CHAPTER 7. Barrio Project

490 Words
Conference room. Lahat ng Group 4, nakaupo. Si Sir, seryoso. "Okay, may announcement ako," sabi ni Sir. "Yung NSTP niyo this sem, hindi lang linis-linis sa school. May community immersion tayo." Nagkatinginan kaming lahat. "Isang buwan kayong mag-stay sa Barangay Malaban every weekend. Dun kayo gagawa ng project — yung Arch, gagawa ng small library design. Yung Psych, mag-conduct ng mental health awareness para sa mga bata." Napatingin ako kay Yana, "Every weekend?" Tumango siya, excited, "Overnight pa!" "At syempre, partner pa rin kayo," dagdag ni Sir. "Elisha and Ivan, kayo magkasama sa library + counseling corner. Since kayo yung may highest grades sa group niyo nung nakaraan sa prelims." Parang gusto kong mahimatay at kiligin ng sabay. Isang buwan. Every weekend. Kami lang ni Ivan? Sa barrio? Si Ivan, nakatingin sa akin. Hindi ko mabasa mukha niya, parang gulat din, pero may konting ngiti. After ng meeting, sabay kaming lumabas. "So, weekend tayo magkasama," sabi niya. "Oo nga," sagot ko, hawak pa rin yung punit kong ID lace na tinatali niya ng double knot kanina. "Kaya mo ba? One month sa barrio, walang signal masyado?" "Ikaw, kaya mo ba ako kasama ng one month?" Ngumiti siya. "Anim na taon kitang hinintay makausap ulit. One month is nothing." Namula ako. Ang bilis niya na talaga mambola ngayong college. "Bola mo pa rin yan nung Grade 6 ah, Ivan. Yung sabi mo maganda sulat kamay ko tapos ikaw pala nangongopya lang." Tumawa siya ng malakas. "Naalala mo pa yun? Grabe memory mo." "Syempre, crush kita since Grade 4 e. Lahat naalala ko." Natahimik siya. Tapos biglang seryoso. "Elle, totoo ba talaga yun? Since Grade 4?" Tumango ako, mahina. "Oo. Simula nung binigyan mo ako ng crayola nung nasira yung akin. Red color. Nanlaki mata niya. "Naalala mo pa yun? Grade 4 yun ah." "Ikaw ba naalala mo?" Ngumiti siya, kinuha yung backpack niya at may kinuha sa loob. Isang luma at gusot na drawing. Drawing ng isang babae na may dalawang ponytail. May nakasulat sa baba — Elisha, Section A, by Ivan, Grade 4. "Tinago mo?" bulong ko. "Hindi ko tinapon. Kahit nung nag-away tayo nung Grade 7. Kahit nung lockdown. Nasa Arch envelope ko lang lagi." Hawak ko yung drawing, nanginginig. Anim na taon kong akala, ako lang yung may dala ng nakaraan. Yun pala, dalawa kami. "So," sabi niya, "Barangay Malaban tayo sa Sabado? Sabay na tayo pumunta?" "Sabay na." "Sundo kita sainyo, 5 AM?" "5 AM? Ang aga!" "Para makita mo yung sunrise sa barrio. Maganda dun." Tumingin ako sa kanya. Yung Ivan na suplado kahapon, ngayon nakangiti at may dala pang drawing ko nung Grade 4. Mukhang yung title natin, hindi na lang “After Lockdown, Ikaw Pa Rin.” Parang “After Lockdown, Tayo Pa Rin.” Pero bago pa ako makasagot, nag-vibrate phone ni Ivan. Message from Mara: Ivan, kasama ka ba sa barrio? Pwede pasabay? Nagkatinginan kami. Mukhang hindi pa talaga tapos si Mara.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD