CHAPTER 3

1297 Words
Ngayong araw ay ika-17 na kaarawan ni Fely. Hindi siya gaanong nag-aasang may magaganap ngayong araw dahil ngang alam niya namang kinakapos din sa pera ang kaniyang pamilya. Mag-isang lang ang kaniyang ina sa pagpapaaral sa kanila, minsan ay bumibigay naman ng tulong ang kaniyang mga tita sa abroad at malaki ang pasasalamat nila dito, ngunit minsan ay hindi talaga maiwasang kapusin. "Happy birthday, Anak. Mahal na mahal ka namin. Mamaya ay lalabas tayo at kakain kasama ang mga kaibigan mo. Pati narin sina Tita mo at Tito." Bungad ng kaniyang ina. "Hala, totoo po ba? Mama naman, nag-abala kapa. Pero, thank you po. I love you!" Pasasalamat ni Fely sa kaniyang ina. Pumasok si Fely na masaya ang pakiramdam. Agad din niyang inimbitahan ang kaniyang mga kaibigan. Ngayon lang itong nangyari kung kaya ay ang saya-saya ni Fely. "Uy, talaga ba, Fely? Hindi namin ito papalampasin. Ano bang gusto mong regalo?" Tanong sa kaniya ni Mervy. "Siya. Maibibigay mo ba?" Pabirong sabi ni Fely. "Hinahamon mo ba ang powers namin?" Nakataas ang mga kilay ni Mervy habang binibigyan ng tingin si Fely. "Huy, joke lang. Ano ba naman kayo, pero kung pwede naman. Char! Wag kayong OA, wala. Wala akong gusto, siya lang." Todo ang tawa ni Fely ng biglang may kumalabit sa kaniyang likuran. "Um, Happy Birthday nga pala Fely." Sabay abot ng kaniyang regalo kay Fely. "Uy, hala. Salamat, Ali?" Pasasalamat ni Fely na may kaunting pagtataka. "Alejandro Ricalde." Tugon nito habang pinagmamasdan ang reaksyon sa mukha ni Fely. Tumunog ang bell at agad silang bumalik sa kanilang mga upuan upang simulan ang klase. Pagkatapos ng mahabang talakayan ay hindi na ni Fely mapigilan ang paglabas ng kaniyang pantog at dali-dali itong lumabas at pumunta sa banyo. Habang nagmamadali ay hindi niya mapigilan ang kumiwi-kiwi sa paglakad. Ano ba naman ito...dapat kanina pa ako lumabas. Ito kasing si sir, hindi talaga mapag-iwan ang Calculus dahil siguradong hindi ko makukuha ang leksyon kapag hindi ako makinig mula umpisa hanggang dulo. Hayst, mabuti at walang tao sa kubeta. Habang nasa loob si Fely ng kubeta ay bigla siyang nakarinig ng isang boses na pamilya sa kaniyang mga tainga. Agad na lumabas si Fely sa kubeta upang tiganan kung sino ang nasalabas at wala itong nasilayan. Sino kaya yun? Hala, baka guni-guni kulang yon. "Happy birthday, Fely~ Happy birthday, Fely~ happy birthday, happy birthday~ HAPPY BIRTHDAY TO YOU!" Awit ng mga bisita sa kaarawan ni Fely. "Maraming salamat talaga. Kainan na!!!" Naging maganda ang daloy ng kaarawan ni Fely. Buong gabi ay masayang kumakain, may nag-iinuman sa gilid. Habang ang groupo nila Fely ay nag-kakantahan naman sa karaoke. Ito na yata ang isa sa mga pinakamasayang araw ko, hindi ko ito malilimutan. "Happy birthday, Fely. Wishing you a day filled with love." Message ni Jay kay Fely na may kasamang heart emoji sa dulo. "Owmeji, guys. Nakatanggap ako ng greetings kay Jay! May heart emoji pa sa dulo. Pwede na akong mawala." Sigaw ni Fely habang lumulundag sa tuwa. Todo naman ang pang-aasar ng kaniyang mga kaibigan dahil sa message na natanggap ni Fely. "Thank you, Jay. Sana pumunta ka dito sa handaan ko." "Maraming salamat sa imbitasyon. Kamusta ba ang handaan?" "Heto, nagkakantahan kasama ang mga kaibigan." "Talaga ba, marunong kang kumanta? Pasample naman jan." Pabirong sabi ni Jay. Hala, totoo ba ito? Gagawin ko ba o hindi? Baka tawanan lang ako at hindi magustuhan ang boses ko. Pero, ayaw kong tumanggi. "Uy, joke lang yan Fely. Wag ka nang mag abala hehehe." *Fely sent a voice message Bakit niya ini-seen? Uyy, nakakahiya. I-unsent kunalanh ito siguro. Ayaw kuna, hinding-hindi na ako magpapakita sa kaniya. Wait...typing? "*speechless*... ang ganda ng boses mo, Fely." Nananaginip siguro ako? "NICAAAA, sampalin mo ako! Ngayon na." Agad namang sinampal ni Nica si Fely. "Totoo ngaa!" Fely, hindi ka nananaginip. "Parang biro naman yan, Jay." "Hindi, totoo talaga. Ba't hindi ka sumasali sa mga competition dito sa school?" "Ayaw ko, mas gusto kong mag focus nalang sa pag-aaral. Kadalasan kasi sa mga ganyan ay pinupull out tuwaing may contest." "Pero, tototo Fely. Magandang pakinggan ang boses mo. Nakakabighani." Nakakabighani? Luh, e paano yan baka ma fall ka. Buong gabing nag-uusap si Fely at Jay hanggang sa umabot na ang umaga. "Beh, ba't ang puyat mo?" Tanong naman ni Zen. "Buong gabi kaming nag-usap ni Jay." "Hala, talaga baa? Huy, baka ano nayan ha." Sabay hampas ni Zen kay Fely. "Wala. Talagang marami lang kaming pinag-usapan. Akalain mo iyon, mahilig din siya sa pusa. Mayroon nga siyang alaga na pusang lalaki. Saka halos magkapareho kami nang mga hilig gawin." Sabi ni Fely habang si Zen at Nahmi ay nagkatinginan lamang tila bang may kahulugan ito. "Promise, alam ko ang ginagawa ko." Sabi ni Fely sa dalawa niyang kaibigan. "Alam namin, Fely. Pero ang sa amin lang wag padalos dalos ha? Naalala mo ba noong grade 8, ayaw naming maulit yon. Mag-ingat ka ngayon at baka sa susunod ay maging bitter kanaman ulit sa pag-ibig." Paalala ni Nahmi kay Fely na sinang-ayonan naman ni Zen. ARAW NG UNANG QUARTERLY EXAM Buong gabi si Fely na nagreview para sa exam na ito ngunit kinakabahan ito sapagkat ito ang magiging kaunahan niyang exam bilang isang senior high school student kaya ay kinakabahan ito sa magiging kinalabasan. "Goodluck, Fely. Kaya mo yan, ikaw pa ba!" Message na natanggap ni Fely mula kay Jay. Halos dalawang buwan na silang magkausap simula noong kaarawan ni Fely. Gabi-gabi ay nag-uusap sila tungkol sa kanilang mga araw habang magkasama din na nagrereview habang nag-uusap sa messenger. "Thank you, Jay. Ikaw din, wag kalimutang magdasal." Kahit na matagal na silang nag-uusap sa messenger ay hindi pa sila kailan man nagkausap at nagkasama in person. At, hindi pa nakita ni Fely ang mukha ni Jay na walang face mask. Pero kahit na ganoon ay tinuri parin ni Fely na isang matalik na kaibigan si Jay at hindi parin mawala ang kaniyang unang naramdaman. Sobrang hirap naman ng test na binigay ni sir sa Calculus. Mabuti nalang ay panghuli ito at kung hindi ay talagang wala na akong maisagot sa mga susunod pa. "Fely, ice cream mo daw. Pinapabot mula sa kabilang section." Sabi nang kaniyang kaklase sabay abot ng ice cream. "Ha, kanino naman galing ito?" May letter na nakasabit sa ice cream. "Goodluck on your exams!! :'> This is my favorite variant, so I thought of giving it to you : )" ang mensahe na nakasulat sa letter. "Kanino naman ito nanggaling? Goodluck on your exams..." Hinablot ni Mervy ang sulat kay Fely at binasa ang nakasulat. "Si Jay yan no?" Tanong naman ni Nahmi. "Edi, sino paba." Sabi naman ni Kate sabay hablot din kay Mervy ng sulat. Kinuha naman ni Fely ang kaniyang cellphone at nagmessage kay Jay. "Ikaw ba ang nagpadala ng ice cream?" Tanong nito habang bumibilis ang t***k ng kaniyang puso. "Oo. I hope you like it." Mabilis na reply ni Jay. Ano ito? Ano ba ang ibig sabihin nito? "Actually, there's a meaning behind it." Sabi pa nito. "Ano?" Tanong ni Fely. "The letter on that ice cream says everything : )." Ha? Sabi dito ay itong flavor ng ice cream na ito ay ang paborito niya. Ibig bang sabihin ay paborito niya rin ako? "Anong ibig mong sabihin? Ayaw kong mag assume pero magkapareho ba sa iniisip ko ang iniisip mo?" "Siguro. Ganon na nga." "Ha? Na paborito mo rin ako?" Nanlaki ang ngiti sa mukha ni Fely nang sinulat niyan iyon. *Jay reacted heart to your message "Parang ganon na nga :'>" Bumilis ang t***k ng puso ni Fely. Tila bang nakalutang ang kaniyang mga paa sa hangin. Hindi niya madinig ang ingay ng buong kwarto, tanging ang mga malalakas na kalabog lamang ng kaniyang dibdib ang kaniyang naririnig. Nahuhulog na siguro ako...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD