CHAPTER 10. Tayo Pa Rin Pala

355 Words
After nung sinabi ni Ivan sa bonfire, walang nagsalita ng 10 seconds. Si Mara tumakbo sa tent, umiiyak. Si Yana, hawak phone niya, nagre-record pa yata. Yung mga bata, naghiyawan ng "Kilig! Kilig!" At ako, hawak pa rin ni Ivan kamay ko, mahigpit na mahigpit. "Elisha," bulong niya, "okay ka lang?" "Hindi," sagot ko, "kasi lahat nakatingin." Tumawa siya. "Hayaan mo sila. Sanay na ako pagtawanan simula Grade 4 nung sinabi kong crush kita." Dinala niya ako palayo sa bonfire, papunta sa may palayan ulit. Yung pinanooran namin ng sunrise kanina. Ngayon gabi, puro bituin lang. "Elle, sorry kung sa harap pa ng lahat ko nasabi. Pero pagod na ako eh. Anim na taon akong nag-guilty kasi hinusgahan kita. Anim na taon kitang hinanap sa f*******: pero naka-deactivate ka. Tapos nung nakita kita sa hallway, ang sungit mo pa rin — akala ko galit ka pa rin." "Galit ako dati," sabi ko. "Pero ngayong alam ko na nagsorry ka pala nung 2020 pa, hindi na." Tumingin siya sa akin, seryoso na. "Elisha Santos, Section A, Grade 4, naka-dalawang ponytail at laging nawawalan ng crayola." "Ivan Rai Gonzales, Section A, Grade 4, laging nangongopya ng sulat sa kamay mo pero magaling mag-drawing." Ngumiti kami pareho. "Pwede ba," sabi niya, medyo nanginginig na, "pwede ba ulit kitang ligawan? Yung tama na this time. Hindi na patago, hindi na tukso lang sa canteen." "Ivan, nasa barrio tayo, may putik paa natin" "Exactly. Dito tayo ulit magsisimula. Sa putik. Hindi sa malinis na classroom." Tumawa ako, umiiyak na pala ako. "Oo," sabi ko. "Pwede." "Pwede?" "Oo, Ivan. Pwede mo na ulit akong ligawan. After lockdown, ikaw pa rin naman e." Hindi na siya naghintay. Hinila niya ako palapit at niyakap. Mahigpit. Yung yakap na parang anim na taon na na-miss. "Elisha ko pa rin," bulong niya sa tenga ko. "Ivan ko pa rin," sagot ko. Sa likod namin, narinig ko si Yana sumigaw, "JUSKO FINALLY! OFFICIAL NA YAN HA! PICTURAN KO KAYO!" Nagtawanan yung mga bata. At sa ilalim ng bituin ng Barangay Malaban, after six years, after lockdown, after lahat ng away at tampuhan — Kami pa rin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD