"Or should l say baby loves?" patuloy ng lalaki at ngumiti na pa. Umakyat naman lahat ng dugo sa kanyang mukha dahil sa hirit ng lalaki. "Bakit kasi nadulas ka pa? Kaloka ka! Nagpadala ka naman sa damdamin mo!" tahimik na kastigo niya sa sarili. "Gutom ka lang kaya't iba narinig mo, sabi ko Leon, hindi baby loves," pagsisinungaling niya na hindi makatingin sa lalaki. "Oh? Talaga ba, pero narinig ko talaga sabi mo baby loves 'e. You know what l like it, why don't we use it as our call sign?" nakangising sabi ng lalaki. Tumaas baba naman ang kanyang kilay. Kung maka-suggest ito 'e akala mo naman bagets na may pa call sign pa. "Huwag na, mas okay na iyong first name bases tayo," pagtanggi naman niya. "Right, l also like it when you call me by my name," sang-ayon naman ng lalaki

