Mas lalong naging malapit ang loob ni Fely kay Jay.
"Fely, anak, ano ngaba kayo ni Jay?" Tanong ng kaniyang Ina habang sila ay kumakain sa hapagkainan.
Oo nga. Ano ngaba talaga kami? Kailan pa man ay hindi iyon sumagi sa aking isipan.
"Magkaibigan po, Ma. Ganon lang po."
"Eh, talaga ba? Bakit mayroong pa ice cream? Siguro may gusto saiyo yun. Baka nanliligaw nayan?" Pabirong sabi ng kaniyang Ina at sinabayan narin ng pang-aasar ng kaniyang mga kapatid.
Sa totoo lang, hindi ko po talaga alam. Hindi naman siya nagsasabing gusto niya ako. Ngunit sa tuwing binibigyan ko siya ng motibo ay binibigyan niya din ako. Hindi naman kami pero parang gusto niya din ako, ano ba talaga kami? May kami ngaba? Bahala na...
"Mervy, samahan mo akong mag-cr."
"Ayaw ko, bhe. Mapagalitan pa ako ni ma'am na nandiyan ako sa girl's bathroom." Tugon ni Mervy.
"Eh, mabilis lang naman ako. Hindi ka makikita nila ma'am doon."
Umayaw padin si Mervy dahil ayaw niya talagang mahuli naman na nandoon siya sa pangbabaeng kubeta kaya ay pumunta nalang doon si Fely na mag-isa. Habang siya ay nasa kubeta ay may narinig siyang pamilyar na boses.
Si Jay ba iyon? Ano kayang ginagawa niya sa labas ng kubeta.
Inilapat ni Fely ang kaniyang tainga sa pinto ng kubeta upang mas marinig si Jay.
"Yes, Luv. Samahan kita mamaya bumili sa canteen." Sabi ni Jay sa kinakausap niyang babae sa telepono.
Ano yon? Totoo ba ang narining ko, may tinatawag siyang Luv!?? May girlfriend na ba siya?
Hindi makagalaw si Fely sa kaniyang kinatatayuan. Unti-unting sumisikip ang kaniyang paghinga ganon nadin ang kaniyang dibdib. Biglang may pumatak na luha sa kaniyang mga mata. Tinakpan niya ang kaniyang bibig gamit ang kaniyang dalawang kamay.
Anong nangyayari? Bakit hindi ko alam?
Buong araw ay hindi natutok sa klase ang isip ni Fely. Napapansin na ito ng kaniyang mga kaibigan. Ngunit kahit sino man ang nagtangkang magtanong ay agad niya din na binibigyan ng malamig na pagtingin.
Pagkauwi sa bahay ay agad ni Fely kinuha ang kaniyang cellphone. Binuksan nito ang kaniyang messenger at agad na hinanap ang pangalan ni Jay.
"Jay, pwede ba tayong mag-usap. May itatanong lang ako." Hindi mapakaling naghihintay si Fely sa tugon ni Jay.
*typing
Lintik ka, Jay. Magsabi kalang ng totoo. Wag na wag kang magsinungaling. Please lang...
"Ano po iyon?"
"May girlfriend ka na ba?" Walang pagdadalawang isip na tinanong ni Fely si Jay habang unti-unti nang dumadaloy sa kaniyang mukha ang kaniyang mga luha.
"Sa totoo lang, we've been talking for weeks now and I think that I like her. She's so sweet and caring. She understands me and she has this humor that could really make me smile. I also dreamed about her. And you, know what, I know it when I really like someone if I started to dream about this person. So, that's when I know that I like her. And, it turns out that she also likes me. We're not in a relationship, but I can assure her that I'm into her."
Unti-unting pumapatak ang luha ni Fely sa kaniyang cellphone. Habang kaniyang binabasa ang mga sinabi ni Jay ay nabubulag na nang mga luhang nabubuo ang kaniyang mga mata.
Kasalan ko ito. Hindi manlang sumagi sa aking isipan na baka hindi talaga ako ang gusto at talagang kaibigan lang ang maibibigay niya sa akin. Ang tanga ko, bakit ba kasi ako nag-assume na mayroong kami?
Buong magdamag na umiyak si Fely. Hindi na nito namalayang marami pa pala siyang gagawing mga assignments.
"Fely, napano ka ba? Ba't ang laki ng iyong mga mata?" Tanong ni Zen.
"Mhiee, umiyak ka nu?" Mabilis namang niyakap ni Mervy si Fely.
"Anong nangyari?" Tanong din ni Nahmi na sumunod din sa pagyakap kasama si Kate.
"Uy, okay lang ako. Wala ito." Pinilit ni Fely na ngumiti sa harapan ng kaniyang mga kaibigan.
Walang dapat na makaalam na isa akong tanga. Isang tanga na nag-assume na gusto ako ng taong gusto ko. Isang tangang nag-assume na magkakaroon ng something sa amin. Isa akong tanga at assumera.
Nagsimula na ang klase at agad na nagkaroon ng reality check si Fely.
Patay, nakalimutan kong gumawa ng mga assignments.
"Ma'am, pasensya na po. Hindi po ako nakagawa ng assignments." Pasang-awa ni Fely.
"Ms. Vergara, hindi ko alam kung anong excuse ang iyong gagawin ngunit kailan man ay alam mong hindi ko ito papalampasin kahit na ikaw pa ang may pinakamataas na grado."
"Pasensya na po talaga, ma'am. Hindi po ako gagawa ng excuses. Pero kung pwede po sanang makabawi po? Gusto kong patunayan na karapat dapat parin akong magkaroon ng mataas na grado." Makikita sa mga mata ni Fely ang kaniyang pagmamakaawa.
"Ma'am, ngayon lamang po hindi nakapagpasa si Ms. Vergara ng pinapagawa niyo. Alam niyo naman po na kailan man ay hindi niya ugaling hindi mag pass on time. Kung maaari po sana ay pagbigyan niyo po sana siyang gumawa ng paraang makapagcompromise." Nagulat si Fely sa pagtulong ni Ali sa kaniya.
"Tama ka naman jan, Mr. Ricalde. Kaya bukas na bukas ay kayo ang magrereport nang susunod kong leksyon tungkol sa Entrepreneurial Opportunities. Maliwanang ba?" Sabi ng kanilang guro habang nakataas ang isa nitong kilay at ang isang kamay ay nagpapaypay ng pamaypay.
"Mukhang mas nagalit pa si ma'am dahil sa ginawa ko." Sabi ni Ali sabay kamot sa kaniyang ulo.
"Maraming salamat talaga, Alejandro. Mas mabuti na yon kaysa na wala akong points na makuha."
"Ali nalang ang tawag mo." Nakangiting tugon ni Alejandro.
"Pero wag kang mag-alala, Ali. Ako na ang bahala sa reporting. Kaya ko nato."
"Sabi ni ma'am dalawa tayo. Kaya magtulungan nalang tayong gumawa ng report."
Natigilan si Fely sapagkat hindi niya mapagtanto kung mas mabuti bang magkasama silang gagawa ng report o mag-isa nalamang ito upang mas mabilis.
Napatango nalang si Fely sabay sabing, "Sige, pag-usapan natin mamaya."
Kumaway papalayo si Fely kay Ali na agad namang kumaway pabalik si Ali habang nakangiti.
Ngayon kulang napansin si Alejandro. Masyadong napakabait. Nais ko siyang maging kaibigan...