Tumaas baba ang kanyang kilay habang nakatitig sa gwapong mukha ni Uncle Leon. "Seryoso ka diyan?" tanong niya rito na hindi pa rin makapaniwala sa mga banat at hirit nito. "Oo naman. Sabi nga sa kasabihan, 'Kapag gusto maraming paraan, kapag ayaw maraming dahilan," giit nito at dinala pa ang mga kamay sa may baba nito na animo'y proud sa sinabi. "Kung ayaw mo ng tagalog, may English rin, 'If there's a will, there's always a way kaya't huwag ka mag-alala, sweetheart. Magagawan natin ng paraan iyang problema mo, all you need to do, is remove your clothes and climb on top of me," nakangising sabi nito. "Agoy! Perting yawa a. Mangita gid paagi ba, daw waay na gid ko sini sang luwas haw. Daw mabuka naman ang pangirahan ko sa daku ya nga b*to!" na pa ilonggo na utak niya sa pagkataranta

