“Oh, Engineer, napadalaw ka,” bungad ng isang lalaking sa palagay niya'y nasa forties na. “Hi, Al, good day. I’m here to get proof of the value of the vase my parents bought from your shop. Could you please provide the official receipt, certificate of authenticity, or any appraisal document that shows its price? It’s related to an incident that occurred recently. Thank you,” giit naman ni Uncle Leon. Kanina wala silang imik na dalawa sa loob ng kotse, hindi niya rin magawa basagin ang katahimikan dahil takot siya na baka mauwi lang silang dalawa sa pagtatalo, mukha pa namang badtrip ang lalaki. Ibang-iba noong mga panahong inaalagaan siya nito sa ospital. Nagalit ba ito dahil narinig nito ang usapan nila ni Dominic? “Of course, wait here. I will get it for you,” sagot naman ng lala

