Kuskos dito lampaso roon ang ginawa ni Amanda. Tinodo na rin niya ang paglilinis dahil baka may makita na naman si Arthur na dumi na hindi naman niya nakikita. Nilinis din nito ang buong kusina, maski ang pader ay ipinalampaso sa kanya ni Arthur. Parang sasabog na nga si Amanda, namumuo ang galit niya bigla, naiinis na siya nang sobra. So, ito ang paraan mo para pahirapan ako, ha? Ang nasabi na lang niya sa kanyang sarili. Hindi niya alam kung anong oras nang natapos si Amanda sa paglilinis. Basta ang gusto na lang niya ay umuwi at humilata sa kama nang makapag-pahinga na siya para may lakas naman siya bukas. Parang hindi na niya kasi kaya ang pagod. Nabuwal na nga siya kanina pero hindi na lang niya pinansin at nagpatuloy pa rin sa paglilinis. Kung magiinarte siya, kawalan ng trabaho ang

