CHAPTER 3

2259 Words
Magnus HINDI ako masyadong nakatulog kagabi pero kailangan ko paring um-attend ng mga meeting ko ngayon. I had a meeting at 9, a presentation at 1 and another meeting at 3 in the afternoon. I also had to check the employees from the different companies I'm handling. Being the CEO of Montecillo World Corporation, we get hundreds of investors everyday. Marami ang gustong mag-invest kaya kailangang magdoble kayod. Ayokong balang araw ay may masabi ang mga ninuno ko kapag pumalpak ako sa kompanyang matagal nilang pinangalagaan. Anim na dekada nang namamayagpag ang mga Montecillo sa business world. Kaya hindi dapat ako makampante kahit maganda ang takbo ng lahat. Bawal ang paupo-upo na lang dahil may mga taong gusto kaming maalis sa puwesto. Kahit sa ganitong paraan man lang ay makabawi ako sa lahat ng sakripisyo ni Daddy simula nang iwanan kami ni Mommy. Napabuntong-hininga ako. Iwinaksi ko ang nasa isip. It's not good to think about the past again. Besides, okay naman na si Daddy. He moved on . . . I moved on too. Inunat ko ang aking suot na necktie, plinantsa ang harap ng suot kong suit gamit ang aking palad at saka humakbang papasok sa private elevator. Nang makarating ako sa floor kung nasaan ang aking opisina ay mabilis akong naglakad palabas. May kausap ang sekretarya kong si Mahara sa phone. Mukhang aligaga na naman dahil nahahalata sa nakakunot niyang noo at nanunulis na nguso. "Good morning, Mahara. 'Yang kilay mo nakakunot na naman. Bahala ka magkaka-wrinkles ka niyan!" biro ko sa sekretarya ko at saka siya kinindatan pero inirapan niya lang ako. "Good morning din, Sir Magnus. Ang ingay mo. May kausap akong kliyente," aniya habang hawak-hawak parin niya ang telepono pero naka-cover ang mouthpiece no'n. Mahara is very hardworking at isa siya sa mga iniingatan kong empleyado. She's very focused on her job at dalawang taon na siyang nagtatrabaho para sa akin matapos kong tanggalin ang sekretarya ko na nagpakita sa akin ng motibo. Ayaw kong hinahaluan ng personal na buhay ang trabaho, most specially pagdating sa mga babae dahil malas iyon sa negosyo. Tiningnan kong muli ang aking relong pambisig pagkapasok ng opisina. Sampung minuto na lang bago magsimula ang unang meeting sa araw na ito.Tinanaw ko ang siyudad mula sa glass window. Busy na ang mga tao, patunay ang mga sasakyang usad pagong sa daan. Ipinikit ko nang mariin ang mga mata ko pero biglang nagpakita sa aking balintataw ang ngiti at ang mga labing 'yon. "You're meeting at 9 starts in 5 minutes, Sir." Dinig kong wika ni Mahara mula sa intercom. Mabilis akong napamulat ng mata at mahinang napamura. Tumango ako na para bang nakikita niya iyo. Mabuti na ang may ginagawa at panatilihing busybang sarili ko para naman mawaglit ang gumugulo sa isip ko. Lumabas ako ng opisina at tinungo ang boardroom. Nasa dulo iyong bahagi nitong hallway. Lahat ng mata ay dumako sa akin pagkabukas ko ng pinto. Lahat ay bumati pagkatapos ay natahimik na parang hinihintay lang ang signal ko. Umupo ako sa head chair at pinagsalikop ang aking mga kamay sa ibabaw ng lamesa bago magsalita. "Let's get down to business." I was in the middle of the meeting with the board members but my mind was pre-occupied with the thoughts of that girl. Kanina pa siya sumisingit-singit sa utak ko. Damn that girl! Masyado niyang ginugulo ang isip ko. Her innocent face, her cute gestures and her kissable lips runs in the back of my mind the whole time. Gusto ko pa sana siyang ihatid hanggang sa bahay nila pero wala akong tiwala sa sarili ko lalo na nang dumako ang tingin ko sa mga labi niya. She has something that urged me to kiss her, pero hindi puwede! And her neck— I want to put some love bites there. Shit! What's wrong with me? f**k me! Hindi ako papatol sa isang bata. Naikuyom ko ang mga palad at padabog ko iyong naibaba sa mesa dahilan para mabaling ang tingin sa akin ng lahat. "Just continue.” Utos ko sa nagsasalita. Mariin kong naipikit ang aking mga mata. Marami diyan sa tabi-tabi. I can even pay an escort girl to fulfill my séxual needs. Pero hindi ako gano’n kahalang sa laman para umabot pa ro’n. Marami diyan, lalapit pa nang kusa. Hindi ako papatol sa bata. Never! *** Alexa "KASI naman! Naharap lang sa pagkain nakalimutan ko na 'yong cellphone ko! Patay-gutom kang tiyan ka!" Tinapik-tapik ko pa ang tiyan ko na para bang sasagot ito sa reklamo ko. Kanina pa kasi ako pabalik-balik sa building na kinaroroonan ng condo ni Sir Magnus pero ayaw naman akong papasukin sa loob dahil mahigpit ang security sa building na ito. Nakitawag ako kanina sa cellphone ng kapatid ko para tanungin ang numero ni sir Magnus kay ate Sally pero hindi naman nito sinasagot ang tawag ko. Nagbakasakali na lang ako na pumarito kahit suntok sa buwan pa ang tiyansa na makita ko siya rito sa ganitong oras. Malay ko naman, baka biglang umuwi 'yon. Muli akong nakiusap sa guwardiya para papasukin ako sa loob. Mukhang naawa naman ito sa akin. Pinuntahan nito ang receptionist at may sinabi sa kanila. Itinuro pa nito ang gawi ko pagkatapos ay binalikan ako sa aking puwesto. "Pasensiya na, neng, hindi raw talaga pwede. Buti raw noong nakaraan at ipinaalam ang pagpunta mo rito." Nakiusap lang kasi ako sa kanya lalo na't wala rin akong dalang ID. Pero kailangan ko talaga iyong phone ko kaya hinarap kong muli si manong guard. Pinagsalikop ko ang mga kamay sa tapat ng aking mukha at umaktong parang nagdarasal sa kaniya. Kulang nalang ay lumuhod ako at magmakaawa. "Kuya, baka naman po puwedeng pakitawagan na lang po si sir Montecillo o kaya naman po kunin ko po 'yong number niya. Kailangan na kailangan ko lang po kasing makuha yung cellphone ko sa unit niya. Please po." Nakikiusap na ako at halos mangiyak-ngiyak na pero ayaw talaga nila. Hindi effective ang pagpapaawa ko maski pa siguro tumambling-tambling ako rito o sumirko-sirko sa harap niya. "Hindi talaga pwede, neng." Nagkamot pa ng batok si manong. Marahil ay nakukulitan na sa akin. "Sige po, thank you na lang sa lahat,” sarkastiko kong wika. Nanlumo ako at bagsak ang mga balikat na tumalikod para lisanin ang lugar. Nagsayang pa ako ng pamasahe wala rin naman pala akong mapapala. Palabas na ako nang mabunggo ko ang isang babae. The woman cursed and looked at me from head to toe. Aba't kinginang 'to! Kung makatingin parang kanya ang daan, ah. "s**t! Tatanga-tanga!" bulyaw nito sa akin na ikinakuha ng atensyon ng mga tao sa loob. Nagbaba ako ng ulo at yumuko sa pagkapahiya. Nag-init ng husto ang mukha ko. Kung sinuswerte nga naman at nakatagpo pa ako ng babaeng maarte. Nakagat ko ang aking pang-ibabang labi at napapikit nang mariin. Kung puwede ko lang hilahin ang buhok ng maarteng babae na ito, kanina ko pa hinila. Ang arte-arte, akala mo naman kung sinong kagandahan. "Sorry po talaga, Ma’am, sorry po," hingi ko ng tawad. Pero pinasadahan niya lng ako muli ng tingin pagkatapos ay inirapan ako. Iyong tingin na parang diring-diri sa damit ko. Saglit kong pinasadahan ng tingin ang damit ko dahil kung makatingin ang babaeng bawang, para bang nakakita ng dugyot na basahan. Isang pink v-neck shirt na ipinaloob sa dark blue maong jumper short na pinaresan ng white sneakers. Ayos naman, ah? Problema nito? Dukutin ko kaya mata nito? "Next time, huwag kang haharang- harang sa dinadaanan ko!" sigaw niya. Napaigtad pa ako sa lakas ng boses niya. Para bang ang laki-laki ng kasalanan ko. Ano kayang tinira ng babaeng 'to? Nakawala yata sa mental, eh. Ano bang problema niya? Nag-sorry naman na ako, ah. Galit na galit, gustong manakit? Muli ko siyang sinulyapan nang pailalim. Para kasing pamilyar, eh. Parang narinig ko na rin ang boses. Napaturo ako pataas sa hangin nang parang may bumbilyang umilaw at maalala ko kung sino siya. Ay, tama! Siya nga ‘yong ka-chukchakan ni sir Magnus sa unit niya. Hindi na ako magtataka kung malakas ang bunganga nito. Ganiyan din siya sa kuwarto ni sir Magnus, eh. Halos tumili no’ng may milagro silang ginagawa. Pumitik sa tapat ng mukha ko ang babaeng bawang kaya nabalik ako sa wisyo at bumaling ulit ng tingin sa kaniya. "Pasensiya na po talaga." Yumuko ulit ako at humingi ng paumanhin. Sa wakas ay umalis din siya at tinungo ang reception area. Umirap pa nga bago ako tinalikuran. "Where is Magnus?" Dinig kong tanong niya sa receptionist. Pero katulad ng sa akin ay hindi rin siya pinayagang umakyat sa unit ni sir. Naghi-histerical na naman siya at nagsisisigaw. Pinipilit niyang palabasin si sir Magnus. Aba'y baliw nga yata? "s**t! Ilabas niyo si Magnus! Nagtatago lang iyon sa unit niya!" Narinig ko pang sigaw niya. "Ang dami talagang babae ni Sir. Halos araw-araw ay may naghahanap sa kanya rito." Umiling-iling pa si manong guard. Nakatingin siya sa akin habang nakangisi. "Oy, kuya guard, hindi ako babae ni sir, ah. Naglinis lang ako sa unit niya tapos naiwan ko 'yong phone ko. Huwag kang madumi mag-isip diyan," ani ko kay kuya guard. Baka kasi isipin niya na kaya hinahanap ko iyong phone ko sa unit ni sir Magnus kasi isa rin ako sa mga babae niya. Humalakhak si manong guard. "Alam ko. Puro sexy at parang modelo ang mga dinadala ni sir Montecillo rito. Hindi siya nagdadala ng mga nene pa kaya alam kong hindi ka isa sa mga babae niya." Ay, savage si manong! "Manong, seventeen na ako kaya hindi na ako nene. Ilang araw na lang magde-debut na ako. Sige, kuya, alis na ako. Babalik na lang po ako kapag nandito na si sir Magnus. Salamat po sa tulong." Kumaway ako sa kaniya bago tuluyang nilisan ang building na 'yon. Wala rin akong napala. Pinahiya pa ako ng babaeng mukhang bawang. "Sabihin ko nalang kay Mr. Montecillo na may naghanap sa kanyang cute na dalagita." Pahabol nitong sigaw sa akin. Magnus GABI na nang matapos ang lahat ng appointments ko sa araw na ito. Dumaan muna ako sa condo para kunin ang naiwan kong papeles kagabi. Kailangan na iyon sa makalawa kaya kailangan ko munang ireview. "Good evening, sir," nakangiting bati sa akin ng guwardiyang si mang Noel. "Good evening." Pagkalampas ko sa kaniya ay may pahabol pa itong sinabi. "Ay, Mr. Montecillo, excuse po." Lumingon ako sa kaniya. Nagkakamot ito ng ulo, halatang nahihiya pa no’ng tinawag ako. "Ay, kasi po may naghahanap sa inyo kanina." Hindi na bago, sabi ko na lamang sa sarili ko. "Cute pong dalagita. Kinukuha po 'yong number niyo sa amin kanina. Pero siyempre po kailangang sumunod sa protocol na bawal ang magbigay ng impormasyon ng mga nakatira rito kaya hindi po namin ibinigay. Mga dalawang oras din pong naghintay at nagpabalik-balik iyong bata rito." Natigilan ako at nilapitan ang guwardya. Wala naman kasi akong inuuwing dalagita maliban sa pumalit kay Sally na naglinis kagabi. The girl who occupied my mind the whole day. "Dalagita ba kamo kuya?" nakakunot- noong tanong ko rito. "Opo, sir, ang sabi po nakalimutan niya ang cellphone niya sa unit niyo kagabi no’ng naglinis siya." Si Alexa nga. Napangiti ako bigla. Tinapik ko sa balikat ang guwardya at dali-daling sumakay sa elevator. Pagkapanhik ko sa unit ay agad kong hinanap ang cellphone na sinasabi nito. Lahat ng sulok nasuyod ko na. Sa kusina, sala, laundry area, sa guestroom hanggang sa pumasok ako sa mismong kuwarto ko at may marinig na nag-iingay. Dahil nakapatay ang ilaw, agad kong nakita ito dahil sa ilaw nito. Nasa ibaba iyon ng kama. Pinulot ko ang cellphone at tiningnan ang tumatawag. Bunso calling... Nag-alangan ako na sagutin iyon at baka sabihin ni Alexa na ini-invade ko ang privacy niya. Pero baka naman importante. Namalayan ko na lang ang pagpindot sa answer button ng cellphone. ''Hello? Sir Magnus? Ikaw ba yan?" Malumanay ang boses nito. Umupo ako sa gilid ng kama at sinuklay patalikod ang buhok ko. I cleared my throat first before I speak. "Yes, Alexa. Naiwan mo ang phone mo rito. Don't worry, dadalhin ko nalang sa 'yo bukas." "Naku, thank you po, Sir. Pasensiya na po at maabala ko pa po kayo. May pasok na rin po kasi ako bukas sa school kaya talagang hindi ho ako makakapunta diyan sa inyo para kunin ang phone ko. Pasensiya na po sa abala." "It's okay. Itext mo nalang sa akin ang address ng school mo para madala ko bukas," nakangiti kong sambit maski pa nga hindi naman niya ito nakikita. Nagpaalam na ako sa kabilang linya pero nakalagay parin ang cellphone sa tainga ko. Noong mapansin ko sa salamin na nakalagay sa dingding ang hitsura ko ay agad ko itong ibinaba. "Anong nginingiti-ngiti mo riyan?" singhal ko sa sariling repleksyon sa salamin. Napailing ako matapos mapagtanto ang ginawa ko. Wala sa loob ko na pinindot ang screen ng cellphone niya at napunta sa gallery nito. Mga solo pictures niya ang bumulaga sa akin. May iba't ibang poses siya rito pero ang nakakuha ng atensyon ko ay ang stolen picture niya. Nakahawak siya ng bulaklak habang inaamoy iyon na nakapikit. Ang inosente talaga ng mukha. Parang walang muwang sa mundo. I bit my lower lip and sighed. In-scroll ko na lang ulit para mailipat ang photo pero umawang ang labi ko nang makita ang litrato ng dalawang babae. Magkayakap ang mga ito sa litrato at halatang close na close. Sina Alexa at Angelique. ‘Yong Angelique na kinababaliwan ng kaibigan kong si Rosh. Napahilamos ako sa sariling mukha. "Small world."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD