Lumipas pa ang dalawang araw na wala siyang narinig kay Dominic, hindi rin umuuwi si Uncle Leon. “Ano kaya nangyayari sa dalawang iyon?” mahinang bulong niya habang naglilinis sa may kwarto ni Uncle Leon. Inutusan kasi siya ni Nanay Rusing na linisin para daw pag-uwi ni Uncle Leon ay malinis at komportable ang kwarto nito. Gayong parang wala naman siyang masyadong lilinisin sa loob. “Meow!” Napakurapkurap siya nang marinig niya ang kanyang pusa. “Pokemon! Bakit narito ka? Saan ka dumaan huh?” mabilis na usisa niya at mabilis pinuntahan ang pusa na sa ibabaw ni Uncle Leon naka-puwesto. “Bumaba ka diyan at baka madumihan mo't mapagalitan ako,” aniya at akmang kukunin si Pokemon pero tumakbo ito pababa sa kabilang dako ng kama kaya't mabilis na umakyat siya sa ibabaw ng kama ni Unc

