Flashback...
"Tay! Kumusta ho kayo? Na-miss ko kayo, ha!" masayang sabi ni Amanda sa ama. Sinalubong naman siya nito nang isang mahigpit na yakap nang makalapit ito sa kanya.
"Nako, ang anak ko! Maayos naman ako rito. At na-miss ka rin ng tatay!" masayang tugon din nito sa kanya nang humiwalay na sila sa yakap. Hindi pa rin mawala ang ngiti nila sa kanilang mga labi.
"Aba'y akin na 'yang bag mo." sabay kuha nito sa bag ni Amanda na nakasukbit sa likod niya, "Alam kong pagod ka, kaya ako nang magdadala nito."
"Salamat po, tay." saka na sila pumara ng isang tricycle pabalik ng mansyon, kung saan nagtatrabaho ang tatay ni Amanda.
Galing pa si Amanda sa probinsya nila ng tatay niya. Lumuwas lang siya ngayon dahil gusto nitong tulungan ang ama sa trabaho nito sa mga Dela Vega. Maaga siyang umalis kanina para maaga rin siyang makarating. Ayaw niya kasing masyadong makaabala sa tatay dahil baka kapag nagpasundo ito ay oras naman ng trabaho ng ama niya. Pero mabuti na lang at wala ang mga amo nito ngayon kaya ok lang, free ang oras ng ama niya ngayon.
"Wow! Ang laki naman po pala talaga ng bahay ng mga amo niyo, Tay! Ang yaman!" manghang sambit ni Amanda nang makita kung gaano kalaki ang mansyon na pinagtatrabauhan ng kanyang ama. Literal na napaawang ang bibig niya habang tinitignan ang kabuoan ng mansyon.
"Nako, hindi lang talaga sila mayaman, mayaman na mayaman sila. At wala pa 'yan kapag pumasok ka na riyan. Malawak pa 'yon sa loob, anak. Gusto mong makita?" Mabilis na tumango si Amanda sa sinabi ng Ama.
Excited siya dahil first time niya 'to. First time niyang makakita sa personal ng malaking-malaking bahay. Sa tv o kaya naman sa mga pictures lang kasi niya nakikita ang mga 'yon. May mga malalaki na bahay na rin naman siyang nakita pero mas malaki ang isang 'to, sobrang laki, para bang kahit isang barangay ay pwedeng tumira rito. At malaki pa 'to sa tinitirahan niya sa Maynila. Maliit na apartment lamang kasi ang tinutuluyan niya roon. Plus, wala pa 'yong kuryente dahil tinitipid niya ang perang ipinapadala ng ama niya sa kanya at sakto lamang din 'yon, less gastos na rin kumbaga. Hindi naman din siya maarte kagaya ng iba kaya ok na sa kanya 'yon, ang importante ay humihinga siya, 'yon ang lagi niyang sinasabi. Tamang gamit lang siya ng kandila, pamaypay at makakain lamang 'yon ang mas mahalaga para sa kanya.
Nang pumasok na sila sa malaking gate, mas lalo siyang namangha. May fountain sa labas, nakagitna ito sa dinaraanan. Sa right side naman ng mansyon ay may malawak na graden, pag-aari 'yon ng babaeng amo ng kanyang ama. Marami pa siyang nakita na ibat-ibang palamuti. Maraming puno at mga halaman sa paligid. Malaki rin ang space ng bahay. May mga pasikot-sikot, kung hindi mo tatandaan pwedi kang maligaw. Sa labas naman ay abala ang mga trabahador sa kanya-kanya nilang mga gawain. Nakipagkilala rin si Amanda sa mga 'to para kapag pumupunta siya rito ay komportable siya sa mga taong makakasalubong niya, hindi na siya mahihirapan pang makipag-socialize, medyo may pagkamahiyain pa naman siya.
"Oh, anak, huwag kang kung saan-saan pumupunta, ha? Strikto ang mga amo ko, baka mapagalitan tayo," paalala ng ama kay Amanda habang naglalakad sila. Tumango-tango naman si Amanda bilang pagsagot.
"Huwag po kayong mag-alala, tay. Kung saan po kayo ro'n lamang din po ako," pagsisigurado niya habang hindi pa rin tinatanggal ang tingin sa mga magagandang view sa paligid.
"Saka nakakatakot nga pong maglibot-libot dito, maski nga po ang humawak yata ng mga makita ko ay nakakatakot, baka magmakali po ako ng galaw at pareho tayong madali. Kaya asahan niyo, tay, behave lang ang anak niyo," aniya.
"Mabuti naman kung gano'n. —Ay, parating na din pala niyan ang mga amo ko. Kapag nakita mo ang isa sa kanila ay ngumiti ka lang bilang paggalang," muling tumango si Amanda sa habilin ng ama.
"Masusunod po, Tay!" nag-salute pa ito.
Nasa garden ang mag-ama, nagtutulungan na linisin at tanggalin ang mga nalaglag na patay na dahon ng mga bulaklak nang may bumusina ng ilang beses sa labas. Napatayo ang ama ni Amanda sa pagkakayukod nang marinig 'yon, nagawi ang tingin nito sa malaking gate bago niya hinarap ang anak.
"Andiyan na siguro ang mga amo ko, anak. Ang sinabi ko, ha?" muling paalala niya kay Amanda sa mga ibinilin niya kanina. Agad-agad naman na tumango si Amanda saka na sila nagpunta malapit sa gate para salubungin ang mga bagong dating. Gaya rin ng laging sinasabi ng ama ni Amanda sa kanya, kapag nakikipag-usap ka, dapat may paggalang at nakangiti, hindi nakasimangot, kaya naman malapad ang ngiti niya habang hinihintay na makita ang mga amo ng ama niya.
Nang makapasok namam ang malaking sasakyan sa loob, lahat ng mga trabahador ay nag-isang linya saka sila sabay-sabay na yumuko bilang paggalang sa kanilang mga amo. Nakita 'yon ni Amanda kaya naman nakisabay din siya. Gano'n kasi ang gustong treatment ni Donya Annalisa para sa kanilang mag-asawa, nirerespeto dapat at ginagalang na parang hari at reyna ng mga tauhan nila. Ayaw nito na feeling close ang mga hindi naman nila kapamilya, inshort ayaw nilang magkaroon ng connection gaya ng pakikihalubilo sa mga trabahador lang. Kung ngang makipag-usap ang mga 'to ay tipid lang kung sumagot, para pang napipilitan.
"Magandang araw po, ma'am, sir," bati ng mga tauhan sa kanila bago sila bumalik sa kanilang mga trabaho, tumango lang naman ang mag-asawa. Sunod naman lumapit ang ama ni Amanda, siya naman ang bumati ng magandang araw saka ipinakilala ang anak niya.
"Ang anak ko ho pala, ma'am, sir," masayang turo nito kay Amanda na katabi niya sa kanyang gilid. Tinanggal naman ni Senyora Annalisa ang kanyang shades at tinignan niya si Amanda mula ulo hanggang paa gamit lang ang mga mata niya, hindi gumalaw ang ulo nito, tanging tingin lamang. Bigla naman napayuko si Amanda sa mga tinging 'yon ng Senyora sa kanya. Ang malapad nitong ngiti kanina ay nawala. Iba kasi kung makatingin sa kanya ang Senyora, para bang nanghuhusga ang mga mata nito. Pero tinanggal niya 'yon sa kanyang isipan, baka gano'n lang talaga tumingin ang Senyora Annalisa.
"H-hi po, m-ma'am, s-sir. M-magandang araw po sa inyo," utal na bati ni Amanda, nahihiya siya pero ngumiti pa rin siya nang pilit.
"Magandang araw din, hija," pormal at walang emosyon na tugon sa kanya ng Senyora.
"Hindi na kami magtatagal, kami ay papasok na muna at pagod ako sa byahe. Maiwan na namin kayo," paalam at agad na dugtong ng Senyora sa kanyang sinasabi.
Hindi alam ni Amanda kung gano'n lang ba talaga magsalita ang babae, seryoso at casual ang boses nito. Para ring sa tono nito ay ayaw niyang nakikipag-usap lalo na sa isang katulad niya. Pansin din 'yon ng kanyang ama pero hinayaan na lang din nito.
"Gano'n ho ba talaga 'yong amo niyo, tay? Nakakatakot po, mukhang mataray, eh," natawa ang ama ni Amanda sa kanya. Muli silang bumalik sa ginagawa nang tuluyan nang pumasok ang mag-asawa sa mansyon para magpahinga galing sa mahabang byahe.
"Oo, Anak. Gano'n talaga si Senyora Annalisa. Pagpasensyahan mo na lang. Medyo hindi talaga siya nakikihalu-bilo sa mga trabahador. At gano'n talaga ang treatment niya, medyo hindi ko maipaliwanag, mahirap ipaliwanag. Siguro, syempre, dahil sa anak mayaman siya kung kaya't gano'n siya kung umasta. Pero hayaan mo na, huwag mo na lang pansinin. Sanayin mo na lang ang sarili mo simula ngayon. At saka, maging magalang ka pa rin sa kanya, baka kapag tinarayan mo ay palayasin tayo rito, grabe pa naman 'yon kung magalit," wika ng ama.
Gano'n talaga ang Senyora, ayaw nitong nakakalapit o masyadong nakikipag-usap sa mga tauhan lang. Parang sa sarili nito ay hindi siya nababagay na makisama sa mga gano'ng tao, sa mga low class, sa mga mahihirap. Kaya sa tuwing pupunta sila sa isang charity o kung may kailangan silang tulungan na mahihirap ay tinitiis niya lang para hindi makita ng ibang tao na nandidiri na siya sa mga nakapalibot sa kanya. Tanging ang asawa lang nito, si Richard ang siyang nakikipag-usap sa iba, ito ang sumasalo sa kanya kumbaga.
"Buti nagtagal ho kayo rito, tay?" natatawang sambit ni Amanda, nakitawa rin ang ama.
"Anak, sa panahon ngayon mahirap ang maghanap ng trabaho lalo pa sa katulad ko na hindi nakapagtapos ng pag-aaral dahil sa kahirapan natin. Maswerte na nga lang ako rito at natanggap pa ako. At least, may makakain pa rin tayo. Makakaraos pa rin tayo sa araw-araw kahit papaano," May punto ang ama niya. Malaking tulong pa rin ang sinasahod nito para sa kanila.
Pero, kahit nakakaraos sila ay pinili na muna ni Amanda na tumigil sa pag-aaral. Ayaw niya kasing maging pabigat sa kanyang ama dahil tumatanda na rin ito at lagi pang nagkakasakit. Kaya rin lumuwas siya ay dahil doon, gusto niya 'tong tulungan, gusto niyang magtrabaho nang kumita rin siya nang malaking pera. Ipinangako naman niya sa sarili niya na kapag naging komportable na ang buhay nila at hindi na masyadong nahihirapan, ipagpapatuloy nito ang pag-aaral niya. Maraming pangarap si Amanda at isa na nga ro'n ay ang makapagtapos talaga, pero sa ngayon pass na muna talaga siya. Kailangan din niyang kumayod para makaipon. May oras pa naman sa pag-aaral, hindi naman 'yon umaalis.
"Pero, maiba po tayo ng usapan, tay. May anak na po ba 'yong mga amo niyo? Eh, ang laki-laki po ng bahay na 'to pero parang ang kaunti lang ng mga nakatira. Sila lang po bang mag-asawa ang nakatira rito?" tanong nito habang nakatingin sa malawak na mansyon.
"Oo, may anak sila, lalaki. 'Yon nga lang ay hindi masyadong lumalabas, lagi lang itong nasa kwarto niya. Lalabas lang 'yon tuwing gabi o kaya naman 'pag gusto niya. Ayaw niya kasing nakikita siya kung kaya't kapag wala nang tao na nakalabas sa mansion nila ay doon siya nagga-gala,"
"Ah," Amanda's mouth formed an 'a'.
"Aba'y, teka nga, bakit mo tinatanong, ha? Bakit bigla yatang na-curious ang anak ko?" nang-aasar ang boses ng ama nito. Pigil siyang ngumiti kahit hindi naman dapat.
"A-ano po? H-hindi, ha!" depensa agad niya, "Ito namang si tatay, parang nagtatanong lang, eh, agad naman nilalagyan ng malisya. Huwag naman ho gano'n, tay!"
"Eh, bakit pinamumulahan ka?" Biglang nanlaki ang mga mata ni Amanda sa tanong na 'yon. Agad niyang hinawakan ang mukha, kinapa-kapa 'yon.
"Aysus, oo, ako'y nagbibiro lamang anak," natawa na lang ang ama nito sa reaksyon niya. Niloloko lamang siya ng ama.
"Si tatay talaga!"
"Matulog ka na, Anak. Alam kong napagod ka pa lalo dahil tinulungan mo 'ko sa mansyon kanina. Wala ka pang paghinga simula kaninang dumating ka kaya magpahinga ka na ngayon," sabi ng ama nang makapasok na sila sa munti nilang tahanan.
"Opo, Tay. Huwag niyo po akong alalahanin, kaya ko po 'yon, 'no? Kayo po ang magpahinga, mas pagod po kayo kaysa sa akin. Kaya matulog na rin po kayo." tugon naman ni Amanda saka pumasok sa isang kwarto.
"O sige na, matutulog na 'ko dahil inaantok na rin ako," paalam ng ama bago ito pumasok sa kabilang kwarto ng tinutuluyan nila. Dalawa ang kwarto roon, may kaliitan pero tama lang para sa kanilang mag-ama.
"Sige po, tay. Goodnight po," huling sabi ni Amanda bago humilata sa kama. Nang maramdaman na nito na dinadalaw na siya ng antok ay ipinikit na niya ang mga mata niya at tuluyan na ngang nakatulog.
"Tay, dinalhan ko po kayo ng banana cue," sabay pakita ni Amanda ng dala niyang pagkain. Kadarating pa lamang nito sa mansyon, nauna lang ang tatay niya sa kanya kanina pa.
"Nako, nag-abala ka pa. Pero salamat. —Nga pala, anak, si Sir Arthur, siya 'yong sinasabi kong anak ng amo ko," tukoy at pagpapakilala ng ama sa katabi niya. Nabaling naman ang tingin ni Amanda sa lalaki na kanina ay hindi niya napansin. Nakatingin ito sa kanya nang tignan niya 'to. Nagulat siya ro'n dahil kung makatitig ang lalaki sa kanya, wagas, para bang may kung ano sa titig nito na hindi niya malaman kung ano ba talaga 'yon.
"H-hmm," tumikhim ito na siyang ikinatanggal ng tingin sa kanya ni Arthur.
"Hello ho, sir. Magandang araw po! Ako nga po pala si Amanda," paunang salita nito. Umayos naman ng tayo si Arthur saka muling tinignan si Amanda.
"Nice to meet you, Amanda," sabay lahad nito ng kamay niya. Hindi 'yon inaasahan ni Amanda. Tinignan niya ang ama, nanghihingi ng permiso kung pwede bang hawakan ang kamay ng amo niya. Pasimple naman na tumango ang ama niya na siya namang sinunod nito. Ayaw naman niyang ipahiya si Arthur, kaya dahan-dahan niya ring inilahad ang kamay niya para tanggapin ang pakikipagkamay ng lalaki sa kanya pero mabilis lang 'yon, nahihiya siya.
Ngunit ang tingin ni Arthur sa kanya ay hindi nawawala, parang siya ang nawawala, nawawala sa sarili. Nang makita nito si Amanda ay para siyang naestatwa sa kinatatayuan niya. Ang puso niya ay biglang tumibok nang mabilis at para bang naging mabagal ang mga nasa paligid. Hindi niya alam kung ano 'yong naramdaman niya pero para itong nabighani sa gandang meron si Amanda. At mas lalo pa ngang kumabog ang dibdib niya nang matitigan nito ang mga mata ni Amanda, ang maganda nitong itim na mga mata na siyang nakapukaw ng atensyon niya, para siyang na-lock doon kung kaya't hindi siya makalabas, hindi makawala na kung saan handa naman siyang mabilanggo roon. Idagdag pa nang nahawakan nito ang malambot niyang kamay, mas lalong nag-alboroto ang puso niya. Nabitin pa nga 'to dahil ang bilis lang niya 'tong nahawakan, parang gusto niya tuloy ibalik ang oras.
"Ahmm, sige ho, Sir Arthur. Marami pa ho akong gagawin, mauna na po kami ng anak ko," magalang na sabi ng ama ni Amanda kay Arthur.
"A-ahmm, pwede ko ba siyang mahiram sandali? Ahmm, I-I mean, may pupuntahan ako, baka pwede ko siyang isama dahil wala akong kasama," anito. Nagkatinginan ang mag-ama sa sinabing 'yon ni Arthur. Biglang kinabahan si Amanda, bukod sa hindi pa niya 'to kilala ay bakit siya? Nagtatanong ang isip niya, pero dahil anak siya ng amo nila at nasu-swelduhan naman sila ay bakit niya 'to tatanggihan?
"Wala pong problema, Sir Arthur. —Anak? Ikaw na ang bahala, ha? Mag-ingat kayo kung saan man kayo pupunta," huling sabi ng ama bago niya iwan ang dalawa habang dala nito ang pagkaing dala ng anak niya. Tumango lang si Amanda pero hindi siya makapagsalita.
"So, let's go? Maaga pa naman, may alam akong pwede nating puntahan," anyaya ni Arthur. Mababakas ang excitement sa boses nito. Wala naman talaga siyang pupuntahan, at mas lalong wala siyang balak umalis pero parang nagbago ang ihip ng hangin dahil bigla gusto na niyang lumabas, lumabas kasama si Amanda.
"S-saan po, s-sir? Pasensya na po, medyo naiilang pa 'ko sa inyo, ha," nakayukong wika ni Amanda. Sobra talaga siyang nahihiya, isang yayamanin ba naman ang kasama niya. Pero bukod do'n, biglang nanikip ang dibdib niya, hindi siya makahinga sa presensya ni Arthur. Kanina namang umaga ay ayos naman ang pagtibok ng puso niya, pero nang mahawakan nito ang kamay ni Arthur ay biglang nagkabuhol-buhol 'yon na parang isang linya. Napapatanong na lang siya sa sarili niya, ano ba 'tong nararamdaman ko? Bakit ngayon ko lang 'to naramdaman? Sa buong buhay ko, hindi ko pa na-feel ang ganitong pakiramdam, ngayon lang nang mahawakan ko ang isang Arthur. Ano ba'ng nangyayari sa akin?
"It's ok, I understand. At huwag mo na 'kong i-po, mukha namang hindi nagkakalayo ang edad nating dalawa. Saka mo na lang sabihin 'yan kapag nasa paligid natin ang pamilya ko, pero kapag tayo lang dalawa you can call me by my name or you can call me Art,"
"O-ok, sir ay este Arthur or A-Art," lihim na natawa si Arthur sa kanyang isipan.
"You ok? Para kang nanginginig, ha? Don't worry, I won't bite," natatawang wika nito. She looks intense kaya naman natatawa si Arthur sa reaksyon niya. Sinulyapan siya ni Amanda tapos mabilis na umiwas muli ng tingin.
"Tara na," Hindi na siya hinintay pa ni Arthur na magsalita, nauna na itong naglakad palabas ng gate saka pumara ng tricycle nang makakita ito. Ilang segundo naman na natulala si Amanda, kung hindi lang siya tinawag ni Arthur ay hindi siya babalik sa huwisyo.
"Nagt-tricycle po kayo? Ay, I mean Arthur," hindi makapaniwalang tanong ni Amanda sa lalaki. Nagkibit balikat lamang si Arthur.
"Bakit? May masama ba sa pagsakay ng tricycle?" takang tanong nito.
Kapag lumalabas si Arthur, lagi siyang sumasakay sa gano'ng transportation, bihira lang kasi siyang makasakay non dahil pinagbabawalan siya ng ina, may sasakyan naman daw sila at bakit hindi 'yon ang gamitin niya. Pero dahil bihira lang na magdesisyon para sa sarili niya si Arthur dahil kontrolado lahat ng magulang niya ang mga gusto nito, wala na siyang pakielam, minsan na lamang nga siyang magdesisyon para sa sarili ay ipagkakait pa ba ng iba. Basta masaya siya he will go for it.
"W-wala naman, b-baka lang kasi hindi kayo sumasakay niyan--"
"Hindi ko 'to paparain kung hindi ako sumasakay," natatawang tugon nito.
"Tama nga naman," napakamot na lang ng ulo si Amanda.
"Huwag nang maraming tanong, tara na," tumango si Amanda sa sinabi nito. Agad siyang pumunta sa likuran ng tricycle. Akmang uupo na siya nang lapitan siya ni Arthur na may pagtataka sa kanyang mukha.
"What are you doing?"
"Sasakay?" patanong na sagot nito.
"Gusto mo bang mahulog?" iritadong tanong nito. Nagtaka si Amanda sa inasta niya, hindi na lang niya pinansin, baka guni-guni niya lang 'yong naiisip niya.
"Ok lang naman ako kung dito ako. Sanay naman ako. Pumasok ka na ro'n—"
"No!" he cut her off, "Doon ka sa loob," sabay hablot sa kamay nito at hinila siya patungo sa loob ng tricycle. Aalma pa sana si Amanda pero nauna na siyang pinapasok ni Arthur kaya wala na siyang nagawa pa.
"Next time, huwag ka nang sasakay sa likod, delikado. Paano kung madisgrasya ka?" Hindi alam ni Amanda kung ano'ng ire-react niya kay Arthur. Sa itsura nito ay para itong protective sa pananalita niya. Bigla tuloy siyang nakaramdam ng paglipad ng kung ano sa loob ng tiyan niya at hindi niya maiwasang mapatitig dito. At lumakas na naman ang kabog ng dibdib niya dahil sa 'di malamang dahilan.
Bakit gano'n? Kapag titingin lang ako sa mga mata niya ay biglang titibok nang malakas 'tong puso ko? What is the meaning of this? May meaning nga ba? Ilan 'yan sa mga tanong ni Amanda sa kanyang isipan. Hindi na talaga niya alam kung ano ang nararamdaman niya ngayon. She don't have any idea kung ano na ba talaga ang nararamdaman niya.
"O-ok," 'yon na lang ang nasabi nito habang 'di pa rin inaalis ang tingin kay Arthur, hindi niya alam kung ano'ng tamang isasagot. Nakatingin naman din ang lalaki sa kanya. They looking each other while their heart beats so fast. Pagtibok ng puso na ngayon lang nilang pareho naramdaman. Pagtibok ng puso para sa isa't isa.
"So, ano'ng kwento ng buhay mo?" pagtatanong ni Arthur habang kumakain sila sa isang gotohan. Ito ang lugar na laging pinupuntahan ni Arthur, tambayan niya kapag gusto niyang magpalamig. Nilunok naman muna ni Amanda ang kinakain bago sumagot. Kanina pa rin sila nagku-kuwentuhan, parang naging komportable sila sa isa't isa dahil do'n.
"Kwento? Ng buhay ko? Ano naman iku-kwento ko?" natawa ito sa huling sinabi. Wala siyang maisip, parang wala naman siyang maiku-kwento.
"Yes. Like your real name, about your family, school, age, hobbies? And, ahmmm . . . boyfriend?"
"Ahmm, Amanda, Amanda Thomas ang totoo kong pangalan. Walang middle name, naka-pangalan kasi ako kay Tatay. Sa family naman? Ahmm, ayon, kami na lang ni tatay, wala na kasi si mama, nang mag-abroad ito ay di na siya..." hindi niya agad nadugtungan ang sinasabi, parang 'di niya mabigkas ang gusto niyang sabihin kaya parang alam na ni Arthur kung ano 'yon kaya naman...
"I'm sorry, just answer the other questions,"
"Ok... Sa school naman, nag-stop muna 'ko, medyo mahirap kasi ang buhay namin ngayon ni papa compared sa iba. Gustuhin ko man, pero kailangan ko siyang tulungan. Saka ko na lang muna iisipin ang pag-aaral. Age ko naman? Sikreto lang 'yon pero sige, 20. Matanda na 'ko," saka ito natawa nang mahina, "Hobbies naman, mahilig akong magsulat nang bata ako, 'yon lang. About naman sa boyfriend? 'Di ko nga alam 'yon, eh. Never pa 'kong nagkaroon non," sabay subo niya ng lugaw.
"Hindi ka pa nagkaka-boyfriend? As in never? So you're lips and all of you are still virgin?" agad-agad na tanong nito. Muntik nang mabulunan si Amanda sa tanong na 'yon.
"Ano bang tanong 'yan? Pero oo, ayaw maniwala? I never been in a relationship, may mga nanliligaw dati nang nag-aaral pa ako pero wala pa 'yon sa isip ko. At saka, parang ang bata ko pa para sa gano'ng bagay. At parang hindi ko pa rin alam kung paano ba ang pagmamahal na 'yan, 'yang pagi-pag-ibig na 'yan. Ni hindi ko nga sure o alam kung paano ko malalaman kung in love o nahulog ka na ba talaga sa isang tao, eh."
Sa edad na bente ni Amanda, hindi niya pa talaga alam ang tunay na pag-ibig. Parang kahit na may nanliligaw sa kanya ay hindi niya alam kung pag-ibig ba o pagka-gusto lamang ang nararamdaman niya. Wala pa talaga siyang alam. She's naive when it comes to that thing.
"Nasagot ko na lahat ng tanong mo, ikaw naman. Ano'ng kwento ng buhay mo?" tanong nito pabalik kay Arthur. Curious din ito kung ano nga ba ang buhay ng isang Dela Vega.
"It's taste like hell," kumunot ang noo ni Amanda sa agarang sagot nito. Wala ring gana nang sabihin 'yon.
"Taste like hell? B-bakit naman?" she asked out of curiosity. Arthur sighed heavily before answering.
"Alam mo 'yong nasa iyo na ang lahat pero hindi mo naman kailangan, at ang gusto mo lang ay kalayaan?" Hindi nagsalita si Amanda, naghihintay lang siya sa susunod nitong sasabihin.
"Ang akala ng iba, porke mayaman ka at isa kang Dela Vega ay pasarap lang ang alam mong gawin sa buhay, ang hindi nila alam na may pinagdadaanan ka rin. Alam mo ba kung ano ang buhay ko bilang anak ng isang Dela Vega? Kontrolado, kontrolado nila 'ko sa lahat ng bagay, Amanda. 'Yong tipong wala kang magawa dahil kailangan mong sumunod sa mga utos nila. Like good children can't say no to their parents. At wala man lang akong magawa ro'n, hindi ako maka-hindi. Ang tingin ko tuloy sa sarili ko ay mahina, walang kwenta, na hindi ko man lang maipaglaban ang sarili ko, 'yong mga gusto ko, na sa edad kong 'to hinahayaan ko pa rin sila na kontrolin ako sa mga bagay na ako na dapat ang nade-desisyon. At alam mo pa ang masakit? Gusto pa nila akong itali sa babae na ni katiting na pagmamahal ay wala ako. 'Yan ang buhay ko, buhay na pinapangarap ng iba na siya namang ipinapanalangin kong wala ako."
Nagulat si Amanda sa mga nalaman. Ang akala niya, masarap ang buhay ng isang Dela Vega, pero nagkamali siya nang marinig nito ang kwento ni Arthur. Halo-halo ang bumalot na emosyon sa puso niya, naroon ang lungkot at awa para sa lalaki. Now, she realized na kahit ang pinakamayaman pa na tao sa mundo ay nakakaranas pa rin ng problema na nararansan ng mga katulad niya. Hindi man para-pareho ang problema, pero pare-pareho nating nararasan ang sakit. We're all suffering in pain. We're all suffering in failure. We're all suffering in everything.
"Nakakalungkot namang . . . marinig 'yan. Pasensya na kung tinanong pa kita," napayuko si Amanda habang nakatitig sa pagkain, nawalan siya bigla ng gana. Naawa siya kay Arthur.
"Don't think about that, let's move on. Gumaan nga ang pakiramdam ko, eh, nawala 'yong bigat. To be honest, sa 'yo ko lang sinabi ang mga 'to. I don't know, maybe I'm comfortable with you. I'm comfortable to share it with you. And I'm comfortable talking to you," napaangat ng tingin si Amanda. Ang pagbigkas kasi ni Arthur sa mga salitang 'yon ay para bang galing sa puso, malaman at sincere.
"B-bakit sa akin? Wala ka bang mapaglabasan mo ng mga problema? Wala ka bang kaibigan?"
"I only have 1 friend, kaya lang hindi pa siya bumabalik dahil nasa states pa siya. Pero, pwede ko naman sigurong sabihin sa 'yo ang mga problema ko habang wala pa siya, hindi ba? We're friends right now, so, sa 'yo ko muna ilalabas lahat."
"Friends? Tayo?" hindi ito makapaniwala. Hindi niya inaasahan na may gustong makipag-kaibigan sa kanya. Nang nasa Maynila siya, lahat ng mga kababaihan ay ayaw sa kanya, marahil ay nainggit sa gandang meron siya. They're insecure with their self kaya naman lumalayo sila kay Amanda.
"Hmm, yes. Bakit, ayaw mo?"
"Hindi. I-I mean, oo, ok, sige . . . friends," saka niya 'to nginitian.
Nang matapos silang kumain, marami pa silang pinuntahan. Kumain sila sa mga street foods, pumunta sila sa mall, naglaro sila at kung ano-ano pa ang ginawa. At hindi na nga nila namamalayan ang oras dahil masyado silang nag-enjoy kaya naman ay ginabi na sila ng uwi.
"Arthur?!" sigaw 'yon mula sa ina ni Arthur na si Senyora Annalisa. Nasa tapat ito ng gate at hinihintay si Arthur. Kinabahan naman bigla si Amanda dahil parang galit ang Senyora sa kanya dahil tinignan siya nito nang may galit sa mga mata pero wala naman siyang sinabi sa kanya o tinanong.
"Sumunod ka sa akin, Arthur," sabi ng Senyora habang nandoon pa rin ang galit sa boses nito. Nauna na rin itong maglakad at hindi na sila nilingon pa.
"Sige na, papasok na 'ko. And thank you for this day, I enjoy it . . . nang kasama ka," huling sabi nito bago sumunod sa ina niya. Natulala naman nang ilang segundo si Amanda kaya hindi na siya nakapagsalita pa. Parang sirang plaka na nagpa-ulit ulit sa utak niya ang huling sinabi ni Arthur kaya naman tinignan niya lamang itong maglakad palayo.
Biglang gumulo sa isipan niya ang sinabi ni Arthur, para bang may meaning 'yon nang sambitin niya. Pati sistema ni Amanda ay nakikisabay. Napahawak siya sa puso niya at nasabi na lang ang . . .
"Ano bang meron ka? Bigla mo na lang ginulo ang lahat sa akin. Hindi ko maintindihan . . . ano 'tong nararamdaman ko?"