bc

After Lockdown, Ikaw pa rin

book_age12+
2
FOLLOW
1K
READ
HE
opposites attract
second chance
neighbor
drama
sweet
no-couple
lighthearted
bold
genius
campus
highschool
rejected
secrets
like
intro-logo
Blurb

Elisha and Ivan they know each other since childhood — inseparable, laging magkasama, akala nila forever yung closeness nila.Then lockdown happened. Isang misunderstanding in Grade 7 broke everything. six years later, first year college na sila.Elisha is now a Psychology student, focused on healing and moving on. Ivan is an Architecture student, tahimik pero hindi pa rin nakaka-move on sa kasalanan niya.Same university. Same campus. Unexpected reunion.Forced to work together for NSTP, napipilitan silang mag-usap ulit. Dahan-dahang bumabalik ang tawanan, ang kulitan, at ang feelings na akala nila patay na.Pero kaya pa ba nilang patawarin ang isa't isa?Can second chances really work when the first love never really ended?A slow-burn, college, second-chance romance about healing, forgiveness, and finding your way back to the person you never stopped loving.After lockdown, after everything... ikaw pa rin.

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1. ”Nabangga ko siya ulit”
"Psych ka? Kaya pala lutang ka." Nasa sahig lahat ng plates niya. Nasa sahig din yung bag at libro ko. At nasa harap ko — after six years, lockdown, at paglipat ng school para lang makalimot — si Ivan. Yung crush ko since Grade 4. Naka-brown cap, naka Architecture shirt na gusot, at nakatingin sa akin na parang ako pa rin yung kontrabida nung Grade 7. "Hindi ka pa rin nagbago no?" sabi niya. pinulot niya yung blueprint na nayupi ko. "Nang-aaway ka pa rin ng tao tas bigla kang tatakbo?" Gusto kong sumigaw na hindi ako yun. Na ako yung inaway ni Mara dati dahil may gusto rin siya kay Ivan. Na kaya ako lumipat ng ibang Section ay dahil ayaw kong tuksuhin nila ako na gusto kita. Na hindi ko siya nilabanan, pinagtanggol ko lang sarili ko nung sinabihan niya kung kinukuha ko atensyon mo. Pero lahat ng lumabas sa bibig ko, "S-sorry..." Ngumiti siya, pero hindi yung ngiti na naalala ko nung elementary pa kami. "Whatever, Elisha. Wag ka lang dumaan sa Arch building kung hindi ka marunong tumingin." At umalis siya. Bitbit yung punit na plate, iniwan akong nakatayo sa gitna ng Psych building hallway, hawak ang ID ko na kanina lang, hawak din niya nung pinulot niya. Anim na taon. Anim na taon kong pinilit kalimutan yung pangalan niya. Nag-lockdown, lumipat ako ng ibang school, nagbura ako ng lahat, umalis ako ng walang sinabihan, parang bula. Akala ko successful ako. Pero bakit pag nakita ko lang ulit yung mata niya, bumalik lahat? "Elle! Anong nangyari sayo? Sino yun?" Si Yana, kaibigan ko since high school na kapareha ko rin ng kursong pinili. Hinila niya ako sa gilid. "Wala," sabi ko, pinipilit itago yung panginginig ng kamay ko. "Nabangga ko lang." "Nabangga? Girl, halos kainin ka ng tingin ni Architect! Kilala mo yun? Kilala ko yun sino nga ba yun....ah oo si Ivan—Ivan Rai Gonzales. ka block yun ng boyfriend ko. matalino, gwapo pero sobrang suplado daw." Ivan Rai Gonzales. Tama. Siya pa rin. "Matagal ko nang kilala," bulong ko. Tiningnan ako ni Yana. "Ex mo?" "Crush. Since elementary." Nanlaki mata niya. "WHAT? Yung kanina? Yung sinungitan ka? Eh di destiny! First day pa lang, nagkita na kayo agad. Anong nangyari dati? Bakit parang galit siya sayo?" Gusto kong ikwento. Yung paglipat ko ng ibang Section nung Grade 7 kasi ayaw kong maasar. Yung biglang pag-away sa akin ni Mara sa harap ng buong klase at ibang studyante. dahil akala niya lagi akong nag pa-papansin kay Ivan. Yung pagdating ni Ivan, at sa halip na pakinggan ako, sinigawan niya ako ng "Tigilan mo na si Mara!" Isang linggo lang pagkatapos nun, nag-lockdown. Hindi ko na siya nakita. Hindi ko na na-explain. "Long story," sabi ko na lang. "Basta hindi maganda yung last na pagkikita namin." Nag-vibrate yung phone ko. Email from OKA. NSTP Groupings - 1st Sem Binuksan ko. Scroll. BS Psychology - Group 4: Elisha M. Santos Liyanne C. Duzo (Name) ... BS Architecture - Group 4: Ivan Rai B. Gonzales Nabitawan ko yung phone ko. "Oh my god. Yana Ka-group ko siya sa NSTP." Tumingin si Yana sa screen at napasigaw. "Girl! Destiny nga!" Hindi ito destiny. Parang parusa. First day pa lang, nabangga ko na siya. Nasira ko pa yung plate niya. Paano ko haharapin yung tao na anim na taon kong tinakasan, kung buong sem ko pa siyang makakasama? At paano ko sasabihin sa kanya na yung dahilan kung bakit ako umalis dati ay siya pa rin?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Road to Forever: Dogs of Fire MC Next Generation Stories

read
48.5K
bc

Mistletoe Miracle

read
10.2K
bc

Abandoned Luna: Now He Can't Beg Her Back Ever

read
23.5K
bc

Burning Saints Motorcycle Club Stories

read
2.4K
bc

Tis The Season For My Revenge, Dear Ex

read
78.6K
bc

Rebel’s Chopper Demons MC: A Baby For His Sin

read
54.2K
bc

All I Want For Christmas

read
56.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook