Sharly Riva

2048 Words
SHARLY RIVA'S POV Isang malakas na pagsabog ang yumanig sa karagatan habang palangoy ako palayo. Dahil sa lakas nang pagsabog, tumama ako sa isang matigas na bagay na siyang dahilan kung bakit ako unti-unting nanghihina. "T-T-T-Tulong," sambit ko. Halos maubusan ako nang hininga habang palubog na ako sa ilalim. Nanghihina ako na halos hindi ko na maimulat ang aking mga mata. Pero, Bago ko maipikit ang mata ko. May isang kamay na humila sa akin pataas. Naramdaman ko ang matigas na bagay na tela umaandar. Pilit kong minulat ang mata ko, upang makita kong sino ang taong tumulong sa akin. Nakamaskara siya. Isang pangalan ang nabanggit ko bago ako tuluyang mawalan nang malay. "Z-Z-Zero," "Zero!" sigaw ko at napaupo ako bigla sa kama. Hinihingal ako habang pinagpapawisan. "Ano iyong panaginip na 'yon, omo!" sambit ko. Malakas ang kabog ng dibdib ko. Agad akong tumayo sa kama at lumabas sa kwarto. Deretso sa kusina. "Good morning Shar!" bati sa akin. Pero di ko ito pinansin at kumuha ako ng tubig sa ref saka uminom. Napahawak ako sa dibdib ko. Ang lakas pa rin nang kabog nito, na tela ba tumakbo ako nang malayo. "Hoy! Ayos ka lang?! Bakit pinagpapawisan ka?" Puna sa akin ni Rheassle.(Re-ya-sel) Hindi ako sumagot at napapikit ako. Pinapakalma ko ang sistema ko. Hayst. "Hoy, anong nangyari saiyo?" tanong ni Rheassle. Tumingin ako sa kanya. "Hmm Nanaginip ako nang something. Something, like I don't know. Irrrr, ewan!" sabi ko at napabuntong hininga. Napatingin ako sa kanya. "Omo!" Tili ko nang mapansing nakabihis na pala siya. "Hala! Bakit di mo ako ginising? Ehhh, Anong oras na ba?" natataranta kong sabi at tumingin kong anong oras na. Pagkatingin ko, nakahinga ako. 7:30 pa pala 8;30 kasi pasok namin. "Maaga lang ako nagising kanina kaya nagbihis na ako. Kaya ikaw mag ayos ka na at dadaan pa tayo sa palengke." sabi ni Rheassle. Napatango ako at muling bumalik sa kwarto. By the way, hindi niyo pa ako kilala. Im Sharlyn Riva. 17 yrs old, 2nd year College student. Iyong kausap ko kanina, siya si Rheassle Alcantara. My Bestfriend. Nakatira kami dito sa Busco Batanes. Layo sa kabihasnan haha. But to tell you the truth. Hindi talaga Sharly ang pangalan ko. 'Yun daw pinangalan nila sa akin nang makita nila ako sa dalampasigan 2 years ago. Hindi nila alam kung saan ako galing. Noong magising ako, iyon na hindi ko na alam kung sino ako at kung saan ako galing. Kumbaga na amnesia ako. Kaya pinatira ako ng lola nila Rheassle dito kasama sila. Mababait sila sa akin at tinuring nila akong pamilya. Pinaaral na rin. Syempre tumutulong din ako, lalo na sa pagtitinda sa palengke. "Tara na," Anyaya ko kay Rheassle na inismiran ako. "Bagal mo talagang mag ayos, tara na 8 na oh," sabi niya. Ngumiti lang ako at sabay na kaming umalis ng bahay pero dadaan pa kami sa palengke para magpaalam. Habang naglalakad kami, panay kami kwento sa isat isa. Pinag uusapan namin ang darating na aquantance party. All year levels iyon kaya malamang maraming dadalo sa school. Malapit na kasi next week na. "La!" sabay naming tawag ni Rheassle kay lola Marga. Nakangiting tumingin ito sa amin. Lumapit kami sabay naming siyang hinalikan sa magkabilang pisngi. "Buti at nakaayos na kayo," lola. "Oo la, Kasi imbes sabay kaming tatlo aalis eh nauna na iyong isa. Ang tagal kasi magising ni Sharly kay ayon iniwan kami ni kuya Zeff.." Rheassle. "Oh siya, hayaan niyo na 'yung batang iyon mag ingat kayo." Lola. "Sige la, alis na kami." sabi ko. Nagpaalam na kami saka umalis. "Bakit ang aga ni Zeff?" tanong ko kay Rheassle. "Ay naku! May practice daw sila ng basketball. May warm up raw sila kaya ayon maaga umalis. Kakagising ko lang kanina noong umalis na siya.." Rheassle. Napatango ako. 'Yung lalaking iyon talaga. Iniiwasan ako. Alam ko na hindi iyon ang dahilan, alam kong ako. Iniiwasan niya ako.Tssss. Pagdating namin sa school namin, bigla naming nasalubong ang mga basketball player na tela kakagaling lang mag jogging. Nakita ko siya, maging siya napatingin sa akin pero umiwas din nang tingin. "Hai Shar! Gumaganda ka lalo a,." Puna sa akin nang isa sa mga player nito. Si Carvin. Isa sa nanliligaw sa akin dito sa campus. Ngumiti lang ako. "As always, maganda naman talaga siya, duh!" Rheassle. "Yeah, Hahaha pwedi ba tayong sabay mag lunch mamaya." Carvin. "Ahhh, maybe sabay kasi kami ni Rheassle," kaila ko. Siniko ko si Rhea. "Ahh oo sabay kami. Lagi naman di ba?" Rhea. "Ahhh pwedi mo rin siyang isama.." Carvin. Napatingin ako kay Zeff na biglang tumalikod. "S-sige." sabi ko. Nakita ko kung paano napahinto si Zeff pero muli ring naglakad. Ang gulo niya minsan. Sa totoo lang hindi kami masyadong close ni Zeff. Hindi nga iyan siya nagsasalita pag kami lang dalawa ang magkasama sa bahay. Last week, kinausap niya ako. Lasing siya. Sinigawan niya ako na 'wag akong magpaligaw. Mas lalo akong nahiya sa kanya nang Halikan niya ako. Kaya simula nang mangyari iyon. Iniiwasan na niya ako. Tatanungin ko nga sana siya kung bakit di ako pweding magpaligaw, kaso nahihiya akong kausapin siya. "Omo ? Pumayag ka?" Rheassle. Napatingin ako sa kanya. "Bahala na, Lunch lang naman eh At kasama naman kita." sabi ko. "Baliw ka? May gagawin kaming Report mamaya nang ka grupo ko, kaya di kita masasamahan.." Rheassle. Natigilan ako. Ibig sabihin kaming dalawa lang ni Carvin? Nasapo ko ang noo ko. My ghad. "Pero okay lang iyan. Kapag sinabi niyang liligawan ka niya. Sabihin mo taken ka na, iyon bang may mahal ka na tapatin mo siya uy. Alam mo namang gangster siya." Rheassle. Natigilan ako ng marinig ang salitang Gangster . Para kasing pamilyar sa akin. I sigh. Maraming gangster sa mundo kaya malamang kilala ang mga iyon. "Yeah..." "Yeah, kaya wag kang masyadong lumalapit sa kanila. Baka mapahamak ka O siya tara na nga." Rheassle. Tumango ako. Sabay na kaming naglakad papunta sa rooms namin. Hindi kasi kami magkaklase at isa pa magkaiba ang course naming dalawa. Pagdating ko sa room namin, walang salitang umupo ako sa upuan .Kakaupo ko lang ng makitang papasok pa lang si Zeff. Magkaklase kasi kami. Wala rin siyang salitang umupo sa upuan niya sa dulo. Parang bumigat ang dibdib ko dahil sa katotohanang iniiwasan niya ako. Well, dati pa naman di siya nagsasalita sa akin. Napayuko na lang ako. Kaya sa pagyuko ko. Nakita ko sa daliri ang isang jade ring na may kulay puti na bato sa gitna. Napatitig ako rito. Lagi akong napapaisip tuwing napapansin ko ito sa daliri ko. Isang tanong lagi ang bumabalik sa isip ko. Kung kanino ito galing o talagang sa akin na talaga ito. Ang sabi sa akin ni Rheassle dati. Suot ko na ito noong makita nila ako. Pero may kutod ako na iba ang nagmamay ari nito. Napalingon ako sa kinaroroonan ni Zeff. Agad siyang napaiwas nang tingin nang mapansing nakatingin ako sa kanya. I sighed. Bahala nga siya sa buhay niya. "Hai, buti at dumating ka." bati sa akin ni Carvin nang umupo na ako kaharap siya dito sa Cafeteria. Napansin kong nakaorder na siya ng pagkain pero pansin ko rin na halos paborito kong pagkain ang nasa mesa. "Is that your favorate too?" tanong ko sa kanya. Napakamot siya sa batok niya. "Actually, Not really, pero gusto ko rin ang mga iyan. Si Charlie kasi ang nagsabi sa akin na paborito mo ang mga iyan." sabi niya. Natigilan ako. Si Charlie? AS in si Zeff?Charlie Zeff ang buong pangalan ni Zeff kaya iyong iba Charlie ang tawag sa kanya. Napatango na lang ako at napailing. "Lets eat." aniya. Tumango ako. Anong dahilan niya upang sabihin kay Carvin ang mga gusto ko. Akala ko ba ayaw niyang magpaligaw ako, pero siya iyong gumagawa nang dahilan upang ligawan ako nang iba. "Carvin, Can I ask something?" tanong ko habang kumakain kaming dalawa. "What is it?" "Are you a gangster?" sabi ko na siyang ikinatigil niyang pagsubo. Napaseryoso ang mukha niya. "Bakit? Pag sinabi ko bang gangster ako, lalayuan mo ako?" seryoso niyang sabi. "Im just curious. Marami na rin kasi akong naririnig tungkol sa mga gangster eh At gusto kong makita kung paano makipaglaban ang mga gangster." sabi ko. Napangiti siya sa sinabi ko. Uminom muna siya bago nagsalita. "Hindi magugustuhan ni Charlie, kapag nalaman niyang nagtatanong ka tungkol sa aming mga gangster. Siguro naman alam mo na isa rin siyang gangster at ka-grupo ko siya." nakangisi na niyang sabi Ngumiti ako. "I want to know. 'Wag mo lang sabihin sa kanya. Please, can I?" pakiusap ko. Dati kasi nang malaman kong gangster si Zeff na-curious na ako. Nais kong malaman at makita kong paano makipaglaban ang isang gangster. Nag search ako tungkol sa mga gangster. Ang iba kasi ang lumalabas. Kapag gangster daw kasi. Gumagamit raw ito ng drugs, gumagamit nang iba't ibang sandata. Nakikipag away kahit saan abutin. Tapos may nang r-r**e pang mga gangster. Puro ilegal ang ginagawa nila minsan. Lalo pag may gang fight. Kaya nais kong malaman kung totoo iyong nalaman ko. Gusto ko rin makita kung paano sila makikipaglaban. "Hayst, pero sigurado ka ba talaga na gusto mong makakita nang gang fight?" napapailing niyang sabi Tumango ako. "Okay, pero hindi pweding malaman ni Charlie ito. Dahil paniguradong magagalit iyon." napapailing niyang sabi Ngumiti ako. "Oo, So kailan ba?" "Bukas nang gabi may laban kami, basta siguraduhin mong di ka mapapansin ni Charlie. Ako nang bahala sa kanya." "Sige asahan ko iyan. So, can we be friends?" iniangat ko ang kamay sa kanya upang makipag shake hands. "Sure, Mas maganda kung magiging kaibigan ko muna ang babaeng nililigawan ko." natatawa niyang sabi. Natigilan ako pero ngumiti lang rin. Mukhang desidido nga siyang ligawan ako pero hindi ko mo na pweding sabihin sa kanya na wala siyang pag asa sa akin. Pwedi ko siyang gamitin upang makapasok sa gangster world. Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit naging curious na ako sa mga gangster. Simula kasi nang makita ko si Zeff na may mga sugat sa mukha, mga pasa sa katawan. Na-curious na ako. Gusto kong malaman kung paano sila makipag laban. Matapos naming kumain ni Carvin hinatid na niya ako sa room ko. Pagkapasok ko nakita ko kaagad siya na seryosong nakatingin sa kinaroroonan ko bago umiwas nang tingin. Nang muli siyang napatingin sa akin. Inirapan ko siya. Sarap niyang batukan. Kinuha ko ang phone ko at nag type nang message sa kanya. To Zeff: Bakit mo sinabi kay Carvin, kung anong gusto kong pagkain huh? Sent! Pasimple ko siyang sinulyapan nang mapatingin siya sa phone niya. Kinuha niya ito at binasa ang text message. Napaangat ang tingin niya sa akin. Bago nag type. Buzzt... From zeff: Nagtanong siya. Gusto mo naman di ba? Napataas ang kilay ko At sinulyapan siya bago nag type. To Zeff: Gusto? Are you Insane? Hindi ko Type ang gangster! Sent! Napangisi ako at sumulyap sa kanya. Nakatingin na siya sa phone niya at napakunot ang noo niya habang nagbabasa nang text saka umiling. Buzzzt.. From zeff: So? Hindi mo ako type? Im a gangster. Huh? Napatingin ako sa kanya. Nakita kong kinindatan niya ako. Napailing ako. Gino-goodtime lang ako nito. Pag tripan nga. To zeff: Paano kong type kita? Kahit pa gangster ka, kilala kita. Kaya mo naman akong protektahan di ba? Sent! Napangiti ako at sumulyap sa kanya. Nahuli ko siyang nakatingin sa akin bago tumingin sa phone niya at binasa. Nakita kong seryoso siyang nakatingin sa phone niya. Nanatili siyang nakatingin doon at di na nag reply. To zeff: Ano? Kaya mo ba akong protektahan? Sent! Tumingin ako sa kanya. Napatingin siya sa akin saka niya ako binigyan nang kakaibang ngiti. Buzzzzt. From Zeff: Matagal na kitang pino-protektahan. noon pa man. Natigilan ako sa nabasa ko. Matagal na niya akong pino-protektahan? Napatingin ako sa kanya, nakita kong tumayo siya at naglakad. Nang makalapit na siya sa akin. May nilapag siyang papel, saka tuluyang umalis. Teka may pasok pa kami ah. I sigh. Kinuha ko ang papel.Pansin kong may nakasulat dito.Kaya binasa ko. Muli akong natigilan sa nabasa ko. Itigil mo kung ano mang binabalak Mo. Mapapahamak ka lang. Alam niya kaya ang plano namin ni Carvin? I sigh. No. Kailangan kong ituloy ang binabalak ko. Gusto kong malaman kung paano kayo makipagalaban. Zeff.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD