Kabanata 9

1572 Words
Napalunok naman siya ng kanyang laway, natuon ang kanyang paningin sa may hotdog na tinusok ng lalaki at unti-unting tumaas sa mukha nito, she could read amusement in his eyes. Na parang bang nang-aasar. “Heh! Kumakain ka na lang diyan,” aniya at mabilis na hinawakan ang tinidor at pinasubo sa lalaki ang hotdog na tinusok nito. “Ang sarap gusto mo din ng hotdog? Ang sa seafoods ha? Masama kasi sa iyo ang hotdog ko,” natatawang sabi nito sabay tusok ng slice ng hotdog at akmang isusubo sa kanya pero lumayo siya. “Sa iyo na lang iyang hotdog mo, hindi naman iyan masarap!” masungit na aniya at inirapan pa ito. “Alin na hotdog? Iyong sa seafoods o iyong hotdog ko na hilaw at malaki?” pang-asar ng lalaki at ngumisi pa. Magkasalubong naman ang kilay niya at inilagay ang kanyang mga braso sa kanyang dibdib. “Both! Parehos hindi pasok sa panlasa ko, kaya't iyong-iyo na,” aniya at sumubo ng kanin at lechon. “Hindi mo pa nga natitikman pano mo nasabing hindi pasok sa panlasa mo?” taas kilay na tanong ni Uncle Leon sa kanya. Tinaasan niya rin ito ng kilay. “Ano ba talaga pinaglalaban mo?” Natawa ang lalaki. “Nothing, by the way, what do you do for a living?” Napakurapkurap siya ng iniba nito ang usapan. Ngunit bigla siyang natahimik kasi hindi niya masyado na intindihin ang tanong nito. Ano raw, what l do for living? Hindi ba't parang mabuhay ay kailangan niya huminga? Kumain at matulog? Umayos siya ng upo. “Ano pa nga ba, edi huminga, kumain at matulog…” Napatitig si Uncle Leon sa kanya, bumaka-sara ang mga labi nito hanggang sa natawa na naman ang lalaki. Bakit ata panay tawa nito? Mukha na ba talaga siyang katawa-tawa sa paningin nito? Pinagkrus niya ang kanyang mga kamay sa kanyang dibdib. “Umamin ka nga, Leon, nag-drugs ka ba? O sadyang katawa-tawa lang ako sa paningin mo?” tanong niya rito dahilan para matigil ang lalaki sa kakatawa. “What? I'm not using drugs, what made you say that? At hindi katawa-tawa, sadyang naaliw lang ako sa iyo,” sagot ng lalaki sabay kumpas pa ng kamay. Ngumuso siya. “And you can now say my name, huh? It's sounds great, you should do it often,” dagdag pa ng lalaki at may naglalarong ngiti sa mga labi nito. Hindi niya maiwasang mapatitig sa gwapong mukha nito. He's no longer looking intimidating just like the first time they meet. Mas kalmado at mapalangiti na ito. “And about my question earlier, ang ibig ko sabihin roon ay, ano trabaho mo? Bago ka pa man lumuwas ng Maynila,” giit ng lalaki nang mapansin na hindi siya kumikibo. “I'm a writer,” proud niyang sagot sabay subo ng fries and pizza. Napatango-tango ang lalaki. “You are a writer? Wow, what kind of writer are you?” Kumunot noo niya. Bakit may pa question and answer ata ngayon ang lalaki? Bored na ba ito kaya't siya ngayon ang napagdiskitahan. “Kind?” tanong niya sabay tingin rito. “Yes…” “Ahmmm, nagsusulat ako, ganun klaseng writer,” sagot niya. My kind of writer pala? Bakit hindi siya na inform? O baka naman hindi niya lang maintindihan ang question kasi English, hindi kasi siya ganun ka maalam sa english, kasi nga high school lang tinapos niya at hindi pa iyon tuloy-tuloy, panay din ang absent niya. Lumawak lang kaalam niya sa filipino at naging manunulat at manunula siya dahil sa mahilig siya magbasa ng pocket books. “Alam ko nagsusulat ka, ang tinatanong ko ay anong klaseng writer ka? Ano mga sinusulat mo? Romance na, action, o science fiction?” paliwanag ng lalaki sa kanya. Sumimangot siya. “Eh, bakit kasi ini-english-english mo pa. Marunong ka naman magtagalog ‘a,” panisisi niya rito. Natawa lang si Uncle Leon. “So, ano na nga? Anong klaseng manunulat ka, Marya?” Napatitig siya rito. Sasabihin ba niya ang totoo? Na ang mga sinusulat niya'y hindi lamang simpleng romance, kundi dark at erotic romance? Ngunit pano kung husgahan siya nito? Gayong isa siyang babae pero bakit iyon ang mga sinusulat niya? Ayaw niyang mahusgahan dahil sa uri ng sinusulat niya at ayaw niya magbago ang tingin nito sa kanya. Iyon kasi lagi nangyayari, marami siyang natatanggap na mga panghuhusga lalo sa mga kalalakihan minsan nga'y nababastos pa siya ng mga ito dahil lamang ang tema ng sinusulat niya'y erotika at dark. “Come on, tell me, ano klaseng manunulat ka, Marya? Gusto ko malaman ang mga sinusulat mo, kung hindi mo tinatanong ay, mahilig din ako magbasa,” dagdag ng lalaki nang mapansin na natahimik siya. Pinaglaruan niya ang kanyang mga daliri. “Ahmm, ano, romance, iyon ang mga sinusulat ko,” aniya na lamang na hindi tumitingin rito. “At nagsusulat din ako ng mga tula ganun,” dagdag niya. “Tula? Wow, pwede ba makarinig ng sampol sa iyo?” biglang request ng lalaki. Naku! Bakit ba niya sinabi na nagsusulat siya ng tula? Humingi tuloy ito nag-sampol. “Come on, Marya, pagbigyan mo na ako kahit ngayon lang. Parinig ng tulang gawa mo,” pangungulit ng lalaki. “Pero hindi ako nakapagprepare,” mahinang sabi niya. “Huwag ka mag-alala hindi naman ako ganun ka maalam sa tula, kaya't kahit ano ay pwede na,” nakangiting sabi ni Uncle Leon sa kanya at sumandal sa may armrest ng sofa. Mukhang tapos na ito kumain. Umayos naman siya ng upo. Magkatabi lang sila pero may space pa naman sa pagitan nila. Kaya't hindi sila magkadikit. “So, may naisip ka na ba?” biglang tanong ng lalaki sa kanya. “Teka, ligpitin ko mo na ito,” aniya at inayos ang mga pinagkainan nila. Pinaghiwalay ang mga pagkaing na bawasan at hindi. “Tulungan na kita,” alok naman ng lalaki nang makitang tumayo siya bitbit ang mga pagkain. Nais niya kasing ilagay sa maliit na ref na sa loob ng motel room para hindi mapanis at huwag langgamin. “Oh, sige, ikaw bahala,” sagot naman niya at lumakad na papunta sa may ref, bitbit ang mga plastik. “Pwede pa natin makain ito bukas o dalhin sa mansyon, pwede kong lutuin na dinuguan ang natitirang letchon, bilhan lang ng mga ingredients na kailangan, at itong seafoods ay pwede rin initin,” aniya habang pinapasok ang mga pagkain sa ref tapos ay lumingon siya. Napa-atras siya at napasinghap nang paglingon niya ay nakita niya si Uncle Leon nakatayo sa likuran niya at malapit na malapit sila sa isa't-isa. Habang pinapasok din ng lalaki ang mga bibit nito sa ibabaw ng ref. “Tama ka, mabuti naman at marami kang alam tungkol sa bagay na ito, mukhang tama ang desisyon kong i-hire ka bilang katulong ko sa mansyon,” sagot ng lalaki at tumingin sa kanya. Kanina kasi ay sa may ginawa nito ang atensyon ng lalaki, ngayon ay nasa kanya na. Nang magtama ang mga paningin nila ay biglang tumibok ng mabilis ang puso niya kaya't mabilis siyang yumuko at umalis sa ilalim nito sabay lakad pabalik sa may sofa. “Kailangan ko matutu ng mga ganiyang bagay kung gusto ko mabuhay. Oo nga pala, bakit hindi ka naghanap ng katulong sa mansyon mo? Gayong napakalaki nun at hindi kakayanin ng matanda kung siya lang maglilinis at mag-aalaga sa lahat,” pang-iiba niya ng usapan habang nililisan ang lamesa. “Hindi sa ayaw ko, wala lang talagang may gusto magtrabaho sa mansyon, maliban sa mga babaeng may ibang pakay,” sagot ng lalaki at umupo sa sofa kaya't magkaharap na sila. Kaaagad naman siya umayos at baka sumilip ang bundok niya at makita pa nito. “Pakay? Anong pakay naman iyan? At bakit naman ayaw nila magtrabaho sa mansyon mo? Dahil ba strikto kang boss?” Nagpade-kwatro ang lalaki sabay sindi ng sigarilyo nito. Mabuti na lamang at hindi masyadong strikto ang motel pagdating sa paninigarilyo. Bumuka muna ang lalaki ng usok tapos tumingin sa kanya. “Ano pa bang ibang dahilan para pumayag ang isang babae magtrabaho sa isang mansyon na malayo sa bayan at nasa tuktok ng bundok? Wala kang ibang makikita kundi puro puno at mga halaman?” sagot patanong nito. Kumunot noo niya dahil hindi niya talaga maintindihan. “Ako ayos lang naman sa akin magtrabaho sa mansyon, lalo pa't maganda ang lokasyon, ano problema kung malayo sa bayan at puro puno at halaman lang makikita? Mas maganda nga iyon, masarap sa mga mata at tahimik ang buhay,” giit na lamang niya. “Not everyone is like you, Marya. Ibang babae ay ayaw sa ganyang buhay at kung pumayag man magtrabaho sa mansyon ay iyon ay may balak na maging Mrs De Luca,” seryosong pahayag ng lalaki. Napatigil siya sa pagpunas ng lamesa. Ang ibig na nitong sabihin ay, may mga babaeng gusto itong akitin kaya't pumayag magtrabaho sa mansyon nito? “Kaya't mas mabuti nang huwag na lamang ako maghanap ng katulong…” dagdag nito. “Eh, bakit tinanggap mo ako?” bulalas niya bago pa man niya napigilan. Minasdan siya ng lalaki na animo'y pinag-aaralan nito ang kanyang mukha. “You are different,” mayamaya ay sagot nito. Kumunot-noo niya. “Anong different? Babae din ako ‘a–” “Pero wala ka namang atensyon na akitin ako at maging Mrs De Luca, hindi ba?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD