Gang Fight

1840 Words
Chapter 5 SHARLY POV Muli akong napatingin sa labas at mula rito natatanaw ko si Zeff na nakaupo habang nag g-guitara. Hayst hindi ba siya aalis? Kailangan ko na kasing umalis dahil magkikita kami ni Carvin. Ngayon na kasi iyong sinasabi niyang gang fight. I sighed. Muli akong napaupo sa kama at tumingin sa oras 8pm na. Aiissh! Kinuha ko ang isang bonnet at itim na jacket. Muli kong tiningnan si Zeff. Nasa labas pa rin siya. Hindi ako makakadaan sa gate, kaya kailangan kong tumalon sa likuran. LumaBas ako sa kwarto ko at sinilip si Rhea. Natutulog na siya. Sinara ko ang pinto at bumaba sa hagdan. Hindi naman kalakihan itong bahay. May 2nd floor lang at nasa 2nd floor ang mga kwarto namin. Nakabukas pa ang ilaw sa sala. Maingat akong naglakad papunta sa likod. Buti na lang wala dito si lola. Siguro nagpapahinga na siya. Pagkalabas ko ng bahay. Umakyat ako sa puno saka tumalon sa bakod. Agad akong tumakbo palayo upang makalayo. Malamang kanina pa naghihintay si Carvin. "C-Carvin!" hinihingal kong sabi nang makarating ako. "Oh Sharly? Bakit hinihingal ka?" Nilapitan niya ako. "T-Tumakbo kasi ako, naroon pa kasi si Zeff akala ko ba aalis siya?" sabi ko sa kanya. Umupo muna ako para makarelax syempre ang layo nang tinakbo ko. "Hindi ko nga rin alam kong pupunta ba siya. So ano tara na?" anyaya niya. Huminga muna ako nang malalim at tumango. Binigay niya sa akin ang helmet saka sumakay kami sa motor niya at umalis. Pagdating namin, narinig ko ang ingay na nanggagaling sa isang arena na natatanaw ko sa harap. Napatitig ako dito. "Anong tawag sa lugar naito?" tanong ko kay Carvin. "This is the Gangster Place. Lahat nang pumupunta dito mga gangster o mga mafia. May ilan din dayo na mga gangster na gustong makipaglaban dito. Maging Ang isang sikat na grupo ng mga gangster eh pumupunta dito." Carvin. Napatango ako. "Hmmm sino ba yong sikat na mga gangster?" muli kong tanong habang naglalakad kami. "Ang Legend knight Gangster isang Mafia-Assassin ang leader nito. Sila ang sikat dito sa Gangster place na kalaban namin." Carvin. Legend knight Gangster? Parang pamilyar sa akin ang gang na iyan. Para bang narinig ko na iyan dati. Hindi na ako muli nagtanong pa at pinagmamasdan ko ang paligid habang naglalakad papasok sa gangster arena. Nang makapasok na kami, napatingin agad ako sa gitna dahil may naglalaban. Kita ko kung paano kumilos ang mga naglalaban. "Sharl, pasensya ka na pero kailangan kong lapitan iyong grupo ko. Basta 'wag kang aalis dito huh. Baka kasi makita ka ni Zeff, naroon na siya." Carvin. Napatingin ako sa ibaba dahil naroon ang grupo raw niya. " Huwag kang mag alala. Manonood lang ako." sabi ko. "Sige, basta 'wag kang aalis dito huh." paalala niya. Tumango ako saka lang siya umalis. Muli akong tumingin sa gitna kung saan naroon ang mga naglalaban. Hmmmm, Medyo marami nang sugat ang bawat naglalaban. Inayos ko ang jacket at bonnet ko saka ako Lumapit pero sa iba ako dumaan para di ako mapansin nila Zeff. Nang makalapit na ako. Seryoso akong tumingin sa naglalaban. Hanggang sa natapos ang laban pero akala ko, tapos na. May iba pa lang lalaban at nagulat ako dahil grupo nila Zeff ang maglalaban. Nakita kong lima lang ang umakyat sa stage. Kasama si Carvin, Zeff at talong pang kasama nila. Sa kabilang grupo naman may umakyat din na limang lalaki. Pero natuon ang pansin ko sa lalaking matangkad sa kanila. Tela ba may kakaiba akong nararamdaman sa pagtitig ko sa kanya. Napahawak ako bigla ulo ko, nakaramdam ako nang kakaibang sakit habang nakatitig pa rin doon sa lalaking iyon. Sa pagtitig ko sa kanya. Nakita kong tela may hinahanap ang mata niya. Hanggang sa mapunta sa direksyon ko ang tingin niya. Nagkatitigan kaming dalawa, kita ko kung paano siya natigilan at tela may sinambit habang nakatingin sa akin. Nabawi ang tingin niya sa akin nang tawagin siya ng kasamahan niya. Napatingin ako sa grupo nila ni Zeff At halos lumabas ang puso ko sa subrang kaba nang makitang nakatingin siya sa dereksyon ko. Agad akong napaiwas nang tingin at napayuko. Lagot na. Nang muli akong tumingin sa kanila nagsimula na silang makipaglaban. Bago sumugod iyong isang lalaki na nakatingin sa akin kanina. Muli siyang tumingin sa kinaroroonan ko na tela sinisiguradong nandito pa ako. Ganoon din si Zeff sa akin. Silang dalawa ang laging tumingin sa kinaroroonan ko habang naglalaban sila. Halos mamangha ako sa bawat kilos nilang dalawa, lalo na si Zeff. Natatamaan niya iyong kalaban niya. Pero mukhang magaling din 'yong kalaban niya dahil sumusugod ito sa kanya. Pareho silang malakas. Bawat suntok ni Zeff sa kanya, naiiwasan niya o sinasalubong niya rin nang suntok. Minsan napupuruhan sila pareho. Nasa kalagitnaan na sila ng kanilang mainit na labanan, nang may mapansin akong kakaiba sa likod ko. Kaya napalingon ako. Doon, nakita ko ang tatlong lalaki kanina pa pala nakatingin sa akin. May hawak pa silang kotsilyo na pinapaikot sa kamay nila. Umiwas ako nang tingin at tinuon ang pansin ko sa mga naglalaban. "Girlfriend ka ba ni Carvin? O ni Charlie?" Halos nagtayuan ang balahibo ko, nang maramdaman ang malamig na bagay sa leeg ko. "Anong sinasabi mo, H-Hindi ko sila kilala." kinakabahan kong sabi. "Talaga? Minsan na kitang nakitang kasama ni Carvin at ni Charlie. Ngayon kasama ka ni Carvin. Kaya sumagot ka nang maayos. Girlfriend ka ba sa isa sa kanila?" muling tanong niya. Hindi ako nakapagsalita at nakatingin lang kina Zeff. Nang mapatingin sa akin si Zeff. Nakita ko kung paano siya matigilan. Lalo na nang mapansin niyang may katabi akong tatlong lalaki. Naging seryoso ang tingin niya sa akin. "Sasagot ka ba o hindi." muli nitong sabi. "H-hindi." sagot ko. Naramdaman kong may tinutok sila sa tagiliran ko. Napapikit ako at napabuntong hininga. Pinakiramdaman ko sila saka ako kumilos. Sabay kong tinulak ang dalawang Lalaki na nasa bawat gilid ko, kasabay noon ang pag sipa ko sa isang lalaking nasa likod ko. Pareho silang napaatras. Hinubad ko ang jacket ko at hinagis sa mukha noong isang lalaki, upang makadaan ako. Agad akong tumakbo. "Hoy!" Hindi ako lumingon at patuloy lang ako sa pagtakbo. Hindi ko alam kung anong kailangan nila o ano ang binabalak nila. Kaya ang dapat kong gawin ay tumakbo. Medyo nahirapan ako dahil na rin sa dami nang mga nanonood. Sumulyap ako sa ibaba. Nakita kong napahinto si Zeff maging iyong kalaban niya nang makitang tumatakbo ako. "Habulin niyo siya!" Mabilis akong tumakbo palayo, hanggang sa makalabas ako sa arena. Nakarating ako sa parking lot pero patuloy pa rin ako sa pagtakbo. Dahil hinahabol pa rin nila ako. Pabalas na ako ng gate nang mapansin kong may iba pang sumusunod sa akin. "Ayon!" Nanlaki ang mata ko nang makita ko iyong mga humahabol sa akin. Imbes na dumaan ako sa gate. Tumakbo ako patungo sa gubat. Hindi pa ako nakakalayo nang may humila bigla sa kamay ko mula sa isang puno. "Kyaaah-mmm" Tinakpan niya ang bibig ko. "Sssh 'wag kang maingay.." Natigilan ako nang makilala siya. "Z-Zeff," sambit ko. Sumilip siya sa likuran. Nakita kong may dumaan na mga kalalakihan. Napahigpit ang hawak ko sa damit ni Zeff. Dahil natatakot ako. "Its okay. Wala na sila." mayamaya'y sabi niya. Napaangat ako nang tingin sa kanya, habang nakatanaw doon sa papalayong kalalakihang humahabol sa akin. Natigilan ako nang may umagos na dugo mula sa Gilid ng kilay niya. Hinawakan ko ito kaya napatingin siya sa akin. "May sugat ka." sabi ko sa kanya. Umiwas siya nang tingin at hinila na ako paalis. Pinagmasdan ko ang itsura niya. May sugat siya sa labi, maging sa may panga niya. "Ayos lang ba iyang sugat mo?" nag aalala kong sabi. Hindi siya sumagot at patuloy lang kaming naglalakad. Kaya hindi na ako nagsalita at nanahimik na lang. Hanggang makarating kami sa isang nakaparadang motor. "Sakay." Utos niya. Sumakay siya at pinasakay niya ako. Wala akong nagawa kundi ang sumakay. Alanganing kumapit ako sa bewang niya saka niya pinaandar ang motor. Napabuntong-hininga ako. Malamang pagagalitan ako nito. Kaya kailangan kong ihanda ang sarili ko. Nilibot ko nang tingin ang paligid. Hindi ko alam kung anong lugar ito. Inihinto kasi ni Zeff ang motor niya dito At ayon siya nakatayo. "Alam mo ba kung anong ginawa mo, Sharly?" bigla niyang sabi. Napayuko ako. Aminado ako kung anong ginawa ko. "Muntik ka nang mapahamak, kong di ko lang nakilala iyong mga lalaking katabi mo kanina. Isa sila sa mga kalaban namin sa gang At talagang pumunta ka pa sa Gangster Place?!" hindi makapaniwalang singhal niya sa akin. Napakamot ako sa noo ko at alanganing tumingin sa kanya. "Pasensya na, Curious lang kasi ako kung paano kayo makipaglaban." sabi ko. "That's nonsense Sharly! Muntik ka nang mapahamak. Kung di kita nasundan agad! Pwedi ka nilang ipain laban sa akin sa amin at hindi ko hahayaang mangyari iyon." sigaw niya. "S-Sorry," "Sa susunod 'wag mo ng uulitin iyon, Tara na." Napatango ako at muli kaming sumakay sa motor at umuwi na. Pero, Mas lalo akong na curious dahi na rin sa lalaking nakita ko kanina. 'Yong lalaking nakalaban ni Zeff. Sino kaya siya. SHAWN POV Siya ba 'yong nakita ko o namamalikmata lang ako. 'Yong mga mata niya, iyong mukha niya, 'yong kakaibang tingin niya. Kilala ko. Ikaw ba iyong nakita ko Dhrevey? Ang bilis niya kasing nawala kanina habang naglalaban kami pero, kung siya iyon. Posible kayang nandito siya sa Batanes? "Shawn, Lets go! Kailangan na nating bumalik sa Tagaytay. Nandito na ang helicopter." biglang sabi ni Audrey. Napatango ako. Nakasakay na ang ilang membro ng gang. Iyong iba nanatili dito dahil may hideout kami dito. Pagkasakay ko, muling bumalik sa isip ko ang mukha niya. "I think, I saw her." sambit ko. Napatingin si Audrey sa akin, ka grupo ko rin siya sa gang. "Who?" nagtatakang tanong niya. "Dhrevey," sabi ko na kinagulat niya. "W-What?" I sighed. Napayuko ako. "Hindi ko alam, kung siya ba talaga iyong nakita ko. Babalik ako dito pagkatapos ng mission." sabi ko. "B-Baka naman, namalikmata ka lang." Napatingin ako kay Audrey. Umiwas siya tingin sa akin, kaya mas lalo akong nagtataka sa reaksyon niya. Para bang, May alam siya. "Sabihin mo nga sakin Audrey. May alam ka ba.? KUmontak na ba siya saiyo? We all know that she's alive, pero hindi natin alam kung nasaan siya. Kaya sabihin mo, may alam ka na kung nasaan siya?" seryoso kong sabi. Knowing Audrey, siya ang pinagkakatiwalaan ni Dhrevey. Alam niya lahat kung anong tinatago ni Dhrevey. Kung buhay talaga si Dhrevey, siya ang unang makakaalam kung kokontakin siya nito. Umiwas siya nang tingin. "Wala akong alam Shawn, Kung meron man hindi ko rin sasabihin kung ayaw din niyang ipasabi." Pagkasabi niya nagsuot agad siya ng headset at pumikit. Iniwas ko na ang tingin sa kanya. Hindi ako kontento sa sinasabi niya. Alam kong may alam siya. Ngunit kong si Dhrevey talaga ang nakita ko. Siguradong nandito siya sa Batanes. Paano naman siya napunta dito kung siya talaga iyon. Dhrevey. Ikaw ba talaga yong nakita ko?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD