Prologue

205 Words
You are like a troubled water running cold. Time won't heal this severe wound. Ilang taon na ang lumipas. Hindi pa rin kita makalimutan. Alam kong maiinis ka sa sasabihin ko pero para kang peklat ng bulutong, ang tagal mawala. Hahampasin mo ko panigurado kapag narinig mo 'yan.. Kaso wala ka dito. Alam mo rin ba, siguro hindi na. Naaalala kaya kita lagi. Lalo na kapag nasisikatan ako ng araw tapos mahapdi na. Buti siguro kung mestiso ako, mamumula lang balat ko. Eh, hindi, mangingitim. Parang gan'on ang marka mo sa 'kin. Bakit ka ba kasi umalis? Kung kailan naman na mahal kita. Ang daya mo. Sobra. Tapos na kitang pakiligin. Ako naman. Balik ka na dito sa Pilipinas. Please. Gusto kitang sundan kaso mahirap makapunta sa iyo. Ikaw na lang. Miss na kita. Nakakabaliw na mag-isa. Please. Dito ka na lang. Bumalik ka na sa akin. Paano naman ako? Paano tayo? Miss na miss na kita. Dito ka na ulit sa tabi ko. Nangungulila ako sa iyo. Kapag nandito ka na, wag mo na ako iwan, ha? Gagawin ko ang lahat para manatili ka... para hindi mo na ulit piliin ang lumayo sa akin. Hindi ko kaya nang wala ka, eh. Please. UV.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD