2

2148 Words
Cassiel pov Designer ng damit? Kung designer siya? bakit kailangan kitang tulungan para hindi ka makuha sa kasamaan?? " Bakit ba ang hilig mong tumitig??" " Maligo ka at baba tayo ." Utos ko sa kanya. Pumunta ako sa balkonahe para tignan ang mga gusaling naglalakihan sa harapan ko. Paano ko ba siya matutulungan? Alam kong hindi niya sasabihin ang kanyang dahilan bakit hindi niya binibisita ang mga magulang niya. Naghintay ako ng isang oras bago siya lumabas. " Saan ba tayo pupunta Cassiel? Hindi pa ako nakapag linis ng condo." Pagmamaktol niya. " Sa paligid...." " Anak ka ng-----"tinignan ko siya kaya hindi niya naituloy ang sasabihin nito. Ano kaya parusa ko sa matabil niyang bunganga?? " Basta....maglalakad tayo..." " Siraulo ka ba?? Ang init init sa labas Cassiel....tapos maglalakad tayo?? " " Wala ka namang trabaho ngayon. Mas maganda ang maglakad lakad para hindi ka malungkot" hindi ko alam bakit yun ang sinabi ko. Kaya lalo siyang nainis. " At sino ba kasi nagsabing malungkot ako?? Aber!???" nakapameywang na ito sa harapan ko. Bakit bigla akong nakaramdam ng kakaiba.? " Ipasyal mo ako..." " Kalma Ara! kalmahin mo ang sarili mo....wag kang manakit ng Cassiel ang pangalan.." bulong niya sa sarili niya ngunit rinig ko. " Tara na... hihintayin kita sa baba." Lumabas ako at nagteleport patungo sa baba. Hinintay ko ito nakabusngot itong lumapit saakin. " Amara anong klaseng mukha yan?? Dapat positive ka parati.... titingin tayo ng buhay sa paligid." " F*ck! ...pakealamero ka talaga ano?? Pati buhay ng ibang tao papakea-----" bigla akong lumapit sa kanya. Hindi ko makontrol ang sarili ko bakit ganito? Maging ako ay nagugulat nalang na nasa harapan na ako nito. Halos malapit na magkadikit ang mukha namin. Mabuti nalang ay umaatras ito. " A-ano ba!?" " Kapag magmumura ka.... lalapit at lalapit ako sa harapan mo. Biglaan,walang pasabi..kaya kung gusto mong wag magulat ay wag kang magmura...." Napapikit nalang ito sa rason ko. Gusto kong tanungin sina Zadkiel dahil sa nangyayari sa kapangyarihan ko. Hindi na siya nakaimik kaya naglakad na akong palabas sa gusaling iyun. Maraming mga tao na nagbibilisang naglalakad. " Tignan mo ang paligid mo Amara..." Hinabol naman niya ako at sumabay na saakin sa paglalakad. " kayo bang mga anghel pakealamero? Nasa taas na nga kayo...may gana---" tumigil ako sa paglalakad kaya maging siya ay natigilan. "kayong mga tao... Hindi ba kayo nakokonsensya sa mga masasamang ginagawa niyo?" laban ko sa kanya. " hoy Cassiel wala akong masamang ginawa o gagawin... Manahimik ka nga dyan. Mali ka ata ang pinuntahan.... Doon sa iba ka dapat pumunta kasi sila ang mga masasama....kaloka ka ha.. Porket nagmumura na masama na agad?? Excuse me...!" inirapan niya ako kaya natawa ako. " masama pa din ang mag mura Miss Amara.... Kung pwede lang magreklamo kay Angelo ay sana ginawa ko na.... Ang kaso hindi...." tinignan ko ito mula ulo hanggang paa. Kumunot noo ako sa kanyang pananamit. " oh eh, bakit maka head to foot ka makatingin?? " magsusugit niya. " kulang kulang ang mga tela...hindi ka ba naiiklian sa inyong suot? " " jusme naman, pati ba naman pananamit ko masama na din?" " wala naman akong sinabing masama eh, ang akin lang bakit ganyan kaikli ang tela ng pang ibaba mo..." " Mainit dito sa Pilipinas...anong gusto mong isuot ko mag baro't saya ako?" Sigaw niya sa akin. " Pwede kang magsalita na hindi sumisigaw Amara... Kung tatanungin mo ako gusto kong isuot mo ay ang natatakpan ang mga hita mo " napalunok ako sa sinabi ko. Teka nga Bakit ko sinabi yun? ~_^ tinaasan niya ako ng kilay. " Na attract ka sa hita ko Cassiel??" " Hindi yan ang ibig kong sabihin Amara... Nakikita mo ba mga lalaki sa paligid natin? Nakatingin sila sa sayo ...sa mismong hita mo. Ang mga babae noon----" " Ah letche! iba noon ..iba ngayon. ." naglakad na ito at iniwan ako. Kinumpas ko ng kamay ko para lumapit ito kaya sa isang iglap ay nasa tabi ko ulit siya. " Tangna naman Cassiel eh...!" Sa kanyang pagmumura halos magdikit na ang mukha ulit namin. Jusko po! bakit naging ganito ang kapangyarihan ko? Ano ang ginawa ni Michael?? Tinulak niya ulit ako kaya para akong natauhan. " Ganyan ka ba magparusa? Halos kainin mo na ata ako eh...sa susunod wag mong gagawin ang ginawa mo sa akin kanina...paano kapag may nakakita saatin?" Oo nga pala , bakit nawalan ako na isip sa ganun bagay? Patawad po! ,nagiging pilyo na naman ang aking isipan. Hinawakan ko ang kamay niya at ako na ang humatak sa kanya sa lugar na gusto ko siyang pa aralan. Sa Parke. " Park??? Dito mo gusto kitang ipasyal?? Ano ka bata??" ang dami niyang reklamo. " Umupo tayo doon " tinuro ko sa kanya yung swing. Hindi naman mainit sa pwestong yun dahil may punong sumasangga sa haring init. Wala itong imik ng makalapit kami sa swing. Pinaupo ko ito at umupo ako sa tabi niya. " Amara anong nakikita mo sa paligid?" Wala itong sagot, nakatingin lang ito sa mga batang naglalaro. " Alam mo lahat sila masaya habang nakikipaglaro sa isa't isa....akala mo wala silang problema.." " dahil ang isang nakapula ay mahirap ang isa naman ay mayaman... Walang problema ang mayaman." " mali ka Amara... Ang sinasabi mong mayaman ay may sakit ito...pinapasaya lang niya ang kanyang sarili upang hindi niya mainda ang sakit. " " mayaman naman sila bakit hindi sila magpagamot...? aanhin nila ang pera nila? " " Amara...hindi lahat nadadala sa pera. May buhay na hindi madadaan sa pera... " " Eh ano?? Hahayaan nalang nilang mamatay ang bata? " sagot nito saakin. " dahil kapalaran niya ang mamatay. Bawat tao may kapalaranan Amara...kahit anong gawin mo mangyayari at mangyayari talaga yun sayo... sa nasa itaas lang ang nakakaalam. Amara may mga taong gustong mabuhay ang bata....isa na yan ay ang mga magulang niya. " tinignan ko ang mga bata naghahabulan. " Pwede bang ako nalang mamatay kesa ang batang yan?" Nilingon ko siya. " Hindi mo hawak nag buhay mo Amara... May oras ka pero hindi pa ngayon. Nandito ako para iligtas ka...hindi man ako si Michael kaya naman kitang protektahan." " Tsk, Michael?? Siya ang Archangel of Protection ganun ba?? Ikaw ano ka??" " Archangel of Solitude and tears....ang trabaho ko ay isang guro..tinuturo ko kung paano malinis ang bumabagabag sa iyong isipan upang humilom ang isipan, katawan at ispiritwal. Ganito ako Amara....ganito ako magturo. Dinadala kita sa isang lugar upang mawala ang sakit dyan sa loob mo." " Anong alam mo saakin Cassiel?? " Kasing tigas nga ng bato ang puso niya. .. . . . . Amaryllis pov " Anong alam mo saakin Cassiel?? " Tanong ko sa kanya. Hindi mawawala ang sakit sa puso ko dahil sa dinulot nila sa'kin. " Buksan mo ang puso't isipan mo Amara. Ang galit dyan sa puso mo ang siyang magpapahamak sayo ... Wala akong alam sayo ngunit hindi naman ako ipapadala nila Michael sayo kung nasa tama ka." Tinignan ko siya ng pagtataka. " Bakit ba hindi niyo nalang ako patayin??" Inis kong sagot " Hindi ako si Kamatayan para kunin ang buhay mo Amara... Batid kong hindi madali ang mission ko sayo." Tumayo ito at nilahad niya sa'kin ang kamay niya. Tinignan ko ang kamay niya na nasa harapan ko. " Tara ..." " Saan na naman??" " Bumili tayo ng iluluto ko para sayo .." Hindi ko alam kung maiinis ako o magagalit. Wala sa isipan kong tinggap ang kanyang kamay. Para tuloy kaming mag-jowa sa pagkakahawak kamay. Bumalik kami sa condo para kunin ang sasakyan at pera na din. Sa SM department kami bumili,panay tingin niya sa paligid. Lahat na ata ng mga tao ay nginingitian niya. " Ikaw magtulak at ako ang kukuha ng mga kailangan." " Ganito pala kayo mamili...hindi na palengke." Heto na naman, noon at ngayon edition na naman kami. " Kung alam mo pamumuhay noon, tao ka noon kung ganun?" pagtataka ko. " Hindi ko alam...May mga bagay na naaalala ko kasi.... - - - Sandali ano naman yun?" Tinuro niya yung promodiser na may dala dalang tray. Nagpropromote ng wine. " Promodiser siya Cassiel..." " Bakit ganyan ang kanyang suot.. isa din ba siyang anghel na pinababa?" iniwan niya ako at pinuntahan ang babaeng naka costumer ng angel... " hoy! Cassiel......" anak ng tokwa naman oh. "Sir baka gusto niyong itry ang wine namin...masarap po ito.. Free taste po.." sabi ng promodiser sa kanya. " anong Anghel ka? Binaba ka din ba? Bakit may pakpak ka?" Ngumiti naman babae. Inalok niya ito " Sir gusto mo pong matikman ito? " Aakmang kukunin niya ng pinigilan ko siya. " Cassiel!" " Ah sir ayaw po ata ng girlfriend niyo....baka po magalit siya." Promodiser Girlfriend?? Saksakin ko ito eh hinila ko nalang si Cassiel. " Hindi siya totoong Anghel... costume lang niya yun...ano ka ba naman..!" " Bakit nila nilalapastangan ang anyo ng isang Anghel...." galit ba siya? wala sa mukha niya ang galit. " Hawakan mo at ikaw magtulak...tsaka wag ka nga lalayo saakin. Baka mamaya mawala ka pa....bawas points ako sa langit." Tinignan lang niya ako. Nasa mga tinapay kami ng salita ng salita tungkol sa nakikita niya sa paligid. " Cassiel hindi ko alam na madaldal ka palang anghel..." Tsk nakakarindi kasi lahat nalang tinatanong mga bagay gaya ng microwave..blender at kung ano ano pa. " Hindi ka ba talaga kumakain? o bawal sainyong kumain?" " Hindi naman bawal...hindi ko kasi alam kung ano mga lasa ng pagkain, tsaka di naman kami nakakaramdam ng gutom." " Paano mo nakukuha ang lasa ng niluluto mo kung hindi mo tinitignan?" " Marunong akong magbasa ng instructions sa recipe book... marunong akong magsukat kung ilan kailangan. Easy as that.." sagot niya. Eh di wow! " Bakit kanina muntik mo ng kunin yung alak na inaalok ng promodiser?" " Aamoyin ko lang sana..." " May ganun ako sa condo..kung gusto mo tikman doon nalang. Tsaka iba ang spirito ng alak..." 😮 " May spirito yung alak? anong klaseng spirito yun?" Ay naku! Ewan ko sayo... Hindi ko na siya sinagot at nanguha nalang ako ng kailangan. Nang makapamili kami nakita ko ang itsura niya. " Cassiel, dito ka lang ihahatid ko lang sa sasakyan itong mga pinamili natin. Kasi may bibilhin pa tayo para sayo. Kaya dito ka lang.." " Masusunod....dito lang ako" Nagpahatid ako sa mga bagger na ihatid ang mga napamili namin sa saksakyan. Medyo napadami kasi kung ano ano naiisip niyang lutuin. Ngayon lang ako namili ng ganitong kadami. Pagbalik ko sa loob ng Mall wala na ito sa pwesto nito kaya kinabahan ako. " Anak ng...saan naman nagpunta iyon? Sabing wag aalis eh.." Hinanap ko ito ngunit hindi ko siya makita. Wala pa man din itong phone para makontak ko siya. 20 minutes na akong naglalakad ng makita ko na ito. Sa may escalator 😑 Tinutulungan niya ang mga matatanda na paakyat. Mukhang mga Senior Citizens Group ata kasi lahat sila naghihintay sa kanya para alalayan siya. Pinanood ko nalang ito... labing limang mga matatanda ang tinulungan niyang umakyat. Kaya labing lima din itong bumaba. Kaya natuwa sakanya ang mga matatanda. Agaw pansin tuloy siya ng mga tao. May kumukuha ng video sa ginawa niya. Nang mahagip niya ako na malapit sa mga matatanda ng nandito na sa taas ay kumaway ito sa akin kaya napatingin naman mga ibang tao sa akin. Punyemas! Nang matapos ito ay lumapit na ito sa akin. Masayang masaya ito. " Pasensya na kung naghintay ka sa akin. Nakita ko kasi sila kaya inalalayan ko sila paakyat." Lumapit ang mga matatanda saamin. " Iha... napakabait naman ng nobyo mo. Tinulungan niya kaming umakyat ng makita niya kaming hindi marunong sumakay dyan sa hagdanan na gumagalaw..." Sabi ng isang matanda. " Napakasuwerte mo iha...napakagwapo at matulungin itong ---ano na ulit ang pangalan mo iho??" matanda 2 " Ako po si Cassiel...." " Pangalan palang ay anghel na anghel na...." Matanda 3 " Wag kayong mag alala mga ginang...kapag ako'y nakabalik ay kakausapin ko ang sina Tasyo, Benedicto at Samuel na kayo'y nasa mabuting kalagayan..." nagtaka naman ang mga tatlong matandan na lumapit saamin. Alam kong mga asawa nila ang binanggit ni Cassiel kaya hinila ko na ito. " Naku po mga Lola...walang ano man po...mauuna na po kami..enjoy po kayo sa pamamasyal dito...." Magsasalita pa sana ito ng ng tinakpan ko ang bunganga niya. " Di mo ba nakita na nagulat sila ng banggitin mo mga pangalan ng mga asawa nila...ano ka ba Cassiel.!" Tinanggal niya ang kamay ko sa bibig nito. " Pero yun naman ng totoo" " Alam kong totoo pero walang nakakaalam na isa kang anghel na nahulog sa lupa...kaya pwede Cassiel mag ingat ingat ka sa mga sinasabi mo.." " Oo nga pala...." Hay naku! Nagtungo kami sa mga damitan para kuhanan ko na din ito ng mga damit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD