Kabanata 7

1640 Words
Buong akala ni Leon ay itutulak o sasampalin siya ng dalaga sa kanyang kapanghasan ngunit laking gulat niya nang… “Of course. Who doesn't want to be f**k hard and rough? Iyong tipong pati banig ay yayanig, at manginig ng todo ang mga kalamnan mo sa sobrang tindi ng sensyasan at kiliti…” Parang nananaginip na sabi ng dalaga dahilan para mapataas ang gilid ng kanyang labi. He doesn't expect her to be this shameless. Ang nakakagulat pa, he doesn't dislike it, instead he surprisingly likes it. “Oh, bakit ganyan ka makatingin?” nakataas kilay na tanong ng dalaga sabay tulak sa dibdib niya kaya't napaayos siya ng tayo at nabitiwan na rin niya ang baba nito. He was supposed to tease her, but it turns out, the woman amaze and surprise him instead. Napailing-iling siya at bahagyang natawa, hindi niya alam kung matatawa ba siya sa sarili o dahil sa babae. Habang napatitig naman si Marya kay Uncle Leon na gumagalaw ang mga balikat habang tumawa ng marahan. “Nanyare sa iyo?” nagtatakang tanong niya dahil wala namang nakakatawa bakit ito natatawa? Tumingin ang lalaki sa kanya at tumigil sa pagtawa. “Nothing, don't mind me,” sagot nito habang nakangiti. Napatitig siya rito. “Ay lintek! Bakit bigla ata siyang gumagwapo ng todo ngayong ngumingiti siya?” “Marya?” “Disyoko ka, Inday! Huwag kang ganiyan! Tiyuhin iyan ng iyong nobyo kaya't maghunos dili ka!” bulong ng utak niya. May tumapik sa may balikat niya kaya't napakurapkurap siya. “Are you alright? Bakit natulala ka ata?” malumanay na tanong ni Uncle Leon sa kanya. Napatitig siya rito, tapos bumaba ang kanyang tingin sa mamula-mulang labi ni Uncle Leon, tapos hindi sinasadya bumaba ang kanyang tingin sa may malapad at mabalbon na dibdib nito na nakausli dahil tulad niya'y nakasuot lang rin ito ng bathrobe. Wala sa sariling napalunok siya. “Umayos ka, Marya! Huwag mo pagpatansyahan ang gurang na iyan! Bawal iyan!” Bulong ng utak niya. “You shouldn't look at me like that, Marya…” Napakurapkurap muli siya nang marinig niya ang sinabi ng lalaki. “Huh? Ano ibig mong sabihin?” patay malisyang tanong niya at hindi tumitingin rito. “Ang ibig kong sabihin ay hindi mo dapat ako tinitignan ng ganun na para bang gusto mo akong halikan at dakmain,” seryosong sabi ng lalaki. Dahilan para manlaki ang kanyang mga mata. “Luh! Ang OA mo, Uncle. Hindi naman ganiyan ang iniisip ko habang tinitignan kita!” Matagal siyang pinagmasdan ng lalaki na para bang sinubukan nitong alamin kung nagsasabi ba siya ng totoo o hindi. Umiwas naman siya ng tingin at nag-krus finger. “Ay inang! Sana wala siyang mapapansin na kung ano sa mga mata ko! O sa galaw ko!” “Totoo, tinignan ko lang ang bathrobe mo kung parehos ba tayo ng design,” mga salitang lumabas sa labi niya bago pa man niya mapigilan. Umangat lang ang gilid ng labi ng lalaki pero hindi ito nagkomento kaya't napakagat siya ng kanyang ibabang labi. Mayamaya pa ay narinig niyang bumuntonghininga si Uncle Leon kaya't napa-angat siya ng tingin. “I think we should check some food for us, dahil mukhang walang plano ang ulan na tumigil,” biglang sabi nito. Bigla tuloy kumalma ang sikmura niya at bago pa man siya makasagot ay nauna na nagreklamo ang tiyan niya. “I see. It seems your stomach agrees with me,” sabi ni Uncle Cenon at nag-smile na naman. Lumabas tuloy ang biloy nito sa magkabilang pisngi. “Lintek! Ang pogi niya talaga!” hiyaw ng maharot niyang utak. Kaagad siyang umiling-iling. “Diyos ko marimar! Umayos ka, Marya at baka kung saan ka pa dalhin ng pa-admire-admire mo na iyan,” bulong ng isang bahagi ng utak niyang matino. “What do you want to eat?” tanong ni Uncle Cenon sa kanya at lumakad patungo sa may malaking window at sumilip. Huminga naman siya ng malalim at napaupo sa ibabaw ng kama. “Ano nga ba… gusto ko ng fried chicken, pizza, burger, ice cream, coke at spaghetti,” aniya habang nag-aaktong ng iisip. “You want fast food?” parang hindi mapaniwalang tanong nito sa kanya. Sumulyap siya rito na ngayon ay nakasandal na sa may dingding at nakapamulsa. “Bakit ba? Iyon gusto ko kainin at saka iyon lang ma-afford ko,” humahaba ang ngusong sagot niya sabay pinagkrus pa ang kanyang mga braso sa kanyang dibdib. “Don't worry l will pay for our dinner so, choose something else–” “Lilibre mo ako? Talaga?” natutuwang aniya. Mas masarap kaya ang pagkain kapag libre. “Oo, kaya't pumili ng maayos na pagkain,” seryosong sagot nito. Ngumuso muli siya. “Pero iyong mga binanggit ko kanina iyon ang cravings ko, pwede bang iyon na lang ang akin? Hindi ako mahilig sa mga mamahaling pagkain ‘e, pangalan pa lang ‘e halatang mahal na.” Akala niya'y ipagpipilitan nito ang gusto at maiinis sa kakaaretahan niya pero… “Alright but we should add soup and rice with your order,” giit nito. Pumalpak siya. “Pumapayag ka? Salamat naman, sige, ikaw na bahala.” Malapad ang kanyang ngiti dahil sa desisyon ng lalaki. Nakatitig lang si Uncle Leon sa kanya habang nakaupo siya sa may ibabaw ng kama at ginalaw-galaw ang kanyang mga paa sa tuwa. “Alright then, let me just make the order, if you like, you can go in the bathroom and continue drying your clothes, especially your inner clothes,” seryosong sabi nito. Nabitin tuloy sa eri ang kanyang ngiti. Naku patay! Mukhang nakita nitong nilabhan din niya pati panty at bra niya at ngayon ay wala siyang suot maliban sa bathrobe. “Hindi ko alam na mahilig ka pala sa mabulaklaking panty,” biglang dagdag ng lalaki dahilan para mapasinghap siya. “Oy! Anong masama doon? Eh, gusto mga ganung panty saka for your information soen ang panty ko na iyon, malambot at matibay!” nakanguso aniya at sabay tayo. “Halata ngang matibay kasi pinaglumaan mo na, isa ba iyon sa mga paborito mo?” nakangising sabi ng lalaki na animo'y tuwang-tuwa ito sa pang-asar sa kanya. Napanguso siya at hindi niya maiwasang padyak sa may sahig. “Bakit mo ba pa pinapakialam ang panty ko?” aniya at pinanlakihan ito ng mga mata. “Well, l just find it interesting,” nakangising sabi nito. “Laro ka, Angkol! Alam mo bang parang pambabatos na rin iyang ginawa mo?” aniya at nameywang pa. Tumaas baba ang kilay ni Angkol Leon. “Alright then, as an apology l will buy you a dozen of new underwear, how about it?” “Hala siya, masyado ka naman atang generous, Angkol–” “Stop calling me, Angkol. I told you, call me by my name, Leon,” saway nito at tinitingnan siya ng malalim na para bang wina-warningan siya nito. Napanguso siya sabay kamot sa kanyang batok. “Eh, masyado naman ata akong feeling close kapag mag-first name bases tayo.” Umangat ang gilid ng labi ni Angkol Leon. “Just do what l say or else…” “Ano?” mabilis na tanong niya. “You won't like what l will do to you,” seryosong dugtong nitong. “Wehh, hindi nga? Ano gagawin mo sa akin? You will break my neck? And throw me into the river?” aniya. Umaandar na naman ang pagiging writer niya kasi lumalawak na naman ang imahinasyon niya. Natawa ang lalaki. “No, l won't do that… Do l look like a murder to you?” Kanina pa ito, Ingles nang Ingles ‘a. Paubos na ang baon niya at malapit na dumugo ang ilong niya pati utak niya. “Eh, ano nga gagawin mo sa akin?” pangungulit niya. Biglang humakbang palapit sa kanya ang lalaki, sa haba ng legs nito ay sa isang kisapmata niya lang ay nasa harapan na niya ang loko. Napa-atras tuloy siya habang nakatingala rito. Mapasinghap siya nang biglang bumaba ang ulo ng lalaki, pigil hiningang napatitig siya rito nang tumapat ang mukha nila. At ilang hibla na lamang ang layo ng mga labi nila sa isa't-isa. Napapikit siya nang lumapit pa ang mukha ng lalaki sa kanya sabay lagay ng kanyang kamay sa dibdib nito para itulak papalayo, but it's useless! Uncle Leon is much stronger than her. “Just try to defy me, and you’ll see what punishment awaits you,” bulong ng lalaki sa kanyang tenga dahilan para manlaki ang mga mata niya. Bago pa man siya makasagot sa sinabi nito ay biglang tumunog muli ang kanyang tiyan. Tapos napakagat siya ng kanyang ibabang labi nang bigla na lang tumawa ang lalaki sa may balikat niya, tumama tuloy ang mainit na hininga nito sa kanyang leeg, napapikit siya ng mariin ng nakaramdam siya ng kakaibang kiliti na sumudlit sa kalamnan niya. “Crazy, it seems you are really hungry. I should order our dinner now, and not keeping you waiting,” nakangising sabi ni Uncle Leon at umayos ito ng tayo sabay kuha ng cellphone sa may bulsa nito. Habang siya’y napatakbo na lamang patungo sa may banyo, sa sobrang hiya. Na halos gusto niya na lamang ibaon ang sarili sa lupa. “Lokong gurang na iyo! Nawili na ata sa pang-aasar sa akin ‘a! At mukhang plano pa akong akitin! Parang namang maakit ako sa kanya,” mahinang aniya nang masirado na ang pinto. “Asus parang hindi lang nakiliti kanina ang kalamnan mo sa tawa niya ‘a at ini-admire mo pa nga ang kagwapuhan niya–” “Heh! Manahimik ka! Ano lang iyon, moments of karupukan pero hindi ibig sabihin ay bibigay na ako, l have my Dominic, duh,” kuntra niya sa kanyang hudas na isipan at napairap pa sa hangin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD