“H-Hindi ka na bata kaya't kaya mo na iyan pakainin ang sarili mo,” nautal na giit niya at napaiwas ng tingin. “That's right. I'm no longer young but, does it matter? Gusto ko lang naman nanlambing mahirap ba iyon, Marya?” Napakurapkurap siya sa sinabi ng lalaki. At nalaglag ang kanyang banga lalo pa nang makita niya ang ekspresyon ng mukha nito. Seryoso ba ito? Nagagawa pa nitong magtampo dahil lamang ayaw niya pumayag na subuan ito? Hindi niya akalaing sa laking tao nito ay mabilis itong magtampo. Bumuntonghininga siya. “Sige na nga, susubuan na kita,” pagsuko niya dahil parang ka-awang-awang tuta ang mukha ng lalaki. Umangat ang gilid ng labi nito hanggang sa kumurba na ang ngiti sa mga labi nito at mabilis itong umayos na ng upo. “Aba tuwang-tuwa ang gurang! Akala mo naman na

