Chapter One

1505 Words
Hurt Under the Surface Chapter One "Ples, b my boyfriend. :)" Nilukot ko ang pink na colored paper. Ano na naman bang kalokohan ito? Sinilip ko ang kabilang bahay kung may bukas na kahit na anong ilaw. Wala naman. Naglikha nang malakas na pagkalabog ang pagkakasara ko sa itim na gate ng bahay. Sana marinig niya. Sana hindi na siya mag-ipit o magdikit ng kung ano-ano rito. Magdadalawang linggo na ring naglalagay ng notes ang babaeng iyon. Ni hindi ko pa nga siya nakita kahit kailan. Puro ganoon lang din naman ang laman ng papel. Maging boyfriend raw niya ako. Heck no! Marami pa akong pangarap sa buhay. Isa na si Cassandra roon. Kung babawasan ko man ang single sa mundo, hindi pwedeng kasama ko ang kapitbahay ko. No way. Hindi rin naman ako marupok para umu-o agad sa kung sino man na iyon. Mamaya matrona na pala ang babaeng iyon. Ang masama kung biyuda pa. Estudyante pa lang ako. Hindi ko nga matustusan ang pag-aaral ko nang mag-isa, eh. Sandali akong naupo sa sofa. Scroll muna ng memes sa f*******:. Nanuod rin ako ng ilang trending videos habang tinatanggal ang polo. 6:34pm na pala. Ginabi na naman ako dahil sa groupworks na iyan. Pinagdala lang naman nila ako ng kung ano-anong gamit nila. Para mabuhat daw nila ako, kailangan ako ang magbuhat ng laptop at bags nila. Naka-boxer lang akong naglakad papuntang kusina. Naghanda ng kakainin sa hapunan. Ano bang masarap na ulam? Itlog? Iyon na ang ulam ko kanina, eh. Ahh. Alam ko na. Itlog ulit. Sakto may isa— "Pucha," bulong ko pagtapos buksan ang refrigerator. "Ba't walang laman 'to?!" Pusang gala na buhay 'to, oh! Taena. Kaya pala ang laki ng perang dala ko kanina. Pang-grocery pala sana. Nagtaka kasi ako kanina sa school nang makita ko na dalawa ang wallet ko. Pucha. Saan ko ba ginastos 'yon? Wala naman akong binili na kahit na ano kanina. Nasa bag ko pa rin naman ang wallet— Pucha! Hindi ko naman nilagay sa wallet iyon, eh. Patakbo kong binalikan ang bag ko sa sala. Ang brown leather para sa pamasahe. Puro kasi barya iyon. Ang yellow naman... Taena, kapag wala iyon... Nasa 5k pa naman ang pera ko. Budget ko nang isang buwan. Kakapadala lang ni Ate noong sabado. Patay na naman ako nito. Hinalughog ko na ang buong bag. Kahit sa medyas, sapatos, slocks pati na rin brief ko nasilip na, walang wallet na yellow. Naisahan na naman ako ng kawatan na Kingston. Kokonyatan ko iyon bukas. Kung bakit kasi hindi nare-report ang hayop sa principal. Palibhasa kasi pamangkin ng isang teacher doon. Kakaurat. Nakabusangot kong kinain ang natirang kanin. Buti na lang may toyo. Kaso pucha, kulang 'to. Pancit Canton nga wala, eh. Hindi ko naman pwedeng bawasan ang budget para sa pamasahe ko. Taena talaga. Kagrupo ko pa kasi ang Kingston na 'yon. Ayos lang nandoon si Cassandra kaso wala naman akong 5k. Pucha. Sandali akong naglinis ng bahay. Nagmamadali na kasi akong pumasok kanina. Late na ako nagising. Kasalukuyan kong dinadakot ang winalis ko nang may pumukaw ng pansin ko. Kumikintab eh. Nang mapulot ko, pendant pala ng kwintas. Galing kay mama. Binigay niya sa akin 'yon bago ang araw ng aksidente nila ni Papa. Nalaglag siguro 'to nung hinalungkat ko ang bag kanina. Binalik ko na lang ulit. Bahala na kung saang parte siya mapadpad. Nandyan lang naman 'yan. Lumabas ako ng bahay para ilagay sa sako ang basura. Nang mahagip ng paningin ko ang kapitbahay namin, may liwanag na ang isang bintana sa taas. Nakakarinig pa ako ng tugtog, eh. Taena. Hindi ko maiwasang humalakhak. Sigurado talaga akong matanda na 'yong nakatira d'yan. "Touch by touch, you're my all time lover. Skin to skin~" May negros mixed club pa nga na kasunod. Pampalengke amputa. Natigil lang ako nang maalala ko na niyayaya pala ako n'on para maging boyfriend niya. Biglang nagsitaasan ang balahibo ko sa braso. Pagkatapos kong maghilamos at magsipilyo, isa-isa ko nang pinatay ang ilaw sa sala at kusina. Ila-lock ko na sana ang pintuan nang maaninag ko sa bintana na may tao sa labas. "Tao po! Tao po!" May motor ang taong 'yon. Baka naman riding in tandem 'yan. Imposible, isa lang naman siya. Baka naman hitman 'to. Taenang 'yan. Ako na nga ninakawan, ako pa papatayin. Baka tauhan ng kapitbahay ko. Ipapapatay ako dahil ayoko sa inaalok niya. Biglang lumakas ang pagkabog ng dibdib ko, ah. "Tao po! Tao po! Greenwich delivery, Sir!" sigaw pa ng lalaki. Hindi naman ako nag-order, ah. Tatalikuran ko na sana kaso tumunog ang tiyan ko. 'Wag daw ako tumanggi sa grasya. Kaso paano kung may baril na dala 'yan? Tumunog ulit ang tiyan ko. It's now or never na raw. Pag ako namatay, eh. Kokonyatan kitang tiyan ka. Pinuntahan ko na lang din ang lalaki sa labas. Nagsando muna ako tas jacket. Buti na lang nakapatong lang sa bag ko na nasa sofa. "Hindi ako nag-order, boss," sabi ko sa driver. Wala rin naman akong pambayad. "Meron po, Sir. Bayad na nga po, eh." Kinuha niya ang dalawang box ng pizza. Pucha, parang nagniningning pa ang box. "Hindi talaga ako nag-order. Baka wrong address ka," saad ko pa. Sana hindi wrong address. "Dito po talaga, Sir. Bayad na po ni Miss UV." Sinong UV? Parang sinagot naman ng lalaki ang tanong ko. "Kapitbahay n'yo po." Lintek. "Sigurado ka ba? Baka kanya 'yan." "Kakahatid ko nga lang po nung sa kanya, eh," pilit na ngumiti ang lalaki. May itatanong pa sana ako kaso sumabat na siya. "Tanggapin mo na lang po, Sir." Binigay na niya sa akin ang dalawang box. "Nagmamadali pa po ako. Natatae na ako, Sir. Kanina pa po ako naghahanap ng public C.R. Ang tagal n'yo pa tanggapin." Natahimik na lang ako habang hawak ang mga boxes. Mabilis siyang humarurot paalis. Tiningnan ko ang kabilang bahay. May ilaw pa rin. May tugtog. Hindi na ako pamilyar pero remix pa rin. Isa pa, may bulto rin ng babae na nakasilip sa akin sa bintana ng bahay na 'yon. Hindi ko maaninag ang mukha niya. Masyado siyang malayo para sa akin. Payat rin siya katulad ko. Kinawayan niya pa ako pero hindi ko na lang pinansin. Kinilabutan na naman ako, eh. Hindi kaya lola na 'yon? Hindi pa ako ready para sa isang sugar mommy. Teka, may note. Ibinaba ko na muna ang dalawang boxes sa maliit na mesa sa sala. Nagdadalawang isip ako kung kakainin ko eh. Baka may gayuma. Atsaka kinikilabutan ako sa note kahit wala namang nakakatakot. A reward for you coz you've been a good boy. :> Luh. Wala naman akong ginawang kapaki-pakinabang sa buong araw, eh. Pumasok lang ako, natulog sa klase, ilang beses na namang napagalitan at napilitang sumama sa mga kaklase ko na gumawa ng project. Hindi ako good boy. Napaka-mema naman nito. Naglalaban ang tiyan at ang utak ko. Duda talaga ako dito. Baka may gayumang nakahalo. Kaso kanina pa tunog ng tunog ang tiyan ko. Wirdo. Palibhasa kasi ang hilig sa pizza, eh. Paborito pero matagal ko nang hindi nalasahan ito. Mga ilang taon na siguro. Mahirap kasing bumili ng ibang pagkain gamit ang perang naka-budget na. Hindi naman ako mahilig gumasta para sa ibang bagay dahil Ate ko na ang nagpo-provide ng mga kailangan ko. Mag-aaral na lang talaga ang aatupagin ko. At ang mabuhay. Sa huli, nagwagi ang tiyan ko. Dalawang boxes ng hawaiian pizza ang tumambad sa harap ko nang buksan ko ang mga ito. Bago ako kumagat, in-inspection ko muna. Sa amoy at itsura, baka may kakaiba, eh. Kung sakali man, bukas, ma-inlove ako sa babaeng unang makikita ko, sana si Cassandra 'yon. Kaso inlove na ako sa kanya. May bumabagabag talaga sa akin, eh. Pero gutom ako ngayon. Tinitigan ko ulit ang pink na note. Pansin ko mahilig ang kapitbahay ko sa pink. Usual. Weird. Cringy. Alam ko namang kadalasan ang babae ay mahilig sa kulay na pink pero ewan ko. Naaalibadbaran ako. Masyadong babae. Masyadong maarte. Naubos ko ang dalawang boxes nang walang kahit na anong nararamdaman na kakaiba. Kung sakali talagang gayuma ito, baka bukas pa ang effectivity. Bakit ko ba inaabangan? Ewan. Hindi ko alam. Hindi na ako nag-aksaya ng panahon para magbuklat ng notes at sumagot ng tatlong nakabinbin na mga assignments. Kokopya na lang ako bukas kay Jefferson. Nagligpit na ako ng pinagkainan at inulit ang ritwal bago matulog. Medyo pagod na ang katawang lupa ko. Mabigat na rin ang mga talukap. Maya't maya rin ang paghikab ko. Hindi ko rin namalayan na nagsilaglagan na ang mga pinya. Hinihiwalay ko kasi 'yon. Ayoko, eh. Hindi dahil sa sinabi ng social media pero sa tingin ko hindi bagay ang lasa ng pinya sa crust at sauce ng pizza. Ang wirdo kaya! Parang sinisira ng pinya ang sarap eh. Nagligpit ulit ako. Umakyat sa kwarto at natulog. Pagod na talaga ako. Idagdag pa ang ninakaw sa akin na 5k.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD