"Maayos ka na ba? May masakit ba sa 'yo? 'Yong paghinga mo? A-ayos ba? H-hindi ka ba nahihirapan?" sunod-sunod na tanong sa kanya ni Arthur, habang inuusisa siya nito sa lahat ng parte ng katawan niya lalo na sa kanyang paghinga. "N-nasaan ako?" sa halip na sagutin ang mga tanong ni Arthur ay 'yon ang sinabi niya. Nanunuyo pa ang kanyang boses. Umupo naman siya sa pagkakahiga, inalalayan naman siya ni Arthur. "Nasa hospital tayo," sagot niya, "maayos ka na ba, hmm?" muling tanong niya, gustong malaman para hindi siya mag-alala. Hindi muling nagsalita si Amanda, nilibot niya lang ang paningin sa buong kwarto. "U-uuwi na 'ko," sabi niya, sabay tanggal sa bagay na nakalagay sa bibig niya. "W-what? You're not yet ok," pigil sa kanya ni Arthur pero tumayo pa rin siya na siya namang ikinat

