Bumuka-sara naman ang kanyang mga labi sa hirit ni Uncle Leon. "Wow! Bumabanat ka na ngayon, Leon?" untag ng lalaki nasa may pilot seat. "Shut up, Timothy, magpukos ka na lang diyan sa ginagawa mo at siguraduhin mong gumagana lahat at walang palya," seryosong sabi naman ni Uncle Leon. "Wow, as if you are paying me to do these things for you. Kung hindi lang kita kaibigan hindi ko ito gagawin," giit ng lalaki na gwapo at malaki ang katawan, kulay abo ang mga mata. Mahaba ang pilikmata at makapal ang kilay, at mukhang maskulado din dahil umumbok ang maskulado braso nito sa suot na pilot uniform. "Come on, bud. Hindi naman kita pinilit na gawin to, in fact, ikaw ang nagpumilit dahil sabi mo bored ka dahil nasa vacation leave ka ngayon, at isa pa'y hindi ba't sa Banguio rin ang inaanak

