"Ano? Hindi pwede? Bakit? Bakit hindi pwede? May pumipigil ba sa 'yo, ha?!" sigaw ni Arthur. "Nakikiusap na nga ako. Binibigyan na kita ng isa pang pagkakataon pero bakit... hindi pa rin pwede? B-bakit?" pahina nang pahina ang kanyang boses, nanlulumo sa narinig. Nang magsisi si Arthur sa ginawa, ang una niya agad naisip ay humingi ng tawad sa asawa, suyuin ito para magkabalikan sila dahil excited si Arthur, may mga plano na agad siyang naisip para sa kanila. Naisip niyang kapag nagsama muli sila ni Amanda sa iisang bubong ay pagsisilbihan niya 'to, paglalaanan niya 'to ng oras para hindi siya magkulang. Kung kailangan niyang hindi pumasok sa trabaho o iwan muna 'yon, gagawin niya makasama lang ang asawa. Gusto niya 'tong ipagluto sa umaga, gusto niya 'tong maka-bonding, gusto niyang gawi

