1
Amaryllis POV
" Oh f*CK! traffic na naman..!" inis kong sabi. Mag iisang oras na akong stuck dito. Late kasi dumating ang kaappointment ko kanina kaya naabutan ako ng traffic.
Papasok na ako sa Building ng Condo ko ng may biglang sumulpot na tao sa daan kaya napa preno agad ako ngunit nabunggo ko pa rin ito.
" OMG! Napatay ko pa ata..." dali dali akong bumaba para tignan ito. Napalaki ang mata ko ng tumambad saakin ang hubo't hubad na lalaking nakahiga sa semento.
Napatingin ako sa paligid upang humingi ng tulong pero kasamaang palad ay wala ni isa. Tinanggal ko ang blazer ko at yung ang pinagtakip ko sa lower part niya. s**t! Virgin pa ako kaya I cannot no!
Pinasok ko ng walang kahirap hirap ang lalaki sa sasakyan ko. Pagkasakay ko ay kinuha ang isang maliit na unan sa back seat para itapal sa katawan niya.
Ang problema ko ay kung paano ko ito ipapasok sa condo ko. F*ck!
Nag ikot muna ako sa malapit na kanto baka may nakaopen pang tindahan ng damit. Swerte nalang at pasara na ate kaya agad akong bumaba para bumili.
" Tatlong Puting Tshirt at 3 pants nalang manang at ano---brief na din." nahihiya kong sabi. Kanina pa kasi kami ni ate ang daming tanong keso bakit daw ganitong oras ako bumili.
" anong size ba?"
Size??
" Medium ate..."
" itong puting brief isang pack 5 na ang laman. Yan nalang kasi ang medium size. "
Binili ko nalang at dali dali akong pumasok sa kotse. Napatampal ako ng noo dahil problema ko kung paano ko isusuot sa kanya ang oang lower part na mga damit.
" damn it! pagod na pagod na ako... Puro nakaka punyeta ang nangyayari saakin. "
Saktong may padaan na binata sa gawi ng kotse ng harangin ko ito at kinausap para bihis niya ito. Pumayag naman ang binata...
" Ate nag away ba kayo ng boyfriend mo at ayaw mong bihisan? "
Nagulat ako sa tanong niya. Boyfriend??
" ok na siya ate... Hindi naman lasing, may sakit ba siya ate?"
" a-ah Oo..."
" Bakit hubo't hubad naman ginawa mo ate hehehe"
Hindi nalang ako sumagot at binigyan siya ng pera pero tinanggihan niya. Ok lang daw.
Nakapasok na kami sa building ng Condo. Nagpatulong ako kay Manong Guard na iakyat sa unit ko ang lalaki. Kagaya ng binata ay may sinasabi ito. Ngumingiti lang ako sa kanya.
" salamat Manong.."
" welcome Mam... Ngayon ko lang kayo nakitang may kasamang lalaki. Masaya ako para sainyo mam... Bagay kayo. Hehehe"
Pagkaalis nito ay napairap nalang ako at sinara ang pinto.
Nagtanggal ako ng heels at binuksan ang blouse ko para makahinga ako, hinayaan kong lumabas ang bra ko dahil nasanay na akong ganito kapag dumadating ako.
Dumeretso ako sa kusina para uminom ng tubig.
Nagulat ako na muntik na akong mabilaukan sa nakita ko.
Nakatayo ang lalaki sa harapan ko at tumitingin sa sulok ng condo ko.
" what the hell!" bulalas ko.
Napatingin naman agad ito saakin.
" pinagbabawal ang salitang yan...!" sabi niya saakin.
" Sino ka ba? Anong pangalan mo? Why are you naked awhile ago?"
Napatingin siya sa kanyang sarili.
" binihisan mo ako?" tanong niya saakin.
Napataas ako ng kilay at nilapitan siya.
" Ang kapal naman ng mukha mo para itanong saakin yan... FYI lang ha, hindi ako nagbihis sayo... Binilhan kita ng damit pero hindi kita binihisan" inis kong sabi
" Kaya pala pinadala ako dito dahil ganyang ang ugali mo" bulong niya.
"what did you just say?"
" Ako si Archangel Cassiel...."
" you what???!" ano bang pinagsasabi ng lalaking ito.
" Archangel Cassiel.... isa akong Angel----"
" shut up!... My Gosh!... I'm tired! Tapos kung ano ano pang pinagsasabi.... Yeah para kang anghel na dumating bigla bigla sa harap ng sasakyan ko kaya kita nabundol."
" nabundol ako? hindi naman ako nasaktan "
" then good... kaya pwede ba umalis ka na at gusto ko ng magpahinga.... Pagod na pagod na ako. "
" wala akong mapuntahan... Pinadala nga ako sayo... "
" F*ck! " yun nalang lumabas sa bibig ko. Napahawak ako sa sentido ko.
Napatingin ako sa kaya halos umiikot na ang paningin ko sa kanya. Naramdaman ko nalang na isang braso ang sumalo saakin.
**
Kinabukasan
Napadilat ako ng tumama sa mukha ko ang sinang ng araw. s**t! may hangover ba ako? Bakit ang sakit ng ulo ko? Agad akong napabangon ng makitang nakapang office dress pa lang ako.
" Good Morning Amaryllis..."
Napatalon ako ng makita ang isang lalaking nakaupo sa sofa dito sa kwarto. Kalmadong nakaupo ito at nakadekwatrong nakatingin saakin.
" sino ka?"
" Cassiel....remember ako nabundol mo kagabi."
Naalala ko nga na may nabundol ako.
" eh bakit nandito ka pa? At pumasok ka pa sa kwarto ko... Alis ka nga!"
Tumayo ito at derederetsong lumabas. Bago lumabas ay may sinabi pa siyang kinataas ng kilay ko.
" Hihintayin kita sa kusina at mag uusap tayo."
" Ang aga aga sinisira niya araw ko! "
Naligo na ako bago lumabas dahil suot ko magdamag ang damit ko gabi, ang lagkit lagkit ko kaya napatagal ako sa banyo.
Paglabas ko para siyang supervisor na tumitingin sa paligid niya.
" Nagluto ako ng agahan mo... " sabay turo sa mesa. Lumapit ako doon at nakita kong may hotdog, itlog at sinangag nakahanda na.
" pakealamero ka din ano!?"
" isang pasasalamat lang ang kailangan hindi ang pagtatanong.." masungit niyang sabi.
Well hindi yung parang w*****d na super sungit na lalaki. Umupo ako at nagsimulang kumain.
" kumain ka na dyan.... Tsaka umupo ka nga para kang principal na palakad lakad dyan... "
Tinignan lang niya ako at lumapit.
" hindi kami kumakain dahil isa akong Angh----"
" Punyeta tigil tigilan mo ako..."
Sumenyas ito ng pa. Zipper kaya agad tumikim ang bibig ko bigla na parang nalagyan ng glue at ayaw bumukas.
Nagtaka ako sa nangyari.
" diba sabi ko bawal yang salitang yan... English man o tagalog.... Makinig ka muna bago ka kumain. Ako si Archangel Cassiel mula sa itaas...pinadala ako dito para sayo. Base nalang sa ilang oras kitang nakasama mukhang kailangan mo nga ako para magbago at para na din maibalik ang pakpak ko. "
Tumalim lang ang tingin ko sa kanyang pinagsasabi.
Nilahad niya ang kamay niya at biglang may lumabas sa palad niya na isang papel. Is this for real??
" 30 araw lang ako dito sa lupa, ito ay isang kontrata na ginawa ko para saating dalawa. Tutulungan kitang magbago. Isang buwan lang kaya kahit anong gawin mong paglayo o pag iwan saakin... Nasa tabi mo pa rin ako palagi."
Inirapan ko ito. Paghampas ng daliri niya ay nabuksan na ang boses ko.
" F*ck you! " pagkakasabi ko pa lang ay nasa tabi ko na ito kaagad at halos magkadikit na ang mukha namin sa sobrang lapit.
" ang tigas talaga ng ulo mo...gusto mong parusahan kita?." kalmado lang ito.
" tapusin mo na pagkain mo....sabado ngayon kaya maglilinis ka ng bahay mo."
" excuse me... May taga linis ako sa bahay ko. Day off kaya pupunta ako sa Mall." ganun ang routine ko kapag sabado ay linggo.
" tinawagan ko si Aling Berta na hindi siya maglilinis ng bahay pero may sahod pa din ito. "
" paano mo nakilala si aling Berta? "
" Sinabi ko na sayo diba? Kaya pagkatapos ko dyan ay simulan mo ng maglinis at maglaba. At ako ng bahala sa pagkain mo."
" akala ko ba hindi ka kumakain? Eh bakit alam mong magluto? "
" Ewan,. " tipid lang niyang sagot.
Tumitingin ito sa mga picture frame na nakadisplay ng magtanong na naman ito.
" sino itong kasama mo? " pinakita niya saakin ang picture namin ni Alex ang ex boyfriend ko.
" ex boyfriend ko...bakit?"
" wala... Sila pala ang mga magulang mo. Si Maria ito hindi ba?"
Turo niya kay lola. Agad akong lumapit sa kanya at kinuha ang picture namin ng lola ko.
" akin na nga yan... Kilala mo lola ko?"
" Oo, nakakausap ko siya sa itaas. Mabait si Maria at napakaganda niya. Bakit hindi mo namana ang kabaitan niya? "
" Siraulo ka ano..." napahinto ko ng biglang ko lumapit na naman ito sa mukha ko.
" Kailangan ata kitang parusahan kapag masamang salita lumalabas dyan sa bunganga mo .." tinulak ko ito para makalayo ang mukha niya.
" Bakit ba kasi saakin ka pumunta??ako lang ba ang masamang tao dito sa mundong ito?? ..marami namang dyan iba...."
Nag cross arm pa ito tsaka umupo.
" Ikaw ang binigay sa akin kaya wala akong karapatang magreklamo o magpalit...kaya wala ka ding magagawa "
Basahin ko ang kontrata na sinasabi niya.
Ako si Amaryllis San Jose pumapayag sa kasunduan kay Archangel Cassiel na gagawin ko ang mga sumusunod:
* Hindi magmumura,ang kaparusahan ay na kay Archangel Cassiel.
* Ako ang maglilinis at maglalaba ng aking tahanan.
* Tutulong sa mga bata sa ampunan
* Sisikapin kong magpatawad sa aking kapwa.
* Hindi ako magbubulyaw ng ibang tao.
* Hindi magagalit sa aking kapwa
* Hindi ko ipapahamak ang aking sarili.
* Hindi ko pwedeng diktahan si Archangel Cassiel
* Hindi ko siya pwedeng saktan
At ang panghuli na pinagbabawal.
* Hindi ko siya pwedeng halikan o mahalin.
Lahat dapat ay magawa ang kasunduan ito hanggang magtatapos sa 30 araw.
_____________
Amaryllis San Jose
" Halikan at mahalin??? Seryoso ka ba??? FYI ulit hindi na ulit ako magmamahal ng lalaki....kapal ng mukha mo."
Inabot niya saakin ang isang ballpen.
" Pirmahan mo nalang at ng masimulan na natin."
Pagkapirma ko agad nawala na parang bula ang kontrata.
" Ngayon, maglaba ka na. At ako ay mag iisip ng iluluto kong meryenda para sayo.."
Ayos naman pala ito may taga luto ng pagkain.
Wala na nga akong magagawa kaya agad akong naglaba. Mabuti nalang at automatic ang washing machine ko. Hindi naman ganun kadami ang maruming damit ko kaya mapapabilis lang ako. Ang kaso pinagtatanggal ni Cassiel lahat ng mga kurtina ko. Halos sakalin ko na siya ng binaba niya ang mga ito.
" Labhan mo ang mga yan at bibili tayo ng bagong kurtina. Yung mas maganda sa mata...hindi yung napakadilim. " pagkakasabi nito ay agad niya akong iniwan.
Pinakalma ko ang sarili ko bago ko pinagpatuloy ang labada ko.
Dalawang oras akong naglaba pawis na pawis na ako. Nang matapos ako ay nagsimula akong naglinis sa kwarto ko, iniba ko pa ang ayos ng kama ko. Mukhang nag enjoy ako sa paglilinis hindi ko namalayan na 10am na pala.
" Magmeryenda ka muna...." Biglang sulpot niya sa harapan ko
" Puta----" napatakip ako ng bibig.
" Tsk...ayan ka na naman..."
" Pwede ba?? Utang na loob wag kang bigla-biglang sumusulpot sa harapan ko... nagugulat ako sayo."
" Hmmm sige maglalakad na lang ako para tawaging ka..patawad kung bigla bigla akong sumusulpot ..nasanay lang kasi ako.."
Nauna siyang bumalik sa kusina tsaka ako si sumunod. Palapit palang ako ng maamoy ko ang bananacue.
" Anghel ka ba talaga bakit alam mong magluto?? Tsaka alam mo bang matagal na akong di kumakain yan mula nawala si lola.."
" Inalam ko ito sa kanya sabi niya ay paborito mo daw ito. Kaya niluto ko...."
Inusog niya ang plato palapit sa akin.
" Tikman mo...." Nakangiti niyang utos sa akin.
Kumuha ako ng isa at kinagat ito. Natigilan ako ng malasahan ito.
" Putang ina!!! " halos naisigaw ko kung gaano ito kasarap.
-_-
" Bakit ba yan ang lumalabas sa bibig mo?? Alam mo Amara hindi maganda yang salitang yan..."
" Pasensya naman...nasanay din naman ako. Tsaka kuhang kuha mo ang luto ng lola ko..."
" Madali lang naman yang iluto...."
" Pero iba ang pagkakacoat ng tamis niya...good job ka!" takam na takam akong nilantakan ang Bananacue
Nakatingin lang siya saakin.
" Bakit ganyan ka makatingin?"
" Maganda ka kung nakangiti ka parati... Kamukha mo nga si María."
Namula naman ako sa sinabi niya.
" Si Lola...okay lang ba siya doon?"
" Mabuti silang lahat sa taas...masayang masaya sila ..si María nakabantay lang parati kay Tomas."
Tomas ang pangalan ni Lolo. Nasa Probinsya sila kasama sina Mama.
" Ilang taong ka ng nakatira dito?" bigla niyang tanong.
Tumayo ako upang magtimpla ng kape. Sinundan niya ako at inulit ang kanyang tanong.
" Matagal na.. limang taon na akong nakatira mag isa dito "
" Dinadalaw mo ba mga magulang mo?" kumunot noo ako sa kanyang tanong. Hindi kaya alam niyang hindi kami good term ng mga magulang ko?
"....." hindi ako sumagot pinagpatuloy ko lang paghalo ko ng kape ko.
" Gusto mo bang parusahan kita?"
Napalingon ako sa sinabi niya. Inirapan ko ito at bumalik sa aking upuan kanina.
" Hindi ka si Lord para parusahan ako ....wala naman akong ginawa sayo.." bwisit na ito. Takutin ba naman ako.
" Ano trabaho mo Amara?"
" Tawagin mo akong Ara ..pwede ba?"
" Amara ang gusto ko ....Ano trabaho mo at ganun nalang balewalain ng mga magulang mo.?"
" Cassiel ,.wala kang alam kaya pwede ba wag mo akong tanungin sa bagay na yan? ...isa akong Designer ng damit . Okay na ba sagot ko?"
Tinitigan lang niya ako ng matagal para bang sinusuri niya ako. Naiilang ako sa paraan ng kanyang pagtitig sa akin. Ayoko pa naman tinititigan ako.