sino naman 'yong mga magaganda na ang buhay, sila pa 'yong kadalasang iniaangat. Minsan, kahit todo kayod ka pa, wala pa rin nangyayari, eh. Pero pasasaan ba't makakatapos din ako ng pag-aaral. Mabibigyan ko rin ng maginhawang buhay sina Lola at Siri nang hindi na umaasa sa padala ng mga kamag-anak kong matapobre. Buti na nga lang at pumayag si ate Sally na palitan ko muna siya rito sa sideline niya. Day-off kasi niya ngayon. Anak daw ng amo niya ang may-ari ng condo na lilinisan ko. Tiningala ko ang building. Nalula ako sa sobrang taas nito. Pinapasok naman ako agad nang sinabi kong sa unit ako ni Sir Montecillo papunta. Siguro ay nasabihan na sila bago pa ako pumunta rito. "32nd floor, Unit 3824. . ." paulit-ulit kong sambit habang patungo sa elevator. Pumasok agad ako pagkabukas ng lift saka pinindot ang 32nd floor button. Nang makarating sa tamang floor, agad kong hinanap ang Unit number na ibinigay sa akin ni ate Sally. Inisa-isa ko ang bawat pinto hanggang sa makita ko rin ang hinahanap ko. Hindi naman kasi mahirap hanapin dahil sunod-sunod lang ang numero ng bawat pinto. Inilabas ko ang keycard na ibinigay sa akin ng receptionist kanina saka ko inilagay sa keycard lock. Nang ma-activate, pinihit ko pabukas ang pinto. Tumambad sa akin ang may kalakihang sala pero napangiwi ako nang makita ang maraming kalat. Nagkalat sa lamesa ang basyo ng canned beer at mga empty packs ng mga chichirya. Pagpasok ko sa kuwarto, tumambad sa akin ang mga damit na nakakalat sa kung saan-saang sulok. "Burarang lalaki. Siguro kung natatanggal lang 'yong big bird niya, pati iyon pakalat-kalat din dito," bulong ko habang pinupulot isa-isa ang mga damit na nagkalat. Tinipon ko lahat ang mga iyon saka ko inilagay sa laundry basket. Pinalitan ko na rin ang mga punda at kobre kama. Nang matapos ako sa mga kuwarto at banyo, nilinisan ko na rin ang sala. Nag-vacuum ako ng sahig saka naglaba pagkatapos. Naghugas din ako ng mga nakatambak na huhugasin sa lababo na parang dalawang araw na yatang naroon. Mukhang balak yatang iburo ng may-ari. "Pucha! Kaya pala malaki ang bigayan dito kasi sobrang bigat ng trabaho ni ate Sally. Napakadugyot naman ng mayamang iyon," reklamo ko. Nahiga ako sa kama para ipahinga ang katawan dahil sa sobrang pagod. Parang binugbog ng tatlong tao ang katawan ko sa sobrang sakit. Maya-maya pa’y napahikab ako hanggang sa namigat ang talukap ng aking mga mata. Hindi ko namalayang nakatulog pala ako dahil sa pagod. Nang muli kong imulat ang mga mata ko’y tumingin ako sa glass window. Madilim na! Hindi ko namalayan ang oras at nakatulog pala ako. "Halla! Nalagot na!" bulalas ko. Agad akong bumalikwas sa kama ngunit nakarinig ako ng mga kalabog at mahihinang daing. Inayos ko muna ang kama at baka mapagalitan pa ako ng may-ari. Pinagpag ko iyon at baka may maiwang buhok. Inayos ko rin ang mahaba kong buhok at dahan-dahang lumabas ng silid-tulugan. Lumakas pa ang kalabog at daing nang magawi ako sa katabing silid. Bigla akong kinabahan. Baka napasok na ng mga magnanakaw ang unit! Baka sabihin pa na inside job ang nangyari tapos pagbintangan akong master mind. Nalagot na! Agad akong humagilap ng maipanghahampas ko sa mga magnanakaw sakali mang lumabas sila sa kuwarto. My hands were shaking as I searched for anything that I can use. "Diyos ko, Lord, ano po 'tong napasok ko?!" Nag-sign of the cross ako bago kinuha ang walis tambo at saka dahan-dahan na lumapit sa gilid ng pinto. Papalakas pa nang papalakas ang mga daing na parang nahihirapan na ang may-ari ng boses na iyon. "Naku! Baka naman may pinapatay na sa loob," bulong ko sa sarili ko. Lalo akong kinabahan at parang lalabas na ang puso ko sa sobrang pagpintig nito. "f**k me harder!" may babaeng nagsalita kaya kumunot ang noo ko. Aba’y kakaibang magnanakaw. Malantod. Umaatungal! Bahagyang nakaawang ang pinto sa kuwarto nang makalapit ako kaya naglakas loob akong sumilip. Tanging ilaw na nagmumula sa lampshade ang nagbibigay liwanag sa loob pero sapat na para makita ko ang mga naroon. Natutop ko ang aking bibig at nahigit ang aking paghinga nang makita ang nasa loob. Idagdag pa ang silhoutte ng mga ito sa dingding kaya mas nagulantang ako sa aking natutunghayan. Mahabagin! Hindi magnanakaw ang naroon kung ’di may pares na magkapatong sa kama. Mga wala silang saplot at nagbubungguan ang mga katawan na siyang gumagawa ng kakaibang tunog. Napalunok ako at nanlaki ang mga mata ko na para bang lalabas na ang mga ito sa sobrang gulat ko sa nakikita. Gusto kong umalis pero parang na-glue ang mga paa ko sa kinatatayuan at hindi na makagalaw. Napalunok ako nang mariin. Iyong lunok na parang may matigas na bagay na bumara sa lalamunan ko Hindi ko naman dapat sila pinapanood pero hindi ko maiwasang tingnan. Live show ang nasa harap ko, Diyos ko! Kay lalantod! "I'm coming!" malanding daing ng babae na para bang hirap na hirap at nagdedeliryo na. Masunurin ang lalaki kaya binilisan nga nito ang galaw na parang may karera at nakikipag-unahan sa bilis ng pag lubog-lubog nito, hanggang sa para silang nanigas. Muli akong napalunok dahil parang natuyot ang lalamunan ko. "Ganito pala ang hitsura ng nagtatalik? Napakalaswa," bulong ko sa aking sarili. Gumalaw ang dalawa at tumayo. Sa takot na baka makita nila akong pinapanood sila ay kumaripas ako ng takbo at nagtago sa ilalim ng upuan. Yumuko ako at isiniksik ang katawan kahit tila hindi naman ako kasya. Pigil ko ang aking paghinga lalo na nang marinig ko ang parang pagtatalo ng dalawa. Mga siraulo ba sila? Kanina lang ay magkadikit ang mga katawan nila tapos ngayon ay mag-aaway na? Napabuga na lang ako ng hininga nang marinig ko ang papaalis na yabag at malakas na pagsara ng pinto. Pinakiramdaman ko muna ang paligid at unti-unting nag-angat ng ulo para silipin kung may tao pa. Nang wala na akong marinig na anumang kaluskos at ingay, saka lang ako dahan-dahan na tumayo. "Wala ng tao," ani ko at bumuga ng hangin. "Ang intense no'n, ah. Live show." Napailing ako at natawa sa sariling kabaliwan. Nakapanood ba naman ako ng pórn ng harap-harapan? Medyo madilim ang sala kaya kinapa ko ang cellphone sa aking bulsa pero wala. Agad kong tinungo ang kuwarto dahil baka naiwan doon, pero wala rin naman. Bumalik ako sa kusina. Wala rin. Maski sa sala ay wala. "Nasaan na kayo 'yon? Gabi na. Siguradong nag-aalala na si Lola." Lumabas ako ulit ng silid. Muntik ko pang matabig ang vase na nasa side table kaya napahawak ako sa aking dibdib. Imbes na may pandagdag sa tuition ay baka mag-abono pa ako nito. "Sa kabilang kuwarto kaya?" Tinungo ko ang pinto at pinihit ang doorknob ngunit napatalon ako sa gulat nang makitang may lalaking bumungad. Hubad-baro at naka-boxer shorts pa! Kingina! "Ay! Kabayong nakapatong!" tili ko sabay takip ng aking mata at tumalikod nang mahinuha kong ito 'yong lalaki kanina na may ka-chukchakan sa loob. Pucha! Bakit nandito pa 'to? "Who the hell are you?" tanong niya sa matigas na ingles. Lumunok ako ng ilang beses. Nanginginig ang mga kamay ko. Hindi ako agad nakasagot dahil parang may bumara sa lalamunan ko. Akala ko kasi talaga wala nang tao. Lagot ako nito! "S-Sir, ako po 'yong pansamantalang naglinis ng unit niyo. Sorry po kasi nakatulog ako sa kabilang kuwarto at hindi namalayan na gabi na pala." Nanginginig ang boses ko habang nagsasalita at alam kong napansin niya iyon. Kinagat-kagat ko ang hintuturo ko dahil sa sobrang kaba. Ramdam ko ang pag-alis niya pero nanatili pa rin akong nakatalikod. Kinakabahan ako! Baka magpatawag ng pulis ang hudyo! "Humarap ka rito," utos niya. Napakabrusko ng boses. Buong-buo at lalaking-lalaki ang dating. Parang boses ng nangangain ng buhay na tao! Unti-unti akong lumingon sa kaniya at saka siya nginitian. ''Eh, he-he-he. Sir, sorry po talaga. Napagod po kasi ako kaya nakatulog ako," hinging paumanhin ko kahit sobrang kinakabahan na ako. Patawa-tawa lang ako pero natatakot talaga ako sa sitwasyon. Biglang bumukas ang ilaw. Bumilis ang pagtibok ng puso ko nang magtama ang aming mga mata. Para akong naestatwa sa kinatatayuan ko at hindi agad nakagalaw. Ni hindi ko magawang magbawi ng tingin sa kaniya. Literal akong natulala. Animal, ang guwapo! Ang kulay karagatan niyang mga mata—para akong hinihigop niyon at dinadala sa ibang dimensyon. Pero agad din akong nagbawi ng tingin nang mapansin kong mataman siyang nakatitig sa akin. Tila isa akong ispesimen na ineeksamin niya nang mabuti. Inilagay ko ang mga kamay sa aking likod at kinurot-kurot ang aking mga daliri na para bang maiibsan niyon ang tensyon na nararamdaman ko. Nakita ko pang bumaba ang tingin niya sa labi ko. Hindi ko sinasadyang basahin ito. I faked a cough to get his attention pero hindi siya natinag at sa labi ko parin nakatingin. Aba't! Anong iniisip nito? Tumikhim ako ulit. Mas malakas para matauhan itong gwapong manyak na 'to. "Sir? Sir?" tawag ko sa kanya nang hindi ito kumibo at parang tulala parin. Ilang sandali lang ay kumurap din siya saka parang nahimasmasang tumingin sa akin. "Ah, yes? Are you saying something?" Bingi ka? Iyon sana ang gusto kong sabihin pero baka tuluyan akong ipapulis nito kaya ngumiti na lang ako bago magsalita. "Sir, kung ang iniisip niyo po ay kung narinig ko po ‘yong ano. . .” Paano ko ba sasabihin sa kaniya? “. . .basta 'yong ano po kanina." Parang dumaloy lahat ang dugo ko papunta sa pisngi ko. Ang awkward naman kung sasabihin ko 'yong exact word ng ginawa nila. Sasabihin ko bang nakita ko siyang nangangabayo at may kumakabayo sa kaniya? Bahala na nga! "Sir, wala po akong pakialam do'n." Pinilit kong ngumiti kahit parang nanginig ang labi ko dahil sa pilit lang naman ang pagngiti ko. "What's your name?" tanong niya. 'Yong pagka-fluent ng pag-i-ingles niya, nakaka-intimidate. Pak na pak ‘yong accent. Kagaya ng mga accent ng mga napapanood ko sa mga english movies. "Alexa po." Umangat ang gilid ng labi niya saka pinagkrus ang mga kamay sa harap ng kaniyang dibdib. "Alexa, nice name. Bakit ikaw ang nandito at hindi si Sally?" tanong nitong muli. Inihilig pa nito ang katawan sa hamba ng pinto habang nakakrus pa rin ang mga kamay sa tapat ng dibdib. Parang model sa magazine ang hitsura at tindig niya. Bahagyang nag-flex pa ang muscles nito nang ginalaw nang konti ang braso. Parang ang tigas-tigas ng mga 'yon. Ang sarap yatang pisilin. "Eh, sir, day off po ngayon ni ate Sally," sagot ko. Napatango-tango lang siya at kinamot ang pisngi. Tumalikod ito at tinungo ang sofa. Sinundan ko lang siya ng tingin. "Kumain ka na ba?" bigla ay tanong nito habang prenteng nakaupo na sa sofa. "Hindi pa po," ani ko. Lumapit ako sa kaniya para magpaalam na. Lumalalim na kasi ang gabi at paniguradong hanap na ako ni lola. "Sir Montecillo, uuwi na po ako. Pasensiya na po talaga dahil nakatulog ako rito." Tumaas ang makapal niyang kilay. "Just call me, Magnus, drop the formality. Mag-o-order ako ng pagkain. Kumain ka na muna bago umuwi. Ihahatid na lang kita." "Ay, naku! Hindi na po. Sa bahay nalang po ako kakain, sir. Hindi pa naman po ako gutom." Paulit-ulit pa akong umiling. Pero pagkasabi ko no'n ay biglang tumunog ang tiyan ko. Tila may halimaw sa loob ng tiyan ko dahil sa lakas ng pagkalam nito. Pailalim akong tumingin kay sir at kiming ngumiti.Tumawa siya. "See? Nag-aalboroto na ang tiyan mo. Halika rito at maupo na muna. Hintayin natin 'yong pagkain na in-order ko." Tinapik pa nito ang tabi niya ngunit nag-alangan ako. Ngumiti ulit siya. Iyong ngiting makalaglag ng panty! Ang ganda kasi ng ngiti niya. ‘Yong ngipin niya napakaputi at pantay-pantay. Parang model sa commercial ng toothpaste. "Sige na, huwag kang mag-alala. Hindi naman kita kakainin," biro pa nito. Dahan-dahan akong lumapit at naupo sa katapat na pang-isahang sofa. "Kaano-ano mo si Sally?" tanong nito nang makaupo ako. "Kapit-bahay po namin," tipid kong sagot. Tumango lang siya. "Ilang taon ka na?" ulit nitong tanong "Seventeen po, eighteen na sa October 30." Napatango-tango ulit siya at hindi na ulit nagtanong pa. Itinuon nito ang pansin sa cellphone nito. Ilang sandali lang nang mag-ingay ang doorbell. Tumayo siya para tingnan kung sino iyon. Pagbalik niya ay may dala-dala na itong mga paper bags. Iyon na siguro ’yong mga in-order niya. "Kain na tayo bago kita ihatid," aya nito sa akin. Medyo nahihiya pa ako pero baka sabihin niyang nagpapa-importante ako. Gutom na rin naman talaga ako. I'll starve to death kung magpapadala pa ako sa hiya. I sighed and slowly nodded then followed him in the kitchen. Isa-isa niyang inilabas ang mga pagkain sa island counter. Pagka-amoy ko pa lang ng mga 'yon ay parang mas lalo akong ginutom. May pangalan pa iyon ng isang sikat na hotel. Naglabas siya ng dalawang pinggan at dalawang pares ng kubyertos. Tapos kumuha siya ng juice sa ref at nagsalin sa dalawang baso. "Umupo ka na," alok nito. Agad akong tumalima. Siya pa ang naglagay ng pagkain sa mismong pinggan ko. Napakarami niyang inilagay. Parang dalawang tao na ang kakain nito. Nagpasalamat na lang ako at tahimik na kumain pero paminsan-minsan ay nahuhuli ko siyang nakatitig sa akin. Kapag nahuli ko, ‘di man lang magbawi ng tingin. Na-conscious tuloy ako kaya hindi ako makakain nang maayos. Matapos kumain ay hinatid nga talaga niya ako. Ang bango-bango ng loob ng sasakyan niya at ang lamig-lamig. Parang nahinto ang pagtibok ng puso ko nang siya pa mismo ang mag-ayos ng seatbelt ko. Pilit kong kinalamay ang sarili ko lalo na nang tumama ang mainit at mabango niyang hininga sa mukha ko. Parang may hatid iyon na kuryente at gumapang hanggang kaloob-looban ko. Pati yata atay at balun-balunan ko sumikdo. Kalma lang, Alexa! Pinakatitigan pa niya ako nang matapos niyang ayusin ang seatbelt ko. "Are you okay, Alexa? Parang namumutla ka," tanong nito. Marahas akong umiling. Nate-tense ako sa presensya niya. Sobrang lapit lang ng mukha niya sa akin, eh. "A-Ayos lang po ako." I smiled sweetly to cover the tension inside me. Kahit pa nga feeling ko, butil-butil na ang pawis ko. Hindi na siya muling nagsalita pa at mabilis na umikot para sumakay sa driver's seat. Itinuon ko ang mga mata sa labas ng sasakyan. Buti nalang at hindi na siya nagsasalita kaya medyo humupa ang dagundong ng puso ko. Mas masahol pa ito sa nararamdaman ko 'pag nakikita ko ang crush kong si Anton. "Saan kita ibababa?" biglang tanong ni sir Montecillo na ikinaigtad ko dahil sa gulat. Napahawak ako sa aking dibdib. Paglingon ko sa kaniya, nakakunot ang noo nito. Napalunok ako. Nakakatakot kasi iyong pagkakakunot ng noo niya. Tumingin ako sa labas ng sasakyan. Hindi ko namalayan na malapit na pala ako. "Sir, diyan na lang po sa tabi." Inihinto nga nito ang sasakyan sa gilid ng daan. Looban pa kasi 'yong sa amin. Nakakahiya naman kung magpahatid pa ako hanggang doon kaya dali-dali kong inalis ang seatbelt at bumaba. "Salamat po sa paghatid. Ingat po kayo pauwi." Nakatingin lang ito sa akin, pagkuwan ay tumango. Pinaharurot niya agad ang sasakyan. Agad kong kinapa sa bulsa ko ang cellphone para tingnan ang oras pero wala. Tanga! Naiwan ko sa condo ni poging kabalyero!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD