SCARLETTE POV Napabuntong-hininga ako at nilapag ang papelis na hawak ko. Isang linggo na ang nakalipas noong nag usap kami ni Dhrevey at di na iyon nasundan. Kahit nasa iisang bahay lang kami, hindi kami nag-uusap. Para bang naging ibang tao kami sa kaniya. Hindi pa rin mawala ang sinabi niya sa akin. "I want you, to give my freedom to leave to become a normal person or give me all your authority to become the empress of Mafia Assassin." Muli akong napabuntong-hininga. Hindi na ako makapag isip nang mabuti dahil nalilito na rin ako. Hindi ko inaasahang magiging ganito ang anak ko. Oo ganyan na ganyan ako kumilos noon, pero hindi ako tulad niyang mag isip. Kapag pinakawalan ko s'ya At ibigay ang gusto niyang kalayaan. Napakahirap gawin iyon. Dahil kapag pinakawalan ko siya, mahihirapa

