Hurt Under the Surface
© chenachim
Chapter Two
°°°
NAGISING ako na may maayos na pakiramdam. Masigla sana akong mag-uunat nang bumalik sa isipan ko ang nangyari sa akin kahapon. Bumagsak lang ulit ang emosyon ko nang maalala ko na naman ang pera. Nanatili na lang akong nakahiga.
Wala akong gana pumasok ngayon. Aabsent na nga sana ako kung hindi lang nag-pm si Cassandra sa messenger.
Cassandra Kirsten
Good morning, guys. I hope you had a good sleep. I'm sorry for the bad news but I had to announce it earlier. Naurong ang submission for the chapters 1-3. Ngayon na raw need. Please, cooperate.
Esp. @Helio @Roz-an @King kung wala kayong ipi-present, u'll know what will happen to u.
Presi PMed me abt our Oral Comm. May leave si Sir Cruze, let's maximize that time.
All love, Cassandra
Akala ko PM. Sa GC pala. Ayos lang naman, atlis na-mention ako. Mentioned?! Teka, ano nga ulit?!
Tiningnan ko ulit. Lintek. Anong ipi-present? Wala naman siyang sinabi kagabi tungkol sa presentation, ah.
Agad kong ni-message si Roz-an. Nagtanong tungkol sa kung ano ang sinasabi ni Cassandra.
Helio
Roz anong ipi-present? HAHAHA ?
Taeng yan wala akong kaalam alam
Grabe, hindi ko pa nililigawan, pinapahirapan na ako.
May nag-pop na chat head. Bigla akong napabangon. Parang lahat ng antok ko, nagsipaglayasan.
Roz-an
Loko ka! HAHAHAHAHA ?
rrl ata. Gagi ka, 10 pa gusto nya
Pusang gala. Ano ba 'yon? Teka, bakit 'di ko alam 'yon?
Helio
Tungkol san?
Kakagising ko lang lintek
Hindi na muna ako umalis sa higaan. Nakaupo lang ako habang hinihintay ang reply ni Roz-an. Nag-scroll muna ako ng newsfeed sa f*******:. Bumalik ako sa pagiging seryoso nang mag-reply na siya.
Roz-an
juvenile delinquency
Ayan gago tulala ka kasi masyado kay Cassandra
Paraphrased na ang gusto non
Di ko pa alam kung paano gawin yon
Helio
taena di ko talaga alam
Roz-an
kung gusto mo magpasikat, ikaw na gumawa ng thesis natin
Baka pakasalan ka pa non
Helio
HAHAHAHA ?
Kung alam ko lang kung paano, bat hindi
Roz-an
Yan ang manok namin
kaso utak munggo ka ?
Helio
Haup ka Rozmike
Kokonyatan ka namin ni Jeff mamaya
Hindi na ako nag-hintay pa dahil manggagagago lang 'yon sa 'kin. Naligo na lang ako, nag-ayos. Hindi na rin ako kumain. Pinuno ng pizza ang tiyan ko hanggang ngayon.
Mabilis akong natapos. Magpapara na sana ako ng tricycle pero naalala kong wala pala akong load pang-internet. Kaka-expired lang kagabi, eh.
Ayoko naman sa school gumawa. Matu-turn off sa akin si Cassandra. Ika nga ni Roz-an, kailangan kong pabanguhin ang sarili ko sa magandang leader namin. Mabuti na lang talaga, naging magandang opportunity na rin itong Practical Research para mapalapit sa kanya.
Matagal ko nang kaklase si Cassandra. Magmula grade 2 pa. Noong grade 6 ko naman siya napansin. Tahimik lang kasi siya noong una pero nang malapit na kami mag-graduate sa Elementary, saka siya nagpakitang gilas.
Hindi lang sa school, kundi sa puso ko.
Mabuti na lang, may junior high school at doon kami parehas nag-aral. Akala ko pa, magkakahiwalay kami ngayong senior high school. Buti na lang hindi. Hindi ko kayang malayo sa kanya, eh.
Kaso hindi naman kami close.
Ewan ko rin kung bakit. Mabait naman ako, approachable, sabi pa nga ng Ate ko, pogi ako kapag nakatalikod.
Siguro nahihiya sa akin. Atsaka bali-balitang ilag din sa lalaki 'yon kasi puro babae ang pinipili maging kaibigan.
"Iho, anong bibilhin mo?"
Natagpuan ko na lang ang sarili na nasa tapat ng isang tindahan. Mga tatlong bahay pa mula sa amin. Nakadungaw ang isang ale, si Manang Nagal.
"Load po," sagot ko. Nakapag-desisyon na rin kasi akong isakripisyo ang natitira kong 100 para may isang linggo na load rin. Baka may chance pa na maki-hotspot sa akin si Cassandra.
"Wala, iho, eh." Isasarado na sana ni Manang Nagal ang maliit na bintana pero nagsalita pa ako.
"Ayy, bakit po?"
"Ayoko lang." Sabay malakas na pagsara. Suplada naman masyado.
Paalis na sana ako nang may dumating din na isa pang ale.
"Aga mo naman magdabog, Mare!"
Nakatitig lang ako sa ale. Normal naman ang itsura niya kaso ang tinis ng boses. Parang chipmunk.
Hindi ko maiwasan na tingnan siya mula ulo pababa. Naka-daster lang siya na floral at kulay blue ito. Naka-roller clips din ang mga buhok niya.
"Hina-highblood ako ng lalaking 'yan, eh!" Napamaang ako sa narinig ko. Nagtanong lang naman ako kung bakit. "Buti nandito ka, Maricel, baka kung ano pa magawa ko d'yan."
Ang dali namang magalit nito. Parang tinanong lang.
"Hayaan mo na, Manang. Ang ganda pa naman ng umaga," tumingin sa akin ang ale, "atsaka, mukha namang good boy itong binata na ito," ngumiti pa siya sa akin bago bumalik ang mga mata sa nag-iinit na matanda.
Naalala ko bigla ang note. Napalunok ako ng laway nang ilang beses. Sana mali ang suspetya ko.
Nag-usap pa sila habang ako naman ay nagbibilang ng barya. Nagitla ako nang biglang kalabitin ako ng ale sa tagiliran.
"Pagpasensyahan mo na ang tiyahin ko, ha. Konting tanong lang, galit na kaagad," sabi niya sa akin. Totoo ito. Iniiwasan ko nga ang magpunta rito dahil sa attitude ng matanda na 'yon. Kaya nakakapagtaka kung bakit bigla akong umabot dito.
"'Di bale, ano bang kailangan mo sana?" tanong ng ale.
"Load po sana," sagot ko. Kinuha niya ang numero ko pero hindi na naningil. Pa-konswelo na lang daw dahil maaga kong sinalubong ang pagputak ni Manang Nagal.
Nakasakay na rin ako ng tricycle at halos tumalon na mula rito nang mag-vibrate ang cellphone ko.
Binigyan ako ng ale ng 500 na load.
Kaso biglang bumagsak ang diwa ko nang makasakay ako sa jeep.
Unknown:
HELLO, GOOD BOY. INGAT SA PAGPASOK. :>
MASARAP BA ANG PIZZA NA IN-ORDER KO PARA SAU? GUSTO MO PA BA? REPLY. ASAP.
Pusang gala. Hindi kaya 'yong ale kanina ang kapitbahay ko? Hindi kaya siya ang nagbibigay ng pink na note- teka, parang masusuka yata ako.
Dumating ako sa school na hindi alam kung anong nangyayari sa paligid ko. Masyadong napuno ng ale na 'yon ang isip ko. Kapag naaalala ko ang mga notes na nasa akin pati ang mukha ng ale na 'yon, isama pa ang text-
Teka, ito na naman!
"Tol, namumutla ka yata."
Hindi ko pinansin ang kung sino man na sumalubong sa akin sa pintuan. Hanggang ngayon, tulala pa rin ako. Ang ideya lang na ang ale na 'yon ang nag-aalok sa akin para maging- nasusuka na naman ako!
Kaso naubos ko na kanina sa daan. Nagkalat ako sa kanto malapit sa school nang makababa ako ng jeep. Hindi ko kinaya.
Kadiri.
Good boy.
Magiging bad na nga ako bukas.
Nakakaurat.
Binagsak ko lang sa kung saan ang bag ko at tumakbo sa CR. Buti na lang malapit. Nang mapansin ko na ako lang mag-isa, ni-lock ko ang pinto at naghugas ng sarili.
Taena. Ito yata epekto ng pizza kagabi. Walang gayuma pero may pampasama ng tiyan.
Akala ko tapos na kanina sa labas. Meron pa pala.
Basa na ang uniform ko kakamumog. Mabuti na lang may extra akong dala lagi sa bag na t-shirt.
Bumalik ako sa room na pinagtitinginan ng ilan kong mga kaklase. Hindi ko na lang sila pinansin. Tinapik lang ako sa balikat ni Jefferson nang makalapit siya sa akin.
"Anong nangyari sa 'yo? Namumutla ka pagkapasok mo?" Siya rin pala ang sumalubong sa akin kanina. "Ako na gumawa ng activities mo." Tinanguan ko lang siya.
"Nakakapanibago ka, Hel, ah," sabi pa niya. Kinuha ko ang t-shirt ko.
"Masama pakiramdam ko." Mabilis akong naglakad pabalik sa CR. Nagbihis at nag-ayos ng buhok kong kaka-messy taper cut lang last week.
Saglit ko ring tinitigan ang sarili ko. Matibay ang paniniwala ko kay Ate na pogi ako kaso lagi niyang pinipilit sa akin na kapag nakatalikod lang daw talaga. Madalas mapansin ang matabang pisngi ko na may hugis puso na peklat at ang on fleek na kilay. Parang sinadyang ahitin pero all natural 'yan.
Lumabas na ako nang masuya sa sariling pagmumukha. Nang malapit na ako sa room, lumabas naman sa pintuan si Roz-an at Jefferson.
"Hoy, sa'n kayo?" tanong ko.
"Canteen. Wala pa akong almusal," sagot ni Roz-an.
"Taena naman. Walang pag-aya," pag-iinarte ko.
"Drama naman nito, gago. Sumama ka na."
"Libre namin ni Hel, ha?" tanong ni Jeff kay Roz-an. Ngumisi lang ang loko sabay inulan na naman kami ng pagmumura niya.
Sinuksok ko sa kung saang sulok ng bag ang damit sabay bitbit ng isang bote ng tubig. Maigi nagdadala ako ng ganito. Ginto kasi ang bawat patak ng tubig dito sa school. Kinse na ang presyo ng isang maliit na bote ng mineral water. Beinte naman ang pinakamalaki kaso kung mahilig ka sa tubig na tulad ko, kulang 'yon.
Nang dahil sa kapal ng mukha ni Jeff, nagkaroon ako ng matinong almusal. Halos siya ang pumili ng kakainin namin ngayong umaga. Pera naman ni Roz-an ang ginamit kaya combo meals na tag-60 ang pinagpipili niya. Nagsama pa siya ng tatlong large iced coffee na tag-75. Pati all time favorite na tocino sa umaga at champurado, binili rin niya.
Nagplano pa si Jeff na sisig or tapa raw mamayang tanghalian at large milktea naman sa merienda.
Sa huli, namura na naman siya ni Roz-an.
"Minsan ka lang kasi manlibre, sinusulit ko na!" paliwanag ni Jeff.
"Gago! Kaya minsan lang ako manlibre dahil sa 'yo!"
"Ginawa ko na nga activities nyo, eh."
"Ayy pucha. Dapat sinabi mo agad. Ano pa bang gusto mo?" Tumayo pa si Roz para hilain si Jeff sa mga stalls.
"Tataba ako dahil sa 'yo, eh," ani Jeff. Nangigisi na lang ako dahil sa ginagawa nila. Mga naghihilaan. Ang haharot sa umaga.
Pinagpatuloy ko lang ang pagkain at panaka-nakang nagbabawas ng tocino mula sa plato ni Jeff.
"Ayaw mo n'on, 'di mo na kailangan ng girlfriend. Ako lang sapat na." Sabay lock ng kamay nilang dalawa ni Jeff.
"Sugar daddy na lang kita pero kailangan ko ng babae na magpo-provide ng happy hormones ko. Ikaw na sa pera!" sagot ni Jeff kay Roz habang tinatanggal ang kamay niya sa pagkakahawak nito. Ako naman, kinuha ko na ang huling tocino sa pagkain ni Jeff.
Mas malutong pa sa chicharon na minura ni Roz si Jeff.
"Ang dumi ng bunganga mo, Roz, umagang-umaga." Lumitaw sa likod niya ang nakapamewang na maliit na babae. Approximately 4'9" ang height pero may malaking boses.
"Mikaela Joylynmae!"