Kabanata 1
"Kaloka naman!” inis na sambit ni Marya nang masiraan ng gulong ang sinasakyan niya patungo sa may Villa De Luca. Kung nasaan ang kanyang nobyo.
“Lokong Dominic, hindi niya sinabi malayo pala sa Maynila ang tirahan niya at malala pa, pinasundo niya lang ako sa driver!” humahaba ang ngusong reklamo niya at lumakad sa malapit na kainan nang makaramdam siya ng gutom.
“Isang order ng hotsilog,” aniya sabay labas ng kanyang pitaka para magbayad.
Ilang sandali pa ay nakaupo na siya sa kanyang mesa. Mabilis na tinusok niya ang malaking hotdog at sinubo.
“Who are you and why are you sitting in my chair?”
Napatigil siya ng marinig niya ang lalaking-lalaki boses sa kanyang gilid. Nang tumingala siya ay nanlaki ang kanyang mga mata sa nakita.
“Ang pogi!” hiyaw ng maharot na utak niya.
Seryoso ang mukha ng lalaki habang nakatitig sa kanya, nakasuot ito ng polo na black. Hindi niya maiwasang titigan ang braso nitong malaki, at ang malapad nitong dibdib.
“Hey, l'm talking to you. Are you deaf or what?”
Napakurapkurap siya at sumagot pero hindi maintindihan ang sinasabi niya kasi nasa bibig pa pala niya ang malaking hotdog. Niluwa niya ito at tumayo sabay pameywang sa harap ng lalaki.
“Eh, sino ka ba? Nauna ako umupo dito no,” aniya sabay tingala dahil mataas ang lalaki sa kanya.
Kumunot noo ng lalaki. “Nauna ako, at ang bag ko ang ebidensya,” sagot nito sabay turo sa gilid.
Sinundan niya ng tingin ang tinutukoy nito at nakagat labi siya nang mapansin may bag nga roon. Hindi niya lang napansin.
“See. This is my table and that's my chair,” mariing ani ng lalaki.
Huminga siya ng malalim. “Sorry naman. Gutom na kasi ako kaya siguro hindi na ako nag-abala pang tumingin-tingin–”
“I don't want to hear your excuses,” malamig na giit ng lalaki.
Nanlaki mga mata niya. “Aba'y napaka-suplado naman ng lalaking ito!” bulong niya.
“What did you say?”
“At englishero pa. Naku naman, bakit ba ang malas ko ngayong araw na ito?” dagdag na bulong niya.
“Miss, if you are doing this to get my attention and want to pick me up as your customer, then you’d better drop that idea–”
“A-Ano sabi mo? Hindi ako nagpapansin sa iyo no. Lalong hindi ako pokpok! Birhen pa ako kaya't huwag ka ngang judger diyan, tusukin ko iyang bibig mo ‘e!” angil niya at kinuha ang tinidor sabay tuktok sa lalaki.
“Oh, is that so?” taas kilay na tanong ng lalaki.
“Oo naman. Mukha ba akong kadlakarin babae, huh? Sa gandang kong ito,” aniya sabay ayos pa ng buhok.
Tiningnan siya ng lalaki mula ulo hanggang paa tapos binalik nito ang tingin sa mukha niya.
“Well, you are right–”
“Oo naman. Ako pa ba!” putol niya sasabihin ng lalaki.
Tumitingin sa kanya ang lalaki ng matagal tapos bumuntong-hininga ito.
“Sure, whatever you say. Let's just share this table then,” sabi bigla ng estranghero.
Sa narinig ay mabilis siyang umupo sa harap nito sabay ngiti ng malapad.
“Mabuti pa nga,” sang-ayon niya at mabilis na tinusok ang hotdog gamit ang tinidor at dinala sa kanyang bibig.
“Ay inang! Ang laking hotdog naman ito ‘e!” bulalas niya ng sumakit banga niya sa kakangaga at pagnguya.
“You can't handle XL size?”
Napatigil siya sa pagnguya nang marinig niya ang boses ng lalaki. Hindi niya akalaing binabantayan pala nito ang kanyang kilos.
“Of course l can,” mabilis na sagot niya at kumagat ulit ng hotdog.
“Kahit i-deep throat ko pa,” pilyang dagdag niya sabay ngiti.
“Well, XL is just a basic size. How about XXL? Can you handle it?”
Napatitig siya sa lalaki. “Hindi pa ako nakakita ng hotdog na XXL ‘e, pero paniguradong pasok pa din sa bunganga ko,” sagot niya sabay tawa.
“That's good to know…”
Tumaas kilay niya sa sagot ng lalaki. “Pero… does this kind of size really exist?”
Tumingin ang lalaki sa kanya, nagkatitigan silang dalawa.
Bumuka ang mga labi ng lalaki para sumagot pero biglang tumunog ang cellphone niya kaya't mabilis niya iyon kinuha sa kanyang bag. Si Dominic, nagpadala ng mensahe kung nasaan na ba siya. Bigla siyang nagising sa kabaliwan niya.
She has a boyfriend! Why would she exchange a flirty and dirty conversation with a stranger? Tumayo siya.
“Kailangan ko na umalis. Salamat sa pagpa-share ng table,” aniya at dali-daling lumakad palabas. Narinig niyang tinawag ng lalaki ang kanyang atensyon pero hindi na siya lumingon pa.
***
When Marya arrived at Villa De Luca, she knew something was wrong. Para kasing may nakamasid sa bawat galaw niya.
“Marya! Mabuti naman at dumating ka na.”
Napakurapkurap siya nang marinig niya ang boses ng kanyang nobyo. Ngumiti siya nang makita niya ang gwapong mukha nito.
“Oo naman kahit na ang layo ng biyahe ko para lang sundan ka rito,” aniya na humaba ang nguso.
“Sorry, love. May inasikaso ako kanina kaya't hindi kita na sundo, huwag ka na magtampo, hmmm,” malambing na amo ni Dominic sa kanya sabay hawak sa kamay ng mahigit at kinabig siya para yakapin.
Napangiti naman siya at yumakap sa nobyo. Sa ganung tagpo sila nang may narinig silang tumikhim.
“Uncle! Kailan ka dumating?” nagagalak na sabi ni Dominic.
Mabilis naman siya kumalas sa nobyo at tingnan kung sino ang kausap nito. Napa-atras siya ng makita kung sino ang tinawag nitong Uncle.
“Tinunto ito! Bakit siya pa?” bulalas ng utak niya nang magtama ang mga mata nila ng lalaking kasalo niya sa iisang mesa sa kainan.
“Who is she?” tanong ng lalaki gamit ang malamig na boses at tumingin kay Dominic.
Hinawakan ni Dominic ang kanyang kamay. “She's my girlfriend. Marya, she's from Iloilo City.”
“And why did you take her here? Did you get her pregnant, Dominic?” seryosong tanong ng lalaki sabay tingin sa kanya na tila ba sinusuri nito buong pagkatao niya.
Hindi niya maiwasang paikutin ang mga mata. Sinabi na niyang birhen pa siya! Papano naman siya mabubuntis? Gayong sa text lang naman sila lagi nag-uusap ni Dominic at gayon lang sila nagkita sa personal. Mapanghusga talaga ang lalaki ito! At matalas ang dila.
Natawa si Dominic. “Si Uncle talaga ang advance mo mag-isip. She's not pregnant.”
“Then why is she here? Magtatanan ba kayong dalawa? Dominic, l just want to remind you, you are still in college and your—”
“Uncle, huwag ka mag-alala, hindi pa ako mag-aasawa. Pinasunod ko dito si Marya kasi wala siyang matutuluyan sa Maynila at kailangan niya ng trabaho,” paliwanang ni Dominic at pinisil ang kanyang mga kamay.
Totoo ngang kailangan niya ng trabaho maliban sa pagsusulat ngunit hindi iyon ang rason kung bakit siya narito. Akala kasi niya ay mag-l-live in na sila ni Dominic, hindi niya sukat akalaing sa bahay pala ng Tiyuhin nito sila titira.
“At pano pag-aaral mo sa Maynila?” tanong ng Uncle nito.
“Uuwi ako sa lunes, at pwede bang dito na lang mo na si Marya? Habang naghahanap pa ako ng trabaho para sa kanya? At tirahan sa Maynila,” pakiusap ni Dominic.
Kumunot-noo niya. Iiwan siya rito ng lalaki? Aba bakit hindi nito sinabi kaagad?
“At ano gagawin niya rito?” tanong ng Uncle ni Dominic na animo'y hari kung umasta at magsalita.
Nagkatinginan silang dalawa ni Dominic. Masama loob niya sa kasintahan pero ano pa ba magagawa niya? Eh, narito na siya.
“I can't let her stay here for free,” dagdag pa ng lalaki.
Niyukom niya ang kanyang mga kamao at tumingin my diretso sa mga mata ng lalaki.
“Ano gusto mong gawin ko? Maging katulong mo rito?” matapang na tanong niya.
Nagkibit-balikat ang lalaki. “Why not? Since l don't have any other maid here besides Nana Rusing, l can hire you as my maid.”