**EMERALD POV**
Tahimik akong pumasok sa Office naming mga M.A Councils. Pagkaupo ko sa Table ko napabuntong-hininga ako at kinuha ang Ilang papiles na nasa mesa ko.
"Where is Scarlette? Akala ko papasok. Na siya." Shyenia.
Napahinto ako sa ginagawa ko at napatingin kay Syenia, na nakatayo habang tinitingnan kami. Hindi ako nagsalita at nagpatuloy sa ginagawa ko.
"Nakakapagtaka nga eh, Isang buwan na ang nakalipas simula ng makalabas siya sa Hospital at dalawang beses ko lang siyang nakita.." Sunny.
"Oonga, kapag nga tinatanong ko kung okay na ba siya. Lagi niyang sinasabi na okay na siya pero napapansin ko na lagi siyang may iniisip. " Harmine.
"Yeah, noong pinunatahan nga namin siya ni Daniel. Lagi siyang tahimik at laging tulala. Kapag kinakausap tatango lang." Star.
"Alam niyo naman ang pinagdadaan nila kaya 'wag na kayong magtaka.."
Napaangat ang tingin ko sa nagsalita.
Si Leazza.
"Yeah, hanggang ngayon wala paring balita kay Dhrevey." Heart.
"Sana nga lang at buhay pa si Dhrevey. Napaimportante kay Scarlette ang mga anak niya.." FErreh.
"Magiging maayos din ang lahat." Jewel.
Sana nga at maging maayos ang lahat. Pero sa tingin ko, hindi pa matatapos ang mangyayari ngayon. Dahil may panibagong problema na dumating.
Dahil sa pagpasok ng Yumirai at Montemayor sa Buhay ni Scarlette.
Panibagong laban na naman ang haharapin naming lahat. Isa pa, nandito sa Mafia Assassin Council ang traidor. Hindi ko kilala kung sino ang tumatraidor sa grupo namin, pero nakakasiguro ako na tahimik siyang kumikilos. Inuuna niya si Dhrevey, bago si Scarlette.
Kaya bilang isang right hand ni Scarlette. Kailangan ko ring mag ingat.
"Bakit? Sa tingin niyo ba si Dhrevey ang pino-problema at iniisip niya ngayon?"
Napaangat muli ang tingin ko doon sa taong nagsalita. Seryoso siyang nakatingin sa amin.
"Anong ibig mong sabihin?" Leazza.
"Bilang isang kanang niya sa Avalons. Malalaman ko kaagad kung anong iniisip niya. Right Emerald?" Fearrah.
Natigilan ako sa sinabi niya. Sabay namang napatingin ang lahat sa akin. Napatingin ako ng Seryoso kay Fearrah.
"What are you trying to say?" Sabi ko sa kanya.
Tumayo siya at naglakad patungo sa akin.
"Binigyan ka ni Scarlette ng mission, bago mangyari ang nangyari kay Dhrevey. Nabasa ko accidentally ang nasa folder na binigay ni Scarlette saiyo. Kaya inalam ko rin ang mga iyon na siguradong alam mo na rin.." Fearrah.
Natigilan ako.
"Anong ibig sabihin niyong dalawa?" Heart
"Its abo--"
"Its about montemayor, Am I right?"
Napalingon kami ni Fearrah sa nagsalita, kay Leazza.
She smirk.
MAy hinagis siya kaya agad iyong nakuha ni Sunny. Napatayo ako ng makita kung anong folder iyon.
Nandoon lahat nakalagay ang Impormasyon tungkol sa Montemayor. Paano iyon nakuha ni Leazza.
"Oh my ghad!" Sabay nilang sabi.
"MOntemayor Family got m******e 45 yrs ago? Ordered By the wife of Mr.montemayor? She Killed one of her Twin daughter Sheanna and she take sheanna's twin,Shearra. Mrs.Sharlyn Montemayor is the daughter of Carteen's Rival, Novoh clan. She's the one who ordered to kill her own Family. The Montemayor Family.." Basa ni Heart.
Napaupo ako ng muling marinig iyon. Hindi pa rin kasi ako makapaniwala. Lalo na ng sabihin sa akin ni Scarlette ang tungkol sa panaginip niya. Oo sinabi niya sa akin. Kaya niya ako inutusang kumuha ng Impormasyon tungkol sa mga Montemayor, dahil gusto niyang malaman kung totoo ang panaginip niya.
By this time, nasa spain siya. Siya lang mag isa. Hindi siya nagpasama ng iba. Kahit kay Hervey at Andrea.
"Eh anong koneksyon ng montemayor kay Scar?" Heart.
"Oonga,"
"Ask her," Tukoy ni Leazza sa akin kaya napatingin silang lahat sa akin.
"You know about this, Emerald." Sunny.
Hindi ako nagsalita.
"Why? Why are not speaking? Is it beacuse one of us is a Traitor?" Heart.
Napatingin ako kay Heart at napailing.
"Yeah, I know everything. Kung kayo ang nasa posisyon ko. Makakapagsalita pa kaya kayo, kung alam niyo lahat ang pinagdadaanan ng isang taong napakahalaga sainyo? You know Scarlette for a long time. Malihim siya. Kaya kung ano man ang gusto niyong malaman. Hintayin niyo siyang magsalita. Sa kanya kayo magtanong, 'wag sa akin." Inis kong sabi.
Kinuha kong muli ang gamit ko at tumayo. Muli akong tumingin sa kanila.
"At isa pa, Wala akong pakialam kung isa sa atin dito ang Traidor. Dahil panigurado, na bago pa malaman ni Scarlette ang tungkol sa Montemayor. Alam na ng traidor na iyon ang lahat, bago siya maging isa sa atin. Trying to be nice, Be a friend and trying to care. That's a traitor. Isa pa, bago tayo nagsamasama lahat. Alam niya lahat sa atin. Kung saan tayo galing, kaya kung kasama man natin ang traidor dito. All I can say is, Your a great Pretender." Seryoso kung sabi at lumabas na.
Pagkalabas ko, napasandal ako sa pinto.
Babae.
'Babae ang traidor at hindi lalaki. Siya ang leader at siya ang pumatay kay Armel'
Naalala ko ang sinabi ni Scarlette. Alam ni Scarlette kung sino ang traidor pero hinahayaang lang niya.
Ano gusto mong mangyari Scar?
Na mananaig ang pagkakaibigan niyo kaysa sa galit? Kaya hindi ka kumikilos para sa kanya? That's nonsense.
**SCARLETTE POV**
9:am
La Almudena Cemetery
Madrid,Spain.
Napatingin ako sa puntod na nasa harapan ko. Medyo natagalan bago ko ito makita. Buti na lang at may caretaker na nagturo sa akin nito.
Dahan-dahan kong nilapag ang bawat bulaklak na dala ko. Sinindihan ko rin ito ng mga kandila na dala ko. Matapos kong masindihan, Umupo ako at tiningnan ang bawat puntod.
Dheammy Carteen Montemayor
Arjead Montemayor
Arjead Montemayor J.r
Sheana Montemayor
Napatingin ako sa puntod ni Sheana. Paano ni mommy napaniwala ang lahat na patay na si Sheanna. Ganong buhay ito at kasama niya noon.
Me, I am sheana.
Hindi ko alam kung bakit ngayon ko lang nalaman ang koneksyon ng Montemayor. Oo alam ko at nabasa ko sa unang libro na, Nagpakasal si Dheammy Carteen sa isang Montemayor. Pero hindi ko alam na nagpakasal at nagmahal din ang isang Montemayor, sa isang Novoh.
Kailangan kong malaman ang lahat tungkol sa kanila.
Muli akong napatingin sa puntod ni sheana.
Lumapit ako sa puntod at tiningnan ang paligid nito. Dahil sa panaginip ko, may nilagay na isang box ang tunay kong ina na may lamang kwentas. Hinanap ko ito sa paligid nito hanggang sa mapansin ko ang isang kulay itim na bato. Tinanggal ko sa pagkakalibing. Pagkatanggal ko, may isang laso akong napansin kaya hinila ko ito.
Nahila ko ito kasabay ng isang box na maliit.
Ito na nga iyon.
Kinuha ko at binuksan pero natigilan ako ng mapansing hindi kwentas ang naroon, Kundi isang papel at isang susi. Kinuha ko ang papel na may nakasulat at binasa.
Once you found out who you are. Keep this key, this is the key of a box And inside the box you will find the 2nd Book. But I want you to give this key to your dearest Daughter.
You can find that at 'Dheammy's Library'
Its been a long time. My dear twin, Be ready. Cause we will meet someday.
Sheara.
Napaupo ako sa nabasa ko. Napatingin ako sa susi. Susi ito sa box kung saan naroon ang Pangalawang libro at matatagpuan ito sa Library ni Dheammy.
Ang tanging nakuhang impormasyon lang ni Emerald ay isang Carteen si Dheammy. KApatid niya ang asawa ni lola na si Ellionor Deno Carteen.
At saan ko naman matatagpuan ang Library Ni Dheammy Carteen. Sa pagkakaalam ko, Matagal ng nasira ang mansion ng mga Carteen sa Cavite. Maging ang pag aari ng mga ito sa ibang bansa ay naibigay na sa kamag anakan ng mga Carteen pero syempre may napunta din sa mga anak nila At tanging si Tito herbert nalang ang natitirang Carteen na anak ni lola Scarbeth.
Pero sa tingin ko, walang alam si tito herbert tungkol sa libro. Dahil ni minsan hindi niya ito binabanggit sa akin. Maging si tito minardo. Sa magkakapatid na Carteen-Wang.
Si tito herbert na lang ang buhay sa kanila.
I sighed.
Dalawang tao lang ang alam kong pwedi kong pagtanungan tungkol sa mga montemayor.
Si dad at tita Analie.
Dahil si tita, nakita ko sa panaginip ko. Kaya malamang may alam siya. Si dad,Bukod sa naging Boyfriend niya si mommy noon at asawa ni tita analie. Malamang may alam din sya tungkol sa Montemayor. Silang dalawa lang ang makakapagsabi sa akin ng lahat.
Sharlyn Novoh-Montemayor.
My real mother.
Naalala ko ang mga sinabi niya sa panaginip ko, dito mismo sa puntod. Malinaw pa sa akin ang mga narinig ko.
"Patawarin niyo ako, Arjead sana mapatawad mo ko. Kung di dahil sakin di ka mawawala, di kayo mawawala. Kasalanan ko. Ako ang pumatay sa pamilya mo, ako ang sumira sa pamilya natin..."sambit nito.
"Patawarin nyo ako. Wala akong nagawang tama Arjead. Mali ang mga naging desisyon ko, na maging pamilya natin nasira dahil saakin. Nagsisi ako kung bakit hinayaan nilang kontrolin nila ako. Kinontrol ako ng sarili kong magulang at kapatid. Kaya wala akong nagawa kundi sundin sila. Na patayin kayo lahat..."
"Pero ngayon nagising na ako sa katotohanan. Pangako ko Arjead, Kung ngayon ako ang dahilan ng pagkawala niyo. Ako din ang magiging dahilan upang kalabanin ang pamilya ko. Pangako ko na palalakihin ko si Shearra. Kaming dalawa ang magtutulungang pabagsakin ang mga Novoh. Pangako ko yan Arjead."
"Si Shearra ang magiging sandata ko. Sasanayin ko siya upang sabay namin kayong maipaghigante.."
Naramdaman ko ang pagtulo ng luha ko, habang inaalala ang panaginip na iyon na naroon siya. Panaginip na sa tingin ko totoo. Hindi ko maintidihan kung bakit sa tagal na panahon, ngayon ko lang nalaman. Buong buhay ko, umikot lang sa mga kaibigan ko, Sa Organization. Pero sariling pamilyang pinanggalingan ko hindi ko alam.
Wala akong alam. Para bang pinagkaitan ako ng katotohan. Ngayon nalilito na ako, tela ba kailangan kong dugtungan ang layunin ng pamilya ko.
Paghihigante.
Lagi nalang bang ganito?
Novoh.
Isang pamilyang sumira sa tiwala ng mga carteen. Ayun sa libro.
Isang Novoh nga ba ang nasa likod ng Yumirai mafia.
Oh isang Novoh ang nasa likod ng Acapella.
Acapella.
Sila iyong nais makuha si Dhrevey At hindi ko alam kung kailangan bang manatili akong tahimik ngayon.
Ang traidor na iyon. Napakagaling niyang paikutin ako. Oo alam ko noon pa man kung sino siya. Bago kami nagkakilala at naging kaibigan. Alam ko ang pinanggalingan niya kung anong klaseng pamilya meron siya. Bawat membro ng Legendary Ladies. Avalons at Knight wolf. Inalam ko kung ano sila. Pero isa lang ang nakapagbigay hinala sa akin.
Siya.
Isa siyang Novoh. Gumagamit siya na ibang apelyido. Pero isa siyang novoh. Ang hindi ko lang matukoy ay kung Acapella ba siya O yumirai.
I sighed.
Kailangan kong kumilos ng palihim upang maunahan siya. Dahil paniguradong ako na ang isusunod niya. Matapos kay Dhrevey.
Dhrevey, Baby. I hope your okay.
Hihintayin ko ang pagbabalik mo.
Muli akong napatingin sa puntod.
"Pangako, hindi ko na palalampasin pa ang nangyari sa inyo. Kung kailangan kong maghigante gagawin ko. Pagbabayaran nila ang pagsira nila sa Carteen at Montemayor"sambit ko.
Yumuko ako bago naglakad paalis.
May tiwala ako sa mga taong nagtitiwala sa akin at alam ko kung sino-sino ang pagkakatiwalaan ko sa Organization.
Yumirai.
Novoh.
Pagbabagsakin ko kayo tulad ng ginawa niyo,sa pamilya ko.