3RD PERSON POV Naglakad papasok si Dhrevey sa isang Laboratory. Habang nakasuot ng lab-gown at naka mask. Kasunod niya ang isang scientist na may bitbit na tray, may nakalagay na isang maliit na chip at isang syringe na may lamang red liquid. Pumasok sila sa isang kwarto. Nakita niya ang isang babaeng nakahiga sa isang kama habang pilit na kumawala sa tali. "Pakawalam niyo ako! Ano bang gagawin niyo sa akin! Hindi niyo ba ako kilala huh?!" Napailing si Dhrevey nang marinig niya boses nito. "Masyado kang maingay," sabi niya dito. Napalingon ito sa kaniya. "Dhrevey? You! Ikaw ang may gawa nito? Pakawalan mo ko hayop ka!" sigaw nito sa kanya. Ngumisi si Dhrevey sa kaniya. "Sabi ko naman saiyo 'wag mo kong kakalabin dahil iba ako magbigay nang parusa, Karylle," sabi niya dito. Napatin

