Grade 7. 2019. Isang taon bago mag-lockdown.
Lumipat ako ng ibang Section hindi dahil mahina ako. Lumipat ako dahil pagod na akong maging punchline.
"Elisha at Ivan, bagay!"
"Uy crush mo oh!"
”Ma'am may muse at prince na tayu para mamaya”
Araw-araw ganun sa Section A. Lahat ng kaibigan ko, tuwing dadaan si Ivan, tinutulak ako papunta sa kanya. Nahihiya ako. At alam kong nahihiya rin siya. Kaya isang hapon, pumunta ako kay Ma'am Santos.
"Ma'am, pwede po lumipat ng section?"
Pumayag siya. Section B. Tahimik. Walang tuksuhan. Akala ko okay na.
Hanggang sa dumating si Mara
Si Mara Jane Ocampo. Maganda, matalino, at lantaran na may gusto kay Ivan. Nung nalaman niyang may gusto ako kay Ivan, dun na nagsimula.
"Makati ka eh no?" sabi niya during lunch break. Nasa likod kami ng building, ako lang mag-isa.
"Pinagsasabi mo," sagot ko.
"Tsss..Eh bakit ka lumipat? Pa-hard to get ka? Alam ng lahat na crush mo si Ivan since Grade 4 pa. Nakakahiya ka."
Hindi ako sumagot. Tahimik lang ako. Pero hindi siya tumigil. Kinuha niya yung notebook ko at tinapon sa likod ng classroom na may kanal.
Doon na ako napikon. Hinila ko yung buhok niya. Nagkagulo.
"AWAY! AWAY!"
Nagdatingan ang mga teachers. Kaming dalawa ni Mara, dinala sa faculty. Umiiyak siya. Ako, nanginginig, may kalmot sa braso.
At dumating si Ivan.
Hindi ko alam kung sino nagsabi sa kanya. Pero dumating siya, hingal, dahil kakalaro niya lang ng takraw dahil may event samin.
"Elle! Ano ba! Tigilan mo na si Mara!"
Yun lang sinabi niya. Hindi niya tinanong anong nangyari. Hindi niya nakita yung notebook ko na basa. Nakita lang niya si Mara na umiiyak.
Tumingin sa akin si Ivan. Disappointed. Galit.
"Akala ko tahimik ka lang. Hindi ko akalaing ikaw pala yung nambu-bully."
Gusto kong sumigaw. Gusto kong sabihin na hindi ako yun. Na ako yung binu-bully.
Pero wala akong boses. Lahat ng tao nakatingin sa akin na parang ako yung masama.
Kinabukasan, pinatawag kaming dalawa sa guidance office. Pero bago pa matuloy, nag-announce ang principal.
"Due to COVID-19, suspendido muna ang klase hanggang further notice."
Lockdown.
Hindi na natuloy ang guidance. Hindi ko na na-clear ang pangalan ko. Hindi ko na nakausap si Ivan.
Isang buwan ng lockdown, nag-decide si Papa na umuwi kami sa dati naming bahay at dun na mag pa tuloy ng pag-aaral para hindi siya mahirapan sa pag uwi ng sasakyan. Pumayag agad ako. Gusto ko lang makalimot.
Fast forward — ngayon.
Nasa university na ako. BS Psychology. Akala ko healed na ako.
Pero nung sinabi ni Ivan kanina na "Nang-aaway ka pa rin ng tao tapos tatakbo?" — bumalik lahat.
Hindi pa pala siya tapos sa akin.
At hindi pa pala ako tapos sa kanya.
Pag-uwi ko sa bahay, binuksan ko yung lumang f*******: ko. Yung account na hindi ko na ginagamit since 2020.
May message request.
From: Ivan Rai Gonzales.
Sent: March 2020
Elle, sorry sa nasabi ko sa faculty. Pwede ba tayo mag-usap?"
Hindi ko nabasa. Anim na taon na pala siyang nasa message request.
At ngayon, ka-group ko siya sa NSTP bukas.
Anong sasabihin ko sa kanya?