bc

The Runaway Bride

book_age18+
736
FOLLOW
5.4K
READ
HE
arrogant
heir/heiress
lighthearted
enimies to lovers
like
intro-logo
Blurb

Maganda. Mayaman. Matalino. Lahat na kay Myrtle Forbes na pero bakit hindi pa rin siya masaya at kuntento sa buhay? Ang mga magulang niya ang laging nasusunod sa bawat galaw niya. Kahit sa pagkuha ng kurso sa kolehiyo, pananamit at pati ang ginagawa niya. Lahat nakadikta. Inisip na lang niya na mahal lang siya ng sobrang ng magulang niya. Ngunit nagulat siya ng malaman na pati pala ang kasal kasama sa plano nila. Tumutol siya sa isang arranged marriage dahil naniniwala siya sa pag-ibig at sa Prince Charming. Ayaw niyang makasal na magiging sakal lang ang resulta sa huli. Ngunit hindi siya pinakinggan kaya nagdulot ito sa kanya ng matinding hinanakit at humantong ang lahat upang maging siyang The Runaway Bride.

Gwapo. Mayaman. Suplado. Yan si Ralph Justin Grisby pero laki sa lola dahil puro trabaho ang nasa isip ng magulang. Noong una sumusunod pa siya sa mga bilin ng magulang hanggang nalaman niya ang lihim ng ama. Isa siyang babaero. Mula noon hindi na siya naniniwala sa pag-ibig at tumatak na sa isip at puso niya. He builds his wall so no woman can break it, pero lahat ng sinabi niya ay naglaho ng makilala niya si Myra. Ang babaeng nagpagulo ng puso niya at nakilala niya sa Norte. Matapos ang rumors sa business world sa the runaway bride niya, agad niyang nilapitan ang ama at hiningi ang freedom niya dahil iyon ang kasunduan nila once the marriage will fail siya na ang masusunod sa buhay niya. He loves Norte so much dahil doon ang lugar ng lola niya na pumanaw na. At dahil gusto niyang umalis sa anino ng magulang niya nagpanggap siya si Baste—isang simpleng manggagawa ng Casa Hacienda pero ang hindi niya alam ang runaway bride pala niya ay si Myra o mas kilala bilang Myrtle Forbes. Mahahanap kaya sa kanya ni Myrtle ang tunay na pag-ibig o mas matibay pa rin ang pader na pinalibot niya sa sarili upang hindi maniwala sa love?

chap-preview
Free preview
Chapter 1: Sadness
Tumatakbo ako habang hinahabol ang papasikat na araw baka mahuli ako ng mga magulang ko na lumabas na naman upang mag-jogging. Hindi ko alam bakit masyado silang mahigpit sa akin pero siguro mas mabuti na ito para matuto ako. Malapit na ako sa bahay namin ng makita ang kulay gintong kalangitan. Napatigil ako at napangiti. It is indeed beautiful. Ito ang gusto ko kapag nag-jojogging ng madaling araw. Nakikita ko ang ganda ng nature. The beauty of nature keeps captivating me. At least kahit sa konting oras nakakahinga ako ng maayos at hindi ramdam ang sakal. “Mam Myrtle!” Napalingon ako sa sigaw ni Yaya Marie. Sumenyas siya na nasa baba na daw ang mga magulang ko kaya pumasok na ko at dumaan sa likod ng bahay. Diretso agad ako sa maid quarters upang palitan ang basa kong damit at naligo. Graduated na ako ng accountant at 21 na but still ang mga plano pa rin ng magulang ko ang nasusunod. Huminga ako ng malalim habang nililinisan ang sarili ko at tumingin sa salamin. Ang mahaba kong itim na buhok ay unti-unting nababasa at napapikit ako. Hinayaan mabasa rin ang mahaba kong pilikmata at bumuntong hininga. Kinuha ko ang sabon at nilinisan ang katawan ko. Nagmulat ako at tumitig muli sa salamin. Sabi nila maganda daw ako at mestiza. Mayaman at matalino pa pero bakit ganun? Ang puso ko ay puno ng lungkot. Sadness keeps dragging me to want to do reckless things eagerly, but I can’t do it because there is so much to obey. Biglang sunud-sunod ang pagkatok sa pinto. “M-Mam Myrtle, nasa dining area na po mga magulang niyo. Hanap na po kayo. Ano na naman palusot sasabihin ko?” Nanginginig na boses ni Yaya Marie at sigurado ako kabado na naman siya. “Bihis lang po ako,” sagot ko at nagmadali nang tapusin ang paliligo ko at nagbihis na. Dumiretso ako sa kusina at kumuha ng gatas sa refrigerator. Pilit akong ngumiti at nagtungon na sa dining area. “Good morning—” “Nagpuyat ka ba kagabi? Bakit late kang gumising?” putol sakin ng Mommy ko habang nakatuon ang atensyon sa screen ng cellphone niya. Bumuntong hininga ako at pinagmasdan sila. Nakapusod na ang blonde na buhok ni mommy habang pulang-pula ang labi. If you will compare us, aakalain nilang ako pa ang ate. Hindi ganoon kaputi ang balat niya pero makinis ito habang si Daddy, mukha rin bata ang itsura. He has long eyelashes, wavy brownish hair, with blue eyes. Doon na inlove si mommy sa kanya sa blue eyes niya kasi na paka rare nun para sa kanya. “Umupo ka na at kumain,” Napansin ni Daddy na hindi ako sumagot kay Mommy kaya siya na ang nagsalita. Tumango na lang ako. Hinila ko pa lang ang upuan ko, agad na silang tumayo. Lumapit sakin si Daddy at hinalikan ang buhok ko habang si Mommy kumaway lang sakin at diretso na sila palabas ng bahay. Umiling na lang ako at tinawag si Yaya Marie, “Yaya, kain po tayo,” Pinagbigyan naman niya ko. Matapos namin kumain at magligpit, tinulungan ko na rin siya maglinis sa kusina. Naiinip na ko sa bahay dahil hindi pa raw ako pwedeng mag-apply ng trabaho dahil meron ibang plano ang magulang ko. Matapos namin maglinis ni Yaya Marie, umakyat na agad ako sa kwarto at humiga sa malambot kong kama. Ilang minuto pa lang ako nakahiga tumunog na ang smartphone ko. Kinuha ko ito sa maliit na mesa sa gilid ng kama. Napangiti ako ng makita ang tumatawag. “Mommy,” Excited kong sagot pero biglang nawala ang ngiti ko. “Prepare yourself later. We will talk about something important. Don’t go out. Bye. I love you, my daughter,” Binuka ko pa lang ang bibig ko binaba na niya ang tawag. Akala ko pa naman tutuparin na niya ang pangako niyang lalabas kami. Tumayo ako at binuksan ang pinto ng balkonahe, lumapit ako sa railing at tumingin sa langit. Pinagmamasdan ko lang ito habang may mga ibon na lumilipad ng biglang may sumenyas sakin sa baba. Kunot ang noo ko ng makita na isa lang pala sa mga bodyguard namin. “Ma’am bawal po kayo dyan!” sigaw nito para marinig ko. Nainis man ako at gustong siyang bulyawin hindi ko magawa dahil sumusunod lang naman sila sa utos sa kanila. Padabog akong pumasok sa loob at humiga muli sa kama. Buti pa noong nag-aaral ako hindi ako naiinip. Hind rin ganito kahigpit pero bakit kung kailan nakatapos na ko at nasa tamang edad atsaka naman sila mas naging mahigpit? Naramdaman ko ang basa sa mukha ko. Napatingin ako sa full-sized mirror sa tabi ng walk-in closet ko. Lumuluha na pala ko na hindi ko namamalayan. Bakit ang sakit? Para akong preso sa sarili kong tahanan. Gusto kong magreklamo at kausapin ang magulang ko pero bakit hindi ko magawa? Ganito ba ako kahina? I have everything. I should be happy and content with what I have. Hindi ako nagugutom. Nabibili ko lahat ng gusto ko. Hindi ko kailangan magtrabaho dahil may pera ang magulang ko. Hindi ba dapat masaya na ko pero bakit ang puso ko ay patuloy pa rin nadudurog sa bawat araw na nasa loob lang ako ng malaking bahay na ito. I should be grateful because every corner of this house is beautiful—my clothes, rooms, appliances, gadgets, bags, and I even have my mini refrigerator. Halos pwede na nga ako mag-stay na lang rito sa kwarto pero bakit ganun? Hindi pa rin ako masaya. Sadness is eating me alive. Para na kong maloloka rito. I wanted to go out and see the world. Gusto ko maranasan magtrabaho mula sa maliit. I want to pursue my dream. Hindi dinidiktahan. Humagulgol ako sa sobrang sakit. I felt suffocating and needed to breathe somewhere far away, but my thoughts were cut off when my phone rang. Kinuha ko ang tissue sa taas ng mesa at pinunasan ang mukha ko. “Congrats, Myrtle Forbes,” “You deserve it, Congrats,” “Best Wishes,” Hinila ko ang unan ko at binasa ang mga messages isa-isa. Ano ito? Bakit puro congratulation messages ang nasa notification ko? Hanggang nabasa ko na sa private group page pala ng cloth business ng parents ko galing ang mga ito. I scroll down, and my jaw drops. I tried to scream, but I choked with the tears streaming down my cheeks. Can I still go out in this prison?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.2K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.2K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.2K
bc

His Obsession

read
104.2K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook